“Wala kang kwenta! Walang saysay kung bakit ka pa nabuhay sa mundong ito!" - Isabelle Amelia Madrigal is still dedicated to achieve her dreams despite of the hardships that she had to face as there is an inspiration who continues to burn her heart, iyon ang kaniyang tunay na mga magulang. Ngunit ang lahat nang iyon ay gumuho nang malaman niyang ipinasok siya ng trabaho sa bahay aliwan upang maging isang bayaran na hindi niya inaasahang magpapabago sa takbo ng kaniyang buhay. Hindi niya inaasahang makakabanggaan niya ang isang sikat na bilyonaryong si Sebastian Trevino sa unang araw ng kaniyang trabaho. Hindi magiging maganda ang unang pagkikita nila dahil mayroong napakalaking gulo ang mangyayari sa pagitan nilang dalawa. Paano kung ang aksidenteng ito ang dahilan nang pagkasira ng pagkaingat-ingatang pangalan ni Mr. Trevino? Paano niya ito magagawan ng paraan? Will he make her suffer in his vicious hands katulad ng karaniwang ginagawa nito ibang mga babae? O mayroon pa itong ibang pinaplanong gawin sa kanya? The Billionaire's Series @copyright2022 Itspurplejkeyy – Owned by the Billionaire 1 NOTE: No Copyright Infringement on the book cover. Credits to the owner.
Lihat lebih banyakUmugong ang tenga ko nang isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi na nagdulot ng awtomatikong pag-atras ko. Nalaglag naman ang panga ko nang hawakan ang kanang bahaging parte nito nang makaramdam ng pag-kirot na paniguradong nagkaroon pa ng bakas.
“Huwag ho, maawaa na kayo!"Sa kabila ng panginginig ng buong katawan ay hindi ko inaasahan ang pag-bukas ng bibig ko para magmakaawa.Nagmistulang kutsilyo ang titig nito sa akin. Naliligo sa pawis ang mga palad ko nang ikapit ko ito sa kabilang braso.“Maawa? Naglolokohan ba tayo rito? Ikaw ba, naawa ka ba sa ‘kin nong ipinahiya mo ako kanina sa labas? Wala ka talagang magandang dulot sa akin!"Halos mapatalon ako sa pagkagulat nang marinig ang mala-bombang sumabog na bulyaw nito sa akin. Sumulyap ako sa mga bubog na nagkalat sa sahig at mariing namang napalunok nang magtama ang paningin naminh dalawa.Yumuko na lamang ako. Hindi ko kayang titigan ng matagal ang mga mata nitong mas masahol pa sa kumukulong tubig ang init.“Pasensya na po, hindi ko po talaga sinasadya na masunog ang ipinaluluto ninyo," panghihingi ko ng despensa.Nakararamdam ako ng paninikip ng dibdib sa takot.Bago pa man ako tumingin aa kaniya'y isang kamao naman ang lumipad sa mukha ko dahilan para tuluyan akong bawiin mula sa pagkakatayo.Halos sumabog na ang dibdib ko sa lakas ng kabog na nanggagaling sa wasak kong puso. Nagdidilim ang paningin, hinugot ako ang natitirang lakas para kaagad na makatayo nang makarinig ako ng mabibigat na yabag mula sa kaniyang sapatos at marahang umatras papalayo sa kaniya.“Huwag po ninyo akong saktan," ani ko.Sapilitan akong napahinto sa pag-atras nang maramdaman ang paghampas ng likod sa matigas na pader. Kahit pa ayaw ay wala akong nagawa bukod sa buksan ang mga mata para harapin siya.Nakita ko pa ang paglagok nito sa bote ng alak bago pa muling ibinaling ang paninging hindi ko gugustuhing makita kung mayroon lang akong pagpipilian.Nasunog ko lang naman ang ipinaluluto niyang pulutan. Alam naman niyang hindi ko sinasadyang gawin iyon dahil natabunan ako ng ga-bundok na mga gawain. Ang lahat naman ng iyon ay mga pag-uutos nila.Hindi rin naman siguro nila ako masisisi kung naiwan kong nakabukas ang kalan dahil inuna ko sila, ‘di ba?