Share

CHAPTER 02

Author: bunnyinks
last update Huling Na-update: 2026-02-08 18:14:30

TRES’ POV.

“LATE KA,” agad na sinabi sa akin ng mahigpit na boses ng manager ng bar na pinapasukan ko.

Mabilis akong lumapit upang humingi ng paumanhin. “Pasensya na po, hindi na po ito mauulit.”

Napangiwi siya ng bahagya, binigyan ako ng isang malamig na tingin, ngunit hindi na ako pinansin. Nilagpasan niya ako nang walang kahit na anong sinabi, na siyang nagpakalma ng kabado kong puso.

“May nangyari ba?” Napalingon ako nang may sumulpot sa aking likuran—si Dimple, isa sa mga agent dito.

“Ah, wala naman. May dinaanan lang ako kanina,” nag-aalangang sabi ko at agad din siyang tinalikuran upang ayusin ang mga gamit ko sa locker. Hindi rin talaga ako komportable na makipag-usap sa kahit na sino dito sa loob ng bar.

“Gusto mo bang kumita nang mabilis?” biglang tanong ni Dimple matapos ang sandaling katahimikan.

Itinigil ko muna ang pag-aayos ng mga gamit sa loob ng locker at muling hinarap siya. Ngumiti siya nang mapanukso, halatang inaasahan niyang makukuha niya ang atensyon ko sa ganitong pambungad.

‘Siyempre, alam naman ng lahat na mukha akong pera, at hindi ko naman iyon itinatanggi.’

“May alam ka ba?” Diretsahang tanong ko.

Tinanggal niya sa loob ng bibig niya ang lollipop na kanina niya pa sinusubo. Tapos ay dinilaan niya ito nang may halong pang-aakit.

Maganda si Dimple, may dalawa siyang malalim na dimples sa magkabilaan niyang bagang na mas lalong nagpalitaw ng ganda niya. Bukod kasi sa may maganda siyang mukha, maganda rin ang hubog ng katawan niya, at may mala porselanang kutis.

“Meron s’yempre, interesado ka?” Naka smirk niyang tanong.

“Depende,” simpleng tugon ko naman. “Ano ba ang gagawin?”

“Simple lang naman. Ang maging isa ka sa mga bidding item ngayong gabi,” nakangising sabi niya.

Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Tsk, iyon na yata ang pinakaayaw kong gawin.

“Hindi na lang,” sabi ko at muli siyang tinalikuran.

“Thirty percent ang makukuha mo sa ibabayad sayo,” pangungumbinsi niya pa.

“Kahit fifty percent pa ’yan, hindi ko gagawin,” tugon ko naman.

“At bakit?”

“Iwan mo na ako,” walang interes kong sabi.

“Pumayag ka na. Kailangan mo ng pera, ’di ba? Isipin mo ang kalagayan ng Nanay mo—” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla ko siyang hinarap at tiningnan ng masama.

“Paano mo nalaman?” Walang emosyong tanong ko.

“Duh? Alam na halos ng lahat dito kung bakit ka nagtitiis sa lugar na ito. Alam mo kasi, bihira sa lugar na ito ang lalaking kagaya mo. Gwapo, ma prinsipyo, at higit sa lahat, hindi ka napapasunod ng kahit na sino basta lang ginagawa mo ang trabaho mo.” Mahabang litanya niya.

Buryo akong nakipagtitigan sa kanya. “Tapos? Hindi mo pa rin mababago ang isip ko kahit ilang daang papuri pa ang sabihin mo. Iba na lang ang alukin mo,” walang interes kong sabi at sinarado ang locker ko bago siya iniwan.

“Milyon,” habol niya sa akin. Napatigil naman ako sa paglalakad ng hindi siya nililingon. “Milyon ang kikitain mo sa isang gabi lang. Hindi ba’t kailangan mo ng pera para sa surgery ng Mama mo? Hindi ka ba nanghihinayang sa opportunity na ito? Isipin mo nga, sa gabi-gabi mo rito sa bar at sumasama sa iba’t ibang VIP customers, kaya mo bang kitain ang milyon sa loob lamang ng isang gabi? Pag-isipan mo nang mabuti. Hihintayin kita sa room ko hanggang mamayang ten,” saad niya at tinalikuran na ako nang hindi pa hinihintay ang sagot ko.

Bumuga ako nang malalim na buntong-hininga. Tama naman kasi siya, kailangan ko ng malaking pera para sa surgery ni Nanay. Bukod pa doon, kailangan ko ring bayaran ang classmate ng kapatid ko dahil sa ginawa nitong pakikipag-away. Hindi na sapat ang perang naitabi ko para sa iba pang gastusin sa aming bahay.

Wala sa sariling sinundan ko ng tingin ang daang tinahak ni Dimple kanina. Pagkatapos ay bigla na lamang nagreplay sa utak ko ang nangyari kanina bago ako pumasok dito.

***

FLASHBACK. . .

“Ah, Sir, nasaan po si Sixto Villafahr?” agad na tanong ko sa Police officer na nakita ko pagkapasok ko ng presinto.

