Share

CHAPTER 5

"Huh? Ako ba ang tinutukoy mo bata?" Tanong ko sanay turo sa sarili ko at tumango naman siya. Ang batang nasa harap ko ay mga nasa 10 or 11 years old na yata ito.

"Bakit may kailangan ka ba?" Nakangiting tanong ko sakanya at yumuko ng kaunti para magkapantay kami.

"Pwede mo ba kaming kunan ng litrato?" 

"Kayo?" Tumango-tango siya.

"Yong baby na hawak-hawak nong babae, gusto kong mag selfie kasama siya ate." Napangiti nalang ako kase tinawag niya akong Ate.

"Sige ba." Saad ko sabay tayo. Sinamahan ko siya don sa babaeng may hawak-hawak na sanggol na babae, ang cute-cute nong baby mga 1 year old na yata siya.

"Mrs, pwedeng kunan ko silang dalawa ng litrato?" Tanong ko sa babae.

"Litrato?" Bumaba ang tingin niya sa kasama kong batang lalaki.

"Pwede po ba? Ang cute niya po kase, gusto kong mag picture kami para pagkalaki ko ay hahanapin ko siya at pakakasalan." Medyo nagulat ako sa sinabi nong bata at natawa nalang kami kase ang cute niya.

Umupo yong batang lalaki sa upuan at  binigay sakanya nong babae ang bata. Pansin ko ang higpit ng pagkahawak dito, para bang gusto niya itong protectahan at di gustong pakawalan. Mas napangiti ako ng halikan niya ito sa pisngi kaya agad ko iyong kinunan ng litrato.

"Lysander! Halika na umuwi na tayo." 

"Opo, mommy!" Kinuha na nong babae ang anak niya at yong batang lalaki na nag ngangalang Lysander ay tumakbo na papunta sa mom niya.

Teka? Kala ko ba parang remembrance itong picture? Eh, pano ito??

Napakurap-kurap nalang akong umupo ulit kung san ako umupo kanina. 

Ang cute nilang dalawa, para lang silang magkapatid pero sigurado ako paglaki nitong dalawa eh, maganda at gwapo ang mga ito. 

***

Hayy naku! Wala man lang akong nahanap ng trabaho, ang tanging nagawa ko ngayon ay tumakbo ng tumakbo, nakakapagod grabe sila may kasalanan ba ako para habulin nila huh?! Kala mo naman ninakaw ko mga atay nila.

"Insan nandito na ako..."

"Hi, insan!"

"Ah, akala ko wala ka dito, ba't ang dilim yata?"

"Di ko alam kung san ang switch insan, nakalimutan ko. Tinago mo ba?" Bigla ko naman siyang narinig na tumawa.

Lumiwanag ang paligid at nakita ko siya na nasa tapat ng pintuan. "Nandito lang oh." sabay turo niya don sa gilid lang malapit sa may pintuan.

"Hindi ka na pala takot sa dilim insan?"

"Ah, oo nasanay ako don sa States eh, minsan kase yong daanan nila walang ilaw."

"Oh, anong nangyari sa noo mo namumula yata?" Napansin niya talaga yong noo ko.

"Hinabol ako ng mga bubuyog kanina eh, pasalamat nga ako kase nakalimang kagat lang sila sakin."

"Pfft....san ka ba kase galing huh? Kala ko ba mag hahanap ka ng trabaho?"

"Yon nga eh, parang iba yata nahanap ko. Kakapagod tumakbo insan tapos hinabol din ako nong mga tauhan ni Mommy."

"Umuwi ka na kase sa inyo, baka tawagan pa ako non at pagalitan ng Mom mo." Saad niya at nilagay yong dala niyang bag sa upuan.

"Di naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin diba?"

"Hmm, may point ka naman pero kase iba yong mommy mo. Kahit walang mag sabi malalaman at malalaman niya parin." 

"Basta gagawa ako ng paraan para di makabalik don sa bahay! At alam ko namang pipilitin niya lang ako don sa Leo na yon!"

"Leo? Sinong Leo?"

"Yong lalaking gusto ni mommy para sakin." Sagot ko sa tanong niya.

Nakakainis talaga kase siya nag de-desisyon para sakin, di man lang ako tinatanong kong gusto ko rin ba yong mga gusto niya!

"Balak niyang ipakasal kayong dalawa ganon?" Tumango nalang ako bilang sagot.

"Teka, kumain ka na ba?"

"Hindi pa eh." Napakamot ako sa balikat, bigla tuloy ako nakaramdam ng gutom.

"May dala akong ulam."

"Ano yan?"

"Pinakbet, may nag titinda kase don sa unahan kaya bumili nalang ako para di na ako mag luto. Okay lang ba na ito ulam natin?" Diba dapat sa umaga sila nag titinda ng ganyang ulam.

"Huh? Ah, oo okay lang, nakakain na din ako ng ganyan noon kasama ko yong best friend ko."

"Sino ba yang best friend mo na yan?" Taka nitong tanong.

"Si Alyana, siya lang naman yong close friend ko nong highschool."

Na miss ko tuloy siya bigla, simula nong nag transfer ako eh, hindi ko na siya nakakausap. Siya lang talaga ang naging kaibigan ko nong highschool, alam muna mapili ako pag dating sa kaibigan.

"Mabait ba siya?" Tanong niya na ikinangiti ko.

"Sobra! Sa sobrang bait non eh, maraming nam-bu-bully sakanya at kahit pinapahirapan siya ay wala lang sakanya. Grabe siya eh, parang di marunong magalit kaya nga ako pag may nang-aaway pinag tatanggol ko siya." Wika ko, kita ko namang nabaling ang tingin siya sa electric fan na nasa gilid lang.

Patay, nakalimutan kong iligpit...

"Anyare dyan?" Sabay tinuro yon.

"Hala! Insan may magnanakaw na nakapasok sa bahay mo at alam mo ba sinira niya yang electric fan mo." Pag sisinungaling ko, kinakagat-kagat ko pa yong kuku ko. Wag kang magpahalatang guilty ka Camille!

"Talaga?" Tanong niya at mabilis akong tumango.

"Oh, baka naman ikaw ang nakasira?" Ngumiti ako ng pilit sakanya at nag peace sign.  "Di ko sinasadya, sorry insan."

"Okay lang, sira nanaman ito eh."

"Ah, ganon ba? Akala ko talaga ako ang nakasira nyan."

"Bibili naman ako ng bago kapag sweldo ko na." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status