Share

CHAPTER FOUR:

                         

Pinasadahan ni MU ang tingin ng buong bahay, sa isip-isip nya ay walang wala itong bahay na 'to sa bahay na tinitirhan nya. Kung ang lawak ng bahay nito ay sa unahan, ang sa kanila naman ay nasa likuran ng bahay nila ang lawak at ang swimming pool nila. At dahil sa pag-iisip nya patungkol sa bahay nya ay nakaramdam sya ng kalungkutan gawa ng pagkamiss nya at pagkaalala nya sa magulang nya at sa pamilyang meron sya. Napapikit sya at napahilamos dahil sa pagkairita sa sarili gawa ng di nya alam kung ano ang gagawin nya, hindi nya rin matawagan ang parents nya gawa ng hanggang ngayon ay walang signal.

“Hey! I forgot to introduce myself to you guys. So, hi. My name is Geo Hansel and it is nice meeting you, girls," nakangiting wika ni Geo, habang masayang nakatingin sa mga bago nitong kaibigan. 

Napawi ang lungkot ni MU nang napansin nya na masaya namang nakikipag-interact ang mga kaibigan nya. Kaya ang kaninang lungkot ay napalitan ng ngiti, kaya mas pinili nya na lang na pagtuunan muna ang nasa paligid nya, bago ang pansariling problema.

Muli nyang iginala ang mata sa paligid at pinagmamasdan ang mga taong ngayon ay may sari-sariling ginagawa nang magsawa agad sya ay binalik nya ang atensyon nya sa mga kaibigan nya na ngayon ay di pa rin tapos sa pagpapakilala sa isa't isa.

“Anyway, girls. Ipapakilala ko sa inyo yung mga kaibigan ko. Tuturo ko na lang, kasi you know baka pag lumapit tayo sa iba d'yan ay baka they will snob you bigla... kaya ituturo ko na lang and atleast di ba you know their names na.” Natigilan saglit si MU nang magsalita si Geo. She did not expect this one, pero ayos na rin siguro na malaman nila ang name ng iba.

“So, first…that girl—yung biglang nagfaint kanina,” turo ni Geo sa babaeng naging dahilan kung bakit sila MU pinagduduro nu'ng isang guy kanina. “That is Klyrra Hansel. We're not magkapatid, we're cousins.” sabay ang paghagikgik nya na ngayon lang ng nakararami na nakita.

“And that guy who shouted at MU and  Rainbow—that is Klyrra's boyfriend and his name is Sean Vadez” turo naman n'ya sa guy na sinigawan sila kanina na ngayon ay katabi ang girlfriend nya at busy sa kakalikot sa cellphone nito, halata sa mukha ng lalaki ang pagkairita dahil siguro sa wala pa ring signal hanggang ngayon. 

Napairap na lang si MU nang mapansin nya ang itsura ng lalaking 'yon. Naaalala nya pa rin kung paano sila sigawan nito kanina.

“And those boys na magkakatabi, yung nasa left side ay si Ace Jones, and yung nasa middle naman na kaninang nag-lead sa atin ng way, siya naman si Kaizer Davis, then yun naman si Lucas Chavez yung nasa right side ng sofa.” sabay tinuro naman ni Geo ang mga lalaking nakaupo sa sofa, but ang sofa dito ay tatlo and halos mga kaibigan niya ang nag-occupy noon lahat. 

“And doon sa last na sofa na may dalawang tao, yung isa si Cold Buenvo. Well, nickname niya yan kasi snobber sobra pero…journalist yan. Kahit snobber, madami pa rin kilala. And the last guy, yung curly hair na naka-eyeglass, that is Haru Takashima. Sa group namin sya ang pinaka-matalino.” pagpapakilala nya sa mga kaibigan nito. 

Walang naging reaksyon si MU, habang ang mga kaibigan naman nya ay mga nakangiti at mukhang masaya. 

“By the way, that is all. Kayo naman.” 

“Yes, ate. Kami naman," masiglang sambit ni Rainbow. "You can call me Rainbow, soon ko na sasabihin name ko.” 

Then, she chuckled, “and that is Leigh, masungit yan kaya huwag ka na mag-expect ng maayos na sagot.” 

Tinarayan lang siya ni Leigh.

“And sila naman sina Maria and Jennie, they're almost like twins. Same vibes din basta halos ng meron sila ay laging nagkakapareho." 

“Maria Guimmer” 

“Jennie Manhao”

“And this is Roma. For sure, you know her kasi nagkalaban kayo sa Pageant last year.”

