Share

Chapter 7 -Bliss

"You know... I can wait."

"if you're not yet ready for a relationship, then I'll just wait patiently."

"Neal, I am not normal."

"So am I Payne!"

"No... you don't get it, you will have a hard time dealing with me."

"So, I take the challenge."

"Kaya mo bang magtiis? Pang - outer space ang tantrums ko Neal."

"Pareho lang tayo, so you also have to deal with me."

"Bakit ako? Bakit nagustuhan mo ako?"

"Hmmm... Bakit nga ba Payne? at Bakit hindi ikaw?"

"Sabi ni Maya idadagdag mo lang daw ako sa collection mo..."

"Wow, collection talaga ha... correction, hindi collection kundi chapter ng buhay ko, at malay mo ikaw na ang ending."

"Neal, anong nagustuhan mo sa akin? I'm weird, I'm autistic, I have split personality, I have ..."

"You have brains and beauty and authenticity and kindness and softest hand I have ever hold in my whole life"

Wala akong naisagot sa sinabing 'yun ni Neal.

Hinawakan ko ng mahigpit ang cellphone ko.

Nakatingala lang ako sa kaniya.

Abot-langit ang ngiti ko.

Tumigil ang pag-ikot ng orasan.

Walang ibang tao sa paligid namin.

Ang background namin na snacks lane ay napalitan ng paraiso ng mga bulaklak.

Mga diwatang naka-puti ang kasuotan na may mahahabang lace na nag-aawitan ng musikang iba ang lengwahe, hindi ko maintindihan pero masarap pakinggan.

Mga huni ng mala-bahagharing kulay ng mga ibon.

Nag-freeze ang lahat ng tao nang oras na yun.

"Will you take your chance with me Payne?

Tumango lang ako, napangiti, walang salitang lumabas sa aking bibig.

"Yes!"

"Thank you Payne..."

"Let's just take everything light, wag nating biglain ang lahat Neal."

"Oh you mean, chill chill lang? Yes Ma'am!"

"Akin na nga yang chocolates, akin yan diba?"

Kinuha ko ang isa sa tatlong chocolates na hawak ni Neal at kinuha naman niya ang nabakanteng upuan sa gilid ko.

Umupo siyang nakaharap sa akin.

Walang imikan.

Ngunit pareho kaming nakangiti habang binubuksan namin ang kulay blue na wrapper ng KrispyKut chocolates.

Ooops.. parang awkward...

Nagvibrate ang cellphone ko.

"Uy tumatawag si mommy!"

Sumenyas si Neal na sagutin ko agad ang cellphone ko habang patuloy ang pagkagat niya sa chocolate.

"Mom?"

"Where are you anak? I'm worried. Malakas ang ulan."

"Don't worry po Mommy, I stopped by 1Shop24."

Sumesenyas si Neal na sabihin ko sa Mommy kong kasama ko siya.

Nagtatalo kami sa pamamagitan ng senyas at pag-uusap ng aming mga mata.

"Who's with you Payne?"

"Huh? wala po Mommy."

"Maya told me, you were dragged by your schoolmate Neal papalabas ng school?"

"What? dragged? Grabe naman po Mommy, hindi po."

"Katatawag lang sa akin ni Maya few seconds ago, nagcharge pa daw siya when she got home kaya hindi agad sya nakatawag sa akin, I'm worried Payne.. Uwi ka na please..."

"Opo mommy...hello po mom... mommy?"

"Uuugh! Battery empty nako, I have to go home Neal worried na si mommy sa akin"

Agad akong tumayo, kinuha ang empty blue wrappers sa lamesa para itapon ko sa trash bin.

Hinawakan ni Neal ang kamay ko.

"Hatid na kita, delikado sa labas, buti tumigil na ang ulan."

Hindi nangyari nung sandaling 'yun ang usual scenes na napapanood ko sa korean drama.

"Sige bahala ka..."

Lumabas kami ng 1Shop24 na magkahawak-kamay. 

Hindi niya binibitawan.

Ayaw ko ring bumitaw.

Pumara ng jeep si Neal, hawak pa rin niya ang kamay ko.

Puno na ng pasahero ang jeep, nakisingit lang ako dahil payat ang katabi ko.

