LOGINCHELSEA PASCUAL
Dinala ako ni Vander sa kanyang bahay. At agad niyang ginamot ang natamo kong sugat mula sa mga kamay ni Axel. Hindi ko maiwasang mailang dahil sa lapit ng aming mukha. Kitang-kita ko ang bawat pagkibot ng kanyang labi sa t'wing dumadapo ang hawak niyang cotton sa sugat ko. At kahit hindi siya magsalita ay nararamdaman kong galit talaga siya. Habang nakatitig ako sa kanya ay doon ko lang napansin kung gaano ka ganda ang hugis ng kanyang mukha. Mahaba ang kanyang pilik’mata, makapal at maganda ang pagkaka-ukit ng kanyang kilay. Matangos at sakto lang ang laki ng kanyang ilong na bumabagay sa hugis ng mukha niya, habang kasing pula naman ng mansanas ang kanyang labi. Alam kong gwapo siya, pero ibang level ang kagwapuhan niya kapag natitigan mo siya sa malapitan. Agad naputol ang pag-iisip ko nang muli bigla siyang nagsalita: "Stop moving. Mas lalo lang sasakit ito, dahil ang likot mo," pagsaway niya sa 'kin. Napalunok ako at hindi na nga gumalaw. Hindi niya talaga maramdaman na naiilang ako sa kanya. Gano'n ba siya ka manhid? O hindi niya lang talaga ako kilala? "Bakit mo ba hinahayaan ang lalaking iyon na saktan ka, martyr ka ba?" biglang bulalas niya. Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ko sa tanong niyang iyon. "Insulto ba yon?" usal ko. "Tch,” tanging naisagot niya pagkatapos ay agad na tumayo at tinalikuran ako. Sinusundan ko lang siya nang tingin at maya-maya lang ay nakita kong may dala siyang water bottle, at agad niya din iyong iniabot sa 'kin. "Thank you," mahinang usal ko. "Do you love him?" Agad akong napaubo at naidura ang tubig na ininom ko, dahil hindi ko inaasahan ang tanong niyang iyon. "Anong tanong yan?!" reklamo ko sa kanya. Matunog siyang ngumiti at muling umupo sa silya na nasa tabi ko. "Kasi hinahayaan mo lang siyang gawin ito sayo. A man like him, won't do anything good. He's an idi*t, and stvpid as h*ll." Aniya sabay tungga ng beer. Bahagya namang kumunot ang noo ko sa mga sinabi niya. Gano'n niya ba ka ayaw kay Axel? "Hindi kayo magkasundo?" naibulalas ko bigla. Ngumisi lang siya at agad na pinagkrus ang kanyang braso. Bigla siyang nanahimik na para bang may inaalala siyang isang bagay at hindi ko alam kung ano iyon. "We used to, but not anymore," tipid niyang sagot sa ‘kin. Diko na rin tinanong, baka sabihin niya pang napaka-chismosa ko. "Babalik ka pa sa kanya?" Pilit akong ngumiti, dahil wala rin naman akong ibang mapagpipilian. Pumayag na ako at ngayong nandito na'to ay mahihirapan na akong maka-alis pa. "Alam mong hindi gano'n kadaling takasan itong pinasukan ko. My parents won't agree with it," mapait kong sagot. Muling tumahimik ang paligid at gano'n na din kami. Pareho lang kaming nakatingin sa labas ng kanyang bahay, at naghihintay kung sino ang tatapos sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. "Why don't we just make a deal?" Nagsalita na siya ulit, pero hindi ko din maintindihan ang ibig niyang sabihin. "Let's get married. A fake marriage, it's a contract agreement,” paliwanag niya ay humarap sa 'kin. Para akong hindi makahinga dahil sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin. At hindi man lang niya iyon agad inalis at nakatuon lang talaga sa'kin. "Leave that stupid fiancé of yours. and play with me, Chelsea." *** "Aish, tatanggapin ko ba o hindi?" Naguguluhan paring tanong sa isip ko. Mula nang maihatid niya ako kaninang umaga pabalik dito ay hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang tungkol doon. "C-chelsea." Agad na naputol ang pag-iisip ko ang marinig ko ang boses ni Axel sa aking likuran. Matamlay akong lumingon sa kanya ay binigyan siya ng walang ganang tingin. "I'm sorry about what happened yesterday,” mahinang usal niya sa 'kin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinasabi niya. Kung may hawak lang akong bagay ngayon ay naihampas ko na sa pagmumukha niya. NANGGIGIGIL AKO! "Wag mo 'kong patawanin, Axel. Wala na akong pakialam sayo kaya gawin mo na lahat ng gusto mo. Kahit mag-uwi ka pa ng iba't ibang babae dito ay wala na akong pakialam." Asik ko at tinalikuran siya. *** At tama nga ako, dahil tatlong araw makalipas ay nakita ko na naman siyang nagdala ng babae dito sa bahay. At buong gabi silang nagtatalik sa loob ng kwarto namin. Sobra na akong nandidiri sa kanya at hindi ko na kayang pakinggan ang ingay, kaya't lumipat ako sa ibang kwarto na malayo sa kanila. "Di muna talaga pinagawang soundproof and lintek na kwartong yan. Akala mo talaga magandang pakinggan mga ung*l nila." Pagdadabog ko pa. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, para sana makatulog. Pero hindi ito nangyari, kaya lumabas nalang ako sa aking kwarto at nagtungo sa maliit na casa dito sa bahay. Niyakap ko ang aking sarili nang sumalubong sa ‘kin ang malamig na simoy ng hangin. Wala man lang akong dalang jacket, para sana takpan ang katawan ko nang sa gano'n ay maprotektahan ko ito mula sa malamig na panahon. Nang makapasok na ako sa loob ng casa ay inikot ko ang paningin ko sa paligid. Gabi na, pero makikita ko pa rin ang ganda nito dahil sa mga ilaw na nasa paligid. Sandaling napawi ang ngiti ko nang umingay ang aking cellphone. "Yes, mom," usal ko pagkasagot ko ng tawag. "How are you? Okay ka lang ba d'yan?" sunod-sunod nitong tanong sa 'kin. Kumibot ang labi ko, habang pinipigilan ang aking sariling maiyak. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo, ayaw kong mag-alala sila sa 'kin. "Y-yeah. I'm okay, mom. Don't worry about me, I can handle it very well,” pagsisinungaling ko. Marami pang tinanong sa 'kin si mommy, at nang masagot ko na lahat ng iyon ay agad na akong nagpaalam. Nang maibulsa ko nang muli ang cellphone ko ay tumingala ako sa kalangitan, at nakangiting pinagmamasdan ang napakalaking buwan. "Hindi ka makatulog?" Boses iyon ni Vander, hindi na ako nagugulat pa sa mga biglaang pagsulpot nito sa harapan o likuran ko. Maging ang presensya niya ay pamilyar na sa 'kin. "Oo, maingay sa loob eh,” pabirong sagot ko. Nang tumingin ako sa gawi niya ay nasa tabi ko na pala siya at hindi ko iyon napansin. Wala man lang akong narinig na mga yapak, habang naglalakad siya papalapit sa 'kin. "We can go separate ways, after five months right?" bulalas ko habang nasa buwan pa din ang aking tingin. "Hmm yeah, five months and after that. You can do whatever you want. It's just a deal, you can still think about it. I will give you enough of time,” kalmadong sagot niya sa 'kin. Wala namang mali kung tatanggapin ko ang deal niya. Dahil alam ko na isa iyon sa paraan, at siya lang din ang kayang alisin ako sa sitwasyong ito. Nag-angat ako ng tingin at umikot paharap sa kanya. Ilang segundo lang ay gumalaw din siya at yumuko para tingnan ako. "Let's do it, Vander," diterminadong usal ko. Sumilay ang isang tipid na ngiti sa labi niya at dahan-dahan rin siyang gumalaw paharap sa 'kin, at hindi inaalis ang kanyang mga matang nakatuon na sa ‘kin. "Let's get married.""PLAY WITH ME, CHELSEA" VANDER'S POINT OF VIEW The moment my shoes touched the marble floor of the lobby, everything spun. "What the hell…?" Napahawak ako sa sentido.. Para akong nalalasing. E naka-isang baso lang ako ng alak kaya nakakapagtaka. My body felt… wrong. It was too hot. My pulse was racing like I had been running for miles. I tried to steady myself on the nearest pillar. Damn it… what’s happening to me? “Mr. Rutledge?” I froze at the sound of that voice. Alessandra. She came out of the ballroom, hips swaying, with that same flirty gaze, but this time, may napansin akong kakaiba sa kislap sa mata niya at hindi ko iyon nagustuhan. Before I could move, her hand landed on my shoulder. “Are you okay? You look… flushed,” she whispered, stepping closer. The moment her fingers pressed against me, doon ko mas naramdaman ang init sa katawan ko. Para bang biglang nag-aapoy ang dugo ko. And I hated it. I hated that she was touching me. I hated that she thought she
"PLAY WITH ME, CHELSEA" VANDER’S POINT OF VIEW Ang lakas ng tugtog sa loob ng grand ballroom, pero kahit gano’n ay hindi mawala ang pakiramdam ko na may kulang. Ang daming taong nakapalibot ang mga kilalang negosyante, investors, at ilang board members na kailangan kong makipagkamay, pero wala sa kahit isa sa kanila ang atensyon ko. I took a glass of wine from a passing waiter, at agad siyang tinikmam. Hindi rin nagbabago ang ekspresyon ko habang nakatayo sa gitna ng grupo ng mga lalaki na kanina pa nagsasalita tungkol sa stocks, mergers, at kung anu-ano pang walang katapusang usapan tungkol sa negosyo. “Mr. Valderama, I heard your company is planning an expansion....” sabi ng isa habang nakangiti nang pagkalaki-laki. “Hmm,” sagot ko, mahina pero sapat para marinig nila at muli ring naging tahimik. My mind wandered. Paano na ‘yung iniwan kong buntis na asawa na ayaw tumigil sa kakilos sa bahay? Kakain na naman kaya ‘yun ng kung anong gusto niyang siya pa mismo ang gagawa