“Ah, yeah. We know each other. My name is Romaine Xenon.” tsaka nag-shake hands silang dalawa. 

"Ito naman yung pinaka sa pinaka: si Ate MU. She's a mysterious type of person pero when you—” pagkatingin nito kay MU ay masama na agad ang tingin sa kanya nito kaya naman ay sya na mismo ang tumigil.

Ang mga friends ni MU ay alam na may pagka-weird sya at may pagka mysterious type pero jolly pa rin naman lalo na pag nasa mood at pagkilala nya ang isang tao. At mas lalong nawalan ng gana si MU, makipag interact dahil sa situation nila ngayon.

Habang nagku-kwentuhan pa rin sila ay nagulat na lang kami nang biglang lumapit sa gawi nila si Sean at nagsimulang magalit at magsisigaw. Na akala mo'y may ginawa kaming masama para mag-umpisa na naman sya, at do'n na nga nag-umpisa na pagtignan sila ng lahat ng tao.

“You know what?! I hate you! You, and you and you! Lahat kayo! Dahil sa inyo kaya inaatake na naman ang girlfriend ko! What if bad things will happen to her? May magagawa ba kayo? Next time, isipin n'yo muna ang gagawin n'yo bago mag-take ng action. Mga pabigat! Tamang tama lang na natalo kayo ng school namin!” galit na galit na sigaw nya.

'Anong—Gago ba s'ya? Pati past inuungkat.' usal ni MU sa isip, kung aalalahanin ang nakaraan ay may nangyari sa pagitan ng school nila at sa school ni MU, ngunit yon ang di nya alam dahil sa kasagsagan ng mga panahon na yan ay may hinarap syang malaking problema sa buhay nya.

Tatayo na sana sya upang komprontahin si Sean ay biglang naman nakaramadam sya ng panlalamig ang pakiramdam at nanlabo bigla ang mga mata nya, to the point na nandilim na ang paningin nito.

Pero that weird thing is, bakit madilim? May nakita si MU na isang madilim na kwarto at may masangsang na amoy. 

Hahakbang pa sana sya nang matumba sya ng tuluyan.

'That's a sign of...' huling salitang sumagi sa utak nya bago sya mawalan ng husto ng malay.

Nagulat ang mga kaibigan nito dahil ito ang unang beses na nakita nila si MU, na nahimatay sa harap nila. 

Ang kaninang si Sean na naghuhumatok sa galit ay katulad din nilang nagulat sa biglang pagkahimatay ni MU. 

“OMG! What have you done, Sean?” gulat na sigaw ni Geo kasabay ng mabilis nitong paglapit kay MU, at sinusubukang gisingin, nagulantang din ang ibang kaibigan ni MU kaya nagsilapitan sila.

“Anong nangyayari rito? Bakit may narinig akong nagsisigaw?” tanong ni Vianne, pagkababa nya galing sa taas...

“What the? Bakit may nakahandusay dyan? What happen?” nakakunot ang noong tanong nito sabay lapit kay MU at inobserbahan ang itsura.

“Nangingitim ang labi nya at ang mga kuko nya ay iba ang kulay, anong nangyari rito? Nakagat ba 'to?!” sabay bitaw at baba kay MU sa sahig.

“No! Wala syang kagat kahit isa, sadyang nabigla lang ata sya nang sigawan sya nito!” sabay turo ni Jennie kay Sean.

“Masyado lang overacting yang kaibigan nyo kaya nahimatay!” 

“Huwag ka magsalita na akala mo kilala mo ng lubos ng kaibigan ko! So, shut up!” namumulang sigaw ni Jennie, nakakaramdam na sya ng inis gawa ng ngayon nya lang nasaksihan ang ganitong pangyayari sa kaibigan nya.

“Jennie, alalayan na lang natin si MU mahiga sa sofa. Hayaan mo na lang yan.” kalmadong  mungkahi ni Roma sa kaibigang si Jennie na ngayon ay sasabog na sa inis. 

“Ay, dalhin nyo na lang sa itaas yang kaibigan nyo nang maobserbahan nyo. Baka mamaya may kagat pala yan, tinatago nya lang.”  utos nito saka naglakad paalis. 

Halos sa mga kaibigan nya ay napairap na lang sa inis dahil sa trato na akala mo ay napakadumi ni MU. Sa pag-alalay nila Rainbow, Maria, Jennie at Leigh ay wala ni isa sa mga lalaki na nakasama nila ang umalalay na kahit si Geo ay di nagawang umalalay dahil sa biglang paghila sa kanya ni Sean. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status