Compartir

Chapter 3

Autor: heathergray
last update Última actualización: 2025-12-09 17:03:09

"F-fifty thousand? Seryoso ka ba?!" sigaw ko sa kaniya dahil hindi ko lubos maisip na gagawin niya iyon. O baka nagsisinungaling lang siya.

Muli siyang sumimsim ng alak at diretsong tumingin sa 'kin. Doon ko lang napansin na gwapo pala talaga ito. Malalalim ang almond-shaped niyang mga mata, matangos ang ilong, masyadong perpekto ang pagkakahulma ng panga niya at malinis ang cut ng buhok niya.

He seems unnatural. Parang hindi totoong tao. Para akong nakatitig sa isang mannequin.

"One night with you is a bit expensive but it's fine. Mas malaki naman siguro ang binayad ko sayo kaysa sa binayad ng kapatid ko," sambit nito imbes na sagutin niya ang tanong ko.

Napukaw ang atensyon ko ng huling sinabi niya. Hindi ko alam kung may gusto ba siyang iparating sa sinasabi niya o iniinsulto niya talaga ako. Maybe because he thinks that I'm more than an entertainer. Perhaps a slut na totoo naman, pero may dahilan ako! At bakit nangingialam siya?

"It was an accident. Hindi niya ako binayaran. Sana nga binayaran na lang niya ako para naman hindi natatapakan ang ego ko ngayon," matabang na sagot ko sa kaniya habang iniisip na uminom ng alak kung hindi lang ako buntis.

This unwanted pregnancy is making my life more difficult. I was thinking of aborting this dahil sigurado akong hindi pa naman ito buo. I can't raise this child, aminado ako roon! Pahihirapan ko lang siya kung pipilitin kong ipagpatuloy 'to.

Narinig ko ang mas nakakainsulto niyang halakhak at sumunod ay ang pagkalansing ng yelo sa baso niya.

"Really? Do you expect me to believe you while you're here in front of me, wearing that kind of clothes, and making people pay just to have a session with you?" Pagpapatuloy niya.

"Sabihin mo na lang kung ano ang ipinunta mo rito, hindi 'yong iinsultuhin mo pa ang trabaho ko."

"I told you I want a one night with you-"

"Kung ikaw lang din ang magiging customer ko ay huwag na lang. Kunin mo na lang ibinayad mo at umalis ka na," mariin kong sinabi sa kaniya at tumayo na. Ramdam ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko.

I was about to leave him there when he suddenly grabbed my wrist again. Marahas niya akong hinarap sa kaniya.

"My girlfriend broke up with me because of you. She didn't believe me when I told her you have just mistaken me as my twin. Do you think I'll let you get away with that easily, huh?" He firmly said. His jaw clenched.

Nakaramdam ako ng konsensya nang makita ko ang sakit sa mga mata niya.

"H-hindi ko naman sinasadya ang nangyari-"

"I don't fucking care what you say, Tatiana Louis. I'm not getting my money back and you will have one night with me. You cost me a girlfriend, now you have to play that part for me whether you like it or not," pinal niyang sinabi sa 'kin at hinila na ako palabas ng bar.

**

"So, anong sinabi mo? Don't tell me hindi ka pumayag."

Napaismid ako nang maalala ko ang nangyari noong isang gabi.

"Hindi talaga, Trid. Masyadong mataas ang tingin ko sa pagkakaroon ng boyfriend. Ayokong masayang dahil lang sa kaniya," sagot ko sa kaniya at naghanda na ng almusal para kay mama.

Bumungad sa 'kin ang tahimik na bahay namin pagkalabas ko ng kuwarto. Dumiretso ako sa kusina habang nasa tainga ko pa rin ang cellphone at naririnig ang pagmumura ni Astrid.

"Ang tanga mo, girl. Ang nag-iisang Jackson Lucas Montgomery na ang nagyaya sa 'yo, hindi ka pa pumayag! Hindi mo alam kung gaano kalaking swerte 'yong pinaglagpas mo! Bobo ka!" Sigaw nito sa 'kin.

Napakamot ako sa ulo at nilagay na lang sa loud speaker ang volume ng call para makapagluto ako.

"What's the big deal-"

"Tatiana, Jackson is the young CEO of the Montgomery clan. Hindi mo ba alam na bilyonaryo na siya sa edad pa lang na 24? Now that he's 28 years old, sigurado akong mas mayaman na 'yon ngayon," paliwanag nito sa 'kin kaya napatango ako at nagsimula nang magsangang ng kanin.

"No wonder he paid 50 thousand just for a night with me," kibit-balikat kong sinabi sa kaniya. Sunod na narinig ko ang lalong paglakas ng boses niya.

"What? Are you serious? 50 thousand?" Gulat na gulat niyang tanong kaya napailing na lang ako.