"PLAY WITH ME, CHELSEA"CHELSEA’S POINT OF VIEW Nang makapasok na kami sa loob mula sa kwarto ay agad akong umupo sa kama habang si Vander naman ay nagtungo sa walk-in closet. Narinig ko ang pagbukas ng ilaw at ang mahihinang kaluskos ng mga hanger. Maya-maya pa, lumabas siya suot ang itim na suit na parang hinulma talaga sa katawan niya. Napakagat ako ng labi habang pinapanood ko siyang isuot ang coat, pinapantayan ang laylayan, bago humarap sa salamin para ayusin ang kanyang necktie. "Grabe, kahit ilang beses ko pa siyang panoorin, hindi talaga nakakasawa... Ganito pala ang pakiramdam kapag may masarap at ubog ng gwapo kang asawa," sa isipan ko habang nakatitig sa kanya. Habang inaabot niya ang dulo ng necktie, bigla siyang nagsalita nang hindi ako tinitingnan. “Are you sure you don’t want to come with me tonight, Chelsea?” Agad na tumaas ang isang kilay ko. Ilang ulit na niya
"PLAY WITH ME, CHELSEA" CHELSEA'S POINT OF VIEW Nasa loob ako nang kusina at abala sa paggawa ng sandwich. Kumakanta pa at kung minsan ay sumasayaw at hindi mawala ang ngiti sa labi. Nitong mga nakaraang araw ay mas naging maselan ang pagbubuntis ko sa punto na pati ang mga kinakain ko ay gusto kong ako ang gumawa. May pagkakataon pa na magtatalo kaming dalawa ni Vander, dahil ayaw niyang kumikilos-kilos ako rito sa bahay lalo na sa kusina kasi nga medyo malaki na ang tyan ko. Sobra siyang nag-aalala dahil habang tumatagal at mas lalong tumitigas ang ulo ko, hindi ako nakikinig sa kanya. Pero sa bandang huli ay wala din siyang nagawa, kahit na labag sa loob niya ay pinagbibigyan niya na lang ako ngunit laging naka-alalay sa akin si Manang Susan at korina. "Chelsea... pagkatapos mo riyan ay magtungo kana sa veranda, upang makapag-pahinga ka nang maayos," mahinahong wika ni Manang Susan. Kakapasok lang nito sa loob ng kusina, may mga bitbit pang gulat na tingin ko ay g
"PLAY WITH ME, CHELSEA" VANDER’S POINT OF VIEW The soft hum of the air conditioner was the only sound that filled my office. My eyes were focused on the documents spread out on my desk such as quarterly reports, contracts, and new employee files. Everything looked in order, but my mind wasn’t really on the numbers. I leaned back on my chair, rolling my pen between my fingers, when a knock echoed from the door. “Come in,” I said without looking up. The door opened quietly, and my secretary, Michael, entered holding a black folder and a tablet. “Sir, the weekly operations report and the new hire records you requested.” I nodded, gesturing for him to leave them on the desk. “Sit,” I added, noticing the hesitation in his stance. “Yes, sir.” For the next few minutes, the conversation was purely business. Michael briefed me on ongoing projects, partnership updates, and the upcoming client meeting in Hong Kong. I listened, taking notes, until something.... Someone, caught my attenti
"PLAY WITH ME, CHELSEA"CHELSEA'S POINT OF VIEW "Hey..." Mabilis ang ginawa kong paglingon sa aking likuran nang umalingawngaw ang boses ni Vander. Unang bumungad sa akin ang salubong niyong kilay, kunot ang noo at halatang naiinis. "Korina told me that Tanya, was here earlier... May ginawa na naman na siya?" direktang tanong niya, nakatitig sa mga mata ko na para bang sinisiguro niyang hindi ako magsisinungaling. Natawa ako, humakbang nang isang boses at hinawakan ang kabilang pisnge niya. "As if, naman hahayaan ko siya. You know me better than anyone else, Vander. Kung dati hinahayaan ko siyang okray-okrayin ako.. ngayon hindi na." Sagot ko. He's silent for a moment, didn't spoke even just a single word then, I felt his hands on my waist. He pulled me closer to him and I laugh when he pressed my face against his hard chest as he hugged me tight."Naniniguro lang ako. I know you can handle yourself, but you're pregnant right now. At ibang usapan na iyon, Chelsea. Ayaw kong may