Walang choice si Neal kundi tumayo sa likod na bukana ng Jeep, magkahawak-kamay pa rin kami.

Nahihiya ako.

Alam kong namumula na ang pisngi ko dahil nararamdaman ko ang init nito.

Ang ibang pasahero ay pasulyap na tumitingin sa amin, ang iba naman ay walang pakialaman.

Karamihan ay may hawak na cellphone, may kausap o katext.

Pinipilit ni Neal kunin ang pera niya sa bulsa ng kaniyang kaliwang kamay nang hindi pa rin bumibitaw sa kaliwang kamay ko ang kanan niya.

"Bayad ho dalawa."

"San 'to boy?"

"Uy Payne san daw?"

"Huh? Ah.. eh.. sa Opal Street po kuya."

"Ano ba 'yan ke babata pa eh!" Sabi ng isang mapayat na  matandang babaeng may dala ng malaking bayong puno ng gulay.

Pilit na akong bumibitaw, hinigpitan pa ni Neal ang hawak niya sa kamay kong pawisang-pawisan na.

Ang awkward pero nagtatakip ako ng mukha gamit anv backpack ko, habang ginagaya ni Neal lahat ng facial expressions ko.

Tumatawa kami ng mahina para hindi marinig ng mga katabi namin.

Biglang preno ni Kuya driver. Muntik nang mahulog si Neal.

"Humawak ka kasi ng mahigpit diyan sa bakal."

"Yes , Ma'am!"

Sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko nung mga sandaling 'yun hindi ko namamalayang nasa Opal Street na pala kami.

(Naku teka, lampas na bahay namin ah!)

"Kuya para po!"

"Haay, lampas na bahay namin!"

"Hahahahaha!"

"Hmp! Tawa ka dyan!"

"Saan ba bahay niyo?"

"Dun sa pang-apat na bahay mula rito, black na gate."

Itinuro ko ang bahay namin gamit ang nguso ko na ginaya nanaman ni Neal.

"Ito na?"

"Oo, bitawan mo na nga ang kamay ko!"

At mas hinigpitan pa niya.

"Eh buksan mo na ang gate with your other hand."

"Oh wait bitaw! Anjan si mommy!"

"Payne! Sana ka ba galing?! Nag-aalala na ako ng sobra, malapit ng mag-7:30!"

"Sorry po mommy"

"Sorry po tita, kasalanan ko po."

"Tita? Sino 'to Payne?

"Mom, si Neal po..."

"Aaah... Step brother ni Maya tama ba?"

"Opo, Ma'am."

"Sige, pumasok muna kayo sa loob at pareho kayong basang-basa, ambabaho niyo na mga bata kayo."

Kumuha si Mommy ng towel para kay Neal, 

ako naman ay dumirecho sa kwarto ko, kinuha ko muna ang cellphone kong battery empty na at inihagis ang bag ko sa bed,

 pumunta ng banyo para kunin ang towel na ipupunas ko sa aking ulo at basang uniform.

Kinuha ko ang charger na nakapatong sa computer table at ichinarge ang cellphone ko.

"Upo ka muna Neal, dito ka na maghapunan"

"Naku nakakahiya po tita... pero sige po mukha pong masarap ulam ninyo eh..."

"Hahahah! Bakit nasisilip mo ba ang ulam namin? Kumakain ka ba ng chicken kare-kare?"

"Kare-kare ho? O...opo! Niluluto lang po yan ni Mama kapag may birthdayan sa amin."

"Ah.. sa amin hindi espesyal ito, basta may kare-kare mix ka at available na peanut butter e ok na, mura lang naman ang gulay at chicken ang ginagamit kong meat para hindi masyadong ma-cholesterol"

"Oh, ito na pala si Payne, Hali na kayo, upo na dito sa dining at nang makapaghapunan na tayo."

Hindi ko tinitingnan si Neal, hinayaan ko lang siyang umupo kung saan niya gusto.

"Hmm... tita parang ang sarap po ah, mukhang mapapadalas po akong maki-hapunan dito."

"Hahahah! Ganun ba? Ibig sabihin araw-araw mong ihahatid dito sa bahay si Payne?"

Nakangiti si Mommy. Ibig bang sabihin nito ay pabor siya kay Neal? 