“Ikaw ba ang guardian niya?” Tanong naman niya pabalik sa akin.

“Opo, nasaan po siya? Okay lang po ba siya?” Puno ng pag-aalalang tanong ko.

“Nandon, pinasok muna namin sa loob dahil masyado siyang mainit.”

“Po?”

“Puntahan mo na lang don,” saad nito at tinalikuran na ako.

Mabilis akong naglakad papunta sa loob at parang nadurog ang puso ko nang makitang nasa loob ng kulungan ang kapatid ko. Nakaupo sa sulok, walang buhay ang mga mata at maraming pasa sa mukha.

“Ah, Sir. . .” pigil ko sa Police officer na dumaan sa harapan ko. Huminto naman siya at nilingon ako. “Ako po ang guardian ni Sixto Villafahr. Nandito po ako para ayusin ang kailangang ayusin,” magalang kong sabi rito.

“Ahh, ikaw ba? Okay, halika ka sumunod ka sa akin,” aniya at naglakad na. Sumunod naman kaagad ako sa kanya. “Akala ko ay wala na siyang pamilya. Aba e parang wala siyang takot kahit dinala na siya rito. Batang-bata pa pero natuto na siyang makipag-away, at sa loob pa ng paaralan.” Sunod-sunod na anang Pulis habang naglalakad kami papunta sa desk niya. “Oh, siya raw ang guardian ni Villafahr,” sabi nito sa isang kasama niyang nakaupo at abala sa ginagawa sa computer niya.

Nasalubong ko ang mga tingin ni Sixto dahil tila ngayon lamang siya bumalik sa sarili niya. At sa paraan ng mga tingin niyang iyon ay tila may nais siyang iparating sa akin.

Naayos ko ang mga kailangang asikasuhin para makalaya siya. Ngunit kailangan naming bayaran ang settlement money at medical f*e sa classmate nitong nakaaway niya. Ang totoo ay wala ngang masyadong galos ang classmate niyang iyon, ngunit dahil mas makapangyarihan sila, at ayoko na rin ng mahabang usapan—pumirma ako sa papel na nagsasaad na kailangan naming magbayad ng One Hundred Thousand pesos bilang settlement.

Natawa na nga lang ako sa isip ko kanina. Maliit na pasa lamang ang nakuha ng mga kabataang iyon, mas malala pa ang natamo ng kapatid ko—pero sila pa ang kailangan naming bayaran at yukuan.

“Sorry,” mahinang at tila nag-aalangang usal ng kapatid ko nang makalabas kami ng presinto.

Ngumiti ako sa kanya at hinimas ang ulo niya. “Ayos lang. Basta huwag mo nang ulitin. Kahit ano pa ang sabihin ng mga iyon para lang galitin ka, kailangan mong isipin na kahit lumaban ka pa, sa huli ikaw pa rin ang talo.” Mahinahong sabi ko.

Umiwas lamang siya ng tingin at binaling ito sa harapan namin.

“Kumain ka na ba? Kumain na muna tayo bago ako pumasok sa work,” saad ko at inakbayan siya.

END OF FLASHBACK.

***

Hindi madaling maging mahirap. Ikaw ang naaapi, ngunit ikaw rin ang kailangang humingi ng tawad sa mga nananamantala sa ’yo. Ang unfair ng mundo, ’no? Pero ganun talaga. Kung sino ang may pera at kapangyarihan, sila ang kakampihan ng batas. Sa totoo lang parang ginawa nga lang ang batas para sa kanila. Kung wala kang pera, talo ka. Kaya dapat na manahimik na lang at mamuhay ng tahimik.

Naglakad ako palabas ng locker room at desidido nang tanggapin ang inaalok ni Dimple. Ngayon lang naman ’to, isang beses ko lang gagawin. Pagkatapos ng gabing ito, maililigtas ko na si Nanay at pwede na kaming mamuhay sa probinsya, kung saan tahimik at malayo sa mapanghusgang mga mata.

Habang naglalakad patungo sa private room ni Dimple, napadaan ako sa isa sa mga executive room na para lamang sa VIP guest. Masyadong mahal ang kwartong iyon na nagkakahalaga ng Thirty million. ’Di ba? Sino naman ang may matinong pag-iisip ang magsasayang ng milyon para lamang sa isang kwarto? Iyong mga taong hindi lang yata alam kung paano ubusin ang kayamanan nila.

Hindi sinasadyang naiwang bahagyang nakabukas ang pinto ng kuwartong iyon. Automatic akong napahinto sa paglalakad at maingat na sumilip sa loob.

May nakita akong isang babaeng nakatalikod sa gawi ko. Nakasuot siya ng mahabang dark red na fitted gown at may mahabang slit sa thigh niya. Masyado ring open ang likod niya hanggang sa baywang niya dahilan upang makita ko ang sexy niyang likuran. Bukod sa makinis at maganda niyang likod, may nakita rin akong kakaibang tattoo sa may kanang baywang niya.

Dahan-dahang pumihit paharap sa gawi ako ang babaeng iyon. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang akong binalot ng matinding kaba sa dibdib ko. Hindi rin ako mapakali na para bang may mga paru-paro sa loob ng tiyan ko ang gustong kumawala.

