Share

CHAPTER 2

Camille Galvez's Pov.

Ilang beses akong kumatok sa pintuan at ilang segundo lang ay may nag bukas naman dito.

"Insan! Nakabalik ka na pala dito sa pilipinas!" Mabilis akong niyakap ni

Kylla, pinsan ko siya.

"Nakauwi ka na pala ba't di mo man lang sinabi! Gabi na ah, bakit ka nga pala nandito? Tapos dala-dala mo pa yang malita mo? Teka wag mong sabihin na..." Nakapamewang siyang nakatitig sakin ngayon.

"Uhm, ayaw ko pa kaseng umuwi sa bahay! Hindi pa kami bati ni Mommy." Nakasimangot kung saad at napailing-iling naman siya.

"Tsk, may trabaho ka na ba dito?" Napakamot ako sa ulo, kakarating ko pa nga lang eh.

"Grabe ka naman insan, kakarating ko lang dito eh." Sabi ko.

"Hala gagi ka, alangan namang ako pa magpakain sayo insan! Hindi naman ako katulad ninyo na mayaman." Napasimangot ako.

"Pwede naman maging anak mo nalang ako." Birong saad ko.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan, halika pasok ka muna dito." Tinulungan niya akong bitbitin yong malita ko papasok sa loob.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay niya. Hmm, katulad parin siya ng dati este medyo nabago lang ng kaunti. Si Kylla nalang mag isa dito kase namatay na yong papa at mama niya. Actually 1 year lang ang gap namin ni Kylla, minsan tinatawag ko siyang ate kapag lang naman inaasar ko siya ganon.

"Okay lang ba sayong dito ka muna, pasensya na maliit lang yong kwarto di tulad ng sainyo." Pumasok ako sa loob at 'yong kwarto ay kaseng laki lang nong banyo ko sa kwarto este mas malaki pa yong banyo ko kesa rito. Pero okay lang at least may matutulugan ako kesa naman sa kalsada diba?

"Sus, ano ka ba! Hindi naman ako maarte alam mo yan. Salamat nga pala, wag kang mag alala mag hahanap ako ng trabaho bukas na bukas."

"May companya naman kayo, don ka nalang kaya mag trabaho--"

"No way! Ayokong mag trabaho don sa companya." Saad ko sabay upo sa gilid di kalakihang kama.

"Camille ikaw lang kaya ang kaisa-isa nilang anak at saka ikaw lang din naman ang tagapag mana non, bakit ayaw mo ba?"

"Oo, ayaw ko! Ang gusto ko eh, yong trabaho kagaya ng ibang tao katulad ng sales lady o di kaya waitress sa restaurant, pwede ding yong mag tinda-tinda ng pagkain o ulam sa kalsada ganon." Kita ko namang napanganga siya sa mga sinabi ko.

"Jusko Camille, yan ba pangarap mong trabaho? Pinag-aral ka nga sa States tapos yan pala pangarap mong trabaho, Iba ka rin eh, kala mo naman sanay ka sa mga ganyan. Saka wag ka nang mag balak kase paniguradong papagalitan ka ng mommy mo, baka pag nalaman niyang nandito ka sa bahay na kaseng laki lang ng kwarto niya eh, papa-uwiin ka non sainyo kaagad! Ang arte pa naman non." Wika niya.

Sa totoo lang ayaw ni Mommy kay Kylla ahm...sa buong pamilya pala niya, ewan ko ba pinapalayo niya ako kay Kylla kase nga daw ang pamilya nila manggagamit, mang-aagaw ganon. 

Tsk, mabait kaya si Kylla! Lahat nalang ng taong malapit sakin eh, pinapalayo niya ako,  anong gusto niya sakanya lang ako malapit? Di ba ako pwedeng makipag kaibigan? Di ba ako pwedeng mag saya ng wala siya?

Tama din si Kylla sobrang arte ni Mommy, kahit alikabok lang mahawakan ko o may kunting dumi ang damit ko, parang ang gusto niya eh, gawin kung panligo yong alcohol para siguradong mawala ang germs.

"Kaya nga ayoko na don, tiniis ko ngang mag-aral don sa States at sinunod ang mga gusto niya pero ngayong tapos na akong mag-aral at sa tingin ko naman ay nasa tamang edad na ako. Di ko na siya hahayaang pag bawalan ako sa mga gusto kung gawin sa buhay." Ani ko at nag buntong hininga.

