Share

Kabanata 4

last update Petsa ng paglalathala: 2025-12-10 08:48:14

"LAKAN, anak. Pakibilisan naman po riyan at baka ma-late na si Mama sa job interview." Katamtamang sigaw ni Purisima mula sa labas ng kanilang bahay.

Kapagkuwan ay lumabas ang matamlay na anak nito sukbit ang backpack. Malaki ngunit walang masyadong laman.

"Ma, a-absent na lang ako." Ki aga-aga ay nag-aalburuto na naman ang anim na taong gulang na anak nito.

"Na naman?" Napangiwi na lamang si Purisima. Ni-lock na niya ang kinakalawang nilang gate bago pa makumbensi na naman siya ng anak sa kagustuhan nitong lumiban sa klase.

"LAKAN, naman. Dalawang araw ka nang absent tapos ngayon ayaw mo na namang pumasok. Maayos na naman ang pakiramdam mo. Teka nga, may hindi ka ba sinasabi sa akin? May atraso ka ba sa school mo kaya ayaw mong pumasok, Lakan?" Pag-iimbestiga ni Purisima sa anak.

Naging tensyonado ang bata. "W-wala. Wala naman po, Mama."

"Sigurado ka?"

"Mama, hindi ba malili-late na kayo sa lakad n'yo?" Pag-iiba sa usapan ng paslit. Smart kid.

Tumango si Purisima. "Sabi ko nga."

Dumiretso na kaagad sila sa sakayan ng diyep at minalas pang naipit sila sa mabigat na traffic. Pinagpawisan nang matindi si Purisima at unti-unti nang binubura ng pawis niya ang make-up na inilagay niya sa kanyang mukha kanina.

Napaangil si Purisima nang pagbaba nila sa diyep ay may bumunggo sa kanyang babae ngunit hindi siya nito pinansin at tumakbo lang sa kung saan.

Nang hindi sinasadyang mapayuko siya ay may nakita siyang mga litrato sa paanan niya. Tatlong piraso ito. Out of curiosity ay pinulot niya ito, nagbabakasakaling may nakasulat doon na numero na puwedeng niyang tayaan sa lotto.

Ngunit hindi numero ang nakita niya kung hindi isang lalaki. Kagyat na nalukot ang kanyang noo nang makita na may markang ekis ang mukha nito na gawa sa pulang ink. Gano'n din sa ikalawang litrato ngunit sa ikatlo'y wala nang tinta na nakamarka doon.

Adoration flashed in her eyes when she saw how gorgeous the man in the picture is. His physical appearance is heart-stopping. Sa tuwina ay naalala niya na may anak pa pala siyang ihahatid. At lalong naalala niya na may job interview pa siyang pupuntahan. Kailangan pa man din niyang makahanap ng bagong trabaho dahil hindi na niya matiis ang pangungulit sa kanya ng Boss niya sa pinapasukan niyang restaurant ngayon kaya aalis na siya roon bago pa magkagulo. Isa pa, matumal na rin ang nagpapagawa sa kanya ng kurtina at sofa cover.

Nakahinga lang siya ng dalisay nang nasa bungad na sila ng public elementary school na pinapasukan ng kanyang anak.

Humukod siya ng kaunti upang humingi ng halik sa anak. "Goodbye kiss na kay Mama."

Namula ang paslit at atubiling dinampian siya ng halik sa pisngi nang mabilisan. "Behave ka lang, ha? 'Wag ka nang magpapaiyak ng kaklase mong babae. Nagkakaintindihan ba tayo, Lakan?" Bilin niya sa anak.

Gasgas na gasgas na ang linyang iyon dahil sa araw-araw na nilikha ng Diyos ay hindi niya nakakaligtaang sabihin iyon sa anak.

Pumihit na ang anak at akmang papasok na sa gate ng school nang makita nito ang guro niya na papunta sa kanila. Nagtago ang paslit sa likod ni Purisima na animo'y may pinangingilagan.

"Sima, sandali. Aalis ka na ba?"

"Ah, Bernadette. Ikaw pala. Oo, e. May job interview pa kasi ako na hahabulin." Naging kaibigan na rin ni Purisima ang guro ng anak niya na kaedaran lang din niya.

