Share

CHAPTER EIGHT

CHAPTER EIGHT

"Rainbow, kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong ni MU kay Rainbow na akay-akay niya ngayon. Habang si Lucas naman ay akay-akay ng kaibigan niyang si Ace, habang ang iba naman ay may kaniya kaniyang bitbit na pamalo para sa maaari nilang makasalamuha sa daan. Ang iilan sa mga bitbit nila ay nakuha sa kwarto habang ang iba naman ay nakuha lang nila sa labas ng bahay.

"Hindi ate, sobrang sakit po." nahihirapan na wika ni Rainbow, habang  patuloy na sinusubukan maglakad takbo, para makausad sila at makaalis sa lugar na pinanggalingan nila.

Tama lang din ang daang tinahak nila dahil sa wakas ay nakalabas na sila sa lugar na kung saan sila nanggaling. Nasa highway na sila ngayon kung san ay may mga sasakyan na nakaparada habang ang ibang sasakyan naman ay mukhang nabangga na lang at umuusok pa. May iilan na dugo na nakakalat at masangsang na ang amoy. 

"Now, where are we going kung ganiyan ang mga kasama natin?" halata sa boses ni Geo ang pag-aalala para sa mga kasama nito, panay siya linga sa paligid at tinitignan kung may zombie ba. Patuloy lang sila sa paglalakad at pagtitingin tingin sa paligid, naghahanap ng maaari nilang makuha at dalhin.

Maya maya rin ay tumigil sila sa gitna ng kalye nang mapagod sila kakalakad takbo. At sa pagkakataon na yon ay dahan dahan na napa-iling si MU, ito ang di niya inaasahan. Ang balak niya ay kapag nakaalis sila sa bahay ni Via ay didiretso sila sa may pinaka malapit na evacution center ang problema ay hindi nila alam kung sa'n. Magiging madali sana sa kanila hanapin amg lugar kung walang sugatan sa kanila pero dahil dalawa sa kasama nila ang may tama ng bala ay kailangan nilang humanap na lang ng lugar pansamantala kung san di sila mahahanap ng zombie. 

"MU? Sa'n tayo? Hindi tayo pwedeng magtagal dito, pare-parehas tayong mapapahamak." aniya Geo, habang lumilinga linga sa paligid.

"What if, humanap tayo ng bahay na may pang first aid kit?" biglang singit ni Maria, habang nakasandal sa bukana ng isa sa mga sasakyan na nakaparada. Sa itsura niya na pawis na pawis gawa ng grabehang pagtakas nila kanina.

"Sa'n tayo hahanap ng bahay kung nasa highway tayo?" sabat ni Sean, habang nakapasan sa kaniya ang girlfriend niyang si Klyrra, halata sa itsura niya ang pagkapagod.

"Pwede tayong pumunta do'n, alam ko may malapit na health center diyan," sabi ni Kaizer, habang nakaturo sa di kalayuang village. "...diyan din kasi ako nakatira." 

"Yeah, we've been there may napansin nga kaming health center diyan." aniya ni Ace, na ngayon ay hirap na hirap sa pag-aalalay kay Lucas. Si Lucas kasi ay matangkad na medyo may pagkalaki ang katawan, habang si Ace naman ay payat, as in payat pero ang pagkapayat niya ay sakto lang sa edad niya.

"So guys, tara?" tanong ni Kaizer, "...habang wala pang zombies sa paligid." aniya tsaka nauna nang maglakad. 

'Lagi na lang nauuna...' aniya ni MU sa isip, napapairap na lang si MU gawa na nakakaramdam siya ng inis dahil di man lang nangyari ang plano niya na gawin. 

"Paano naman yung plano natin na pumunta sa Evacuation Center?"biglang wika ni MU, kaya naman napatigil ang iilan na naglalakad para sana sundan si Kaizer.

"Tinatanong ka panay ka naman iling. So, sa tingin mo makakapunta tayo don, kung may mga tama kasama natin? Ginagamit mo ba isip mo?"insulto ni Cold, kaya naman nagbigay ng matinding pagkahiya kay MU ang sinabi ni Cold na ngayon ay naglakad na pauna kila Kaizer at sa iba pa nitong kasama.

"Hey, watch you words!" pahabol ni Leigh na sabi, tumingin siya kay MU tsaka napailing. 

"Sumunod na muna tayo sa kanila, tas pag okay na yung dalawa kahit mauna na tayong umalis para pumunta nang Evacuation Center." matinong sabi ni Leigh, habang titig na titig sa kalagayan ni Rainbow. Kaya naman si MU na hindi maintindihan ang sarili ay napatango na lang at sumunod sa kanila. 

