Share

CHAPTER SEVEN

CHAPTER SEVEN

Ika-sampong araw nila sa bahay ni Via. Ngayong araw nila gagawin ang plano kaya naman ay makikitaan sa kilos ng iba na sila ay kabado sa maaaring mangyari mamayang gabi. Pero dahil na rin sa tatag at kumpyensa ng iilan na makaalis ay hindi mo sila makikitaan ng takot o kaba sa galaw at tono nila.

"Ilang oras na lang Ate MU, makakaya ba natin?" kabadong wika ni Rainbow kay MU habang sila ay naghuhugas. Alas syete na ng gabi at mga alas dose lang ay paniguradong tulog na ang iilan sa mga tao sa bahay, kaya sa oras na yon ay don sila kikilos at tatakas. Pero kailangan muna nila makasigurado na ligtas sila sa pag-alis nila, at di sila mahahalata ng ibang tao sa bahay na yon.

"Of course kaya natin! Magtiwala ka sa akin Rainbow, makakaalis tayo ng ligtas dito." pagkukumbinsi ni MU sa kaibigan niya,

"Pero kasi ate, paano kung mahuli tayo?" mautal utal na sabi ni Rainbow kay MU, natigilan si MU at napalunok ng ilang beses pero agad din itong nakabawi.

Napalunok muli muna siya bago magsalita, "Lalaban tayo, sisiguraduhin natin na makakaalis tayo ng buhay pero di ko na lang masisigurado na walang galos tayo makakaalis, dahil sa ugali ni Via ay magagawa niya tayong saktan." seryosong wika ni MU.

"Pero ate-" 

"Tiwala, yon ang kailangan natin. Kaya mamaya, hwag kang lalayo saakin,"pagpapaputol sa sasabihin sana ni Rainbow kay MU.

Gustuhin man ni Rainbow na magsalita pa ay mas pinili na lang niya na tumango at magtiwala sa sinabi ni MU. Magtitiwala siya kahit na sa loob looban ay kabang kaba na siya.

"Maiwan muna kita Ate, mag-aayos lang ako ng room. Sorry," wika nito at mabilis na naglakad pag-alis.

Naiwan si MU sa kusina, napapikit siya dahil sa bigla niyang naramdam na kaba. Hindi niya mapaliwanag pero ibang iba ito sa mga kaba na naramdaman niya noon. Nanatili si MU sa pagkatayo tapat ng lababo, huminga siya ng malalim at tinapos na ang gawain.

Sa kabilang banda ay nasa loob ng kwarto si Via habang busy sa kakapanood sa laptop niya at nananatiling nakahiga sa kama niya. Sa ibang banda ng bahay ay busy naman ang iilan sa mga ginagawa nila, habang ang iba ay nagpapalipas lang ng oras at inaantay na lang na makaalis sila sa bahay na to.

Papaakyat na sana ng hagdan si MU nang humarang sa harapan niya ang isang babae, taas kilay niya itong tinignan gawa nang ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay isa sa mga katulong ni Via. Hindi niya inaasahan na lalapitan siya nito dahil sa sampong araw na pananatili nila ay hindi siya kahit minsan nilapitan o kinausap nito. 

"Alam ko ang plano niyo," buong kumpiyansang sabi nito habang diretso na nakatingin sa mata ni MU.

Ang pagtataray na itsura ni MU ay napalitan ng pagkagulat sa mukha, maya-maya rin ay nakaramdam siya ng kaba pero hindi niya ito pinahalata bagkus ay nakipagtitigan lang siya sa babaeng kaharap niya ngayon, at kinakabisado ang bawat butas nito sa mukha.

"What do you want?" seryoso munit halata ang kaba nitong wika,

"Mga kaibigan mong lalaki," napakunot noo si MU sa isinagot ng babae, 

"What?"

"Mga kaibigan mong lalaki, lalong lalo na yung Kaizer ba pangalan no'n at yung Cold daw?" sabi nito kasabay ng malademonyong tawa.

'...para siyang baliw,'

"Why them? Tell me." seryosong wika nito,

"Via's want them, kaya kung aalis kayo, iwan nyo ang mga lalaki."