"Ha? Gano'n ba? Hindi ba nasabi sa'yo ni Lakan na ipinapatawag ka ngayon sa principal office?"

Na naman?

Lukot ang noo ni Purisima na tinignan ang anak na nakakubli pa rin sa likod niya.

Hindi nga nagkamali ang kanyang kutob. May ginawa na naman si Lakan.

"Miss Cruzado, alam kong nagsasawa ka na sa mukha ko dahil halos tatlong beses sa isang buwan kung binibisita mo ako rito." Malambing na pahayag ng matandang principal.

Hindi lang ho nagsasawa, malapit ko na ring isumpa ang pagmumukha ninyo, sabat ng isip ni Purisima.

Feeling niya kasi ay nagkakabuhul-buhol ang bituka niya sa tuwing napapasulyap siya sa maluwag na pustiso ng principal. Parang second hand na kasi ito, isip niya.

"Kahit ibig ko mang makita ka palagi rito sa office ko ay hindi ko pa rin puwedeng palampasin ang ginawa ng anak mo. Na naman. Alam mo bang-"

"Hindi ko po alam kaya nga ho ako nandito para alamin." She bitterly cut his statement.

Sumandal naman ang uugud-ugod na principal sa kulay dugo nitong upuan. Purisima resisting the urge to walk out.

"Well, nilagyan lang naman niya ng patay na daga ang bag ng kaklase niya."

Napasapo na lang sa kanyang noo si Purisima.

Hay, Lakan. Ano bang gagawin ko saiyo?

"Napagkasunduan ng faculty staff na i-suspend muna ang anak mo sa loob ng dalawang linggo. At Miss Cruzado, sana naman sa pagbalik ng anak mo ay mapatino mo na siya. Sayang naman ang ganda mo kung hindi mo magawang idisiplina ang iyong anak."

Nanigas ang panga ni Purisima sa narinig. Tila malakas na ipo-ipo ang dating no'n sa kanya na halos pati kaluluwa niya'y mabubuwal.

"I'll keep that in mind, Sir." Tumayo siya at matamang hinarap ang principal. "Alam ko ho kung pa'no ang tamang pagdidisiplina sa anak ko. Sadyang malupit lang ho sa amin ang mundo kaya hindi maiwasang makaramdam ng sama ng loob ang anak ko. Aalis na ho ako. Kukunin ko na lang kay Bernadette ang report card at academic papers ng anak ko at nang mailipat ko siya sa ibang iskwelahan kung saan may principal na kaaya-aya ang pagmumukha." Hindi niya mapigilang bastusin ang principal. Nadala lang siya ng matinding emosyon.

Paglabas niya ng opisina ng principal ay kaagad siyang nilapitan ng anak. His innocent dark night eyes were apologetic. Hindi pa man ito humihingi ng sorry sa kanya ay kaagad nang naglaho ang tampo niya sa anak.

She really loves her son na kahit pagalitan ito ay hirap siyang gawin. Naisip niya minsan na kaya siguro lumalaking pasaway ang anak dahil masyado niya itong ini-spoil.

O baka naman nasa dugo talaga ng bata na maging malapit sa gulo? Gano'n din kaya ang Ama niya? She sighed with that thought again.

"Mama, sorry." Lakan's little hands snaked around her waist. Dinala niya ang anak sa bench na nasa gilid ng corridor.

"Pag-uusapan natin 'to sa bahay mamaya, okay?" Banayad na sabi nito sa kanyang anak.

"Mama, ayoko na po rito. Ilipat niyo na lang po ako sa school ni Leeyah." Tukoy ng bata sa kababata nito.

"Lakan, 'di ba sinabi ko na sa'yo na malayo na ang school ni Leeyah. Nasa ibang bansa na kasi siya."

"E di sundan natin sila."

"Lakan, anak.." Ramdam na ni Purisima ang pagpitik ng ugat sa ulo niya dahil kapos siya sa oras upang ipaliwanag sa anak ang mga bagay-bagay.

"Sige, susundan natin si Leeyah sa ibang bansa pero sa isang kondisyon." Pag-aalo ni Sima sa anak at lumiwanag naman ang natural na maangas na mukha nito.

"Yahoo! Ano po iyon, Mama?"