“Pasensya? Sa tingin mo ba'y maaayos n'yan ang lahat? Napahiya na nga ako sa mga bisita, nagsayang ka pa ng pagkain!" natigilan ako nang marinig iyon. Tila ba, walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan base sa pagkakasabi niya.Naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo mula sa noo ko, gamit ang palad ay marahan ko itong pinunasan. Naghahalong dugo at pawis ang nakita ko nang tingnan ko kung ano ito.Nanatili akong tahimik, hindi alam kung saan ilulugar ang paningin. Tila kakainin ako ng sistema sa t'wing ibinabaling ko ang paningin sa mga nasayang na pagkain.Isang malakas na sigaw ang napakawalan ko nang maramdaman ang paghila nito sa buhok ko papalapit sa kaniya. “Wala kang kwenta!" bulyaw nito sa tenga ko.Ramdam ko ang pagpipigil nito sa sarili ngunit nasasaktan pa rin ako sa pagsabunot niya kaya't walang dahilan para maipanatag ko ang kalooban. Tuluyang sinakop ng naghahalong amoy ng alak at bagoong mula sa kaniyang bibig ang ilong ko dahilan para mapasinghap ako ng hangin.Bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig nang bitawan niya ang pagsabunot sa buhok ko. Naglakas ako ng loob para tapunan siya ng tingin sa kabila ng panlalabo ng paningin.“A-Ano ho ba ang gusto ninyong gawin ko? Lumuhod sa harapan ninyo para lang mapatawad mo ako? Tao lang din ho ako't nagkakamali!"Ipinatong niya ang kamao sa beywang at nakalolokong tumingin sa akin. “Huwag na, kulang na kulang pa ‘yang pinagsasabi mo at gusto mong gawin ko?" sigaw niya matapos ibato sa akin ang hawak na bote. Mas'werte pa rin ako dahil nakuha kong umilag doon. “Maghanap ka ng trabaho dahil wala nang saysay kung bakit binuhay pa kita." dagdag pa niya.Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nagpaulit-ulit sa isipan ko ang mga masasakit na salita nitong niyuyurakan ang pagkatao ko.Nagsimula akong maghanap ng pagkakakitaan noon para lang matustosan ang kanilang mga bisyo ngunit siya pa ang may lakas ng loob para sabihin iyon?“Hindi pa ho ba sapat na ibigay ko ang lahat ultimo ang sarili kong buhay para lang maging mabuti sa paningin ninyo?" nanginginig ang boses kong nagtanong.Umiling lamang ito sa ‘kin bilang kasagutan.Nagmistulan akong binuhusan ng malamig na tubig nang magsimula kong maramdaman ang panginginig ng katawan. Pasimple akong dumampot ng bubog malapit sa ‘kin, magagamit ko ito para madepensahan ang sarili kung sakaling mayroon pa siyang binabalak na gawin.“Tangina, Brando! Ano na namang ginawa mo?"Nakarinig ako ng pamilyar na tinig mula sa hindi kalayuan na nagnakaw ng atensyon ko kaya't minadali ko ang sariling sumulyap dito.“I-Inay..." utal ko. Mariin akong napapikit nang yapusin niya ako ng mahigpit. Marahan kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa mukha ko gamit ang nanginginig na palad.Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at marahang hinila para tulungan akong maibalik sa pagkakatayo. “Brando, tangina! Ginawa mo ang lahat ng ito dahil d'yan sa nasunog ninyong pulutan? Ang babaw mo!"“Wala kang alam sa kahihiyan na ginawa n'yan kaya tumahimik ka!" bulyaw naman nito. Nanginig ang katawan ko nang muling makarinig ng pagkabasag ng isang bagay.Pinunasan niya ang mukha ko. “Pasensya ka na't nahuli ako ng dating. Umalis na tayo rito, halika sa salas para magamot ko ‘yang sugat mo." aniya. Marahan pa niyang inayos ang nagulong buhok ko.