"Mahal na mahal ka lang talaga ng mommy mo Camille."

"Kung mahal niya talaga ako diba dapat hayaan niya akong gawin ang mga nag papasaya sakin?" Tanong ko sakanya.

"Ay, ewan bahala ka na dyan. Matutulog na ako dahil maaga pa ang trabaho ko bukas."

"Sige, goodnight insan!"

"Goodnight, matulog ka na rin!" Giit niya bago lumabas ng kwarto.

Nag bihis muna ako bago tuluyang humiga sa kama, imbis na ipipikit ko na ang mata ko ay bigla kung naalala si Flyn, yong nangyari kanina.

Hindi niya ba ako na miss? Tagal kaya naming di nag kita. Saka totoo ba talaga yong nabalitaan kong naging playboy na daw siya? Hala kung sino-sino kinakama niya ganon ba? Di na siya virgin? Putang*na ah, dapat ako naka virgin kay Flyn hindi yong ibang babae!

Bakit kase umalis pa ako eh! Kasalanan talaga 'to ni Mommy! Gusto kase niya na unahin ko daw muna ang pag-aaral ko bago daw yang boyfriend-boyfriend na yan.

Pero hindi na din naman ako virgin, hayst! Ang tanga-tanga mo kase Camille! Bakit ka nakipag ano sa lalaking di mo naman kilala, kapag alak talaga may balak eh!

_

"Oyy insan gising na! Kakain na, bilisan mo may trabaho pa ako! Hoyyy prinsesa gising naaaaa!!!" Sigaw niya sa tainga ko kaya napabangon ako.

"Grabe ka insan ang sakit ng tainga ko ah, tumalsik-talsik pa yong laway mo sa loob ng tainga ko!" Natatawang saad ko sa huli.

"Tagal mo kaseng magising, bumangon ka na dyan insan." Ani niya.

Tumayo na ako at lumabas.

"Tinapa lang yong ulam, di na ako nagluto. Okay lang ba sayo?"

"Tinapa?" Napakamot ako sa batok ko at tinititigan 'yon.

"Oo, sardinas hindi mo ba alam yon?"

"Ah, alam ko yan! Okay lang insan, nakatikim na naman ako nong ganyan noon highschool pa ako."

"Talaga? Bakit ka naman kumain ng ganyan, ayaw ka ngang payagan ng mom mo na kumain ng pagkain na kung ano-ano kase nga diba yong luto ng mga professional chief lang kinakain niyo."

Luto man ng professional o hindi, basta't nakakain parin kakainin ko at saka anong pinag-kaiba non? Eh, pareho lang namang nakakain tapos nakakabusog. 

"Yong best friend ko kase noon, sabay kaming kumakain at yon nga may mga pagkain akong natutunan kung kainin dahil sa kanya, uhm wala kase talaga silang kaya sa buhay pero di naman 'yon importante sakin kase mayaman ka man o mahirap di ibig sabihin non na di na kayo pwedeng maging magkaibigan diba?"

"Yeah, tama ka insan." Tumango-tango siya. "Katulad nitong sa atin. Di man ako pareho na mayaman kagaya niyo pero kina-ibigan mo parin ako kahit na ayaw ng pamilya mo sa pamilya ko." Dagdag niya.

"Kung may away man ang pamilya natin, di tayo damay kase problema na nila yon at hindi satin." Saad ko at nag simula ng sumubo ng pagkain.

"San ka nga pala nag ta-trabaho insan?"

"Sa isang sikat na restaurant, swerte ko nga eh, kase natanggap ako."

"Parang gusto ko rin mag trabaho dyan sa sinasabi mong restaurant ah."

"Hindi na sila hiring eh, kapag hiring na sila ulit sasabihin ko sayo para makapag apply ka."

"Okay sige salamat insan! Oh, tapos ka nang kumain?"

"Nag mamadali ako insan, malapit na akong ma late oh. Sige alis na ako! Ikaw nalang ang bahala dito sa bahay ah kung aalis ka i-lock mo nalang yong pinto." Kumaway siya sakin bago lumabas ng bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status