Share

CHAPTER SIX

                           

“MU? God, you're fine!” usal ng mga kaibigan niya nang makitang pababa ng hagdan si MU. “How are you?!” dagdag pa ni Leigh nang tuluyan nang makababa si MU.

“I'm good, kayo kumusta?” tanong ni MU habang iniikot ang paningin sa kalawakan ng bahay, at do'n nagtagpo ang mata nila ni Via.

“Oh, mukhang gising na ang prinsesa niyo. Grabe ka rin naman pala himatayin no? Ilang araw muna ang dadaan bago kung magising.” usal ni Via tsaka naglakad papalapit, tsaka,“Nasabi niyo na ba sa kaniya kung ano ang routine natin dito? At kung ano ang posisyon niya sa bahay ko?” napakunot ng noo si MU nang marinig niya ang sinabi ni Via.

Ang halos lahat ay napa-iling sa tanong ni Via, “So, ano ang dapat n'yong gawin? Edi ipaalam nyo sa kaniya!” pasigaw na wika nito, sabay lakad na akala mo'y reyna.

Lahat ay sabay na napailing at napa-buntong hininga, magsasalita pa sana si MU nang hawakan siya ng kaibigan niyang si Rainbow sa balikat sabay, "Ate, 'wag na." ani nito. 

Walang nagawa si MU kundi sumimangot na lang, hindi niya magawang sabihin ang dapat na sasabihin, hindi niya gusto ang nasasaksihan niya. 

May kung anong parte sa utak niya na gusto malaman kung ano ang buong nangyari sa araw na wala siyang malay pero, may part din na nagsasabi na 'wag niya nang alamin. Pero dahil sa pagiging pakielamera niya madalas ay hindi na siya uli nagdalawang isip na makiusisa.

"Guys, tell me what happen." ani MU nang harapin niya ang mga kaibigan. 

Iginala niya ang paningin niya't isa isa niyang tinignan ang mga kaibigan, at iilan sa mga kasama niya. Ang iba'y napaiwas ng tingin at ang iba'y sa baba napatingin. Walang gustong sumagot, katahimikan ang namayani sa paligid. 

Wala ni isa sa mga kaibigan n'ya ang gustong magsalita kaya napapikit na lang siya sa inis, at napahawak sa batok. 

Nilapitan niya ang kaibigang si Rainbow, "Ate..." 

"Ikaw, baka gusto mo magkwento." walang ganang wika niya sa kaibigan nya na ngayon ay hindi alam kung ano ang ikwekwento. 

"Ganito kaso 'yon," pataray na wika ni Leigh habang naglalakad papunta sa gawi ni MU at tsaka umupo sa pinaka malapit na sofa.

"Noong araw na nawalan ka ng malay, sakto na isa sa mga kasama niya ay may hidden agenda pala dito sa bahay niya..." pagsisimula ng kwento ni Leigh.

"Kasama niya? Hidden agenda? What do you mean? Naguguluhan na 'ko, ah!" pagsisingit ko sa kwento niya...

“Pwede ba MU, patapusin mo ko hindi mo talaga ako maiintindihan. Tch!”  singhal ni Leigh kay MU, kaya naman ay nanahimik na lang si MU, at nakinig. 

“So, 'yon nga di namin sure kung pinsan niya yon o kakilala pero the fact na pinagtutulak niya palabas ng bahay at di papasukin kahit na may mga zombie sa labas ay nagawa niya. Nakakatakot siya magalit, siz! Kaya kung ako sa 'yo wag mo na pairalin yang ugali mo, kung ayaw mo pare-parehas tayong mayayari rito!” pataray na sabi ni Leigh. 

“Anong dahilan?” 

“Tch! I-I dont know!” muling singhal nito tsaka naglakad paalis sa harap niya sabay gano'n din naman ang ginawa ng iba. Lalapitan na sana ni MU si Rainbow, pero nginitian lang siya nito sabay nagkibit-balikat na lang.

'Ano bang nangyayari? Parang ayaw pa ata nila saakin ipaalam.' aniya ni MU sa utak sabay muling napabuntong hininga at sinundan na lang ang mga kaibigan. 