"Basta ipangako mo sa akin na mag-aaral kang mabuti at huwag na huwag ka nang gumawa ng gulo, okay?"

Sumaludo naman ang bata. Ngunit ilang sandali pa'y sumeryoso ulit ang ekspresyon nito. "Hindi naman iyan totoo, Mama e." Ngumuso ang bata.

"Ha? Hindi. T-totoo iyon, anak." Jusko! Ang hirap hagurin ng utak nitong batang ito. Talaga naman!

"Hindi iyon totoo. Noon sabi mo ibibigay mo sa akin ang picture ng Papa ko kapag nakapasok ako sa top five pero wala ka namang ginawa."

"Ah e.." Napakamot sa batok si Purisima. She was running out of reasons when her hand voluntarily traced the photo paper inside her pocket. "Oh God! Nakalimutan ko. Noon ko pa pala gustong ibigay sa'yo ang picture ng Papa mo."

Inabot niya sa anak ang picture na napulot niya sa kalsada kanina, iyong isang walang markang tinta. At naging sapat iyong dahilan upang lumundag sa tuwa ang anak niya.

Sometimes, lying causes us happiness.

Bahala na si Hulk! She doesn't care anymore kung nag-i-exist ba sa mundo ang lalaking nasa litrato o hindi. Basta ang mahalaga ay napasaya niya ang kanyang munting pasaway na anghel.

Iniwan muna ni Purisima ang anak sa kaibigan dahil kailangan na niyang humabol sa job interview. Kailangan niyang masungkit ang trabahong iyon dahil bukod sa malaking sahod ay pangarap rin niyang makapagtrabaho sa isa sa mga pinakamalaking kompanya sa Maynila na producer ng mamahaling alak sa iba't ibang panig ng mundo. Ang Santovini Distillery Company.

Alas nuebe ang itinakdang oras ng interview ngunit pasado alas dies na siya nakarating sa nasabing gusali.

"Miss, close na nga kasi ang interview at sa katunayan niyan ay pinaalis na nga ang lahat ng aplikante kaya huwag ka nang mag-aksaya ng oras na pumasok pa dahil kami po ang malilintikan kay Ma'am Abigail."

Mahigit sampung minuto nang pinagtatabuyan si Purisima ng mga guwardiya pero hindi pa rin siya nagpatinag at sinubukan pa rin niyag makapasok kahit dalawang guwardiya na ang humaharang sa kanya.

She desperately needs the job. Or kahit anong job dahil kung hindi ay baka sa lansangan na sila pulutin ng kanyang anak.

"Mga bossing, saglit lang naman ako at susubukan lang na iabot kay Mr. CEO ang application form ko. Baka nagkakamali lang ho kayo. Malay niyo ako na po iyong hinihintay ni CEO." Pagmamakaawa pa rin nito na halos lumuhod na sa harapan ng dalawang guwardiya.

"Naku, Miss. Kung ako saiyo may umalis ka na lang at sa iba ka na lang maghanap ng trabaho. Huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo rito. Masasaktan ka lang." Ani naman ng isang guwardiya.

"Alam ko. Alam ko po iyon pero wala namang mawawala kung susubukan ko, hindi ba? Kaya please lang mga bossing, padain niyo na ako. Utang na loob. Maawa po kayo sa akin dahil may anak po akong kailangang bihisan, pakainin, pag-aralin at bibigyan ng pang-renta sa computer shop para maglaro ng mobile legend at COC. Nagmamakaawa ho talaga ako sainyo."

Napapailing na lamang ang dalawang bantay sa desperation na ipinapamalas ni Purisima. Ni wala na siyang paki sa ibang dumadaan na nagiging witness kong gaano siya kadesperada sa kanyang ginagawa.

"Naku, Miss. Pasyensya ka na talaga at kung ako saiyo, aalis na lamang ako kaysa magsayang ng oras dito para lang sa wala. Hindi mo rin magugustuhan kung madadatnan pa kayo ni Ma'am Abigail dito."

Sino ba kasi ang Abigail na ito? Kamalas naman oh!

