Share

CHAPTER ONE:

                         

                                

"Sally, sorry."

Ang salitang gumising sa kanya mula sa mahimbing n'yang tulog, pero bago pa man nya idilat ang mga mata ay may nakita syang imahe na s'yang nagpakaba sa kanya.

Kaya mula sa pagkakahiga ay mabilis syang napaupo sabay napahawak sa dibdib.

Rinig na rinig ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso gawa ng kaba.Tumatagaktak na rin agad ang malamig n'yang pawis.

'Ano na naman ba 'to? Sinong Sally? Anong klaseng panaginip na naman 'yon?' usal nya mula sa pagkakaupo at ganoon na lang ang inis kaya naman napasabunot sya sa sarili.

Sakto ang paggising n'ya sa tatlong malalakas na katok ng kan'yang Nanny Lucy. "MU, ija! Tumayo ka na d'yan!" 

"Opo!" sagot nya, sabay tayo at inayos ang kanyang pinaghigaan. Hihiga pa sana sya upang magmumunimuni ngunit ang oras ay tumatakbo at baka ma-late pa sya.

Ginawa na nya ang nakasanayang morning routine at isinuot na ang school uniform ng isang private school kung saan s'ya nag-aaral. Pagkatapos nya gawin at ayusin ang mga dadalhin nyang gamit ay napagdesisyunan na nyang bumaba. 

Sya si Mich Umali Yuza o mas kilalang MU sa school na pinapasukan nya o kahit san mang mapunta sya. Kilala sya sa school na pinapasukan nya, gawa ng isa sya sa mga nagdadala ng tropeyo sa school nila at isa sya sa mga matatalinong student ng St. John Bosco Academy.

“Good morning, Mommy! Good morning, Daddy!” bungad n'ya sa dalawang tao na ngayon ay prenteng nakaupo sa harap ng table. Nagulat pa sya ng makita nya ang dalawang tao na madalas nya lang makita sa loob ng tahanan nila. Nakakapanibago.

"Good morning din, sunshine," usal ng Mommy n'ya na si Chelsea Montei Yuza, isang doctor sa isang sikat na hospital sa Makati.

"Morning, sunshine," usal naman ng kan'yang Daddy na si Takahashi Yuza, isang sikat na business man at isang kilalang doctor sa iba't ibang bansa, ito'y nakatingin pa rin sa newspaper. "Kain na. 'Nga pala, wala kaming pasok sa araw na 'to. Baka kina Mom kami magtambay 'tsaka sabi n'ya magluluto raw s'ya para sa amin nina Tito Frank mo." 

Tumikhim muna s'ya ng milk shake na ini-ready ng Mommy n'ya. "Talaga po? Sige po, okay na okay!" sabay lapag nang baso at punas sa namuong froth sa itaas ng kanyang labi. "Uhm, do'n na po ba ako didiretso mamaya?" 

“Yes, sunshine. Do'n ka na lang dumiretso after class para na rin ma-meet mo ang iba mong pinsan at ang mga uncles and aunties mo." 

Tumango na lang sya bilang sagot at nagsimula nang kumain. 

After nila kumain ay nagpaalam na sya sa Mommy at Daddy n'ya 'tsaka tinahak na ang daan palabas ng bahay. Ngunit saktong pag-apak nya sa pintuan ay siya namang pag-ihip ng malakas na hangin. 

Kaya nagawa nyang tumigil, at kasabay no'n ay ang familiar na pakiramdam na kanyang naramdaman noong gumising sya.

Kaya nagdulot ito sa kanya ng kaba at nagsimulang tumibok ng mabilis ang kanyang puso.

At doon na sumagi sa isip nya na may posibleng mangyaring di maganda sa araw na 'to o baka sa susunod na araw.

'This feeling is too odd for me.' wika nya sa sarili, habang nakatayo pa rin at nakatulala sa kawalan.

Kahit sabihin na isa nang advantage sa kanya ang ganitong bagay ay 'di nya pa rin magawang masanay. Because this one is different from the other scenes. Ito na siguro ang pinakamabigat na naramdaman nya simula nang ipanganak sya kaya nakakapanibago at nakakakaba.

Ramdam na ramdam na tipong nandoon sya sa eksenang 'yon. Amoy na amoy ang paligid.

'Sally, sorry...'

Tila'y may bumubulong sa kanya, lilingon na sana sya upang hanapin ang may boses na yon ay nang maramdaman nya na lang may tumapik sa balikat nya.