Napamaang si MU at hindi niya magawang magsalita, "No, hindi pwede."

"Okay, then sasabihin ko kay Via na ayaw niyo para lahat mapatay niya at ipakain sa mga zombies sa labas," nang-iinis na wika nito at tatalikod na sana nang pigilan ni MU ang babae.

"Wait!" pagpapapigil ni MU sa babae na ngayon ay pababa pa lang,

"Ano?"

"Bigyan mo ko ng isang oras bago magdesisyon," taas noong wika nito, dahil sa likod ng kaniya buong lakas na pagpigil sa babae ay may nabuo siyang karagdagang plano sa utak niya.

"Hindi ko kailangan ng isang oras, pero sige... trenta minuto" parang baliw na sabi, kasabay ng pagkawala nito ng isang ngiting nakakaloko. Bilang sagot ay tumango na lang si MU, at siya na ang naunang tumalikod.

Nang makaakyat siya ay gumawi siya sa kwarto ng mga kaibigan niya at sinabi ang plano, nang masagawa na nila ay mabilis naman siyang pumunta sa room ng mga kaibigan ni Geo na katabi lang ng room nila ng mga kaibigan niya, nagulat pa ang ilan nang biglang buksan ni MU ang pintuan ng room at mabilis din sinara.

"Hey MU, what's matter?"

Hindi agad nakasagot si MU dahil sa biglaang pagpikit nito, at nag inhale exhale pa.

"Ano na namang eksena mo?" bakas sa boses ni Sean ang pagkainis sa action ni MU,

"I dont know, but we need to go early as possible," kahit ang sarili ay di niya maintindihan dahil sa sinabi niya,

"What? Wala sa plano 'yan," gulat na sabi ni Ace,

"Yes, wala nga. Pero may nakaalam ng plano natin, at hindi ko alam kung paano nangyari dahil..." iginala muna ni MU ang paningin sa loob ng kwarto tsaka muling nagsalita pero sa pagkakataon na to ay mahina na ang boses niya."... paniguradong may nakikinig at nonood sa bawat ikinikilos natin."

"What are you saying?"

"Wala namang nagkwento sa iba di ba? Kahit mga kaibigan ko, alam kong natatakot sila pero may tiwala ako na di nila ipagsasabi yon."

"Paano ka nakakasigurado?" biglang singit ni Cold,

Napalunok si MU, gawa ng marinig niya ang boses nito. Ibang iba sa boses ng mga kaibigan nito, pero naalala ni MU yung araw na nakasalubong ni MU ito, doon niya narinig ang boses ni Cold na may pagkayabang kahit di naman ito nagyayabang. 

Nanatiling di nagsasalita si MU at naglakad sa gawi ni Cold, at sa likod nito ay may book shelf na kung san may mga libro, nagulat pa si Cold nang iangat ni MU ang braso't kamay at inabot ang isang bagay sa likod ni Cold. Isang stuffed toys na halata mo ang pagkapula ng mga mata.

"What's that?"

"A stuffed toy, kung san naririnig at napapanood ang bawat kilos natin." wika ni MU sabay binagsak ang stuffed toy, at sunod sunod na inapakan ito. 

Kasabay nito ang pagbukas ng pinto at bumungad ang kaibigan nitong si Roma na may bitbit na stuffed toy rin na katulad ng nasa paanan ni MU. Kasunod naman nito ang apat pa niyang kaibigan na sina Rainbow, Leigh, Maria at Jennie na ngayon ay may hawak na pamalo sa kanilang mga kamay.

"Anong meron?" mahinang usal ni Klyrra nang makita ang mga babae na may hawak na kung ano anong pamalo. Lumapit si Roma kay MU at binato ang stuffed toy.

"Hindi ko alam kung paano nila nailagay to sa kwarto namin pero ramdam ko na may matang nanonood saamin, kaya ng marinig ko mula kay MU, anh kagustuhan nong babaeng nakausap niya ay tumaas ang hinala ko na may something sa kwarto namin hanggang sa nabanggit ko kay MU sa nararamdaman ko sa paligid namin, and hindi ako nagkakamali," mahabang lintanya ni Roma,

"Hindi ko ma-gets, diretsuhin niyo na lang kaya kami?" inis na sabi ni Sean kay Roma, ngumisi lang si Roma at naglakad papunta sa bintana at tinanaw ang labas.

