Share

CHAPTER TWO:

                           

                           

                               

"Ate MU, sa'n tayo pupunta nito?" kabadong wika ni Rainbow habang tinatakbo nila ang hagdan pababa ng building. 

"I don't know, basta ang mahalaga ay makalabas tayo ng school ng buhay!" usal ni MU habang mabilis na bumababa ng hagdan, kasabay nang pagpunas nya sa pawis na kanina pang tumutulo galing sa noo nya. Kaba at takot ang mga salitang kanyang nararamdaman ngayon. Hindi nya alam kung sa pagbaba ba nila ay may may nag-aabang na rescue o zombies, kaya habang tinatahak nila ang kahabaan ng hagdan ay nag-uunahan naman ang puso n'ya.

Kasama nya ngayon ang dalawang best friends nya na sina Rainbow at Roma, habang ang humiwalay sa kanila ay sina Maria, Jennie at Leigh. 

“Do you think they will be okay?” 

Tinignan nya si Roma na mula kaninang pagbaba ay hindi umiimik tapos ngayon ay nagawa nang magsalita. 

“I hope so!”

In herself she knows that there are so many questions na nabubuo sa utak nya, at hindi nya alam kung paano nya masasagutan lahat ng 'yon. Name-mental block sya ngayon. Hindi nya alam kung anong gagawin at kung ano ang dapat gawin sa ganitong situation.

Pagbaba nila sa ground ay gano'n na lang ang pagkagulantang nila nang makita na sobrang dami ng zombie at grabe na ang mga nakahiga sa sahig gawa ng...

'Fuck! For sure, any minute, magiging zombie na sila agad katulad ng mga napapanood ko sa zombie movies.' isip isip nya habang pinagmamasdan ang mga katawang nakahalandusay sa sahig.

"How are we even gonna escape this?" tanong ni Rainbow habang kapit na kapit sa dalawa nyang kasama.

Naisip ni MU na dumiretso ng canteen at doon magtago kaso kapag dumiretso sila do'n at nagtago ay paniguradong maii-stuck sila at mata-trap ng mga undead. Kaya todo ang gala nya sa mata nya.

“MU! Doon tayo dumaan sa likod." Tinuro ni Roma ang direksyong papunta sa likod ng school. "For sure na walang ganoong nagawi ro'n!” dagdag pa ni Roma.

Hinawakan nila ang kamay ng isa't isa at sinimulang magsitakbo ng sabay sabay.

Muntikan na silang may makasalubong na zombie at mabuti na lang ay nagawa nilang tumakbo nang mabilis at makaiwas do'n. 

Tinahak nila ang kahabaan ng ground floor, at pinuntahan ang gate sa likod ng school, which is sa likod lang ng building nila. Hindi gano'n natatambayan ang likod ng school dahil ipinagbawal ito sa mga estudyanteng nag-aaral doon, dahil noon ay may mga gumagawa ng kung ano-anong bagay na di maganda tignan. 

Pagkarating nila do'n ay ganoon na lang ang tuwa nila na walang tao ni isa doon kundi sila-sila lang. Ngunit nang puntahan nila ang gate ay ganon na lang ang gulat nila, dahil ito'y naka-lock at secured na secured.

Sa isip-isip nya ay bakit di nya pa naisip na kaya nga ipinagbawal sa kanila ang pagpunta doon ay pinagtatambayan iyon ng mga student noon.

“Shit naman!” mura ni MU nang mapagtanto na wala silang ibang daan kunti sa front gate lang.

“Hala. Pa'no na 'to?” tanong naman ni Roma.

“Ate…” napatingin si MU kay Rainbow na ngayon ay kinalabit sya, at ganoon na lang ang gulat nya ng makita kung saan itong si Rainbow ay nakatingin. 

“F—Fuck!” mura nya ng makitang may mga paparating na undeads.

“Umalis na tayo rito!” sigaw ni Roma.

Sa pagkakataon na ito ay muli syang naistatwa at hindi na alam kung anong gagawin. Segundo pa ang itinagal nang makabalik sya sa realidad at naisipan ng tumakbo kasama ang dalawa nyang kaibigan.