Kaya ang kaninang sarili nyang nasa kawalan ay bumalik sa realidad.

"MU, ija! Bakit and'yan ka pa? May problema ba? Gusto mo bang magpahatid na lang o dating gawi pa rin?" 

Dali-dali nyang inayos sarili at humarap sa taong ngayon ay nasa harap nya, si Nanny Lucy.

Ngumiti muna si MU bago sumagot. "N—Nanny Lucy, yeah. Uhm...dating gawi pa rin po," mautal-utal na wika nya habang nakamot sa gilid ng kilay. "Sige, Nanny Lucy, mauna na ho ako."

Habang tinatahak ang daan papuntang school, hindi pa rin mawala sa isip at sa dibdib nya yung masamang pakiramdam na kanina pang umaga nambubulabog sa kanya. Sa tuwing iisipin nya ang imaheng nakita nya kasabay ang boses na narinig ay nakakaramdam sya ng matinding kaba sa dibdib.

'Yung naging panaginip ko nitong umaga...Ibang-iba s'ya sa mga naging panaginip ko noon. Sobrang creepy nito compared sa kanila. Ang pinagkatataka ko lang... Bakit? Bakit magulo? Bakit may dugo?' naguguluhang tanong nya sa sarili habang patuloy pa rin sa paglalakad.

Natigil sya sa paglalakbay sa utak nya nang bumangga sya sa isang tao na ngayon ay nakatigil sa harap nya. Hindi nya agad natignan ang taong nakabangga nya dahil nabuhay ang kahihiyan sa pagiging tanga-tanga nya sa kalye. 

"Whoops!" ani ng isang lalaki.

"Aish! Sorry," nahihiyang usal ng babae sabay yuko. Ngunit nang inangat nya naman ang ulo ay nagulat sya.

'O.M.G! Ang gwapo!' wika nya sa utak, may parte sa utak ni MU na gusto nyang alamin ang pangalan ngunit nang magsalita ito ay nagbago ang isip nya.

 "Miss," pinagpag ng lalaki ang kanyang damit, sa parteng nabangga ng babae. "next time, pakitingnan ang dinadaanan, ahh? Hindi ka naman siguro bulag para 'di mo mapansin ang dinadaanan mo, di'ba?"

Kasabay ng pagbitaw ng salita ang paglakad nya paalis sa harap ng babae.

 

Ngayon naman ay naiwang nanlalaki ang mga mata nya, hindi inaasahang makakarinig sya ng ganoong salita sa isang lalaki. 

'What the—Ano naman kung 'di ako nakatingin? Eh 'di sana kung makikita n'yang mabubungo ko s'ya ay sana ay umiwas s'ya.' isip isip ni MU.

Pinagmasdan ng babae ang lalaki na ngayon ay naglalakad, at gano'n na lang ang pagkahanga nya sa kung paano ang lalaki ay kumilos. 

'Ang angas nya kumilos, saang school kaya sya nag-aaral?' 

Pagkaraan ng mga ilang minutong paglalakad ay nakarating na sya sa school. Dahil kung tutuusin ay minuto lang ang layo ng bahay nya sa school na pinapasukan nya. Kaya mas pinipili nya ang maglakad para na rin sa morning exercise nya. 

"Ate MU!" salubong sa kanya ni Rainbow, one of her best friends.

"Hey Rainbow! Nasa'n sila?" sabay nagbeso sila.

"Nasa Canteen, Ate," ika ni Rainbow habang nag-aayos ng gamit. "Hindi raw kasi nagsikain ng umagahan." 

"Ahh...Ehh, bakit ka nagpaiwan?" usisa naman ni MU, na ngayon ay inaayos ang pagkakalapag ng gamit sa upuan nya.

"Magsasagot pa ako, Ate, eh. Hindi ko na nasagutan yung assignment sa Math kagabi, eh." pabuntong-hiningang wika ni Rainbow. "Mas inuna ko pa manood ng One Piece."

"Ganern? Oh s'ya, saglit! Pakopyahin na lang kita. This is what friends are for," banat naman nya na s'yang ikinangiti ni Rainbow.

"Omo! Thanks, Ate!"

"Sige, sige. Gawin mo na 'yan at baka dumating na yung lecturer natin."

Hindi naman nagtagal ay dumating na yung mga kaibigan nila na sina Maria, Jennie, Roma at Leigh habang kasunod naman nila si Miss Segunda, ang lecturer nila for the day.

