MV Queen Felizz.Napabuntong-hininga na lang si Psalm habang nagche-check sa designs ni Mellow na nasa shared email nilang dalawa. Originally, designs niya iyon at nilagyan lamang ni Mellow ng mga innovations. Saglit na inalis ng babae ang paningin mula sa tablet at ibinaling kay Roy. Ni-report sa kaniya ng bodyguard ang tungkol sa ginagawa ni Darvis. "Kung ganoon hindi natin siya nakumbinsi na patay na nga ako?" tanong niyang dismayado."Parang ganoon na nga, Madam. Hinahabol niya ngayon ang abo no'ng babaeng sangkot sa staged accident. May nalaman yatang impormasyon si Mr. Florencio kaya matibay ang paniniwala niyang hindi ikaw ang natagpuang bangkay.""Isang buwan na tayo rito sa dagat. Ibig sabihin kahit makarating pa tayo ng Japan by three months time hindi ako pwedeng bumababa. For sure, na-contact na ni Darvis ang friends at ilang connections niya roon. Baka pati si Dell ay pinapasundan na rin kaya mas safe kung hindi na muna ako magkaroon ng communication sa kaniya.""Tama iy
Wala sa sariling nakatunghay sa kaniyang cellphone si Darvis, pinagmamasdan ang soft photo ni Psalm. Marami siyang nai-save na headshots ng asawa noong nagmomodelo pa ito pero paborito niya ang larawan nito noong nasa beach sila at nakaupo ito sa malaking bato habang pinapanood ang pagsikat ng araw. Hinilot ng lalaki ang nagpupulsong sentido nang pumasok ang sunod-sunod na chat ni Fred. Inangat niya ang haggard na mukha at saglit na pumikit. Nagpasa na ng motion ang board para tanggalin siya bilang CEO ng Florencio Group. Hindi pa naman majority pero kung wala siyang gagawin makukumbinsi rin ni Ernesto Montero ang natitirang mga miyembro.Hindi siya makakilos. Walang ibang laman ang utak niya kundi si Psalm. Naihatid na sa huling hantungan ang bangkay ng babae pero malakas pa rin ang loob niyang hindi iyon ang asawa. Hindi rin niya nakita maski minsan man lang sa lamay si Ymir Venatici. Imposibleng hindi sisilip ang doctor na iyon kung si Psalm nga ang nakaburol. Paano kung planado
"Doc, updates from the authority," abiso ni Lui kay Ymir na subsob sa mga dokumentong nakatambak sa desk."Speak," sagot ng doctor na hindi inaalis ang mga mata sa papeles na pinipirmahan."Nag-submit na ng request si Darvis para sa genetic comparison.""Ikaw na ang bahala mag-execute ng plano natin. Provided na lahat ng kakailanganin mo, mag-iingat ka. Not single data should leak out from the source pocket. Sisingilin kita kung may kunting discrepancy sa resulta ng DNA testing.""Lumabas na rin ang autopsy findings. Nakaligtaan natin ang bahagi ng pagbubuntis ni Psalm. Buti na lang nakita ko sa findings at nabago kaagad ng mga tao natin sa loob. Pagkatapos ng genetic comparison ay itutuloy na sa crematory ang bangkay."Tumango si Ymir. "Sounds great." Iniwan siya ni Lui roon. Sakto ring tumunog ang cellphone niya. Si Dell Florencio ang nag-pop up sa screen. "Gumawa ako ng initial investigation tungkol sa cruise ship na pinaglagyan mo kay Psalm. I wonder if your intention is really
Dumalo sa meeting ang mga magulang ni Darvis at ilang elders ng Florencio clan na may share of stocks sa kompanya. Present lahat ng miyembero ng board of directors. Kahit nagluluksa ay napanatili ni Darvis ang dating tikas ng kaniyang otoridad at kapangyarihan nilang CEO ng Florencio Group. Kaniya pa rin naman ang mandato at responsibilidad na hawakan ang buong kompanya. "Kahit walang direktang posisyon dito sa kompanya si Mrs. Psalm Florencio pero malaking kawalan sa atin ang nangyari sa kaniya. We need to face to public and issue an official statement with regards to the accident. Iminungkahi ko ring ibuburol siya rito ng mga ilang araw for public viewing sa ating employees. Marami sa mga trabahante rito ang hinangaan siya." Isa sa mga board members ang nag-propose. "Hindi pa tayo sigurado kung ang asawa ko ang sakay ng kotse. Nag-request na ako ng DNA test sa hospital, the police force will oversee the process. When the result is out saka lang tayo gagawa ng plano sa funeral at
Nanatili lamang sa cabin si Psalm. Nasa kandungan niya si Chowking, nakapamaluktot at tulog. Kalalayag lamang ng cruise ship patungo sa bansang destinasyon nila. Nakahinga na siya ng maluwag. Tiyak ngayon ay pumutok na ang balita tungkol sa aksidente at sa huwad niyang kamatayan. "Madam, dinalhan ko po kayo ng snacks, baka nagugutom po kayo." Pumasok doon si Lucille, bitbit ang tray na naglalaman ng miryenda niya."Salamat, Lucille." Ngumiti ang katulong at nilapag ang tray sa mesitang nasa harapan ng puting leather couch na inuupuan niya. Sliced fruits and home-made potato chips."Masarap ang chips, Madam. Pinaluto ni Roy iyan sa chef. Isa sa mga favorite mo."Tinikman niya iyon. Malasa nga. Hindi maalat at medyo matamis. Nag-blend ng husto ang asin at asukal. "Pumasyal ako sa bar, Madam, ang ganda roon.""Kasama mo si Roy?" "Opo, naglibot kami para makabisado ko raw ang buong barko at kung aling section ang pwede nating puntahan. Tatlong buwan pa tayo rito.""Dito na ako mangang
Kinapa ni Darvis ang cellphone habang umaakyat pabalik sa master bedroom. Si Frederick ang tumatawag."Cancel my meetings, bukas pa ako papasok." Inunahan na niya ang secretary. "Cancelled na po, Sir. Ibabalita ko lang na tumakas ng hospital si Ms. Pearl at hindi ngayon mahanap ng mga pulis.""Sabihin mo sa mga pulis i-monitor ang galaw ni Madam Daisy, siguradong kokontak sa kaniya si Pearl." Saglit siyang napatingin sa screen ng cellphone dahil sa isa pang in-coming call. It's Gregory. Inutusan niya itong pumunta ng studio para alamin kung naroon si Psalm. Wala naman siyang balak na istorbohin ang asawa. Gusto lang niyang matiyak na ligtas ito at maayos. "Darvis, may nangyari kay Psalm," balita ng lalaking nasa kabila. "Naaksidente ang sasakyan niya. Bumaliktad sa may express bridge habang patungo siya ng Amara's Fashion."Nahulog sa kamay ni Darvis ang cellphone. Ilang segundo rin siyang itinulos doon sa baitang na kinatatayuan at nawalan muna ng kakayahang kumilos. Inalog ng mas