"Oo, sabi rin ni mamita. Binigay sa 'kin ang kalahati kaya nakabili kaagad ako ng gamot ni Thea pati ng iba pa niyang mga kailangan. Sana ay bumuti na ang lagay niya," pabulong kong sinabi dahil baka biglang lumabas si mama at marinig.

Saglit lang akong nag agahan at naghanap na ng trabaho. Inabot na ako ng oras ng duty ko sa bar nang wala pa rin akong napapala kaya halos parang lantang gulay na ako nang makarating ako roon.

Pagkapasok ko pa lang ay pansin ko na agad ang kakaibang tingin sa 'kin ng mga kapwa ko entertainer. Feeling ko pa pinag-uusapan nila ako dahil naririnig ko ang bulungan nila. Binalewala ko na lang 'yon at dumiretso na sa dressing room para mag-ayos.

"Huy, Tatiana. Tawag ka ni mamita sa office," tawag sa 'kin ni Stacey. Nangunot ang noo ko.

"Bakit daw?"

"May nalaman tungkol sa 'yo. Bilisan mo," sagot nito sa 'kin kaya kinabahan ulit ako.

Hindi ko na muna tinapos ang pagme-make up ko at pumunta na sa opisina ni mamita. Pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na sa 'kin ang isang sobre dahil sa pagbato niya non sa mukha ko.

"Walang 'ya kang babae ka! 'Di ba kabilin-bilinan ko sa inyong lahat, huwag na huwag kayong papayag na hindi kayo gagamit ng proteksyon? Anong nangyari? Bakit nabuntis ka?!" Sigaw nito sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Mabilis akong lumapit sa kaniya nang dala ang sobre. May laman itong pera.

"M-mamita, nagkakamali po kayo. Hindi po talaga... I mean, hindi customer ang... nakabuntis sa 'kin."

"Kung hindi, sino? Nagpapabayad ka sa mga customer tapos magpapabuntis ka lang pala?!" Singhal nito sa 'kin.

Nakaramdam ako ng kahihiyan para sa sarili. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"S-sorry po, pero kaya po naman pong magtrabaho. Hindi pa naman po malaki-"

"You cannot work here while you're pregnant, Tatiana. Sinabi ko sa lahat 'yan bago ako tumanggap ng empleyado," she cut me off.

"H-hindi po ako puwedeng mawalan ng trabaho, mamita. Alam niyo naman po kung ano ang sitwasyon ko. Comatose po si Thea. Please..." pagmamakaawa ko ngunit nawalan ng saysay iyon nang umiling lamang siya at tumayo.

"My decision is final. Higit sa lahat, ikaw ang nakakaalam ng sitwasyon mo, bakit nagpabuntis ka? Anyway, that's your last pay for this month. I want you out of this place," pinal nitong sinabi at iniwan na ako roon.

Nalaglag ang balikat ko nang mawala na siya sa paningin ko. Pumikit ako nang mariin habang nagsisimula nang uminit ang sulok ng mga mata ko.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 9

    Inaasahan ko na ang gano'ng bagay. Of course, they are the richest family among all the families around the world. May karapatan silang maging mapili pagdating sa aasawahin ng mga anak nila in the future. But I'm not planning to marry one of their sons kung iyon ang inaasahan nila. I just want the money. At alam kong iyon lang ang iisipin nilang habol ko sa anak nila. Well, who wouldn't? Lalo na ngayong malaki ang chance na makakuha ako ng malaking pera sa anak nila.Lalo na sa balak ngayon sa akin ng Jameson na iyon.Matapos naming mag usap ni Astrid nang ilang minuto pa ay bumalik na ako sa mansion dahil nakaramdam ako bigla ng pagkahilo. I was walking towards my room upstairs nang marinig ko ang pag tawag sa akin ni Anika, ang isa sa mga maids nila. Bata pa ito at ang sabi ay anak siya ng mayordoma sa mansion. Tingin ko ay magbebente pa lang ang babaeng ito."Pasensya na, a. Kararating ko lang. Kanina mo pa ba ako hinahanap?" Tanong ko sa kaniya."Hindi naman, Ma'am. Kaya lang kasi

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 8

    Kinabukasan ay maaga rin akong nagising kahit pa napuyat ako kakaisip sa nangyari kagabi. Plano kong bisitahin si Althea ngayon at puntahan si Astrid sa café dahil ang sabi niya sa akin kahapon ay ngayon ang alis niya roon. Hindi ko alam kung ano ang susunod niyang plano pero ang sabi niya ay gusto niyang magbakasyon. Ewan ko ba sa babaeng 'yon.Matapos akong mag ayos ay lumabas na ako mula sa silid ko. Biglang sumagi sa isip ko si Luke kaya lumiko ako patungo sa kuwarto niya para magpaalam. Kakatok na sana ako ngunit napansin kong nakabukas ang pintuan kaya sumilip na lamang ako roon. Agad na narinig ko ang boses niya sa loob na tila may kausap."You're fucking funny, Brandon. I don't care about her child. Wala akong balak pakasalan ang pokpok na iyon." Dinig kong sambit niya.Bumagal ang tibok ng puso ko. Doon pa lang ay alam kong ako na ang tinutukoy nito. Sino ang kausap niya? At anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya?"I just needed a reason. Kung hindi ako magbibigay ng ebiden