Habang nagdi-discuss si Miss Segunda ay hindi maiwasan ni MU na tumingin sa bintana gawa ng pagkaboring sa lesson na itinuturo ng lecturer nila. 

'First subject, history agad nakakaboring.' wika nya sa isip.

Mabuti na lang sa tabi ng kanyang kinauupuan ay ang isang mahabang bintana na bukas na bukas, kitang-kita mula roon sa kinauupuan nya ang napakalawak na field ng school na kung saan ginaganap ang mga events at sportsfest. Isama na ang kagandahan ng kaulapan at ang kariktan din ng sikat ng araw. Napakagandang tumambay kung tutuusin sa field kung walang klase lang.

'Hayss… Kung wala lang klase baka panigurado nakatambay kami ng mga kaibigan ko d'yan sa ilalim ng puno sa may bandang field.' sa isip isip ni MU habang pinagmamasdan ang ganda ng field ng school.

"Ms. Suarez!"

Habang nilalakbay nya ang kanyang mata sa kalawakan ng field ay may natanaw syang mga nagtatakbuhan na students kaya ganon na lang ang pagkakataka nya kung bakit sa kalagitnaan ng may klase ay may mga nagsskip ng klase... 

'T—Teka...'

Napakunot ang kanyang noo sa nakita nya. 

'Bakit parang may mali? Wait? Ano 'yon?' tanong nya sa sarili habang pinagmamasdan ang mga tao sa baba.

Mas lalo nyang niliitan pa ang mga mata para sipatin ang nakikita nya.

'Bakit may mga bahid ng kulay pula sa damit nila? Next month pa ang Halloween, ahh? Advance naman yata nila.' nagtatakang tanong sa isip nya.

"Ms. Suarez!"

Ngunit habang pinagmamasdan nya ang mga nagsisitakbuhan ay maririnig mula sa baba ang sigawan ng bawat taong tumatakbo. 

Ganoon na lang ang gulat nya nang makita nyang biglang nadapa yung student na babae, at naabutan ito ng isa pang estudyanteng lalaki. 

'O.M.G!' gutla na reaksyon nya ng akalain nyang hinalikan ng lalaki ang babae pero may napansin syang hindi maganda kaya lumapit pa sya sa bintana para tignan kung ano ba talaga ang ginagawa non.

 

'Ka—kagat sa leeg? What the? He's biting the girl? What's the meaning of this?' nanlalaking mata nyang tinitignan ang dalawang nasa baba.

 "MS. SUAREZ!"

At sa pagkakataon na to ay do'n lang sya nagulantang at napatayo habang nakatingin kay Mrs. Segunda.

"S—Sorry po, Ma'am." usal nya habang nanlalaki pa rin ang mga mata gawa ng pagkagulat.

 "Ms. Suarez, I've been calling you three times for Pete's sake! Nasa'n na naman ba 'yang utak at tenga mo?"

 Napalunok muna sya bago magsalita, "Ma'am, sorry po. M—May," sabay turo nya sa labas ng bintana. "may nakita po kasi ako sa baba—" 

At sa pagkakataon na yon ay do'n nya lang naintindihan ang lahat ng nakita nya sa 'baba kasabay ng panaginip at kakaibang pakiramdam na kanina nya pa isinasantabi. 

'I—ito na ba 'yon?' nagtatakang wika nya sa utak.

Inayos nya ang kanyang gamit at inihanda ang sarili sa pagkakataon na baka may pumasok na zombie sa room at talagang magkakaumahog syang tatakbo palabas ng classroom.

"At ano naman ang nakita mo para mawala 'yang utak at tenga mo dito sa loob ng klase ko!" sigaw ni Miss Segunda.

"M—Ma'am...Ma'am, may nakita po akong mga zombie sa ibaba." Natataranta na wika nya, "May zombie, Ma'am!" 

Sakto naman pagkasabi nya n'on ay siyang pagpasok naman ng malakas at malamig na hangin.

Randam na ramdam nya na nagsipagtaasan ang mga balahibo nya at nakaramdam sya ng matinding kaba.

"Ate MU," mahinang sabi ni Rainbow.

Napatingin si MU kay Rainbow nang magsalita ito, at sa mga kaibigan nito. Pare-parehas nagtatanong ang mga mata nila. Tila ba'y inaabangan kung ito bang si MU ay nagbibiro o hindi.

