Share

PREGNANT BY UNKNOWN STRANGER
PREGNANT BY UNKNOWN STRANGER
Author: Pseudonym

CHAPTER 1

_

Flyn Parker's Pov. 

"Flyn! Halika sayaw tayo!" Aya ni John at hinila pa ako patayo.

Nandito kami ngayon sa club at kami lang munang dalawa ni John ang magkasama. Si Stephen naman ay ayon nandon lang sa bahay n'ya, wala yatang balak na lumabas.

"Hoy! Galaw-galaw ka naman!" Sigaw na saad nito sakin dahil ang ingay-ingay dito sa loob.

"Hey Mr!" Napatingin ako sa gilid ko dahil may isang magandang babae ang tumawag sakin...sakin ba talaga? 

"Ako?" Paniguradong tanong ko.

"Yeah." Sagot niya at ipinalibot ang mga kamay sa leeg ko. Agad ko namang hinawakan ang bewang niya at nag simulang sumayaw.

"Tangina yan lang pala makakapag pasayaw sayo bro!" Dinig kung sabi ni John pero di ko na 'yon pinansin.

Nang akmang hahalikan ko na siya ay may isang pamilyar na boses ang tunawag sa pangalan ko.

"Flyn?!" Nabitawan ko yong bewang nong babae at unti-unting lumingon sa likuran ko.

Para namang tumigil ang paligid ng makita ko siya. Ang babaeng unang minahal ko, ang babaeng unang nag wasak sa puso ko.

"Camille..." Wala sa sariling sambit ko sa pangalan niya. Hindi ko alam pero biglang nag flashback sa isip ko lahat-lahat ng mga pinagsamahan namin noon at ang mga masasakit na salitang binitawan niya bago ako iwan.

Bigla akong natauhan. "Hey!" Hinawakan nong babae yong balikat ko kaya napaharap ako sakanya.

"What's the problem?" Nagtatakang tanong nito.

Tumikhim ako bago sumagot. "Nothing." 

Hahawakan niya sana yong pisngi ko pero may biglang pumipigil sa kamay niya.

"Sino ka ba para hawakan siya?" Kunot noo kong binalingan ng tingin si Camille.

"Sino ako? Well, bakit ko naman sasabihin sayo? Saka ako ang dapat mag tanong kung sino ka kase ikaw ang bigla-bigla nalang sumusulpot dito miss!" Mataray nitong sabi.

"Girlfriend lang naman ako niyang nilalandi mo miss!" Diin nitong sabi. 

Biglang nag init ang ulo ko sa sinabi niya. Girlfriend? You mean ex-girlfriend Camille! Nakalimutan mo sigurong wala nang tayo!

"So? Girlfriend ka pala nito pero lumalandi pa sa iba?! Tsk, whatever!" Saad nong babae at inirapan si Camille bago naglakad paalis.

"Abay inirapan ako! Sarap sabunutan non ah!" Akmang susugurin na niya yong babae pero agad kong hinila ang kamay niya palabas.

"A-Aray ko naman! Ang sakit ah!" Binitawan ko ang kamay niya ng makalabas na kami ng tuluyan.

"What the f**k are doing here?!" Matigas kung tanong.

"Hmm...nag babakasakali lang naman ako kung nandito ka talaga at tama nga ako, nandito ka nga sa loob tapos may kasama kang pesteng babae!" Gigil nitong wika.

Why the hell do you care if I'm with another girl! Single naman ako kaya anong problema don?!

"Muntik ka pang halikan ng animal na yon! Hampasin ko kaya iyong bibig niya nitong sapatos ko?!" Tanong pa nito sa sarili.

"Diba nandon ka sa States kasama iyong lalaki mo! Ba't ka pa bumalik dito huh?!"

"Ano?? Sinong lalaki ang pinagsasabi mo dyan?" Inosenteng tanong nito kaya matalim ko siyang tinignan.

"Saka nga pala tapos na akong mag-aral don kaya bumalik na ako dito at para narin makasama na kita!" Niyakap niya pa ako pero mabilis ko siyang tinulak.

Napaka feeling close niya naman sakin ah! Pagkatapos niya akong lokohin, saktan at iwan!

"Aray ang harsh mo naman baby Flyn!" Nakasimangot nitong sabi.

"Stop calling me like that Camille, kung maka-asta ka dyan eh, parang walang nangyari?! Nakalimutan mo sigurong wala nang TAYO, kaya wag kang umasta dyan na parang tayo pa hanggang ngayon!"

"Sorry na! Ito naman mainitin ang ulo." tinapik-tapik pa nya 'yong balikat ko para bang magka-ibigan kaming dalawa.

She said sorry pero para bang pagkasabi niya yon ay simple lang. Iyong tipong nabangga n'ya ang balikat ko at sasabihin niyang sorry. 

