Share

CHAPTER 3

Ni linga-linga ko ang paningin ko at walang tv si insan, walang ref, wala din siyang aircon. Kaya pala nag sisimula na akong pag pawisan dito eh, kase ang hot ko este ang init-init.

"Ahh, baka may electric fan siya?" Tinapos ko na muna yong kinakain ko at pumunta sa kwarto ni insan, napangiti naman ako ng may makitang electric fan kinuha ko ito at dinala sa sala. Nang i*****k ko yon ay napakamot ako sa kilay ko nang hindi ito gumagana.

"Sira yata to ah, oyy sira ka ba? Hello?" Sinundot-sundot ko yong electric fan at nanlaki ang mata ko nang matumba siya bigla... tang*na namatay na siya, nahiwa-hiwalay yong katawan niya!

Natataranta naman ako kase di ko alam kung pano ito ayusin.

Hala baka magalit si insan sakin kase sinira ko yan pero sira na naman talaga yan...kung bilhan ko nalang kaya siya ng bago no? Mura lang naman yong ganyan, may pera naman ako dito pero nga kailangan kung mag tipid, lalo na ngayon na hindi pa ako nakakahanap ng trabaho, ayaw ko namang manghingi kay Mommy gusto kung patunayan sa kanya na kaya kung kumain, kaya kung mabuhay ng wala siya sa tabi ko.

Nilagay ko nalang yon sa gilid at pumasok na sa kwarto, nang pumunta ako sa banyo ni insan ay walang tubig kaya di nalang ako naligo. 

Okay pa naman yong baho ko, hindi pa nakakamatay.

Nag bihis na ako at saka lumabas nang bahay, kailangan ko ng mag hanap ng trabaho.

_

Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko, kase dapat nag hahanap ako ng trabaho ngayon pero...itong paa ko dinala ako sa tapat ng bahay ni Flyn.

Bahay ba talaga ito ni Flyn? May nakapag sabi lang kase sakin.

Gusto ko kase talaga siyang makita kaya siguro napadpad ako dito. Bumuntong hininga muna ako bago pinindot yong doorbell, ilang minuto ang lumipas ay nakita ko si Flyn na papalabas at nong mag tagpo ang paningin namin ay agad siyang tumalikod.

"Hoy! Flyn pag buksan mo naman ako ng gate!" Sigaw ko sakanya pero tuluyan na siyang pumasok ulit sa loob ng bahay niya.

"Ano ba yan, ang aga-aga tapos bad mood na yong baby Flyn ko!"

Napatitig ako don sa gate, di naman siya masyadong mataas... napangisi ako nang may maisip.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid, si-siguraduhin ko lang kung may tao pa dito sa paligid baka kase may makakita sakin at mapag kamalan pa akong magnanakaw.

Tuluyan na akong umakyat ng masiguradong wala nga talagang tao, muntik naman akong mahulog buti nalang at nakakapit ako. Pagkababa ko ay inayos ko yong buhok ko kase naman dapat maganda ako kapag nakita ni Flyn.

Kumatok ako sa pintuan at walang nag bukas, kumatok ako ulit pero wala paring nag bubukas, kumuha ako ng bato at yon sana ang ikakatok sa pinto pero bigla itong nag bukas at muntik ko pang ma katok ang ulo ni Flyn gamit yong bato.

"Good morning baby ko!" Yayakapin ko sana siya pero tinulak niya ang ulo ko gamit ang palad.

Ang harsh niya sakin!

Napasulyap-sulyap ako don sa loob ng bahay niya. "Pano ka nakapasok dito?!" Ang aga-aga tapos nakakabingi na ang boses niya, hindi naman siya ganito dati. Napaka sweet kaya ni Flyn, super lambing at sobrang bait.

"Hala nasa labas pa ako Flyn oh, inakyat ko nalang yong gate kase di mo ako pinag buksan eh." Wika ko at tinabig 'yng balikat niya para tumingin sa loob, pumasok ako don at nilibot ang paningin.