Alam ni MU na may ibig sabihin ang mga 'yon. Alam na alam nyang kilala sya ng mga kaibigan nya at hindi to basta-basta magbibiro o magsasabi ng gano'ng bagay na na lang bigla. Kaya kung isa tong biro ay panigurado ay kanina pa sya nagkukumahog sa pagtawa, ngunit minuto na ng lumipas ay takot na ang nangingibabaw sa mga mata nya.

"Joke ba 'yan?" tanong ni Maria.

Muling tumingin syang sa lecturer nya na ngayon ay masama na ang tingin sa kanya.

"Ms. Suarez, I don't have time for your—" 

Kasabay ng pagsesermon ni Miss Segunda ang biglang pagkalabog sa pinto ng classroom nila na syang ikinalingon ng marami. At sa pagkakataon na to ay nasa harap na nila si Manang Gina na ngayon ay balisang-balisa ang itsura. 

"Ma'am Segunda!" sigaw niya habang pinapaypay ang kamay palabas. "Tumakbo na kayo may kung anong halimaw ang sya nang paparating!"

Hindi na nagdalawang isip si MU, at isinuot na nya ang bag sabay dumungaw sa bintana.

 

Marami-rami na rin ang nagsisitakbuhan, ang ingay sa paligid ang nangingibabaw na rin.

Nilingon nya ang mga kaibigan nya sabay sukbit na rin ang mga bags nila. "Gals! Tara na!" 

Sabay-sabay sila tumakbo palabas ng classroom. Narinig pa nilang tinawag sila ni Miss Segunda na siyang ikinairap ni MU.

'Putangina. Wala na akong pakealam.'  usal nya sa utak.

Napatigil sila sa pagtakbo nang may mapansin silang may mga zombie sa dadaanan nila.

'Aishh.'

No choice sila at kailan nilang bumalik 

sa dinaanan nila upang makababa ng floor na yun papunta sa papunta sa may canteen at clinic. 

“G—Gals," hinihingal na tawag nya sa mga kaibigan nya. "After I count one to three, tatakbo na tayo.” 

"On one...two..." Umatras sila ng bahagya habang nakatingin pa rin sa zombies. 

"Three!" 

At sa pagkakataon na yon ay kumaripas na sila ng takbo. 'Di ni MU maiwasang tumingin sa likuran nila, at ganon na lang ang gulat nya nang mapagtanto na tumatakbo rin ang mga Zombies.

"Gals! Bilisan n'yo! Mga runner 'ata itong mga zombie na 'to!" birong sigaw nya habang binibilisan ang pagtakbo.

'Aishhh! Bakit ba kasi ang haba ng hallway namin? Grrr.' inis na wika nya sa utak.

Nang malapit na sila sa stairway ay biglang nagsalita si Jennie.

 "Sa'n tayo? Taas o baba?"

 "Malamang sa baba!" sigaw na sagot ni MU.

 

'Naiinip na ako. Baka maabutan pa kami.' wika nya sa utak habang namasid sa paligid.

 "Taas!" sigaw ni Maria na siyang ipinanlaki ng mga mata nya.

'Dead-end d'un. Paano kung ma-corner kami?' 

Humakbang na siya sabay hila kay Jennie at Leigh. 

Bigla namang pag-iinit nang ulo nya. 

'Pati ba naman ngayon magbabanggan kami ng desisyon? Buhay na nga namin nakataya, eh.'

"Putcha!" Hinila nya rin kina Leigh at Jennie. "Sa ibaba nga para makaalis tayo dito sa school!" 

 

Tinampal na ni Maria ang mga kamay nya na syang mas lalo nyang ikinainis. At nang hindi nya pa rin binibitawan ang dalawa ay sinimulan na siyang pagkakalmutin ni Maria. 

"Aray ko naman, Maria!"

Napansin na pinandidilatan na siya ni Maria at nakikita nya na ring tumutulo na ang mga luha nito. Pero sa kahit na gano'ng situation ay hindi pa rin nagpatinag si Maria.

"Sa taas nga kasi. Ano ba?!" 

Natipaawang ang bibig ni MU.  

'Aba! Bakit ba kasi ngayon pa maninigas ang ulo niya? Nakakabadtrip. Wala na kaming oras.' usal nya sa utak.

Nakarinig si MU ng mga yabag na syang nagpapanic sa kanya.

Ginulo nya ang buhok sa sobrang inis. "Bahala nga kayo r'yan! Kasalanan niyo kung maging zombies kayo." 

Pagkarating nila sa staircase, ay inihanda na nya ang sarili sa magiging kapalaran nila.

Sa pag-akyat ng tatlo ay siya namang pababa nila MU, Rainbow at Roma.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status