Okay lang sana kung ganon ang nangyari! Pero hindi eh! Iniwan niya ako at niloko tapos simpleng sasabihin niyang sorry?! Baliw ba siya!

Just leave kung manggugulo ka lang." Tinalikuran ko siya at napahinto ako ng yumakap ito sakin mula sa likuran.

"Hindi mo ba ako na miss?" Bakas sa boses niya ang lungkot.

"Don't expect me to miss you, after what you did Camille."

"Hindi na kita iiwan promise, kaya nga ako bumalik dito sa pilipinas para makipag ayos sayo at makipag balikan." Wika nito kaya napatawa nalang ako ng pagak.

So, ano? Dapat ba mag pasalamat ako kase bumalik siya para sakin? Mag papasalamat ba ako kase hindi na niya ako iiwan, ganon ba!?

"Seriously? Sa tingin mo ba makikipag balikan ako sayo?! Na babaliw ka na siguro!" Pasigaw kung sabi at bakas sa mukha niya ang gulat dahil sa pag sigaw ko.

"Hey bro, ba't mo naman ako iniwan sa loob--ayy demonyo!" Gulat nitong sabi ng makita si Camille.

"Gagu ka ah! Anong demonyo!"

"Grabe Camille! Lumipad ka ba papunta dito? Oy bro, ba't ba nandito yan?

"Malamang kase umuwi ako." Pamimilosopo niya pa kay John.

"Baka gustong lumandi sa mga lalaki dito sa pilipinas!"

"Grabe ka naman sakin Flyn, di kaya ako malandi no! Bakit nakikita muna ba akong nakipag landian huh?!" Nakapamewang nitong tanong sakin.

"Pano ko makikita kung sinasadya mong di ipakita?!" Tinaasan ko siya nang kilay.

"Camille umalis ka nalang pakiusap, nag sasaya pa kami ni Flyn eh, tapos bigla-bigla kang sumusulpot! Aray ko tangina!!" D***g ni John ng binatokan siya ni Camille.

"Oh, tignan mo bro! Nananakit! Wag kang makikipag balikan kung gusto niyang maging kayo ulit maliwanag!"

"Flyn mag usap muna tayo para makapag paliwanag ako." Pamimilit niya.

"Ano pa bang ipapaliwanag mo sakin huh?!! Kahit anong paliwanag mo hindi ako makikinig!!" Singhal ko.

"Grabe ang lakas nang boses mo Flyn abot hanggang langit! Di naman ako bingi ah!!" Sigaw niya rin sakin napapikit nalang ako ng mariin at napahilamos sa mukha.

"Hoy pinag titinginan kayo ng mga tao dito oh--"

"TUMAHIMIK KA DYAN JOHN!!" Pareho naming sigaw.

"Tangina inawat ko lang naman kayong dalawa pero para yatang ako pa ang masama, tingin tuloy ng mga tao third party ako. Tsk, bahala na nga kayo dyan, buhay nyo yan!"

"Heheh, sorry sa pag sigaw ikaw naman kase eh." 

"Sinisisi mo pa ako?!"

"Hindi naman sa ganon pero parang...ganon na rin." Hinawakan niya ang braso ko at pinulupot ang kamay nito.

"Alisin mo yang kamay mo!!" Tinignan ko siya ng seryosong tingin.

"Ayaw!" parang bata nyang giit.

"Alisin mo!"

"Ayaw ko nga!" Maktol niya.

Marahas kong tinanggal yong kamay niya at nanlaki ang mata ko ng bigla siyang napadaing.

"Arayy ko..."

"S-Sorry." Tinignan ko ng mabuti, yong kamay niya at kita kong namumula yon.

"Nag aalala ka sakin? Yieee! Nag aalala ang baby Flyn ko." Sinundot-sundot niya pa ang tagiliran ko.

"Bahala ka na nga dyan!" Nag simula na akong mag lakad at pumasok sa kotse ko pero nagulat ako ng sumakay din siya dito.

"Ano ba!"

"Ano??" Inosenteng tanong niya sakin.

"Bumaba ka nga!! Ang kapal-kapal talaga ng mukha mo Camille!"

"Makapal ba mukha ko?" Hinawakan nito ang mukha. "Di naman siya masyadong makapal ah, baka iyong sayo..." sinubukan nya pang hawakan ang mukha ko pero agad kung tinampal 'yong kamay niya.

"Get out!"

"Hmmp!"

"I SAID GET OUT CAMILLE!!!" Galit kung sigaw sakanya. Parang uusok na iyong ilong ko sa galit.

"Okay, fine!" Bumaba na siya kaya kaagad ko nang pinaandar yong sasakyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status