“Tres? Ano’ng ginagawa mo rito?”

Bago pa man ito tuluyang makaharap sa gawi ko, nagulat na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Dimple mula sa aking likuran.

“Bawal ka rito,” kunot-noo at nagtatakang wika ni Dimple nang harapin ko siya.

Humarap ako kay Dimple na may kakaibang ekspresyon sa mukha—hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero pakiramdam ko ay nahuli niya ako at ako’y guilty sa isang bagay.

“A-Ahh, ang totoo, hinahanap kita,” nauutal kong palusot.

“Bakit? Napag-isipan mo na ba ang inaalok ko? Gagawin mo na ba?” Sunod-sunod niyang tanong.

“Oo, gagawin ko na,” desididong tugon ko.

Ngumiti siya nang malaki dahil sa naging sagot ko. Parang biglang nagliwanag ang mukha niya dahil don.

“Alright, see you later sa makeup room,” sabi niya at tinalikuran na ako.

Para akong nakahinga ng maluwag nang mawala si Dimple sa aking paningin. Akala ko ay mayayari ako dahil sa ginawa kong paninilip kanina.

Binalik ko ang tingin ko sa loob ng executive room, ngunit wala na roon ang babaeng nakita ko kanina. Wala nang ibang tao sa paligid maliban sa akin na nakatayo sa labas ng executive room na iyon.

Sa dibdib ko ay may matinding panghihinayang na hindi ko maipaliwanag.

Umiling-iling ako sa pag-iisip na tila baliw na yata ako. Hindi naman siguro ako na-love at first sight sa babaeng nakatalikod, ’di ba?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • PAID IN SHADOWS   CHAPTER 03

    TWYLA’S POV. “NARITO na po sila,” I heard the private secretary of my boss, Mr. Cameron, announce. Mr. Cameron turned his head to look at me. Walang buhay ang mga tingin niyang nakapukol sa akin. I wasn’t sure if he was pleased to see me arrive, o baka gusto niya na akong tapusin dahil mahigit dalawang oras akong late. Tss, alam naman niyang hindi ko ugali ang iwanan ang trabaho ko para lang sa ganitong pagtitipon. Primo swiftly removed the fabric covering the couch and helped me sit down. Walang emosyon kong nilibot ang paningin ko sa lahat ng taong narito sa loob ng mamahaling kwarto. This was one of the executive rooms here at Black Sun. Black Sun is a high-end club here in Spaña where VIPs are served. To be honest, I still didn’t quite understand what else this bar had to offer. I just found out earlier that one of these VIP rooms here costs millions. When I say millions, I don’t mean just one or five million, but thirty to fifty million pesos for a single f*cking room.

  • PAID IN SHADOWS   CHAPTER 02

    TRES’ POV. “LATE KA,” agad na sinabi sa akin ng mahigpit na boses ng manager ng bar na pinapasukan ko.Mabilis akong lumapit upang humingi ng paumanhin. “Pasensya na po, hindi na po ito mauulit.”Napangiwi siya ng bahagya, binigyan ako ng isang malamig na tingin, ngunit hindi na ako pinansin. Nilagpasan niya ako nang walang kahit na anong sinabi, na siyang nagpakalma ng kabado kong puso. “May nangyari ba?” Napalingon ako nang may sumulpot sa aking likuran—si Dimple, isa sa mga agent dito.“Ah, wala naman. May dinaanan lang ako kanina,” nag-aalangang sabi ko at agad din siyang tinalikuran upang ayusin ang mga gamit ko sa locker. Hindi rin talaga ako komportable na makipag-usap sa kahit na sino dito sa loob ng bar. “Gusto mo bang kumita nang mabilis?” biglang tanong ni Dimple matapos ang sandaling katahimikan.Itinigil ko muna ang pag-aayos ng mga gamit sa loob ng locker at muling hinarap siya. Ngumiti siya nang mapanukso, halatang inaasahan niyang makukuha niya ang atensyon ko

  • PAID IN SHADOWS   CHAPTER 01

    TWYLA’S POV. I’VE BEEN shifting uneasily in my seat for quite some time now, my mind racing with nervous thoughts. My palms have started to sweat, and I can feel the slight clamminess every time I wipe them on my jeans. The anticipation is building up, making my heart beat faster as I imagine what’s about to happen. Mamaya lang ay ang bilugan at malalaki ko nang p*wet ang idi-display sa loob ng tattoo room na nasa aking harapan. The thought both excites and terrifies me, leaving me feeling vulnerable and a little exposed kahit hindi pa man nagsisimula. At hindi nga nagtagal, bumukas ang tattoo room at magkasunod na lumabas ang katatapos lamang na client at ang tattoo artist. “Next,” tawag ng assistant nito na siya ring nagbabantay sa may pintuan ng tattoo room. Na para bang hindi pwedeng pumasok ang kahit na sino without their permission, o kung hindi mo pa naman turn. Palihim akong bumuga ng hangin upang pakawalan ang namumuong kaba sa aking dibdib. ‘I can do this!

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status