"Dito tayo dadaan, dahil minuto lang ay susugurin na tayo ni Via kasama ang mga tauhan niya. Kayong mga lalaki ang gusto niya, mangyayari lang na makakaalis kami rito kung ibibigay namin kayo. Pero dahil kaibigan narin ang tingin namin ay hindi naman siguro maganda na ipalit namin ang buhay niyo sa kagustuhan niya? Tama ba?" muling wika ni Roma, sabay sulyap muli sa mga kaibigan na ngayon ay sobra na ang pagkakataka. Binuksan nito ang bintana kasabay ng malakas na pagbulabog sa pintuan kung san nakapwesto ang mga kaibigan. 

"Tara na," wika ni Roma kasabay ng paglabas sa terrace. Masyadong mataas mula sa second floor papunta sa baba, pero dahil na rin sa gawa ng terrace na nakakonekta sa room na yon ay magagawa nilang makababa sa tulong na rin ng emergency stairs sa railings nito. "kailangan ko ng kasabay sa pagbaba, paniguradong sa pagbaba ay naghihintay na sila."

Hindi na umapela ang iba at parang naging sunod sunuran kay Roma, sumunod naman ang iilan katulad nila Ace, Sean at Klyrra. Habang ang iba ay naiwan at tatambakan muna ang pintuan na maaaring daanan nila Via. 

"Hindi natin kailangan damihan dahil ang posibleng paglabasan nila ay ang kwarto namin, kaya yung sakto lang." suhesyon ni MU nang masimulan nilang paglalagyan ng mabibigat na bagay ang bukana ng pintuan.

Tumango naman ang ilan at mabilis na pinagtutulak ang mga kabinet at kama, nang matapos nila ay isa isa na silang bumaba, ngunit sa pagbaba nila tama nga ang suhesyon ni MU. 

Dumaan sa kwarto nila si Via kasama ang iilan sa tao nito, "So, you think you smart! Huh?!" inis na sigaw ni Via.

Nasa baba na ang iilan sa mga kaibigan nito, ngunit nasa hagdan pa sina Lucas, Rainbow at MU. Kunting kunti na lang ay pababa na si Rainbow, at tutulungan na siya ni Kaizer ngunit bigla bigla itong nahulog nang bigla itong tamaan ng bala ni Via. Naging ganoon na lang ang gulat nila sa biglang ginawa ni Via, kaya naman ang kaninang masaya na pakiramdam nila ay napalitan ng takot nang magsimula nang magpaulan ng bala si Via.

Napatili si Rainbow kaya nagdulot ito nang ingay sa paligid, kaya naman mas dali daling  tinahak ng iba ang daan ngunit di pa halos nakakababa si Lucas nang hagdan ay sya naman ang patamaan nito. Natumba ito at tinulungan naman siya ni MU na ngayon ay nasa baba na at inaantay na lang na makababa si Lucas pero ganon na lang ay bumulagta ito sa harap niya at nahirapan makatayo, at ganoon na lang ang pasasalamat niya ng bumalik si Cold na kanina ay bubuksan na sana ang gate nang makita ang kaibigang si Lucas na may tama. 

"Dalian niyo, nakakarinig ako ng mga tumatakbo." malakas na sabi ni Roma, kaya naman kahit nahihirapan sina Rainbow, at Lucas ay buti ay nandyan ang mga kaibigan kaya inalalayan sila. Naunang makalabas si Roma at Kaizer na pumauna talaga ara silipin kung saan sila dadaan, at ganoon na lang ay sinenyasan sila na sa gawing kanan sila dumaan kung san ay kabaligtaran ng tinahak nila noong una nang makarating sila rito. 

Pero hindi mapakali si Via ay panay pa rin ang sunod sunod nitong pagpapaupan ng bala at pagsisigaw ng kung ano ano, kaya naman nang makalayo sila ay ang bahay ni Via na bukas ay pinasok ng iilang zombie habang ang iba naman ay grupo ni MU ang sinusundan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status