Buti na lang ay pare-parehas silang player sa track n' field kaya trained sila sa pagtakbo. 

And when they reach the front gate ay ganoon na lang ang kaba at gulat na naramdaman nila sa nadatnan.

Mga sasakyan na nagkabangaan, mga taong nakahilata sa sahig, ang iba naman ay nagsisitakbuhan, habang ang iba ay nakaupo na lang at nag-iiyak. Sobrang gulo, tipong kahit san ka tumingin ay matatakot at maiiyak ka na lang sa takot dahil hindi mo alam kung ano ba dapat ang gawin sa ganitong situation.

"MU! Halika na!" Hinila na sya ni Roma at doon nya lang napansin na may mga paparating na zombies sa gawi nila.

Lakad-takbo ang ginawa nila at hindi alam kung saan papatungo. Wala pang trenta minutos pero ramdam na nila ang pagod, gawa ng takot sila sa kung anong mangyayari sa kanila.

"Waaaah!"

"Tulong!"

"Help me!"

"Wraaaarr!"

Iba't ibang ingay ang maririnig habang  papalayo sila sa lugar kung saan sila nanggaling kanina. 

Malayo layo na rin sila sa school ngayon, at hanggang ngayon ay ang kaba pa rin ang nangunguna sa puso nya. Gustuhin man ni MU dumiretso na lang sa bahay nya ngunit ibang daan ang tinahak nila gawa ng sa daan kung saan ang bahay nya ay mas maraming nagkakagulo roon.

'Kumusta na kaya sina Maria? Sina mommy at daddy? Sana ligtas sila.' wika nya habang napapatuloy pa rin sa paglakad-takbo na ginagawa nila.

At sa pagkakataon na 'to ay tumigil na sila sa pagtakbo, kaya habang naglalakad ay napansin nila malapit sila sa isang playground dito sa lugar nila, at habang iginagala ang mata ay may napansin sila don sa bandang gitna ay may grupo ng mga teenagers na mukhang nagpapahinga. 

Naisipan ni MU na lumapit ng kaunti para makinig sa kabilang grupo ng teenagers... pero hindi para makisalamuha sa kanila kundi para magpahinga rin dahil na rin sa hingal nila Rainbow at Roma.

Habang nakaupo sila ay nagutla si MU ng magvibrate 'yong phone nya. 

—Jennie's Calling—

Sinagot nya ito agad nang makita kung sinong tumatawag.

"MU!" Inilayo nya agad sa kanyang tenga yung phone. 

'Si Jennie talaga.' isip isip nya, pano ba naman kahit san ay nasigaw ang babaeng yon, likas na kay Jennie ang may mataas na tono.

Sinenyasan nya si Rainbow na s'ya na lang ang sumagot, gawa ng may inis pa si MU sa kanila dahil sa ginawa nilang pag-iwan.

“Who's that po?” mahinang usal ni Rainbow, saka naman n'ya inabot ang cellphone, at nang mapagtanto na si Jennie 'yon ay nagsimula na siyang magsalita. 

"Jennie, nasaan kayo?" natatarantang tanong ni Rainbow sa kanila. Halata kay Rainbow na naiiyak na siya, dahil sa mata nyang naluluha na.

"Sila na ba yan, Rainbow?" Roma asked.

Tanging tango lang ang sagot ni Rainbow, habang si MU naman ay nakikinig lang at nagmamasid sa paligid. 

Napansin n'yang nakatingin yung ibang teenagers sa kanila kaya naasiwa s'ya at kaya humarap na lang sya sa mga kaibigan nya.

"N—Nasaan kayo?!"

Tinignan agad ni MU ang paligid. At doon nya lang napagtanto na malapit pala sila sa monument na malapit sa isang playground na 'di gaanong napupuntahan. 

"Nasa Rizal Monument kami malapit—yung may playground dito na tago," sagot ni Rainbow, habang iginagala ang mata sa paligid na tipong kinikilala nya ang lugar kung nasaan sila.

