Masuk
“SIMA, pagsubok lang ‘to sa inyo. Malalampasan at malalampasan din ninyo ni Mader Prima ‘to. Magpakatatag ka lang. Alam mo namang ikaw lang ang mapaghuhugutan ng lakas ng Nanay mo.”
Bahagyang naibsan ang bigat na gumugupo sa lakas ni Purisima nang dumating sa ospital ang nag-iisa niyang kaibigan– si Magenta. Isang binabae.
Nasa trabaho siya kanina nang may emergency call siyang natanggap. Isinugod ng ilang concern nilang kapitbahay sa ospital ang Nanay Prima niya.
Madalas nilang pagtalunan ng Nanay niya ang bisyo nitong alak. Hindi kasi ito maawat kahit ano pang pakiusap ang gawin niya. Wala itong pinipiling oras sa pag–inom. Nag-umpisang malulong sa alak ang Nanay niya no’ng nangaliwa ang kinakasama nito na kanyang step–father. Sumama kasi sa mas bata at walang sabit.
“Kaya kong magpakatatag dahil alam kong iyon lang ang higit na mas magagawa ko ngayon, Magenta. Kapit na kapit na rin ako sa itaas. Nagmakaawa na ako sa lahat ng santong kilala ko na huwag muna nilang kunin iyong nag–iisang pamilya na mayro’n ako. Pero paano naman iyong bayarin dito sa ospital? Paano ko mapapa-operahan si Nanay gayung minimum wager lang ako. Wala kaming ipon, Magenta.”
Hilam ang mga mata ni Purisima. Halatang galing sa matinding pag–iyak. Patang-pata na ang katawan niya hindi lang sa pisikal na aspeto, emotionally din.
Ayon sa doktor na sumuri sa Nanay niya ay may komplikasyon na raw ang atay nito. Seven months ago noong napatignan niya sa specialist ang kalagayan ng kanyang ina at noon nga niya napag-alaman na may stage four liver cancer ito dahil sa labis nitong pang-aabuso sa sariling katawan. Mula noon ay kahit anong pilit niya sa Nanay niya ay nagmatigas talaga itong huwag sumailalim sa ano mang treatment o tumor removal. Kaya bumagsak sila sa ganito kasaklap na suliranin.
Ganito pala ang pakiramdam kapag binabantaan ni kamatayan ang isa sa mga taong pinakaayaw mong mawala saiyo. Napakabigat sa dibdib. Walang katumbas ang sakit. Iyong tipong mas nanaisin mong isanla sa demonyo ang kaluluwa mo, huwag lang tangkain na kunin saiyo ang nag–iisang taong karamay mo sa buhay.
“Si Mader Prima kasi e. Daig pa ang musmos sa sobrang katigasan ng ulo tapos idagdag pa ang kunsintidor na unica hija sa pagiging tomador ng ina. Kaya ngayon, heto. Napakalaking dagok ang dumating.”
“Magenta, ano’ng gagawin ko? Saan ako mangangalkal ng pera para sa operasyon ni Nanay? Malabong may mahita ako sa amo kong Intsik. Ni cash advance, hindi ako mapagbigyan.”
Huli na para pagsisihan iyon ni Purisima. Sa ngayon, ipapako muna niya ang kanyang buong atensyon kung paano siya makakadiskarte para sa pagpapa–opera sa Nanay niya.
Malaki–laking halaga kasi ang estimated cost para sa operasyon dahil nga ay may mga komplikasyon na ang lagay ng kanyang Nanay Prima. Kung sana ay naagapan ito kaagad at natanggal ang tumor sa atay nito ay mas napalayo pa sana ang buhay ng Nanay niya sa posibling peligro.
“Ganitong gipit na gipit ka, may alam naman akong paraan para maisalba si Mader Prima sa bingit ng peligro. Alam kong hindi marangal itong trabahong ito, Purisima at kinakabahan ako para saiyo.”
“Magenta, sa sitwasyon ko ngayon, sa tingin mo uunahin ko pa kung marangal o hindi iyong paraan para mailigtas ko si Nanay? Magenta, utang na loob naman oh! Kahit ano o saan pa iyan basta para sa Nanay ko, kakapit ako.”
Naroon ang pagkabagabag sa hilatsa ng mukha ni Magenta. Pero kailangan niyang mapatunayan na disidido siyang pasukin ano mang klaseng trabaho iyon.
“S–sa Moonlit, Sima. Tiyak nandoon ang sagot sa problema mo.”
MOONLIT, isang ekslusibo at confidential na muog na nagsisilbing takbuhan ng mga lalaking nangangailangan ng panandaliang aliw. Ang mismong fortress ay nakatayo sa pusod ng isang liblib at masukal na kagubatan. Kasing-laki niyon ang Spis Castle ng Slovakia ayon sa nagpapalaganap ng kuwento tungkol sa misteryo ng Moonlit.
Luna– ang babaeng de maskara. Ito ang Suprema ng Moonlit at tanging nagpapatakbo ng ekslusibong muog. Sa labas ng Moonlit ay mistulang character ng mga kuwentong–bayan lamang si Luna.
Lunaria– iyon ang tawag sa mga babaeng buong–loob na isinusuko ang kanilang mga sarili sa Moonlit. Iba–iba ang kuwento ng mga Lunaria kung paano sila pumasok sa madilim na mundo ng Moonlit. Ngunit isa lang doon ang totoo, lahat sila ay may kanya–kanyang pagsubok sa buhay na nais nilang malampasan at sa tulong ng Moonlit ni Luna ay hindi sila mabibigo. Para sa kaalaman ng iba, walang karanasan o virgin lamang ang nararapat na maging Lunaria. Rookie sa madaling sabi. May ibang Lunaria na mas piniling manatili sa ilalim ng Moonlit. Sarili nila iyong desisyon na pinahintulutan naman ng Suprema na si Luna.
Lunar Divas– mga Lunaria na natatangi sa lahat. They are exclusive to serve their affluent Aristocrats for a single night only, alinsunod sa Golden Rules ng Moonlit. These Lunaria should wear a mask until they are done with their work. Their identity must be keep hidden from their Aristocrats dahil nagiging gulo ng Moonlit ang ibang Aristocrats na naghahabol sa Lunar Divas nila at iyon ang iniiwasan ni Luna. May mga signature color ang bawat antipas na ipapasuot sa kanila ni Luna. Triple kaysa sa ordinaryong Lunaria ang kikitain ng isang Lunar Diva, nga lang ay triple rin ang serbisyong dapat nilang ibigay sa kanilang Aristocrats.
Aristocrats– ang mga patron o parokyano ng Moonlit na hindi lang native na Pilipino. Mas madalas pa nga ay mga banyaga. Mostly sa mga Aristocrats dito ay may mga asawa. Isa lang ang sinisigurado ng Moonlit, walang napapasang Aristocrat na isang kahig isang tuka. Lahat ng kanilang parokyano ay de premiera sa alta–sosyedad at mga Big Shot. Mainly local and international male celebrities and models, politicians, business magnates and even those aristocrats from uppermost class, upper–middle and middle class of the society.
At sa mundo ng Moonlit dinala si Purisima ng kanyang kapalaran. And then that one forbidden night happened. One steamy night with her aggressive, wild and furious Aristocrat who happens to be the heir to a multi–billion shipping lines company in the world, a rebel son, a ruthless heartbreaker, a notorious playboy, he's no other than Dirus Van Arkel.
DALI-DALING umibis palayo si Purisima Cruzado at hingal na sumandal sa pader pagkapasok niya ng kitchen.Doon nakita niya ang mga katrabaho niya na nakadungaw sa maliit na glass na tila sinilihan ang mga puwet sa sobrang kilig.“Juscolorful! Kung alam ko lang na nandiyan siya, sana ako nalang iyong nagserve ng order nila. Kyaahh.” Nangingisay sa kilig ang isa.“Kung ako, naku! Sasadyain ko talagang punitin ang palda ko tapos kapag nasa harapan na niya ako, magkukunwari akong nag–seizure at masusubsob ako sa abs niya. Pakshit!”“Ang yummy niya. Putcha! Likod pa lang busog na ako. Lalo na kapag humarap, bloated na ako no’n pero wala akong paki basta mahawakan ko lang siya. Van Arkel, come to mommy. Dede ka na. Wahh...”“Lintik! Ang suwerte mo naman, Sima at nalapitan mo si Sir Diruslicious!”Kumunot ang noo niya. “Kilala mo rin siya, Grace?” Aniya sa head crew nila na nagngangalang Grace. Si Grace kasi iyong tipong hindi magkakainteres sa mga guwapo tulad ni Dirus o sa lalaking may mala
Dirus Van Arkel decided to release the woman dahil bukod sa mga litratong nakuha nila rito ay wala na silang matibay na ebidensiya na magdidiin pa dito. Plus the fact that he doesn't want to see the gorgeous, fuckable, yummy, and sexy woman inside the prison but he wants inside her instead.He quickly shook that thought off. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang niya pagnasaan ang naturang babae simula noong makasama niya ito sa elevator kanina.He thought that it was just because she has those bouncing boobs, or her intoxicating smell, or maybe he only remembered the woman he's searching for so long now in her.Shit! This is alarming. Why I even had much spare time to think about her? I'm just fantasizing about her body, nothing more because that is me—the real Dirus Van Arkel.He was on his way back to Alessio Santovini Distillery company building when he got a ring from his brat sister.He lifted it while frowning. “I'm driving, Velisse. Make it quick.”“Tor, fetch me
Tumayo siya sa harapan ni Purisima ngunit hindi man lang siya pinapansin ng babae. Halatang nagmamatigas.Puwes, kung alam lang nito ay hindi lang ito ang may karapatang tumigas. Iyong alaga niya ring napakapusok. Hindi madala–dala kahit dalawang babae na ang kalaro niyon kagabi lang.“I need only one fucking valid reason why in the hell did you do that?” He needed to get something from her—something that might be the reason why he's always creeping out.“Donut? Mister o dunken? Tch.”“Here you go, miss fuckable. You and your smart mouth are really something but I don't fucking appreciate it.” He said in gritted teeth. He will take this seriously kahit pa ang totoo ay atat na siyang hawakan ang babae. Her skin was so attractive. Everything about her is so enticing to own. But he had to get a grip of himself.“F—fuckable? Ano? Ano’ng tinawag mo sa akin? Ulitin mo ngang lintik ka!” Naningkit ang mga mata ni Purisima. Hindi niya lang tiyak kung sa inis o sa hiya. “Binabastos mo ba ako?”
