Share

CHAPTER FIVE:

                         

September 15, 2018

11:25 a.m

    Ilang oras simula nang magising si MU ay hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na kahit na anong mensahe galing sa taong pinakamamahal nya. Muli nyang hinawakan ang cellphone nya at chineck kung may mensahe bang dumating na di nya napansin. 

    

Nanlulumo na sya, dahil sa araw din na to ay anniversary nila ng boyfriend nya, hindi nya magawang magalit dahil mahal na mahal nya ang boyfriend nya na kahit anong gawin ng boyfriend nya ay nagiging bulag lang sya.

Binitawan na nya yung cellphone nya at nagpaikot-ikot sa higaan nya. Kung tatawagan naman nya ito ay baka nasa school ito at baka may practice tsaka baka magalit sa kanya 'pag nagkataon na tinawagan nya. Ayaw na ayaw pa naman ng boyfriend nya na tinatawagan sya, maliban na lang pagsinabihan sya nito na tawagan sya sa ganitong oras.

Naisipan nyang matulog n lang muli ngunit nang pipikit na sana sya ay biglang nag-ring ang cellphone nya kaya nagkukumahog syang tumayo ay kinuha ito.

“Babe?”

“Ah. Hi.” sagot ng lalaki, ngunit sa tono nito ay tila ba'y nabulong lang.

“Magkikita ba tayo ngayon?” tanong ni MU, upang mabago lang ang atmosphere na pumapagitan sa kanila sa kabila ng pag-uusap nila sa selpon.

“Yeah, magkita tayo sa House of Coffee ng 5pm.” wika ng lalaki sabay baba, gusto man ni MU batiin ang nobyo nya ay agad naman syang binabaan nito. 

'Ano bang problema ng lalaking 'yon? Napaka cold na naman nya.' isip-isip ni MU, sabay napasimangot. 

Diretso ang tingin nya sa wall kung saan nakalagay ang orasan, pasado alas dose pa lang ng tanghali, nag-aalinlangan sya kung kikilos na ba sya o matutulog na lang muna sya, ngunit kailangan na nya bumaba at mag-asikaso na dahil kahit pagkain ng umagahan ay di nya pa nagagawa. 

'May limang oras pa 'ko, ipagbake ko kaya sya?' tanong sa sarili habang nagscroll sa feed nga sa i*******m, may mga nakikita syang mga post na may mga cake na simple lang tas may nakalagay na 'Happy Birthday!'

Naupo sya mula sa pagkakahiga at kinuha ang suklay, napagdesisyunan na nyang magbake para sa ibibigay nya sa taong pinakamamahal nya.

Dumating ang oras na pinaka-aantay nya, nakapaghanda na sya ng cake at nakapag ayos na sya kaya naman ay nagpahatid na sya.

Alas kwatro y media na sya nang makarating na sya sa usapan nilang lugar, naglalakad sya nang biglang humangin ng napakalakas na aakalain mong may bagyong dadating sa sobrang lakas ng hangin, napapikit si MU nang di na nya kayanin ang lakas ng hangin ngunit sa pagpikit nya ay may di sya inaasahang makita.

'L-lalaking duguan at nagkakagulong mga tao sa gitna ng kalye. May isang kotse na nakatigil sa bandang gitna pero mabilis din itong umandar at nagkakahumahog umalis.' dilat na dilat ang matang napadilat sya habang nakatulala sa kawalan. 

"W-what was that?" wika nya sa kawalan. Nakaramdam sya ng matinding kaba at panlalambot kaya naman ang kanyang hawak na cake ay inilapag nya muna sa may malapit na table sa kanya tsaka sya naupo.

Naiiyak sya sa nakita nya, hindi ganon kalinaw pero damang-dama nya ang sakit at lungkot sa nakita nya. Ipinikit nya ang mga mata nya at pinilit na kalimutan ang nakita nang may tumawag sa pangalan nya.

"Mich," huminga muna sya ng malalim tsaka hinarap ang pamilyar na boses, si Mathew ang boyfriend nya. 

"Babe" wika ni MU tsaka tumayo, yayakapin na sana nya si Mathew nang biglang umiwas si Mathew ay itinabig ang braso nya.

Napalunok bigla dahil sa hiya si MU, "Is there any problem?" seryosong tono na sabi ni MU habang titig na titig kay Mathew na ngayon ay nakaiwas ang mga mata. 

"May problema ba?" diin na usal ni MU habang nakatingin pa rin kay Mathew, tinignan ni MU si Mathew mula ulo hanggang paa. Di ito nakaayos, naka-short lang ito at maluwag na t-shirt, at walang dala na kahit na ano. 

'Anong problema ng lalaking 'to?' tanong ni MU sa isip nya habang titig na titig sa lalaking di makatingin sa kaniya ng maayos.

"Babe, may problema ba?" tanong ni MU sabay hawak sa kamay ni Mathew na ngayon ay nakatingin na ng diretso kay MU. 

Pero bago pa man si Mathew mag-salita ay inialis ni Mathew ang kamay nya sa pagkakahawak ni MU, "Let's end this," diretsong wika nito.

Naistatwa si MU nang marinig nya ang mga salitang hindi nya inaasahan sa lalaking pinakamamahal nya, kaya naman ay ganon na lang ang mga luha nyang nag-uunahan na tumakas sa mga mata niya.

"N-no... i'm asking you kung anong problema, hindi yan ang gusto kong marinig." 

Nananatili lang na nakatingin si Mathew kay MU na ngayon ay naluluha na dahil sa hindi sya makatanggap ng kahit na anong salita kay Mathew.