"Malapit kami d'yan!" natatarantang sigaw ni Jennie mula sa kabilang linya tila ba'y nagmamadali itong malaman kung saan talaga sila MU, naroon.

"Mag-iingat kayo!"

"Okay, okay." sabay baba nito sa call.

"Rainbow, nasaan na daw sila?" pagu-usisa ni Roma, at talagang halata sa boses nito ang kaba. Nanatiling tahimik lang si MU, dahil sa situation na to ay di nya maiwasang magpanic kaya hangga't maaari ay nananahimik na lang sya para naman hindi na makadagdag sa panic na nararamdaman ng bawat isa.

"I don't know po basta inalam niya lang kung nasaan tayo." 

Napaupo si MU nang maayos tsaka huminga ng malalim.

At sa pagkakataon na ito ay nagsimula na naman sya mag-isip ng kung anu-ano. 

'Saan nagsimula ang lahat ng ito? Natatakot ako baka kung ano na lang ang mangyari sa pamilya namin at sa amin.' isip isip nya habang tulala sa kawalan.

"Ate MU, natatakot na ako." sabi ni Rainbow habang humahagugol.

"Sshh..." pag-alo ni MU kay Rainbow. "Don't worry we will be okay."

Hinawakan ni MU ang kamay ni Rainbow na ngayon ay nilalamig sa kaba. Napaka-weak ni Rainbow emotionally pero kung physical ang usapan ay diyan siya maaasahan. Her name is Iris Suahan, nickname niya ang Rainbow simula ng mabuo ang pagkakaibigan nila MU. She's the youngest in they're circle of friends. S'ya rin ang pinaka malambing sa lahat ng kaibigan nya, malapit sa loob nya si Rainbow dahil kapatid na ang tingin nya rito.

"Yeah, Rainbow. Magiging maayos lang sila...trust them and yourself too," nakangiting sabi ni Roma. 

And there is Roma, her real name is Romaine Xenon, quiet type of person, a genius when it comes to situations na need logical na pag-iisip, and she's also positive person. Mayaman ang isang 'to na kahit siguro sa ganitong situation ay magagawa nyang tumawag ng mga bodyguard na tutulong sa amin.

"Excuse me." 

Napatingin ang tatlong magkakaibigan roon sa nagsalita.

'O.M.G! Guess what? The girl who are talking to us now is Geo Hansel. Siya yung sikat na sikat sa school namin pero hindi namin sya ka-schoolmate kasi sa St. Benedictine Academy s'ya. We know her dahil siya ang nakalaban ni Roma sa pageant last year. Sayang nga lang at si Geo ang nanalo.' isip isip ni MU.

"Yes?" 

Napansin ni MU na titig na titig si Roma kay Geo. 

'What's with her? Is this a sign of rival thingy?' kunot noong pagtataka ni MU.

"Do you need some help, guys?" tanong ni Geo. Sasagot na sana si Rainbow ng mangibabaw ang ingay ng cellphone ni MU na senyales na may natawag.

Kinuha nya ito at ipinasagot kay Rainbow. 

"Yes?"

"Nasaan kayo?!" pagkatanong niya ay bigla silang napatayo dahil nakita nila na malapit na ang tatlong babaeng ngayon ay natakbo.

Kasabay nang pagkakita ni Rainbow ay kumaway ito.

"GALS! DITO!" sigaw ni Rainbow na siyang ikinagulat ni MU  at nung mga teenagers na nakaupo.

"MU! ROMA! RAINBOW!" sigaw naman ng tatlong babae habang tumatakbo.

Gustuhin man bumati at ipakitang masaya si MU, ay hindi nya ginawa, kundi nag-irap na lang ito. Sa isip isip nya na buti na lang magkakasama na ulit sila at ligtas ang mga kaibigan nya.

Ngunit sa isang iglap ay napawi ang mga ngiti nila nang makita nilang may mga zombies na nakasunod sa kanila.

"S—Shit!"

"ZOMBIES!" sigaw ng mga nakakita.