“D'yan ka na muna't kukuha lang ako ng gamot, ah? Babalik ako," saad niya nang makaupo ako sa upuan. Nakita ko pa siyang nagpailing-iling matapos tumalikod sa akin.Naiwan akong nakatulala. Hindi ko mapigilan ang sariling alalahanin ang nangyari kanina.Oo na't nagkamali ako, ngunit hindi ko malaman kung bakit ganoon na lamang ang galit niya sa akin, magmula pa nang mapunta ako rito. Simula noon, lagi na lang niyang ibinubunton sa akin ang mga pangarap niyang hindi naabot.“Malas ka, namatay ka na lang sana," saad ko sa isipan. Ito ang mga katagang lumalabas sa kaniyang bibig kapag galit na siya sa akin noon.Hindi ko makalilimutan ang lahat nang ‘to. Inilulugmok niya ako sa komplikadong sitwasyon para mas lalong maghirap.“Ano ba kasing nangyari, Isabelle?" mabilisan niyang nakuha ang atensyon ko nang makarinig ng pagkabahala sa tinig niya.“Pinagtawanan ho kasi siya ng mga kaibigan niya nang tikman nila ang adobo na iniluto ko. Hindi ko naman ho inaakalang sunog pala ang iniluto kong ‘yon," ani ko. Napalunok ako matapos sabihin sa kaniya ‘yon.Napangiwi na lang ako nang simulan niyang idampi ang bulak na may alcohol sa sugat ko. Nagsimula na namang umipon mula sa gilid ng mga mata ko ang mga luha na sa kahit anong oras ay maaari na namang kumawala.“Pagpasensyahan mo na lang ha, alam mo naman ang ugali n'yan. Nag-usap na nga kami patungkol sa panana–”Nagsalubong ang kilay ko dahil sa pagkagulat sa sinabi niya. Naramdaman ko rin ang paghinto ng kamay niya. Blangko lang ang mukha niyang nakatitig sa akin.“K-Kinausap? Inay, bakit ho?" utal kong nilinaw ang tanong na bumagabag sa isipan ko.Pinipigilan naman niya ang asawa sa t'wing nakikita niyang sinasaktan ako ngunit hanggang salita lang siya. Hindi rin naman tumitigil ito sa pagbunton sa galit sa akin ngunit ipinagtataka ko ang kaniyang sinabi dahil wala siyang lakas ng loob para gawin ang bagay na ‘yon kapag sila lang dalawa ang magka-usap.“Wala. Pagkatapos ng maraming taon na nakikita kitang sinasaktan niya, gusto ko namang maranasan mo ang pagmamahal niya bilang isang ama." sagot niya. Mataman pa niyang hinihimas-himas ang buhok ko.“Sa tingin niyo ho ba ay tatanggapin niya ako bilang anak niya? Natatakot ho ako sa gusto niny–"“Matilda, halika nga rito!" boses ng tiyuhin ko ang nagwagi mula sa looh ng kwarto. Nagtama ang paningin namin ni Inay.”Hay naku, magpapabili na naman ‘yan ng sigarilyo," aniya habang kinakamot ang ulo. “Oh siya, maiwan muna kita, ha?" paalam niya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot.Ibinaba niya ang mga hawak sa mesa't nagmadaling pumunta sa kinaroroonan nito.Nanatili akong nakatahimik sa upuan, sinusubukang isipin kung bakit siya nagmamadali.Kinuha ko ang salamin at marahan itong itinapat sa mukha ko. “Hindi ito ‘yung pinapangarap mo," saad ko sa sarili habang binibigyan ng mahihinang sampal ang pisngi.Dinadalangin kong sana ay magising na sa bangungot ng kahapon.Sinuklay ko ang buhok habang pinagmamasdan ang miserableng inabot ng pagmumukha ko. Napakunot ako ng noo nang mayroong bagay na kumalabog sa sahig mula sa kwarto.