Home / Romance / PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE / Chapter 18 - fake fortune

Share

Chapter 18 - fake fortune

Author: Redink
last update Huling Na-update: 2025-06-23 21:04:51

Naghihintay sa sala si Pearl nang dumating si Darvis. Bago sila pupunta sa doctor na kaibigan niya, dadaan muna sila sa kakilala niyang fortune teller. Hindi iyon alam ng bayaw niya, siyempre, kailangan niya ng maraming baraha para masiguro ang kaniyang tagumpay at maalis sa landas niya si Psalm.

"Kuya, pwede ba tayong dumaan muna roon sa fortune teller? Nanaginip kasi ako kagabi, gusto ko lang kompirmahin na walang mangayayaring masama sa anak natin," panunuyo niya sa lalaki.

"Naniniwala ka sa ganyan?" May kalakip na pagtutol ang tono ni Darvis.

"May mga fortune tellers na tunay, sincere sila sa kanilang panghuhula."

"I don't know, I am not into those things."

"Sige na, please," makulit niyang ungot.

"Oo na, may choice pa ba ako? Sige na, sakay na." Nakaalalay sa kaniya si Darvis habang pumapasok siya sa loob ng sasakyan.

Walang kinse minutos ang biyahe patungo sa isang lumang kapilya kung saan nagsasagawa ng mga panghuhula si Madam Daisy. Humimpil sila sa labas ng gate at bumaba ng
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Susana Vizcarra Ferrer
parang ang bobo at tanga c darvis
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
kagigil kinukuha nya tlga lhat ng oras ni darvis tanga ka nmn darvis hayst sana lng sa dulo ikaw pearl na demonyita at talunan at ikaw ang maiiwan
goodnovel comment avatar
Redink
Ako rin po naiinis sa mga characters, pasensya na po...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 137 - new office

    Naluha si Darvis nang matanggap ang MOA for co-parenting sa pagitan nila ni Psalm para kay Felizz Angelu, ang anak nila. May schedule na rin doon kung kailan at ilang beses niya pwedeng bisitahin ang bata o kung gusto niyang hiramin. "Three times a week," bulong niyang nakangiti. Sabik na siyang makita ang anak. Kanino kaya nagmana ang bata? Malamang hindi sa kaniya. Hindi gugustuhin ni Angelu na magmana sa tulad niyang mas pinili ang kasalanan kaysa responsibilidad bilang mabuting ama. "Move up the meetings, Fred. Kailangan kong i-blangko ngayong weekends ang kalendaryo ko. May importante akong lakad," abiso niya sa secretary.Noong general assembly ng Venatici Empire at gumawa ng engrandeng marriage proposal si Ymir kay Psalm, saksi ang buong mundo dahil naka-live broadcast. Kitang-kita niya ang ligaya sa mga mata ng dating asawa. Sinasabi ng utak niyang sumuko na pero ang puso niya ay patuloy na nagmamatigas. Kahit posibleng ilusyon na lang ang kinakapitan niyang may pag-asa pa

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 136 - marriage proposal

    "Kailangan ko bang sumama roon sa regular assembly ninyo? Baka makaabala lang ako," tanong ni Psalm habang inaayos ang kuwelyo ng white coat ni Ymir. "You will attend as the chief operations officer of Florencio Group, no one will ever question your legitimacy anymore. The linkages between Venatici Empire and Florencio Group will take off after the assembly and you will be handling it," paliwanag ng doctor at pinisil ang baba niya. Ngumiti siya. Iyon siguro ang dahilan kaya pinaluluwas siya nito ngayong araw. Bukod sa Green Tech, may ibang kompanya na rin ang nagpahayag ng cooperation interest sa FG dahil sa consistent promotions ni Ymir pero ang term of conditions ay laging sa kaniyang opisina napupunta ang kontrol. Alam niyang ipinapakilala siya ng binata sa business world, once step at a time. Kahit nagsusunog siya ng kilay para pag-aralan ang mga dapat niyang matutunan, minsan ay nadi-drain siya. Sa tuwina naman ay sinasalo siya ni Ymir."Okay na ba 'tong suot ko?" Niyuko niya a

