“The jury decided to drop this case as a punishment. We will move the hearing next week." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang maririnig ko sa babaeng tumayo sa harapan. Halos mag-apoy ang mga mata ni Sebastian nang maibalik ko ang titig rito.Katulad ng inaasahan, bumakat na naman ang kaniyang mga daliri sa braso kong kanina pa namamasa. “What do you think you're doing, huh? You shouldn't do that. Look what you've done!" saad nito. Bakas sa kaniyang pananalita ang pagkagigil sa akin.Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang mas dumiin pa ito nang tangkain kong pumiglas. “Aray ko! Bakit ba ayaw mong magtiwala sa akin? Narinig ko nga ‘yan na may kausap sa lo—" Napaatras ako nang suntukin niya ang pader dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.“I said, enough! Amelia, you've ruined it. You shouldn't be caring about it. How many time do I have to freaking say to you that I can handle myself? Is it difficult to understand?" Mayroon nang namumuong dugo s
NOTE: SPG“Ba-Bakit mo ibinalik ang pera ni Mr. Vérmudez nang ganoon na lang? Ano bang nasa isip mo?" Ibinagsak ko ang katawan sa couch. Nang makaramdam ng pagbigat ng batok ay isinandal ko ito sa malammbot na unan na dagan-dagan ng aking likuran. Humugot ako ng malalim na hininga nang itaas ang tingin sa puting kisame. Mariin akong napapikit nang makaramdam ng paglabo ng paningin. “I don't need them." Narinig kong saad niya. Nang maibukas ko ang mga mata ay tumama ang paningin ko sa kaniya. Hinahagod ng matalim nitong mga mata ang buo kong pagkatao na para bang may ipinapahiwatig sa ‘kin. koIniayos ko ang upo nang maramdam upang nagsita asan ang iilang hibla ng buhok ko sa mga titig niyang iyon. Idiniretso ko ang likod at patagilid na tiningnan ang unan nang marahan itong bumagsak.koNagsalubong ang mga kilay kong kinilatis ang buong pagkatao niya. “Anong hindi? Sebastian, hindi man ako maalam r mga gan'yang negosyo ay alam kong kailangan mo sila. H'wag mong idinadaan sa yaman a
Umugong ang tenga ko nang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi na nagdulot ng awtomatikong pag-atras ko. Nalaglag naman ang panga ko nang hawakan ang kanang bahaging parte nito nang makaramdam ng pag-kirot na paniguradong nagkaroon pa ng bakas.“Huwag ho, maawaa na kayo!" Sa kabila ng panginginig ng buong katawan ay hindi ko inaasahan ang pag-bukas ng bibig ko para magmakaawa. Nagmistulang kutsilyo ang titig nito sa akin. Naliligo sa pawis ang mga palad ko nang ikapit ko ito sa kabilang braso. “Maawa? Naglolokohan ba tayo rito? Ikaw ba, naawa ka ba sa ‘kin nong ipinahiya mo ako kanina sa labas? Wala ka talagang magandang dulot sa akin!" Halos mapatalon ako sa pagkagulat nang marinig ang mala-bombang sumabog na bulyaw nito sa akin. Sumulyap ako sa mga bubog na nagkalat sa sahig at mariing namang napalunok nang magtama ang paningin naminh dalawa.Yumuko na lamang ako. Hindi ko kayang titigan ng matagal ang mga mata nitong mas masahol pa sa kumukulong tubig ang init.“Pasensya
Naibaba ko ang suklay nang magtama ang paningin namin matapos itong iluwa ng pintuan. Panandalian ko na lang ipinikit ang mga mata.“Nakuha mo pa talagang tingnan ako sa mga mata ko, ‘no? Tumayo ka d'yan at linisin mo ‘yang mga kalat bago ko pa ipakain sa ‘yo iyan." Tumango na lamang ako sa kaniya. Wala akong lakas ng loob para tingnan ang mga mata nito dahil halos bangungutin ako ng gising sa t'wing nakikita ang madilim niyang mukha.Nakatatak na roon sa mala-aso niyang mukha ang kasamaan.Kahit kailan. Kahit alam naman niyang wala akong ginagawang masama ay ganito ang pakikitungo niya sa akin. Mas masahol pa sa demonyo ang ipinakikita nitong ugali sa akin. “P-Pasensya na ho ulit," mahinang bulong ko. Pinakinggan ko lang ang tunog ng mga mabibigat na hakbang nito hanggang sa makalayo sa akin.Inaamin ko na may kasalanan ako ngunit hindi ko lubusang maisip kung bakit halos ibunton niya sa akin ang lahat. Hindi naman niya kailangang parusahan ako ng ganito. Tumayo ako mula sa kinau