“Nagpapalason ka na naman sa babaeng ‘yan, sa akin ka makinig. ‘Wag kang magpanggap na mabuting tao d'yan. Tangina, alam kong timawa ka rin sa pera kaya ‘wag mo nang pag-isipan ‘yan dahil napakalaking halaga nito, sapat na para maiahon tayo sa putikan!"Ang buong akala ko'y panandalian ko nang makalilimutan ang nakadadalang gabing ito ngunit mas naging paralisa ako nang marinig iyon.Wala akong nagawa kundi kagatin na lang ang labi habang iniisip ang mga salitang narinig na tumatak sa puso‘t isipan ko.Ano bang pinag-uusapan nila?Nakakadiring isipin na handa silang gumawa ng ilegal para lamang kumita ng pera. Ano na naman kaya ang gagawin nila?NOTE: SPG“Ba-Bakit mo ibinalik ang pera ni Mr. Vérmudez nang ganoon na lang? Ano bang nasa isip mo?" Ibinagsak ko ang katawan sa couch. Nang makaramdam ng pagbigat ng batok ay isinandal ko ito sa malammbot na unan na dagan-dagan ng aking likuran. Humugot ako ng malalim na hininga nang itaas ang tingin sa puting kisame. Mariin akong napapikit nang makaramdam ng paglabo ng paningin. “I don't need them." Narinig kong saad niya. Nang maibukas ko ang mga mata ay tumama ang paningin ko sa kaniya. Hinahagod ng matalim nitong mga mata ang buo kong pagkatao na para bang may ipinapahiwatig sa ‘kin. koIniayos ko ang upo nang maramdam upang nagsita asan ang iilang hibla ng buhok ko sa mga titig niyang iyon. Idiniretso ko ang likod at patagilid na tiningnan ang unan nang marahan itong bumagsak.koNagsalubong ang mga kilay kong kinilatis ang buong pagkatao niya. “Anong hindi? Sebastian, hindi man ako maalam r mga gan'yang negosyo ay alam kong kailangan mo sila. H'wag mong idinadaan sa yaman a
“The jury decided to drop this case as a punishment. We will move the hearing next week." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang maririnig ko sa babaeng tumayo sa harapan. Halos mag-apoy ang mga mata ni Sebastian nang maibalik ko ang titig rito.Katulad ng inaasahan, bumakat na naman ang kaniyang mga daliri sa braso kong kanina pa namamasa. “What do you think you're doing, huh? You shouldn't do that. Look what you've done!" saad nito. Bakas sa kaniyang pananalita ang pagkagigil sa akin.Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang mas dumiin pa ito nang tangkain kong pumiglas. “Aray ko! Bakit ba ayaw mong magtiwala sa akin? Narinig ko nga ‘yan na may kausap sa lo—" Napaatras ako nang suntukin niya ang pader dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.“I said, enough! Amelia, you've ruined it. You shouldn't be caring about it. How many time do I have to freaking say to you that I can handle myself? Is it difficult to understand?" Mayroon nang namumuong dugo s
“Ano ba? Bitawan mo nga ako, nasasaktan na ako. Huwag mo akong pigilan, pwede ba? Kung hindi mo kaya at naduduwag ka, ako na lang!" saad ko sa mataas na tono ng boses. Tinabanan niya ang dalawang braso ko, ramdam na ramdam ko ang gigil mula sa mga kuko niyang bumabaon sa balat ko. Tumiim ang tingin nito sa akin, dala nito ang ang panganib. Umirap naman ako sa kaniya ngunit ang totoo ay pasimple lamang akong umiwas ng tingin dahil halos malusaw na ako sa mga mata niyang bitag para sa ‘kin.“Are you out of your f—cking mind? Today is my hearing, don't ruin this day. Besides, do you wanna be in danger again, huh? Now, let's go!" aniya sabay diin ng mga daliri sa braso ko at hinila ako papalayo sa lugar. Hindi manlang ako makawala sa pagkahawak niya sa akin at kahit anong piglas ko ay mas lalo lang humihigpit ang kamay niya na mistulang ngipin.Hinampas ko nang paulit-ulit ang kamay niya gamit ang natitirang lakas sa aking palad. “Sige, ipakita mong gan'yan ka! Sinasabi ko sa ‘yo, hinding-