Nanigas sa kinatatayuan si MU sa gulat. Mas lalo syang kinakabahan at 'di na alam kung ano ang dapat na gagawin. Narealize nya na lang na katabi nya na si Roma. Hinawakan s'ya nito sa braso at hinila para tumakbo.

Bumalik lang sya sa katinuan ng tumigil sila sa tapat ng isang malaking bahay.

Nang bigla namang...

"You! You fucking idiot! Because of you kaya tumatakbo na naman kami!" sigaw ng isang lalaking matangkad. Mukhang siya yung pinakamatanda sa kanilang magkakaibigan. Masama ang titig nya kay Rainbow. 

Nagulat si MU sa biglang pagsigaw at pandudurong ginawa nito kay Rainbow kaya naman as a friend, at tumatayong ate nila ay hinarap ni MU ang lalaki. 

“Excuse me, anong karapatan mo para sigawan ang kaibigan ko?” nakakunot ang noong tanong ni MU, maririnig sa boses nya ang isang taong may kayang patahimikin ang kung sino mang taong makakabangga nila ngunit sa pagkakataon na yon ay di yon nangyari.

“You're friend shouted, so kami na dapat na nagpapahinga ay nagambala n'yo!” sigaw ng lalaki. 

Napairap na lang sa inis si MU dahil common sense na dapat ito.

"What's his problem? Like duh, It's obviously tatakbo talaga tayo 'cause zombies are chasing us," maarte at pataray na sabi ni Leigh, sabay ayos sa suot nyang uniform.

'yeah, she have a point.' isip isip ni MU, tsaka nya binalikan ng tingin ang lalaking galit na galit.

"Sean, kalma. Wala namang nangyari sa girlfriend mo. Nagiging OA ka na naman. Calm down, bro," sabay tapik sa balikat ng Sean—tinignan ni MU yung guy.

'Omo~ He's kinda cute.' pagbabago ng mood nya dahil sa umagaw ng atensyon nya na lalaki. 

Tinignan nya ang lahat ng nandoon at doon nya lang napansin na kasama pala ng kabilang grupo yung lalaking nabunggo nya kanina, na ngayon ay busy sa kakalikot sa cellphone nito at tipong sinusubukan na may tawagan.

"What the fuck! There's no signal right now." naagaw ang pansin ng lahat ng magsalita ang lalaking tinitignan ni MU.

"Really?" takang tanong ng kasama nilang guy, "Fuck! Im supposed to contact my Mom, ano bang nangyayari na pati signal ay wala!" inis na bulyaw ng guy na matipuno ang itsura, kaya sila rin ay kanya-kanyang tinignan ang mga cellphone na hawak nila.

Minutes has passed ay biglang nagkaroon ng bagay na akala ng iba ay di mangyayari.

"Klyrra! What happened to you?!" natatarantang sabi ng Sean, habang hinahagod ang likod ng sinasabi nilang Klyrra.

Tinanaw ni MU ang mukha at do'n nya lang nakita na naputla ito at hinihingal. 

'Gosh! What happened?' nanlalaking mata nyang sabi sa utak.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, ih. Hindi to dapat nangyayari sa kan'ya." maiyak iyak na usal nong Sean.

"I think we need to hide dahil baka may makakita sa atin dito na zombies. Lagot tayo pag nagkataon," wika ng isang guy na may curly hair.

"Okay, guys. Let's go to that house," suhestyon naman ng kaninang guy na nabdtrip dahil sa signal. At base sa itsura at boses niya ay parang siya yung leader nito dahil sabay sabay naman na sumang-ayon ang mga kaibigan nito.

Nag-umpisa na itong mag lakad papunta sa malaking bahay na katapat nila, na mukhang pang-mayaman ang bahay.

"Girls, I think you should need to come with us too," aya sa kanila ni Geo. 

Tatanggi na sana si MU gawa ng trato sa kanila nu'ng isang guy pero sinenyasan ba naman sya ng mga kaibigan nya na huwag ng umangal. At sa pagkakataon na yun ay sumunod na sila sa kabilang grupo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status