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 135 - engagement gifts

    Pumuputok ang kirot sa sentido ni Darvis. Gusto niyang magpahinga pero napilitan siyang bumiyahe patungo sa fine dining ng Melrose Hotel. Tumawag ang kaniyang ina, nag-host ito ng lunch para kina Don Romano at Felizz Samaniego. Mula nang bumisita sa Florencio Group ang matandang lalaki, napapadalas na rin ang imbistasyon ng kaniyang ina kay Felizz. Alam ni Darvis na pilit silang pinalalapit ng dalaga para sa nakatakdang merging ng kompanya. Kahit malinaw niyang sinabing hindi siya bukas sa usapin ng kasal kay Felizz. "Ayusin mo iyang mukha mo, Darvis. Huwag mo akong ipahiya sa bisita natin," sikmat ng senyora."I'm not feeling well, Mom. Nagpapahinga ako nang tumawag ka," iritado niyang sagot."Lagi kang wala sa mood kung si Felizz ang pinag-uusapan natin.""I don't like that woman. Naalala ko sa kaniya si Pearl.""Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Darvis. Matagala nang patay ang Pearl na iyon. At uulitin ko, maging mabuti ka kay Felizz alang-alang sa kapakanan ng kompanya natin. Nakita

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 134 - in the eye of her daughter

    Nahihirapan si Pearl na kumbinsihin si Don Romano na ilatag na publiko ang tungkol sa kasunduan noon ng kasal nina Ymir at Felizz. Kapag nilabas ang official announcement, mapi-pressure ang doctor na iyon dahil sa supporter ng Samaniego Global Enterprise. Pero pati yata si Don Romano ay wala nang balak na tuparin ang kasunduan. "Hindi ko alam kung bakit mas nakikinig pa yata si Lolo kay Ymir kaysa sa akin, eh," angal niya habang kausap sa video call si Madam Daisy. Ito ngayon at si Sheena ang nakatira sa Hermosa residence. Naghintay pa rin kasi sila ng pagkakataong mabayaran ang kulungan at nang makalaya na ang mga magulang niya. "O, baka si Psalm ang pumipigil na naman sa swerte mo. Salot talaga ang babaeng iyon."Sinabi mo pa. Pero hindi na ako basta makakikilos ngayong dala ko ang apelyidong Samaniego. Binalaan ako ni Don Romano. Kunting pagkakamali ay masisira ang reputasyon niya at pagbabayaran ko iyon. Ngayong may pera akong magagamit ay hindi naman ako malayang magawa ang gu

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 133 - orphanage

    Naitukod ni Psalm ang mga kamay sa matigas na dibdib ni Ymir nang hapitin siya nito papadiin sa katawan ng doctor. Gumagalaw ang mga panga nito at pigil ang hininga. Ilang segundo lang naman ang halik, hindi nga ito nakaganti dahil sa gulat sa ginawa niya."Y-Ymir," napaantada niyang sambit. Paano nga pala kung nagalit ito? Baka siya lang ang nag-assume na magugustuhan nito ang halik niya. "Para saan ang halik na iyon? Ransom sa selos ko sa ex-husband mo?" Seryoso ang mukha nito at pakiramdam niya ay bigla nitong nakalimutan kung paano ngumiti. "Pasok na roon sa sasakyan." Istrikto ang tono nito at itinuro ang Bently.Masunurin siyang nagtungo sa sasakyan at sumakay. Nakipagsukatan pa ito ng titig kay Darvis mula sa bintanang nakababa ang salamin bago sumundo sa kaniya."Nagseselos ka?" kunyari ay inosente niyang tanong pagkapuwesto ni Ymir sa driver's seat."Gusto mong makitang ipapa-laminate ko ang pagseselos ko at nang maniwala ka? Bigla ka na lang pumasok sa sasakyan niya, akala

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 132 - kiss

    Nagkalat ang mga unan sa sahig, pati throw pillows ng couch at ilang gamit na kanina ay nakapatong sa sidetable. Doon ibinunton ni Pearl ang galit kay Psalm. Nagmukha siyang tanga at sampid ngayong gabi. Walang ibang tinitingnan ang dalawang lalaki kanina kundi si Psalm. Para bang ito ang tao roon sa garden at hindi mapuknat ang titig nina Ymir at Darvis.Bakit ganoon? Hindi niya maintindihan. Nagbago na siya ng mukha at katauhan. She is the Samaniego heiress, dapat siya ang sentro ng atensiyon nina Ymir at Darvis. Pero kabaliktaran ang nangyari kanina. Hindi na nga siya sinagip doon sa pool, iniwan pa siya at hindi man kinumusta kung okay siya. Gigil siyang lumabas ng kuwarto at hinanap si Don Romano. Kausap pa rin nito sa presidential table ang mga magulang ni Darvis. Wala itong kamalay-malay sa nangyari sa kaniya roon sa lawa. "Lolo," nilangkapan niya ng pagsinghot ang boses. Kunwari naiiyak."Felizz, what's wrong?" nag-aalalang dinaluhan agad siya ng matanda."Hija, ano'ng nangya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status