Saktong magtatanghalian na kaya ang iilan sa mga tao sa bahay na yon ay kumikilos para sa kakainan nila at sa pagkain na ihahanda para sa lahat. Sinabihan ni Roma na sa kusina inatasan si MU, kaya naman ay sinunod na lang ni MU kahit na sa isip isip niya ay bakit niya kailangan gawin ang mga ganoong bagay. Pero dahil na rin na kasama niya ang mga kaibigan niya ay sinawalang bahala na lang niya ang inis na nararamdaman niya, gusto niya umapela sa gusto ng Via na yan, ih, ang kaso ay wala siya magawa dahil na rin ay nasa teritoryo sila ni Via. 

Lumipas ang mga araw na parang naging sunod-sunuran si MU dahil sa panay sunod at oo na lang sa gusto ni Via. Gustuhin man ni MU na humindi ay wala siyang magawa dahil sa pinipigilan siya ng mga kaibigan niya. 

Nang dumating ang isang gabi, ika-pitong araw nila sa loob ng mansyon ni Via. Habang nakatingin si MU sa labas ng mansyon ay doon sumagi sa isip niya ang isang plano na makakalaya sa kanila. Ilang araw at gabi na rin ang dumaan sa buhay niya at sa mga pagkakataon na yon ay naisip na niya ang umalis at tumakas pero dahil nandito ang mga kaibigan niya ay mas maganda kung may plano na siya pero ang planong sumasagi sa isip niya ay kulang na kulang kung sya lang ang gagawa at magbubuo.

Kaya naman habang mahimbing na natutulog si Via, sa kabilang banda ng bahay ay nandoon si MU kasama ang iilan sa mga kaibigan niya.

Nakatayo si MU, at abala sa paglalakad lakad habang nag-iisip habang ang iba naman ay nakaupo at inaabangan ang sasabihin ni MU.

"MU are you going to stay like that? Kanina ka pa namin inaabangan sa kung anong sasabihin mo. You just wasting our time, baka mamaya mahuli pa tayo ni Via the Devil, here." nauubusang pasensyang sabi ni Leigh kay MU na ngayon ay tumigil na sa kakalakad at ngayon ay naupo na sa couch malapit sa pwesto ng iba niyang kaibigan.

"Okay, im sorry. Just i have a thought of escaping here, and i need your..." mautal-utal na wika niya sabay napalunok muna si MU bago niya tinuloy ang sinasabi, "i need your help, i already have plan, and hindi ko yon masasagawa ng ako lang, so i need your   help." halata sa boses ni MU ang pagka-kaba pero nangingibabaw ang lakas ng loob niya para ipagpatuloy ang sasabihin.

Segundo rin bago mag-react ang iba pero sabay sabay din na nagpakita ng tiwala sa kung ano mang plano ni MU.

"Pero, how? We know how bad, Via is. Baka mamaya bago pa tayo makatakas may mangyari saatin." tugon ni Rainbow sa sinabi ni MU.

"Hindi mangyayari yan kung isasama nyo kami," biglang singit ng isang tinig ng lalaki na nagmumula sa pintuan kung san nakatalikod si Rainbow. 

"You guys here?" biglang tanong ni Leigh.

"I invite them," singit ni Roma 

"What?!" gulat na sabi ni Leigh, "—they're not even our friends."

"Leigh, stop! We're here to have a big plan para makatakas, and please isantabi mo muna inis mo sa kanila." pagpapatigil ni Roma kay Leigh na ngayon ay malapit ng magmaldita nang sobra.

Hindi makapaniwalang tinignan ni MU ang mga tao na ngayon ay papasok na sa room kung san sila nagtipon-tipon ngayon.

"Are you goin' to start? O makikipagtitigan ka lang?" nakataas na kilay na sabi ni Cold.

"Oh, sorry. I just didnt expect you guys here. Well, anyways let's start."

At doon ay sinabi ni MU kung ano ang plano,  sa ikat-sampong araw nila sa bahay ni Via ay doon nila isasagawa ang nabuong plano. Na kung saan ay ang mga lalaki ang maiiwan na gising habang ang mga babae ay mauunang matulog, at sa pagkakataon na yon ay possible na natutulog na si Via at ang ibang kasama nito sa bahay na malapit sa kaniya. Kung ano ang suot nila ay yon lang ang dalang madadala nila, maliban na lang sa paminsan paggawa nila ng materyales na gagamitin sa pang sangga sa pagpatay ng mga zombie.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status