Share

Chapter 17 - change

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-06-23 14:19:13

Hindi nakaalis si Darvis kahit gusto niyang pumuslit para balikan sa hospital si Psalm. Nag-aalala siya sa asawa pero nahahati ang isip niya sa pagitan nito at sa anak niya. Siguro naging malupit siya at hindi na inisip ang nararamdaman nito pero isa siyang ama, kailangan rin niyang isaalang-alang ang kapakanan ng kaniyang anak.

"Makabubuti para sa pagbubuntis ni Pearl kung lagi mo siyang sasamahan," sabi ni Perlita na sumilip doon sa kuwarto para kumustahin si Pearl.

Nag-angat ng paningin si Darvis. "Hindi ako pwedeng magtagal dito. Nasa hospital si Psalm at wala siyang kasama."

"Pwede mo naman siyang padalhan doon ng katulong na mag-aasikaso sa kaniya."

"Asawa ko ang pinag-uusapan natin, Mommy. Hindi iyon ibang tao."

"Oo na, pero hangga't hindi pa bumubuti ang pakiramdam ni Pearl, huwag mo muna siyang iwan. Kasalanan ng asawa mo ang nangyari sa kaniya."

Naririndi na siya sa paulit-ulit na paninisi ng mag-ina. Pero hindi ba't siya rin naman, sinisi rin niya si Psalm at hindi man lan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Enen Tinod
baliw talaga ang babaeng yan bobo bakit hindi sya lumayas dyan para maka ganti
goodnovel comment avatar
Redink
Pati ako naha-highblood...
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Ano, Darvis? hindi ka marunong sa time management pagdating sa kabit mo? Kung sino pa talaga ang kabit, sya pa yong matapang. Akala mo naman may karapatan!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 136 - marriage proposal

    "Kailangan ko bang sumama roon sa regular assembly ninyo? Baka makaabala lang ako," tanong ni Psalm habang inaayos ang kuwelyo ng white coat ni Ymir. "You will attend as the chief operations officer of Florencio Group, no one will ever question your legitimacy anymore. The linkages between Venatici Empire and Florencio Group will take off after the assembly and you will be handling it," paliwanag ng doctor at pinisil ang baba niya. Ngumiti siya. Iyon siguro ang dahilan kaya pinaluluwas siya nito ngayong araw. Bukod sa Green Tech, may ibang kompanya na rin ang nagpahayag ng cooperation interest sa FG dahil sa consistent promotions ni Ymir pero ang term of conditions ay laging sa kaniyang opisina napupunta ang kontrol. Alam niyang ipinapakilala siya ng binata sa business world, once step at a time. Kahit nagsusunog siya ng kilay para pag-aralan ang mga dapat niyang matutunan, minsan ay nadi-drain siya. Sa tuwina naman ay sinasalo siya ni Ymir."Okay na ba 'tong suot ko?" Niyuko niya a

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 135 - engagement gifts

    Pumuputok ang kirot sa sentido ni Darvis. Gusto niyang magpahinga pero napilitan siyang bumiyahe patungo sa fine dining ng Melrose Hotel. Tumawag ang kaniyang ina, nag-host ito ng lunch para kina Don Romano at Felizz Samaniego. Mula nang bumisita sa Florencio Group ang matandang lalaki, napapadalas na rin ang imbistasyon ng kaniyang ina kay Felizz. Alam ni Darvis na pilit silang pinalalapit ng dalaga para sa nakatakdang merging ng kompanya. Kahit malinaw niyang sinabing hindi siya bukas sa usapin ng kasal kay Felizz. "Ayusin mo iyang mukha mo, Darvis. Huwag mo akong ipahiya sa bisita natin," sikmat ng senyora."I'm not feeling well, Mom. Nagpapahinga ako nang tumawag ka," iritado niyang sagot."Lagi kang wala sa mood kung si Felizz ang pinag-uusapan natin.""I don't like that woman. Naalala ko sa kaniya si Pearl.""Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Darvis. Matagala nang patay ang Pearl na iyon. At uulitin ko, maging mabuti ka kay Felizz alang-alang sa kapakanan ng kompanya natin. Nakita

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 134 - in the eye of her daughter