MAKALIPAS lang ang mahigit treinta minuto ay naisalang na si Purisima sa investigation rights sa ilalim ng kamay ng awtoridad. Mukhang seryosong kaso nga ang inaakusa sa kanya ng lalaking iyon. Ngayon nagsisisi na siya kung bakit nagawa pa niyang pagpantasyahan ang damuhong iyon kanina.Ito lang pala ang sisira sa araw niya.“Ano nga kasi sa ‘HINDI AKIN ANG LITRATONG IYON’ ang hindi ninyo maintindihan? Jusko! Nakapag-aral ba talaga kayo o talagang ang cu-cute lang ng utak ninyo?” Namimilipit na sa galit at himutok si Purisima.Kung hindi lang siya nakaposas sa likuran ay malamang kanina pa niya tinampal ang mga mukha ng dalawang parak na hindi sumusuko hanggang sa may mapigang impormasyon mula sa kanya.“Miss, umamin ka na lang kung saan mo nakuha ang litratong iyon o kung sino man ang nag-utos sa’yo na subaybayan ang bawat kilos ni Sir Dirus. Huwag na nating pahabain ‘to dahil nakakainip na rin.” Sinadyang ilapit ng pulis ang mukha kay Purisima.Again, he was obviously attracted to h
DIRUS was in daze of shock when a woman literally jumped into him. Hindi siya naging handa sa pag-atake nito kaya nama’y natulak siya nito sa pader ng elevator and to his luck ay naging masama ang bagsak ng likod niya roon."Hell with you?" He hissed under his austere breath.Hindi umimik ang babae, bagkus ay nagulat na lamang siya nang bigla itong humagulhol. Huli na no’ng nalaman niya na nakasubsob pala sa dibdib niya ang mukha nito. He can't see her face ngunit alam niyang mabango ito.His petty anger instantly disappeared. Mabango kasi ito at parang mina-magnet ang kaluluwa niya sa matamis nitong amoy. Nakakahalina."Ehem, M-miss?" Salita niya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang ialis sa katawan niya ang babae.He was hoping na sana maganda ito para worth it naman. He smirked by that thought.Bigla ay inalis ng babae ang mukha nito sa kanyang dibdib. Gusto niya itong pigilan sa hindi malamang kadahilanan.He stood deadpan when he met the firing brown eyes
"LAKAN, anak. Pakibilisan naman po riyan at baka ma-late na si Mama sa job interview." Katamtamang sigaw ni Purisima mula sa labas ng kanilang bahay.Kapagkuwan ay lumabas ang matamlay na anak nito sukbit ang backpack. Malaki ngunit walang masyadong laman."Ma, a-absent na lang ako." Ki aga-aga ay nag-aalburuto na naman ang anim na taong gulang na anak nito."Na naman?" Napangiwi na lamang si Purisima. Ni-lock na niya ang kinakalawang nilang gate bago pa makumbensi na naman siya ng anak sa kagustuhan nitong lumiban sa klase."LAKAN, naman. Dalawang araw ka nang absent tapos ngayon ayaw mo na namang pumasok. Maayos na naman ang pakiramdam mo. Teka nga, may hindi ka ba sinasabi sa akin? May atraso ka ba sa school mo kaya ayaw mong pumasok, Lakan?" Pag-iimbestiga ni Purisima sa anak.Naging tensyonado ang bata. "W-wala. Wala naman po, Mama.""Sigurado ka?""Mama, hindi ba malili-late na kayo sa lakad n'yo?" Pag-iiba sa usapan ng paslit. Smart kid.Tumango si Purisima. "Sabi ko nga."Dumi