O natuwa lang siya dahil nagustuhan ni Neal ang luto niyang kare-kare?

Tuloy lang sa pagkain si Neal, iniiwasan kong tumitig sa kaniya baka makita ako ni Mommy, nakakahiya. 

Kahit nakapagpalit na ako ng damit ay hindi pa ako nakakapaghugas ng kamay dahil nararamdaman ko pa ang kamay ni Neal.

Ayaw kong mawala sa kamay ko ang naiwang pawis ni Neal mula sa kamay niya.

Halos ayaw ko ngang humawak ng ibang bagay dahil mapapatungan nito ang presensya ng kamay ni Neal sa kamay ko.

Si Mommy ang nag-lead ng prayer bago kami kumain at sa pagsisimula namin ng dinner...

"Neal, special si Payne sa amin, mahal na mahal ko 'yan" habang nagsasalin si Mommy ng tubig sa baso ni Neal.

"Ah opo naman tita, special din po para sa akin si Payne." nakangiting sabi ni Neal pagkatapos niyang lunukin ang unang subo niya ng kanin na may kare-kare.

"Ikaw palang ang unang lalaking naghatid kay Payne dito sa bahay, I assume na may gusto ka sa kanya...ayaw kong masasaktan si Payne."

"Aahm...opo tita, I assure you po hindi po masasaktan si Payne."

Nahihiya ako sa sinabi ni Mommy, ni hindi manlang niya tinanong kung may gusto ba si Neal sa akin, nag-aasume nalang siya.

Tila may dumaang anghel at ayaw umalis dahil nakakabingi ang katahimikan, tanging ang tunog ng kobyertos, baso at mga pinggan lamang ang maririnig mula sa hapag-kainan namin.

Halatang nagustuhan ni Neal ang dinner dahil dire-direcho lang siya sa pagkain walang natira sa pinggan niya, maging ang dessert na buko pandan gelatin at tubig niya sa baso ay naubos.

"Solb po tita"

Ngumiti lang si Mommy at sinimulan na ang pagtayo at pagliligpit ng mga pinaglagyan ng kanin at ulam.

"Tita, busog na busog na po ako, maraming salamat po sa dinner."

"Mabuti nagustuhan mo, salamat sa paghatid mo kay Payne, mauulit ba ulit yan?"

"Po? Opo tita, basta ok po kay Payne, it's my honor po na ihatid siya, diba Payne?

Tumingin na ako sa kaniya dahil hindi ko na maitago ang kaligayahan ko nung sandaling iyon.

Habang kinukuha ko kay Mommy ang mga pinggan para ilagay ito sa dirty kitchen...

"Sige na Payne ako na, ihatid mo na lang si Neal sa gate at baka hindi niya alam ang paglabas dito sa street natin."

" Ok po Mommy."

"Ahm.. tita, mag-papaalam na po ako."

"Naku eh huwag muna Neal at bata ka pa!"

"Hahahahah! Si tita talaga..."

Tinapik ko ng very light ang balikat ni Neal.

"Ouch nemen! Tita si Payne po..."

"Sige na mag-ingat ka, Payne uwi ka agad."

Umiiling lang si mommy at napapangiti, alam niyang masaya ako.

"Sandali Neal, isasara ko lang ang gate, ihahatid pa ba kita sa sakayan?"

"Oh tapos ihahatid ulit kita dito sa gate ninyo? Tapos ihahatid mo ulit ako at ihahatid ulit kita? Hahhahaha!  ulit-ulit lang Payne?"

"Baliw ka talaga..."pag-irap ko sa kaniya.

"Yes, sa'yo po Ma'am..." yumuko lang siya sa akin.

"Dyan sa dulo ng street namin kaliwa ka then may makikita ka ng mga naka-paradang jeep, pwede ka ng sumakay dun."

"Salamat Payne ha, sa dinner, sa time, sa trust... sa chance." habang itinataas ang ka niyang mga kamay na para bang nagsesenyas ng babye..

"Sige na text ka nalang pag nakauwi ka na." pag-ngiti ko ng bahagya.

"Uuuy.. concern... teka ano number mo, di ko alam e." pag-turo ng magka bilang nintuturo ni Neal sa akin.