    Nahihirapan si Pearl na kumbinsihin si Don Romano na ilatag na publiko ang tungkol sa kasunduan noon ng kasal nina Ymir at Felizz. Kapag nilabas ang official announcement, mapi-pressure ang doctor na iyon dahil sa supporter ng Samaniego Global Enterprise. Pero pati yata si Don Romano ay wala nang balak na tuparin ang kasunduan. "Hindi ko alam kung bakit mas nakikinig pa yata si Lolo kay Ymir kaysa sa akin, eh," angal niya habang kausap sa video call si Madam Daisy. Ito ngayon at si Sheena ang nakatira sa Hermosa residence. Naghintay pa rin kasi sila ng pagkakataong mabayaran ang kulungan at nang makalaya na ang mga magulang niya. "O, baka si Psalm ang pumipigil na naman sa swerte mo. Salot talaga ang babaeng iyon."Sinabi mo pa. Pero hindi na ako basta makakikilos ngayong dala ko ang apelyidong Samaniego. Binalaan ako ni Don Romano. Kunting pagkakamali ay masisira ang reputasyon niya at pagbabayaran ko iyon. Ngayong may pera akong magagamit ay hindi naman ako malayang magawa ang gu

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 133 - orphanage

    Naitukod ni Psalm ang mga kamay sa matigas na dibdib ni Ymir nang hapitin siya nito papadiin sa katawan ng doctor. Gumagalaw ang mga panga nito at pigil ang hininga. Ilang segundo lang naman ang halik, hindi nga ito nakaganti dahil sa gulat sa ginawa niya."Y-Ymir," napaantada niyang sambit. Paano nga pala kung nagalit ito? Baka siya lang ang nag-assume na magugustuhan nito ang halik niya. "Para saan ang halik na iyon? Ransom sa selos ko sa ex-husband mo?" Seryoso ang mukha nito at pakiramdam niya ay bigla nitong nakalimutan kung paano ngumiti. "Pasok na roon sa sasakyan." Istrikto ang tono nito at itinuro ang Bently.Masunurin siyang nagtungo sa sasakyan at sumakay. Nakipagsukatan pa ito ng titig kay Darvis mula sa bintanang nakababa ang salamin bago sumundo sa kaniya."Nagseselos ka?" kunyari ay inosente niyang tanong pagkapuwesto ni Ymir sa driver's seat."Gusto mong makitang ipapa-laminate ko ang pagseselos ko at nang maniwala ka? Bigla ka na lang pumasok sa sasakyan niya, akala

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 132 - kiss

    Nagkalat ang mga unan sa sahig, pati throw pillows ng couch at ilang gamit na kanina ay nakapatong sa sidetable. Doon ibinunton ni Pearl ang galit kay Psalm. Nagmukha siyang tanga at sampid ngayong gabi. Walang ibang tinitingnan ang dalawang lalaki kanina kundi si Psalm. Para bang ito ang tao roon sa garden at hindi mapuknat ang titig nina Ymir at Darvis.Bakit ganoon? Hindi niya maintindihan. Nagbago na siya ng mukha at katauhan. She is the Samaniego heiress, dapat siya ang sentro ng atensiyon nina Ymir at Darvis. Pero kabaliktaran ang nangyari kanina. Hindi na nga siya sinagip doon sa pool, iniwan pa siya at hindi man kinumusta kung okay siya. Gigil siyang lumabas ng kuwarto at hinanap si Don Romano. Kausap pa rin nito sa presidential table ang mga magulang ni Darvis. Wala itong kamalay-malay sa nangyari sa kaniya roon sa lawa. "Lolo," nilangkapan niya ng pagsinghot ang boses. Kunwari naiiyak."Felizz, what's wrong?" nag-aalalang dinaluhan agad siya ng matanda."Hija, ano'ng nangya

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 131 - images

    Basang-basa na ni Psalm ang galawan ng kapatid niya kaya hindi na niya ikinagulat pa ang pagkalaglag sa lawa. Buti na na-kondisyon masyado ang sistema niya sa tubig dahil tuwing umaga roon sa isla ay nagbababad siya sa dagat ng sampu hanggang labing-limang minuto. Nakatulong iyon sa mabilis na paghilom ng operasyon niya. Ini-ahon niya ang ulo at umawang ang bibig dahil sabay siyang niyakap nina Ymir at Darvis."Psalm/Psalm," sabay pang sambit ng dalawang lalaki."Are you hurt?" pahabol na tanong ni Ymir na habol ang hininga. Pumiglas siya mula sa apat na mga bisig na nagbakod sa kaniya at itinulak ang mga ito. Nagkatinginan ang dalawa at parehas na umigting ang mga panga."Back off, Florencio," angil ng doctor at muling kinabig si Psalm. "Si Felizz ang tulungan mong makaahon sa tubig." "Dr. Venatici, the woman you're holding is still the mother of my child. Maaring iniisip mong wala nang bisa ang kasal namin pero hindi mo mai-aalis na mag-aalala ako sa kaniya para sa kapakanan ng a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status