Nang makatayo sa upuan, hindi na ako nag-atubili pa at nalakad patungo sa labas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya kay Tanda ngunit sigurado akong importante ang lahat ng ‘yon.Naibaba ko ang mabibigat na talukap ng mga mata at napasandal sa pader. “Gosh! Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi siya gan'yan!" ani ko sa sarili at marahang naidausdos ang likod pababa sa pader. Nahanap ko ang sariling nakatalungko, mabuti na lang at walang tao.“Ayos ka lang, Hija? Kailangan mo ba ng tulong?"Napahinto ako sa kaiisip at nagmistulang kabayong kumawala sa kulungan ang mga iniisp ko. Marahan kong ibinukas ang mga mata, binuking ng paningin ko ibabang bahagi ng katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko.Mula sa tindig nito, paakyat sa kaniyang beywang ay paniguradong isa ito sa mga preso. Idagdag pa na orange ang suot nito hanggang binti. Marahan kong sinubaybayan ang bahagyang paggalaw nito at nang manakaw ang lakas ng loob na siyang tumakas sa akin ay iniangat ko ang ulo para s
Napansin ko ang pag-iling nito na animo'y nadismaya sa sinabi ko. “Hija, katulad ng sabi ko, huwag kang magpadalos-dalos lalo sa mga binibitiwan mong mga salita." saad nito. Ipinagkrus ko na lamang ang mga braso matapos ay inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Kahit papaano naman, nabas-bawasan na ang pagkakaba ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko si Sebastian. “Kamusta na kaya siya? Ano na kayang lagay niya? Sana naman walang mangyari sa kaniyang masama," bulong ko sa isipan. Marahan ko pa ngang iniumpog ang ulo sa upuan sa pagkainis. Panandalian ko pang tinabig ang ulo sa kaliwang bahagi ng bintana upang tingnan ang mga tao sa labas. Sa rami ng iniisip ko ngayon ay para na akong naglalakbay sa gitna ng dilim. Ewan ko ba pero parang bumagal ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan nang isipin kong muli ang dalawang araw na sinabi nito sa ‘kin.Mahihintay ko ba iyon gayong alam kong nasa panganib ang buhay niya? Kasalanan naman talaga ni Drake ang lahat. Bwisit siya, tse!“Andito
“K-Kung ganoon, bakit naman po sa tingin ninyo ginagawa niya ang lahat?" utal ko. Gamit ang hintuturo ay pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis.Muli niyang iniayos ang sinturon, patagilid nitong tiningnan ang nasa likuran nang marinig ang marahang pagsara ng pintuan. “That clearly means that someone is looking after you, you have to trust him." sagot niya.Inilapat ko ang magkabilang palad sa mga braso atsaka kiniskis ang mga ito dahil nakaramdam ako ng panlalamig kasabay nang paggala ng paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Para bang may camera na nakatutok sa akin dahilan para marahan ang paghinga ko.Alam ko ay ligtas naman ako dito dahil hindi naman niya ako dadalhin sa makasasakit sa ‘kin ngunit hindi ko mapigilan ang kaba. Nakatutok na ito sa screen ng kaniyang telepono nang pwersahin ko ang sarili para ibalik sa kaniya ang tingin. Seryoso na ang pagmumukha niya, nakanguso pa nga ito habang pinipindot ang hawak.“We need to follow him, start the car, I'll be there," Nagsalubo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen