Share

Kabanata 2

last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-10 08:32:16

Si Purisima ay nahihirapang maintindihan ang lahat ng patakaran ng Moonlit. Sa sitwasyon niya, wala na sa mga alituntunin ng Moonlit ang atensyon niya. Kalagayan ng kanyang Nanay Prima ang tanging iniisip niya.

Sa wakas ay nakaharap na niya si Luna– ang babae sa likod ng enigmatic masquerade mask na pinalamutian ng rear beads na tiyak na napakamahal. Gintong may halong pulang glitter ang maskara at kumikislap sa liwanag.

Hindi matiis ni Purisima na huwag titigan ang misteryosong babae. Mahaba ang manggas ng suot nitong itim na Dolman maxi dress. Batay sa limitadong bahagi ng balat nitong naka–expose, maipapalagay ni Purisima na hindi purong Filipino ang pinangingilalang si Luna. Instinct niya ang nagsasabing maganda ang mukha ni Luna sa likod ng maskara nito.

Hindi naman pala ito mala–Bellatrix Lestrange o Braguda kagaya ng sa expectations niya. Mukha lang naman itong Donya na player ng mahjong. Ngunit hindi niya mapigilang huwag matablan ng kaba.

“Ease up, darling. Whatever rumor you have heard outside about me and Moonlit, I assure you that everything you heard were all just a futile piece of crap.” paliwanag ni Luna nang mahinahon. Napansin siguro nito ang alinlangan at pangamba sa kilos ni Purisima.

Kung pupunain nitong namumusyaw ang buong mukha niya ay hindi na siya magugulat pa. Wala namang ginagawa sa kanya si Luna at ang mga tauhan nitong nakaantabay sa paligid ng front receiving area ng gusali, pero nang tumingin siya sa mga mata ni Luna, ramdam niya na para siyang pusa sa mainit na ladrilyo. Ramdam niya ang namumuong butil ng malamig na pawis sa kanyang noo at sa bandang philtrum ng kanyang mukha.

Maayos ang pakikitungo ng lahat sa kanya sa loob ng Moonlit; kabaligtaran lahat sa naririnig niyang ugung-ugong sa labas. Daig pa niya ang isang sovereign kung pagsilbihan ng mga servant doon nang dumating siya. Sa Moonlit lang siya nakakita ng mga prutas na bago sa kanyang mga mata. Natatakam siya sa mga iyon, pero hindi nagpatalo sa katakawan niya. Mahirap na baka ma–Eba rin siya.

Ngunit sadyang hindi maitatago ni Purisima ang hindi pagkapanatag ng kanyang loob. Kahit pa binubusog ng mga magaganda at nakakamanghang bagay sa loob ng Moonlit ang kanyang mga mata, tinatabla pa rin siya ng nerbyos sa huli.

Hindi basta–basta at hindi ordinaryong mga tao ang nakakadaupang-palad niya sa mga oras na iyon. Isang maling galaw lang niya, pakiramdam niya ay lulubog ang bahaging kinauupuan niya at mababangis na hayop ang naghihintay sa kanya sa ilalim. Moonlit, therefore, is the unsafest place around the Globe ayon sa kanyang palagay.

“Kung ganoon po, hindi totoong pumapatay kayo?” tanong niya nang pahamak. Dapat sa isipan lang niya iyon.

Matamis na ngiti ang gumuhit sa nakalantad na labi ni Luna. Animo’y namangha pa ito sa kagagahan niya.

“That is not true. I never killed anyone else. I have thousands of men around the world to do the honor of killing those rebellious and disobedient people who are connected to my Moonlit for me. Kaya walang saysay kung mababahiran ng dugo ang aking mga kamay.”

May namuong tumpok sa gitna ng lalamunan ni Purisima sa sinabi ni Luna. Nakangiti ito pero alam niyang hindi ito nagbibiro. Hindi siya nakagalaw.

“Subalit tinitiyak ko naman saiyo na maginhawang buhay ang naghihintay saiyo kung hindi ka magiging suwail sa patakaran ko, Purisima Cruzado.”

Unbelievable! Wala pa siyang isang oras na nakipagkompromiso sa Moonlit ngunit alam na nito ang kanyang buong pangalan. Hindi na siya magtataka kung may nakalkal na itong impormasyon tungkol sa background niya. Ganoon kumilos ang mga pinagkakatiwalaang tauhan ng muog ni Luna.

“Ipapaalala ko rin saiyo, hija, na bukas ang Moonlit, ano mang oras na naisin mong bumalik.”

“Hindi na ho kailangan, madame. Una at huling beses ko na po ito rito sa Moonlit. Pagkatapos ng operasyon ng Nanay ko, mananahimik na ho ako at ibabaon ko sa limot na naging isa akong p****k ng organisasyon ninyo.” Lakas–loob niyang sabi. Sa desisyon niyang iyon ay wala naman siyang lalabaging batas ng Moonlit.

“P****k? That's quite a harsh term. Masakit sa loob ko na tinatawag na ganiyan ang mga Lunaria ko lalo na ang mga Lunar Divas ko, Purisima. May I remind you once more, hija, na iisang Aristocrat lang ang nakatuka sa bawat Lunar Diva ko. Hindi kung kani–kanino. Wala akong Lunar Diva na hinayaan kong maabuso.”

“Nakuha ko po. At handa na po akong maging isang Lunar Diva sa gabing ito, madame Luna.” Wala nang atrasan ang desisyon niya. Ipinipikit na lamang niya ang kanyang mga mata sa tuwing inuusig siya ng kanyang konsensiya. Hindi niya maaaring kaligtaan kung para kanino ang pagsasakripisyo niya. Dignidad lang naman niya ang huhupa pero makakaahon pa naman siya eventually. Ipinapangako niya iyon sa kanyang sarili.

“Give your best shot, Purisima. You're my Lavender Lunaria. Take this lavender mask as a sign that you're one of my Lunar Divas. Lumakad na rin ang ibang mga tauhan ko para aregluhin ang lahat ng kakailanganin ng Nanay mo. Good luck and have faith in him. Your mother will be okay.”

Ganoon din ang ipinapanalangin niya.

Taliwas sa inaasahan ni Purisima na sa standards lang ng Lunaria siya mapapasa. Nakakabigla at naging Lunar Diva siya. Pang–Lunar Diva ang alindog niya. May parte sa kalooban niya na nagbunyi. Ibig sabihin milyones ang kikitain niya sa isang gabi lang.

Maipapatayo na niya ang pinapangarap nilang tailoring shop ng kanyang Nanay Prima. At posibleng maipaayos pa niya ang kanilang bahay at makapundar ng ilang kagamitan tulad ng appliances.

“Just be obedient to Moonlit at magpakabait ka sa Aristocrat mo, Purisima. Mukhang nakangiti sa iyo ang kapalaran ngayon dahil napakasuwerte mo sa magiging Aristocrat mo. He's a big shot. Walang sabit. Not to mention that he's also the hottest topic in every tabloids and in every women's fantasy. Kailangan mo lang mag–ingat dahil agresibo ang Aristocrat mo. There's a communication device installed on your lavender mask, you can connect with us anytime. Kung may mangyari mang hindi mabuti habang nasa kamay ka ng Aristocrat, asahan mong hindi ka papabayaan ng mga tao ko. And through that device, malalaman namin kung may nilalabag kang patakaran ng Moonlit.” Mahabang paalala sa kanya ni Luna.

“Naiintindihan ko po lahat.”

“Should be, darling. I trust you, my Lavender Lunaria. Don't disappoint me or you will be sorry.”

HER EYES were blindfolded when they left the fortress. Naka–blindfold din siya kanina nang dalhin siya ng mga tauhan ni Luna sa Moonlit. She thought that it's their protocol. Ang kinaibahan lang ngayon ay mukhang sa helicopter sila sasakay ayon sa nag–iingay na rotor blades.

The air trip took more than twenty minutes based on her mental calculation bago niya naramdamang lumapag ito. And Roque– Luna's sidekick instructed her to take off her blindfold.

Nasa isang helipad sila ng napakataas na gusali. It looks like an abandoned hotel. Mula roon ay tinahak nila ang ilang palapag pababa sa pamamagitan lamang ng hagdan. Hindi na nakapagtatakang wala nang silbi ang elevator dahil abandonado nga ang gusaling iyon. Sayang! Pati electric supply limitadung–limitado rin. Nagmistulang ghost hotel tuloy ito. Sayang ang magarbong interior design.

Kumirot ang mga binti ni Purisima bago sila nakarating sa palapag kung saan naghihintay ang kanyang Aristocrat.

Sana man lang naisip ng Aristocrat niya na mag–book ng hotel room o kaya sa motel na lang. Bakit sa haunted building pa na iyon? May sira ba ang ulo ng Aristocrat niya?

Hanggang labas na lamang ng 14th floor inihatid ni Roque si Purisima. Mag-isa na lamang siyang pumasok sa pintuang itinuro sa kanya ni Roque.

At kung kanina balahibo lang niya sa batok ang naalarma, ngayon pati na yata mga baby hair sa katawan niya ay nagsitayuan na rin nang mga collection ng mahahabang samurai sword, tactical and combat knives ang bumulaga sa kanya sa loob. May nakasabit na chandelier sa receiving area ng palapag na iyon. Mistulang condo unit pero iyon nga ay walang gaanong kagamitan maliban sa Poltrona Frau Kennedee curved sofa, a center table at mga durog na vase at picture frames. May nakakalat ding mga bubog mula sa mga basag na bote ng alak.

Napayakap pa si Purisima sa sarili nang may natagpuan siyang ilang kutsilyo at dart na nakatusok sa kisame. Napamura siya ng malakas.

Hindi kaya serial killer ang Aristocrat niya?

This is hell! She could smell her dead end inside that cursed room.

Pero para sa ikabubuti ng kanyang Nanay Prima, wala siyang hindi kayang gawin. Isusugal niya ang kanyang kaligtasan kung nararapat.

Nanginginig niyang dinukot ang maliit na basyo sa bulsa ng kanyang Western coat na ipinasuot sa kanya ni Luna. Tinungga niya ang lahat ng laman nito na Devil Springs Vodka. Ibinigay iyon kanina ni Magenta sa kanya at inumin lang daw niya para pampalakas ng loob.

Ngunit may sa demonyo yata ang alak na iyon. Bukod sa napakababa niyang alcohol tolerance ay napakalakas din ng sipa ng alak sa katawan niya. Umikot kaagad ang kanyang paningin at nag–init ang kanyang sistema.

Noon niya naisipang hubarin ang coat at itinira na lamang ang silky lavender chemise set sa katawan niya. Hindi na rin niya ginalaw ang kanyang maskara dahil takot siyang gambalain ang alarm niyon.

At dahil wala pa ang kanyang Aristocrat, nagkusa na lamang siyang pumasok sa nag–iisang pintuan sa palapag na iyon. Inimbitahan niya ang sarili sa nang-eengganyong queen sized California bed at hindi sinasadyang makaidlip dala na rin ng epekto ng alak sa katawan niya.

Malalagot talaga sa kanya ang gagong Magenta na iyon!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • PLAYBOY NO MORE!    Kabanata 9

    DALI-DALING umibis palayo si Purisima Cruzado at hingal na sumandal sa pader pagkapasok niya ng kitchen.Doon nakita niya ang mga katrabaho niya na nakadungaw sa maliit na glass na tila sinilihan ang mga puwet sa sobrang kilig.“Juscolorful! Kung alam ko lang na nandiyan siya, sana ako nalang iyong nagserve ng order nila. Kyaahh.” Nangingisay sa kilig ang isa.“Kung ako, naku! Sasadyain ko talagang punitin ang palda ko tapos kapag nasa harapan na niya ako, magkukunwari akong nag–seizure at masusubsob ako sa abs niya. Pakshit!”“Ang yummy niya. Putcha! Likod pa lang busog na ako. Lalo na kapag humarap, bloated na ako no’n pero wala akong paki basta mahawakan ko lang siya. Van Arkel, come to mommy. Dede ka na. Wahh...”“Lintik! Ang suwerte mo naman, Sima at nalapitan mo si Sir Diruslicious!”Kumunot ang noo niya. “Kilala mo rin siya, Grace?” Aniya sa head crew nila na nagngangalang Grace. Si Grace kasi iyong tipong hindi magkakainteres sa mga guwapo tulad ni Dirus o sa lalaking may mala

  • PLAYBOY NO MORE!    Kabanata 8

    Dirus Van Arkel decided to release the woman dahil bukod sa mga litratong nakuha nila rito ay wala na silang matibay na ebidensiya na magdidiin pa dito. Plus the fact that he doesn't want to see the gorgeous, fuckable, yummy, and sexy woman inside the prison but he wants inside her instead.He quickly shook that thought off. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang niya pagnasaan ang naturang babae simula noong makasama niya ito sa elevator kanina.He thought that it was just because she has those bouncing boobs, or her intoxicating smell, or maybe he only remembered the woman he's searching for so long now in her.Shit! This is alarming. Why I even had much spare time to think about her? I'm just fantasizing about her body, nothing more because that is me—the real Dirus Van Arkel.He was on his way back to Alessio Santovini Distillery company building when he got a ring from his brat sister.He lifted it while frowning. “I'm driving, Velisse. Make it quick.”“Tor, fetch me