"Wow, ganda pala ng bahay mo. Nag dadala ka ba ng babae dito?" Takang tanong ko.

"Pake mo ba!"

Nag tungo ako sa kusina niya at tumingin-tingin sa mga kagamitan doon.

"Pinagluluto mo rin ba iyong mga babae mo?"

"Just shut up! Umalis ka na nga dito!" Iriting saad nito sakin.

"Nagugutom ako Flyn, ipagluto mo naman ako. Na miss ko kaya yong luto mo." Sabi ko sakanya at kinurap-kurap pa ang mata. Magpapa-cute lang naman ako para pumayag siya pero di yata gagana.

"San ka ba kumukuha ng kakapalan ng mukha?!"

"Di ko alam, nakalimutan ko eh. Siguro nabili ko sa tindahan..." Kita ko namang parang u-usok na ang ilong niya sa galit.

"Umalis ka na!!" Hinila niya yong kamay ko palabas at pilit naman akong humawak don sa pintuan.

"Ano ba Camille!!"

"Ehh, gusto kung mag stay dito!" Pag mamatigas ko.

"Gusto mo ba talagang kaladkarin pa kita palabas huh!!" Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sakin ngayon?!

"Aray ko naman wag ka ngang sumigaw di ako bingi ah!!" Sigaw ko din sakanya.

"Di ka talaga aalis?!"

"Hindi!" Iling kung sabi.

"Gusto mo bang tumawag pa ako ng pulis?"

"What the hell! Sige tumawag ka, walang pumipigil!" Naka crossed arm kung sabi, napahawak naman siya sa ulo niya.

"Okay ka lang? Masakit ba ulo mo?" Nag aalala kung tanong, hala baka nilalagnat siya o ewan, baka lang naman.

"Oo, masakit yong ulo ko dahil sayo!!" 

Dahil sakin? Hindi ko kaya na katok ng tuluyan yong ulo niya gamit ang bato diba?

"Sige na nga aalis na ako, babalik nalang ako dito kapag di na masakit ah. Bye love you." Sabay nag flying kiss pa ako pero umilag siya.

"Ay teka pano ba buksan 'tong gate mo?"

"Ako na!" Nag tatanong lang naman ako pero bakit galit pa rin siya. 

Tuluyan na akong nakalabas sa bahay nila, napakamot nalang ako sa ulo habang unti-unti nang tumalikod don.

Habang palakad-lakad dito ay napatingin ako sa kamay ko kase hawak-hawak ko pa pala hanggang ngayon yong bato, inis ko yong tinapon. 

Inangat ko 'yong ulo ko ng may marinig na parang tahol ng aso, nagka-titigan naman kami nong aso na nasa harap ko.

T-Tangina?

Ngumuti ako ng pilit don sa aso. "H-Hello doggy, good dog ka diba? Heheh upo ka lang dyan oh, t-teka wag kang--ahhhhhh sh*ttt!!!" Mabilis akong tumakbo ng bigla ako nitong hinabol, nang may makita akong puno ay mabilis akong umakyat doon.

Nakahinga ako ng maluwag kase di na niya ako naaabot, mataas-taas din kase itong puno.

"Bleee! Ano ka ngayon huh!! Kala mo mahahabol mo ako? Tsk asa ka, sige nga akyatin mo nga ito!" Pag kausap ko don sa aso na panay ang tahol at sinubukan pang tumalon-talon para abutin ako, kala niya siguro may pakpak siya?

Ilang minuto ang nakalipas ay umalis din yong aso kaya napangiti ako. Inangat ko ang kamay ko para sana eh, stretch-stretch yon pero napahinto ako ng may makapa akong kakaiba, sunod-sunod akong napalunok at napadaing ng may biglang kumagat sakin.

Dahan-dahan akong tumingala at nanlaki ang mata ko ng may makita akong bahay ng bubuyog tapos anrami pa nila...

"O-Oy wag k-kayong lalapit--"

"PUTANG*NA!!!" Agad akong tumalon at kumaripas ng takbo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status