"Akina nga cellphone mo...(itinype ko ng mabikis ang number ko sa contacts niya) oh ayan na!"

"Hmmm..."habang chinecheck niya ang cellphone niya kung naka-save na nga ang number ko.

" sige sige.. salamat po Ma'am!" 

At patakbong umalis si Neal habang sumisigaw ng...

"I...LOVE YOU PAYNE!!!! WOOOOH!!!" na may halong pagtalon at mabilis na pagtakbo.

Napabuntong-hininga ako, ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito.

Ito na ba yung sinasabi nilang love?

Tiningnan ko ang mga kamay ko pagkatapos kong isara ang gate, napangiti ako, ramdam ko pa ang mga kamay ni Neal.

"Payne! pasok na..." malakas na sabi ni Mommy

"Po Mommy?" nagmamadali akong pumasok sa bahay para makapag-explain ng maayos

"Mommy pasensya na po ginabi ako, bigla po kasing umulan kaya..." nakayuko kong pagpapaliwanag.

"First and last yan Payne. Hindi ko gusto si Neal para sa'yo." habang nagliligpit na si Mommy ng nagulong throw pillows sa salas.

"Po Mommy? Akala ko po..." pagtataka kong sagot.

"Pinakitaan ko lang siya ng maganda bilang respeto dahil inihatid ka niya ng maayos." pagharap sa akin ni Mommy

"Pero Mommy..."

"Payne, alam mo naman diba, ayaw kitang masaktan.

"Mommy... Bakit po?" namumugto na ang mga mata ko, pinipigil kong tumulo ang mga luha ko.

"Anong bakit? pagtaas ng kilay ni Mommy

"Bakit po hindi pwede? Bakit po ayaw mo si Neal?"

"Dahil mistress ang nanay niya, at hindi ko gusto ang itsura niyang mukhang dugyot." tumalikod na si Mommy sa akin at dumirecho sa kusina

"Paano pong dugyot Mom?  Eh.. Ganun lang talaga siya pumorma, japorms, parang mga rappers may mga bling bling, ganun lang po talaga siya Mommy..."

Nakayakap ako sa Mommy ko habang ipinagtatanggol ko ang itsura ni Neal.

"Ah basta Payne! " tinanggal niya ang pagkakayakap ko at pinunasan ng mabilis ang lamesa na parang may hinahabol siyang oras.

Malay mo ngayon lang 'yan, na crush ka niya at gusto ka niyang makilala dahil bago ka sa paningin niya, e pero kapag tumagal na.."

"Eh di.. Hayaan mo po ako mommy na masaktan, hayaan mo po ako na malungkot, hayaan mo po ako mommy para matuto po ako."

Naghugas si mommy ng kamay ipinunas ito sa green kitchen towel na nakasabit sa handle ng ref, lumapit sa akin at hinawakan ang kanang bahagi ng ulo ko.

"Bata ka pa Payne, you are only 16, and with your autism and multiple personality disorder, I'm afraid it would be hard for you being in a relationship."

"Mommy.." pinipigil ko pa rin ang pag-iyak.

Ang abot-langit kong kaligayahan kanina sa 1Shop24 ay napalitan ng matinding lungkot.

"Pumasok ka na Payne sa room mo at magpahinga ka na."

"Opo mommy." tumungo lang ako sa lungkot.

Nag-kiss sa left cheek ko si mommy, hudyat ng pag-good night niya sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko with charger mula sa computer table.

Pumasok ako sa room ko, napansin kong  iniayos na ni mommy ang magulo bed na iniwan ko kaninang umaga. 

Napahiga nalang ako. 

Tumagilid at napaharap sa body mirror na katapat ng bed ko.

"Haay! Let's call it a day Payne, let's just deal with everything tomorrow."

Ipinikit ko na ang aking pagod na mga mata, nakikita ko pa rin si Maya, si Neal...

Oh wait, nagvivibrate ang cellphone ko, bigla kong iminulat ang mga mata ko at bumalikwas para kunin ito sa aking bag.

Baka si Neal ang tumatawag, nakauwi na siguro siya sa bahay.

"Hello?"

"Hello... Payne...?"

Malagong ang boses. Hindi ito boses ni Neal...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status