Share

Episode 36: Nightmare

Napansin ko ang pag-iling nito na animo'y nadismaya sa sinabi ko. “Hija, katulad ng sabi ko, huwag kang magpadalos-dalos lalo sa mga binibitiwan mong mga salita." saad nito.

Ipinagkrus ko na lamang ang mga braso matapos ay inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Kahit papaano naman, nabas-bawasan na ang pagkakaba ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko si Sebastian.

“Kamusta na kaya siya? Ano na kayang lagay niya? Sana naman walang mangyari sa kaniyang masama," bulong ko sa isipan. Marahan ko pa ngang iniumpog ang ulo sa upuan sa pagkainis.

Panandalian ko pang tinabig ang ulo sa kaliwang bahagi ng bintana upang tingnan ang mga tao sa labas. Sa rami ng iniisip ko ngayon ay para na akong naglalakbay sa gitna ng dilim. Ewan ko ba pero parang bumagal ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan nang isipin kong muli ang dalawang araw na sinabi nito sa ‘kin.

Mahihintay ko ba iyon gayong alam kong nasa panganib ang buhay niya? Kasalanan naman talaga ni Drake ang lahat. Bwisit siya, tse!

“Andito
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status