Natahimik ng ilang sandali si Purisima at nang makakuha ng tiyempo ay mabilis siyang tumakbo at nilusutan ang dalawang guwardiya. Nakipaghabulan siya sa mga ito roon sa malawak na lobby hanggang sa makita niyang bumukas ang isang elevator. She jumped inside it. No, she jumped into the man who was inside it. Then the elevator door closed in time at hindi na siya napigilan ng mga guwardiya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 57

    Sinadya niyang bumangon ng maaga ngayon at ipinagluto niya si Purisima ng paborito nitong ulam. Dahil mamayang gabi pa naman iyong pageant kaya naisipan niyang dalhan ng lunch si Dirus Van Arkel sa opisina nito ngayon.Para-paraan na lang si Purisima makita lang niya si Dirus.Maaliwalas na ngiti ang ibinungad ng dalawang guwardiya pagdating niya sa de Souza Distillery Company."Hello mga bossing. Nasa opisina po ba si Dirus? Ihahatid ko lang po sana itong lunch niya." She said smiling."Ay naku, Ma’am Purisima. Kaaalis lang po ni Sir. Mga five minutes pa lang." Saad ng isang guwardiya.Pumakla naman ang panlasa ni Purisima dahil sakto namang nakatanggap siya ng reply mula kay Dirus. Tinanong niya kasi ito kung busy ito ngayon at kung nasaan ito pero ‘di naman niya pinaalam sa binata na balak niyang bisitahin ito ngayon.My workloads today are heavy. I'm just inside my office, fully engaged with a lot of paper works needed to be revise.Pinabasa niya ang text message na iyon ni Dirus

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 56

    DIRUS’S head was full of distracting details. Days had passed yet his brain is still puzzled.Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy-tukoy ang totoong may kagagawan ng mga insidenteng nagaganap sa buhay nila ni Purisima. Mas mahirap pa ito kesa sa inaasahan niya. Ngunit ganoon pa man ay wala siyang balak itigil ang imbestigasyon hanggat hindi niya natutuklasan ang may sala.He had some sleepless nights and worries since that fire tragedy occurred. Hindi mapanatag ang kalooban niya sa tuwing naiisip niyang baka bukas o sa makalawa ay buhay na mismo ni Purisima ang nasa peligro.Oh Jesus, please! How could he protect her kung wala siyang kaidi-ideya kung kanino niya ito dapat ilayo?Nasa lounge ng hotel ni Matys Valcourt ngayon si Dirus. Hindi para magliwaliw kundi para alamin kung may nakalap na rin ba itong kahit katiting na impormasyon na magtuturo sa naturang suspect."Goose egg, as in nothing at all. Hindi ko lang tiyak kung madulas ba talaga ang kalaban mo o may tao na namang hum

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 55

    “G—gano’n ba?” She stuttered then gulped. “Ano nang balak mo sa building na ’to?”“You’ll find out sooner, baby.”Dahan-dahang inikot ni Dirus ang katawan ni Purisima paharap sa kanya. “Take a rest for now, ’kay?”“Huh?” Nasa mukha ni Purisima ang pagtataka.“Aalis muna ’ko saglit. I’ll be here before ten, I promise.”But he isn’t fond of throwing promises. Ayaw niya lang na mag-alala si Purisima. Ayaw niyang ipaalam dito kung saan siya pupunta.DIRUS’S chin jutted out upon arriving at the nearby woodland before the Moonlit castle or let’s say the Moonlit Fortress itself.Liblib na lugar ang kinaroroonan nito at nasa kalagitnaan pa lamang sila ngayon ng gubat. The castle is massively built in the center of the woodland. Takaw-atensyon ang naturang ganda ng kastilyo na animo’y parang nasa fairyland. Sinong mag-aakala na mababangis na tao ang nakatira roon?“What’s your plan, Kauld? How’ll we get inside?” Impatiently, he asked Kauld. Dalawa lang sila ang pumaroon. Mabuti’t nasa bansa ng