Naguguluhan ang isip ko nang marahan kong ibinalik ang paningin sa monitor at matamang pinagmasdan ang mga lalaking hayok na hayok sa laman. Humugot ako ng isang malalim na paghinga nang nagmistulang blangkong papel ang isipan ko. Hindi manlang ako nakapagsalita na animo'y tinakasan na naman ng boses.Delikado. Alam kong posibleng mangyari ito sa akin kung tatanggapin ko ang inaalok nito ngunit natatakot din naman ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin kapag umuwi akong walang napala.“Hoy, bruha ka! Huwag mong sayangin ang oras ko dahil kahit pa kinausap na ako ng tiyahin mo patungkol dito ay gusto kong sa ‘yo mismo manggaling ang desisyon. Mahirap na, madumi pa naman ang isip ng tiyahin mong si bruhilda!" Nakapameywang pa ito nang tapunan ko ito ng tingin atsaka mataray na hinawi ang buhok. Mariin na naman akong napalunok nang makita ang malalaking halaga ng perang ipinapamaypay niya sa sarili. Nagniningning ito sa aking paningin na kasing-tulad ng bituwin sa kalawakan. Hind
“Mga tarantado, magsilayas kayo rito!"Isang malakas na tinig ang pumukaw ng atensyon ko matapos kong makababa ng sasakyan. Mariin pa akong napapikit nang bulagin ako ng mataas na sinag ng araw.Kumunot ako ng noo at marahang tinapunan ng tingin ang kinaroroonan ng tinig. Nalaglag naman ang panga ko nang makita ang mga puto na nagkalat sa sahig.Nasapo ko ang dibdib nang panandaliang mapatingin sa paligid, hindi maipagkaka-ila na hindi nakakuha ng atensyon ang pangyayari. Hinigpitan ko ang hawak sa bitbit na bayong atsaka kumaripas ng takbo papalapit dito.“Okay lang ho ba kayo?" nag-aalalang tanong ko matapos itong pantayan ng upo. Nadurog ang puso ko nang magtama ang paningin namin ng matandang babae. Nakapinta sa mukha nito ang sakit. Hindi man lang ito kumibo sa akin at sinimulan ang pagpulot sa kaniyang mga paninda.“At ikaw na pokpok ka, anong ginagawa mo rito?"Suminghal ako nang marinig ang litanya ng babaeng unggoy sa harapan ko. Mataman kong kinilatis ang buong pagkatao nit
“Shit." dinig kong bulong nito.Maihahalintulad ko ang boses at pamimikas mito sa isang sundalo. Nakapalikod sa pananalita nito ang pagiging estrikto. Buong-buo ang boses niyang nanaig sa pandinig ko.Nakita ko pa ang pag-irap nito sa akin bago buksan ang pintuan at tuluyang sumakay sa kotse at simulang buksan ang makina nito.Nagmistulang dumaan ang anghel sa harapan ko dahil hindi manlang ako nakagalaw kaagad sa aking kinatatayuan. Pinagmasdan ko lamang itong bumarurot papalayo sa akin, wala salitang nakuhang kumawala sa bibig ko.Nabalik na lamang ako sa wisyo nang mapansing nakuha ko na naman ang atensyon ng mga tao sa paligid. Hindi katulad kanina'y mayroon ng hawak na telepono ang mga ito ngayon.Sa kagustuhang makatakas sa pinangyarihan ay kaagad akong kumaripas ng takbo papalayo sa lugar na ito.Nakaaawang mga tao dahil nagpapakain na ang mga ito sa sistema ng makabagong teknolohiya. Pabagsak akong naupo sa upuang kahoy. Hinilamusan ko rin ng tubig mula sa bote ang pagmumukha
Kasabay nang malakas na paghampas ng hangin sa mukha ko ang unting pagbuhos ng mga luha ko. Tila ba unti-unting kinikitil ang buhay ko nang minsan akong tumingin sa talampakang naliligo na sa dugo.Halos maging estatwa ako nang maramdaman ang mga kamay nitong marahang lumalayag patungo sa beywang ko.Nanlalamig ang buong katawan. Hindi ko magawang takasan ang reyalidad dahil animo'y nasa isang laro lamang ako na ako ang taya.Sa gitna ng kawalan ng pag-asa ay mariin akong napalunok na parang mayroong tinik na pumipigil sa akin para gawin ang bagay na ito.“H-Hindi kita maintindhan. P-Pasensya," Sapilitan akong napatingin sa kalawakan nang higpitan nito ang pagsabunot sa akin. Kitang-kita ko ang maliwanag na bituwin sa gitna ng kadiliman. Alam kong imposible ngunit sa puntong ito ay ipinapanalangin kong sana ay maging katulad din ako nito na kumikinang kahit sa gitna ng kawalan ng ilaw.“This isn't enough," saad nito na talaga nga namang pinagdiinan pa ang bawat salita.Hindi ko siya