Hindi na na pigilan ni MU na umiyak kaya ang kanina nang nagpipigil ng iyak ay nahagulgol na. Napahawak si MU sa kamay ni Mathew, "Mathew, you love me... 'di ba? We're not going to end this, okay?"

Hindi na nagsasalita si Mathew na para bang may pumipigil sa kaniya magsalita. At naramdaman na lang ni MU na sinusubukang bumitaw ni Mathew sa pagkakahawak ni MU sa kamay nya.

Mas lalong hinigpitan pa ni MU ang pagkakahawak dahil sa pagkakataon na bumitaw ito nang hindi nagsasalita si Mathew ay paniguradong tapos na ang lahat ng meron silang dalawa.

"Babe, please..." humahagulgol na wika ni MU, at dahil sa lakas na meron si Mathew ay nabitawan na ni MU ang kamay ni Mathew.

"Sorry, Mich." wika nito sabay talikod sa kaniya. Sunod sunod na nagsipatakan ang mga luha ni MU, hindi nya na maintindihan ang nararamdaman dahil sa halo-halo nitong nararamdaman. Takot, kaba, at sakit. 

Sinubukan nya maglakad na kahit ay pakiramdam na nya ay matutumba sya gawa ng nanlalambot sya dahil sa nangyari. Sinundan nya si Mathew at ganon na lang ang gulat nya na pamilyar ang nakikita nya ngayon, at ganon na lang ang paglala ng takot nya ng matandaan nya ang premonition na kanyang nakita bago pa man sila magkita ni Mathew.

"N-no... No! Mathew!" natatarantang usal nya tsaka nagmadali na mahabol si Mathew, nang makatawid si Mathew ay sya naman ang nagmadaling tumawid na kahit ay Red Light na ay nagpumilit pa rin sya.

At sa pagtawid nya ay may kotse na sobrang bilis na paparating sa kaliwang bahagi nya, at ganoon na lang ang bilis nang pangyayari na nasa gilid na sya ng pedestrian habang si Mathew ay nakahandusay na sa gitna ng kalye. 

Tinulak sya ni Mathew, habang si Mathew na ang nabunggo ng kotse. 

Nagkukumahog na tumayo si MU mula sa pagkakahiga. At mabilis na nilapitan si Mathew na ngayon ay 50/50 na ang buhay gawa ng malakas itong nabunggo ng kotse. 

"Mathew! Mathew gising!!" umiiyak na pagtawag nya sa pangalan ni Mathew. Naliligo na sa sarili dugo ngayon si Mathew habang hawak hawak ni MU ang ulo.

"Mich, i'm... really s-sorry" kasabay ng huling salita nya ay ang mabilis na pagpikit nya at tuluyan na nga itong nawalan na ng buhay.

"Mathew! No!!"

"MU! MU! MU!" 

"Mathew." wika ni MU kasabay ng pagmulat nya ng mata. Grabe ang hingal na nararamdaman nya, tila ba ay nakipaghabulan sya sa sobrang hingal nya, pero ang kanyang nararamdaman ay matinding kaba. 

Inilibot ni MU ang mata nya at doon lang sya nakabalik sa huwisyo ng marealize nya na wala sya sa sariling bahay nya. Malaki ang kwarto na ito ngunit ang atmosphere sa loob nito ay napaka lungkot. 

"Ayos ka lang? Umiiyak ka kanina habang natutulog, ih." tanong ni Maria na ngayon ay nakaupo sa tabi nya. Dalawa lang sila ni Maria na nandito sa loob kaya naman ay nagtaka sya. 

"I'm okay, asan sila?" usal nya sabay naupo, iniayos nya ang buhok nya na sobra na ang gulo.

“Nasa baba, duty nila ngayon para magbantay. Madaming nagbago simula nong mahimatay ka,” wika nya habang inaayos ang gamit nya na nakalabas.

“Huh? What do you mean? Ilang araw ba 'kong walang malay?” nagtatakang usal nya tsaka inalis ang kumot na nakakumot sa kaniya.

“Two days and one night.” nanalaki agad ang mata ni MU nang marinig nya na mahigit dalawang araw din syang walang malay.

“What—”

“Ano bang nangyari sayo? May sakit ka ba na hindi namin alam?” napaisip bigla si MU sa tanong ni Maria.

'May sakit nga ba ako?' 

“As far as i know, wala naman akong naging sakit.”

“Anyway, yung pagbabago pala dito ganito... Sa umaga mga babae ang nagbabantay sa palibot ng bahay habang sa gabi naman ang mga lalaki.” walang ganang usal ni Maria habang inaayos ang tinitiklop nya.

“Eh, ikaw? Bakit nandito ka?” takang tanong ni MU tsaka tumayo at lumapit sa may malapit na salamin.

“Alam mo bang gusto ko nang umalis dito, paano ba naman ginagawa kaming alila rito. Kami ni Geo at Klyra, ang nakaassign sa paglilinis habang yung ibang kasama naman nila ay sa pagluluto at paglalaba. Ang ibang babae naman ay sa pagbabantay sa palibot ng bahay, tuwing umaga 'yan, ah. Habang ang mga lalaki naman ay naka assign sa pagbantay tuwing gabi. Tas ito pa, tanda mo yung Via? Siya panay higa at kain lang tas minsan maglilibot kung yung mga tao ba ay nakilos o hindi, ang sama ng ugali niya. Kasi noong nakaraan na nahimatay ka, jusko! Nagkasagutan sila ni Leigh, tas 'yon muntik na itapon sa labas si Leigh buti na lang nakausap ni Roma ng masinsinan.” sa bawat pagbuka ng bibig ni Maria ay mas lalong napapakunot ng noo si MU, nakakaramdam siya ng pagkainis. Hindi niya inaasahan na ganoon ang sasapitin ng mga kaibigan niya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status