Sumunod na si MU sa mga kasama nito, kahit gustong gusto na ni MU, makapunta sa pupuntahan ay wala rin siya magawa dahil kahit pilitin niya ay wala talaga siyang magagawa.

Sa daan papunta sa health center ay tahimik nila itong tinahak, ngunit papasok pa lang sa village kung san nakatira si Kaizer ay may iilan na agad na pagala galang zombies. Napatigil sila't hindi na malaman kung ano ang gagawin.

Sumenya si Kaizer na wag sila gagawa ng ingay ngunit sa hindi nila malamang dahilan ay bigla naging aggresive ang iilang zombies sa di kalayuan, naging malikot ang galaw ng mga ulo nito na animo'y may hinahanap, pati ang ilong nila na parang aso na naghahanap ng makakain. Hanggang sa bigla sila nitong nakita at dali dali na sinugod, nanlamig bigla ang buong katawan ni MU dahil sa posisyon niya na akay akay si Rainbow. Hindi niya malaman kung iiwan ba niya ang kaibigan o tatakbo siya habang akay si Rainbow. 

"Ate..." unang tawag pa lang ni Rainbow ay nabuhayan na agad si MU kaya naman ay lumabas lahat ng lakas niya at nagawa niyang alalayan si Rainbow nang walang kahirap hirap. Kahit na ganoong nabigay na ni MU ang lakas niya ay kulang pa ito para makalayo sa mga zombies na nahabol na sa kanila ngayon. Iilan lang ito pero ang bilis at ang aggresive na pagtakbo nito ay nagagawa silang maabutan. 

"Ate, hindi ko na kaya sobra na ang sakit." naiiyak na sabi ni Rainbow, kahit na patuloy na pinipilit na takbuhin ang daan ay hindi na niya magawa dahil sa kirot na nararamdaman at gawa na rin na madami dami na ang nawawalang dugo sa kaniya.

"MALAPIT NA TAYO!" sigaw ni Kaizer na tama lang na maririnig ng mga kasama niya. 

Ilang minuto rin ay bago sila makarating sa pupuntahan nila, dali dali nilang binuksan ang pintuan nang health center at nagmamadaling isa isang pumasok. 

"Dalian nyo!" sigaw ni Kaizer na ngayon ay inaantay kami, nang aabot namin ang pinto ay dali-dali silang sinarado ito at nagtulong tulong na kambakan nang kung ano ano ang pwedeng itakip nila sa pinto. Pero hindi pa sila natatapos sa ginagawa nila ay sabay na nagsigawan ang iilang babae.

Habang akay ni MU si Rainbow ay may biglang dalawang zombie na papalapit sa kanila, lumapit ang isa kay Leigh na ngayon ay pinagtutulungang hampasin nila Maria at Jennie, habang ang isa naman ay papalapit kay MU na ngayon ay agawang itulak si Rainbow at iharang ang sarili para di malapitan ang kaibigan. 

Nasa harapan ngayon ni MU ang lalaking zombie, hindi siya agad nito sinugod para kagatin bagkus ay para siya nitong pinagmasdan at inamoy amoy. Nanlamig ang buong katawan ni MU, at panay paglunok ang tanging nagagawa niya dahil sa takot na nararamdaman hindi niya inaasahan na ngayon na nasa harapan niya ang zombie na dilat na dilat ang mata ay ang balat nito ay maputla at makikita agad ang mga bumabakat nitong ugat sa lahat ng katawan. Tumutulo ang laway na tila parang asong gutom na gutom, ang amoy nito'y sobrang baho dahil sa langsa na dinudulot na kinakain nitong lamang loob ng tao. 

"Ate..." nanginginig na wika ni Rainbow, kaya naman ay nabuhayan ng lakas ng loob si MU, at nagawa niyang sipain ang zombie na ngayon ay nasa harapan niya. Mahina man pero nagawa niyang ilayo sa kaniya ito. Hinanap ni MU ang baseball bat niya, at nakita nya yon agad at kinuha tsaka walang alinlangan hinampas ang zombie na ngayon ay agrisibo nang papalapit sa kaniya. Pinagpapalo niya ito hanggang sa magsitalsik ang mga dugo at sa tuluyan nang mamatay. Habang ang isang zombie ay pinagtutulungan pa ng tatlong tao para ito'y tuluyang mapatay pero ang lakas ni MU ay walang katumbas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status