  • PLAYBOY NO MORE!    Kabanata 7

    Tumayo siya sa harapan ni Purisima ngunit hindi man lang siya pinapansin ng babae. Halatang nagmamatigas.Puwes, kung alam lang nito ay hindi lang ito ang may karapatang tumigas. Iyong alaga niya ring napakapusok. Hindi madala–dala kahit dalawang babae na ang kalaro niyon kagabi lang.“I need only one fucking valid reason why in the hell did you do that?” He needed to get something from her—something that might be the reason why he's always creeping out.“Donut? Mister o dunken? Tch.”“Here you go, miss fuckable. You and your smart mouth are really something but I don't fucking appreciate it.” He said in gritted teeth. He will take this seriously kahit pa ang totoo ay atat na siyang hawakan ang babae. Her skin was so attractive. Everything about her is so enticing to own. But he had to get a grip of himself.“F—fuckable? Ano? Ano’ng tinawag mo sa akin? Ulitin mo ngang lintik ka!” Naningkit ang mga mata ni Purisima. Hindi niya lang tiyak kung sa inis o sa hiya. “Binabastos mo ba ako?”

  • PLAYBOY NO MORE!    Kabanata 6

    MAKALIPAS lang ang mahigit treinta minuto ay naisalang na si Purisima sa investigation rights sa ilalim ng kamay ng awtoridad. Mukhang seryosong kaso nga ang inaakusa sa kanya ng lalaking iyon. Ngayon nagsisisi na siya kung bakit nagawa pa niyang pagpantasyahan ang damuhong iyon kanina.Ito lang pala ang sisira sa araw niya.“Ano nga kasi sa ‘HINDI AKIN ANG LITRATONG IYON’ ang hindi ninyo maintindihan? Jusko! Nakapag-aral ba talaga kayo o talagang ang cu-cute lang ng utak ninyo?” Namimilipit na sa galit at himutok si Purisima.Kung hindi lang siya nakaposas sa likuran ay malamang kanina pa niya tinampal ang mga mukha ng dalawang parak na hindi sumusuko hanggang sa may mapigang impormasyon mula sa kanya.“Miss, umamin ka na lang kung saan mo nakuha ang litratong iyon o kung sino man ang nag-utos sa’yo na subaybayan ang bawat kilos ni Sir Dirus. Huwag na nating pahabain ‘to dahil nakakainip na rin.” Sinadyang ilapit ng pulis ang mukha kay Purisima.Again, he was obviously attracted to h

  • PLAYBOY NO MORE!    Kabanata 5

    DIRUS was in daze of shock when a woman literally jumped into him. Hindi siya naging handa sa pag-atake nito kaya nama’y natulak siya nito sa pader ng elevator and to his luck ay naging masama ang bagsak ng likod niya roon."Hell with you?" He hissed under his austere breath.Hindi umimik ang babae, bagkus ay nagulat na lamang siya nang bigla itong humagulhol. Huli na no’ng nalaman niya na nakasubsob pala sa dibdib niya ang mukha nito. He can't see her face ngunit alam niyang mabango ito.His petty anger instantly disappeared. Mabango kasi ito at parang mina-magnet ang kaluluwa niya sa matamis nitong amoy. Nakakahalina."Ehem, M-miss?" Salita niya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang ialis sa katawan niya ang babae.He was hoping na sana maganda ito para worth it naman. He smirked by that thought.Bigla ay inalis ng babae ang mukha nito sa kanyang dibdib. Gusto niya itong pigilan sa hindi malamang kadahilanan.He stood deadpan when he met the firing brown eyes

  • PLAYBOY NO MORE!    Kabanata 4

    "LAKAN, anak. Pakibilisan naman po riyan at baka ma-late na si Mama sa job interview." Katamtamang sigaw ni Purisima mula sa labas ng kanilang bahay.Kapagkuwan ay lumabas ang matamlay na anak nito sukbit ang backpack. Malaki ngunit walang masyadong laman."Ma, a-absent na lang ako." Ki aga-aga ay nag-aalburuto na naman ang anim na taong gulang na anak nito."Na naman?" Napangiwi na lamang si Purisima. Ni-lock na niya ang kinakalawang nilang gate bago pa makumbensi na naman siya ng anak sa kagustuhan nitong lumiban sa klase."LAKAN, naman. Dalawang araw ka nang absent tapos ngayon ayaw mo na namang pumasok. Maayos na naman ang pakiramdam mo. Teka nga, may hindi ka ba sinasabi sa akin? May atraso ka ba sa school mo kaya ayaw mong pumasok, Lakan?" Pag-iimbestiga ni Purisima sa anak.Naging tensyonado ang bata. "W-wala. Wala naman po, Mama.""Sigurado ka?""Mama, hindi ba malili-late na kayo sa lakad n'yo?" Pag-iiba sa usapan ng paslit. Smart kid.Tumango si Purisima. "Sabi ko nga."Dumi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status