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 7

    Nang dumako ang tingin ko sa mukha niya ay doon ko lang nakita nang maayos ang mukha na mayroon siya. I don't know how to say this but they just looked the same pero may iba sa lalaking ito. Iba ang dating at tangos ng ilong niya. Almond-shaped ang mga mata nito at mahahaba ang pilik. Makakapal at itim na itim ang kilay. Sakto ang kapal ng labi at napakaperpekto ng pagkakahulma ng kaniyang panga. May maliit din siyang nunal sa kaliwang mata niya sa ilalim.I can't believe this good-looking man is kind of weird. Parang may mali sa kaniya na hindi ko mawari.Maya maya pa, habang nakatitig ako sa kaniya ay dumating na si Kuya Dave pero agad ding umalis ito. Naghanap ako ng puwedeng pamalit sa kaniya at napili ko ang puting t-shirt na nasa cabinet niya. Iyon ang unang nakita ng mga mata ko.Habang binibihisan ko siya ay panay pa rin ang ungol nito na tila nananaginip. Nang masuotan ko na siya ng damit ay agad na binalot ko siya ng kumot. Saglit pa akong napatitig sa kaniya bago nagdesisyo

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 6

    "This will be your room. Naisip ko na baka hindi ka pa kumportable sa set up natin kaya ito ang ginawa ko. But if you're comfortable enough then we can share the same bed room.""Uh, hindi na. Ayos na sa 'kin 'to, Jameson. Parang buong bahay na namin 'to sa sobrang laki," agap na sinabi ko sa kaniya at tuluyan nang pumasok sa kuwartong para sa akin-sabi niya.Napangiti ako at nilibot ng tingin ang buong silid. Katulad ng inaasahan, malaki talaga ang Montgomery Mansion sa loob at labas. Feeling ko ay maliligaw ako sa loob nito dahil sa sobrang laki! Ni hindi ko nga marinig ang sarili kong boses."Maraming salamat, Jameson-""Just call me Luke. I don't like my first name that much," natatawa niyang putol sa sasabihin ko kaya natawa na rin ako at muli siyang nilapitan."Maraming salamat, Luke. Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat sa ginawa mo pero irerequest ko sana na ipa-DNA 'tong dinadala ko para hindi ka na maghinala. Para na rin sa ikapapanatag ng loob mo," suhestiyon ko sa k

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 5

    Seeing life from various perspectives-as people who leave or are left-as people who love and as people who never get choices-I can now see where I really belong.Mula nang mag desisyon akong mag trabaho sa bar, ilang beses ko munang nilunok at pilit na tinanggap ang mga masasakit na salita na ibinato sa akin ni mama. Kesyo may iba pa namang disenteng trabaho-bakit mas gugustuhin kong pumasok sa gano'ng klaseng trabaho? Hindi ko nasabi sa kaniya na mas kailangan namin ng pera kaysa sa pride at dignidad ko na matagal naman nang wala. Hindi ko nasabi sa kaniya na mas kailangan kong isipin ang kapakanan at sitwasyon nilang dalawa kaysa sa sarili ko dahil ayokong lumabas na parang sinusumbatan ko pa siya.At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang sabihin sa kaniya ang mga 'yon."Saan ka na naman magtatrabaho? Iiwan mo kami?" Tanong niya sa 'kin nang sandaling makapasok siya sa kuwarto ko."Paano na ang kapatid mo, Tatiana? Pababayaan mo na naman ang-""Ibibigay ko ho nang personal sa

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 4

    Pareho kaming nakatingala sa malaki at napakataas na building na ito sa harapan namin. Pareho din kaming nakanganga habang manghang mangha sa nakikita. Ngayon lang ako nakakita ng ganito klaseng kalaking building kaya naman hindi ko mapigilang ma-amaze. Hindi lang ako sigurado kay Astrid dahil mayaman naman ang pamilya niya at may ganito rin silang kompanya."Ang laki at ang taas pala talaga ng empire na 'to. Sa TV ko lang 'to nakikita, e," ani Astrid at bumaling na sa akin."Okay lang ba ang itsura ko? Presentable naman?" Biglang tanong niya kaya nangunot ang noo ko.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at tumango. "Ayos naman. Bakit?""Tatiana, alam mo? Para kang taga probinsya na ngayon lang lumuwas pa maynila. Mga malalaking negosyante at minsan pa nga'y may mga artista ang nagagawi sa building na ito. Malay mo may biglang mangyari at makita tayo sa TV. Dapat maganda ako 'no!" Sambit niya at humalakhak pa.Nang tuluyan kaming makapasok sa lobby ng empire ay mas lalo lang ang na

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status