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 54

    Dirus kept stealing brief glances at Purisima, who had eventually drifted into a deep sleep in the passenger seat.Her earlier energy—sharp, fiery, impossible to ignore—was completely gone now, replaced by the quiet rise and fall of her steady breathing. Exhaustion must’ve caught up with her without warning.Tupok na tupok na ng apoy ang buong bahay ni Purisima nang madatnan nila ito. May sampung kabahayan pa ang nadamay at ayon sa paunang ulat ay sa mismong bahay ni Purisima nag-umpisa ang sunog.Wala nang nagawa si Purisima kanina kundi ang humagulhol. She was helpless earlier and seeing her in that state triggered something inside Dirus.No need to do some investigations. Hinala niya na ang Moonlit ang may kinalaman sa insidente. And he doesn't want this day to close down without confronting the supreme of Moonlit. He fucking wanted to face Luna!Nothing he couldn’t do just to make sure that this won’t gonna happen again. He’ll protect Purisima and Lakan in every way he could. No m

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 53

    OH, HE'S JUST nothing.He's nothing.Binalibag ni Dirus ang cellphone niya sa pader ng kanyang opisina matapos marinig ang linyang iyon mula kay Purisima. Adrenaline spiked through his nerves. Pakiramdam niya ay puputok na ang litid niya sa ulo.Yes, he let Purisima to go with that asslick but he hired his bodyguard to look after her secretly. His bodyguard called him at ipinarinig nito sa kanya ang usapan ni Purisima at ng lalaking kasama nito."Goddammit! I'm nothing pala, ha! Tangina!" Nakakalat na sa sahig ang mga documents na ire-revise niya at wala na siyang pakialam kung mapunit man iyon o magusot.Galit siya.He's mad as fuck with what he had heard from Purisima. It was clear as crystal water that it was Purisima's voice. "I am fucking nothing. I am nothing to her after everything that I did. What a shame? Fuck that! Wala pa rin pala akong halaga sa kanya. Akala ko ba... Tangina!" Halos madurog na ang ngipin niya sa sobrang pagtitimpi. He felt cheated. Ngayo'y hindi na niya a

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 52

    “WHEN is that pageant, anyway?” Itinawalag ni Purisima ang atensyon niya mula sa DNA paternity test result na ibinigay sa kanya ni Dirus na kanyang binabasa ngayon.Actually kagabi pa niya hawak ang papeles na iyon pero nawiwili siyang basahin iyon ng paulit-ulit.“Next Saturday na.” Tugon niya sa binata na nasa driver seat.Patungo sila ngayon sa kompanya nila Dirus dahil wala naman siyang gagawin sa araw na iyon kaya sasama na lang siya sa opisina ni Dirus.“That so? I’ll have F. Serano handle your preparations, and M. Cinco will see to it that you’re given only the finest evening gowns for the pageant.”His tone was calm—almost indifferent—as if arranging something like this was nothing more than routine, just another item on a long list of usual matters.“What? Hindi na kailangan ‘no. Ang exaggerated mong supporter. Magsasayang ka pa ng milyun-milyon para lang sa isang simpleng event.” Swabeng pagtanggi ni Purisima.Ang totoo niyan ay wala na siyang dapat ipag-alala pa regarding s

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 27

    Gustuhin mang aliwin ni Purisima ang kanyang paningin sa ganda at gara ng buong bahay pero wala na siyang sapat na lakas para gawin iyon. Si Lakan ang tanging pakay niya sa lugar na iyon.Dinala siya ni Dirus sa malawak na sala de bisita ng mansion, hawak pa rin nito ang kamay niya. Doon nadatnan n

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 26

    HALOS paliparin na ni Dirus ang kanyang sasakyan makarating lamang siya kaagad sa presintong sinabi sa kanya ni Purisima. Habang nasa biyahe ay pinagalaw na niya ang ilang tauhan ni Kauld Kravchenko na hiningan niya ng tulong upang ipahanap si Lakan.Paulit-ulit niyang minumura ang kanyang sarili d

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 25

    "MAMA, hindi pa po ba tumatawag ang Papa ko? Akala ko ba sabi niyo papasyal tayo sa bahay nila Papa noong Sabado, bukas Sabado na naman pero wala pa rin si Papa."Nauubusan na ng idadahilan si Purisima upang pagtakpan si Dirus sa kanyang anak.Siya rin nama’y wala ring kaide-ideya kung bakit bigla

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 24

    ILANG araw nang wala sa sarili si Dirus dahil sa labis na confusion. Ilang gabi na siyang hindi pinapatahimik ng opinyong maaaring si Purisima ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Ang naturang babae sa likod ng lavender mask.It's like he's also telling the whole world that frog can dance flame

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status