Share

Chapter 178 - drunk

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-09-16 22:33:21

"Fred, what's going on over there?" tanong ni Darvis sa secretary na pinaakyat niya ng penthouse para i-check sina Lexy at Angelu. Dinig niya sa background ang maingay na boses ni Lexy. Kumakanta, tumatawa.

"Chairman, nalasing po si Ma'am Lexy. Tinikman niya yata lahat ng wine na niregalo sa inyo noong inaugural assumption n'yo."

"That silly girl. Okay lang ba siya?"

"Kumakanta po siya. Pinapatulog daw niya si Angelu."

"Gising ang anak ko?"

"Kagigising lang po, tulog ito nang umakyat ako rito."

"Okay, I'll be here in a minute. Wrap up ko lang muna 'tong meeting ko sa kliyente. Parating si Ymir para sunduin si Angelu. Kung dederetso diyan, sabihin mong hintayin ako saglit," bilin ni Darvis kay Fred.

"Copy that, Chairman."

Ibinaba niya ang cellphone at binalikan ang tatlong investors na ka-meeting niya. Sakto lang din tapos na ang mga itong pag-aralan kung ano ang pwedeng i-offer ng Samaniego Global para sa mga bagong business partner.

"We will go with this."

A smile of victory land
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Eda Traña
dapat wala ng babae c darvis kc diba c psalm lang ang mahal niya?pangit na ang story kung magmahal din sya ng iba.....
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Now it makes sense kung bakit ka nagkamali noon, Darvis. At least, ngayon alam mo na ang magiging epekto once na nagpadala ka sa tukso. Pero, natawa ako don sa part na ayaw raw samantalahin ang kalasingan ni Lexy pero nagtanong kung pwede syang halikan. Usapang lasing! Lol!
goodnovel comment avatar
Lucita Cherry Lawas Tagalog
dapat nung nagsama pa kayo ni psalm yan ginawa mo dika nagpadala sa landi ni pearl edi Hanggang ngaun sana kayo pa ni psalm
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 182 - gold bars

    Mga opisyal mula sa provincial police office ang nag-aabang sa labas ng mansion nang dumating sina Ymir at Darvis. Kaninang umaga lang nai-serve ang search warrant. Nataranta ang mga kasambahay at ang bantay sa mansion. May ideya na siya kung para saan ang search warrant at kung sino ang nag-file ng smuggling charges sa kaniya. Laurel Golds are the tycoons operating in black market. Mukhang tama ang sinabi sa kaniya ni Ymir noong nakaraan. Tinraydor siya ni Greg. Ang gold bars na nakarating sa kanila ay hindi dumaan sa bakuran ng mga Laurel. Hindi sila nagbayad ng shipment at black tax para sa registration ng mga ginto."Why are you so guarded? Don't tell me totoo na may gold bars kang itinatagao?" kastigo ng doctor.Hinilot ni Darvis ang batok. "Mayroon sa vault. I aquired it through Wildflower Royale. But it was Greg who oversee the process. Siya rin ang nagsabi na rito sa mansion itatago," paliwanag ni Darvis kay Ymir bago pa sila nakababa ng sasakyan. Tinapik ng doctor ang balik

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 181 - special moments

    Tatlong lata ng mamahaling rootbeer ang nasa mesita at walang nang laman. Katabi ng mga iyon ang patong-patong na mga dokumentong tapos nang pirmahan ni Darvis. Dinampot ni Lexy ang mga lata at dinala sa kitchen. Hinulog sa trash bin na naroon. Nasa sala na si Darvis nang balikan niya. May binabasa itong papeles at habang nakaipit sa mga daliri ang stick ng nakasinding sigarilyo. Pero hinayaan lang din naman nitong masayang ang usok. Lumapit siya at kinuha sa kamay nito ang sigarilyo. Hinulog niya sa ashtray matapos patayin ang siga. "Bakit gising ka pa?" tanong nitong sinipat ang oras. Pasado alas-tres ng madaling araw. Siya pa ang tinatanong kung bakit gising pa samantalang ito naman ang nagpupuyat para mahabol ang trabaho na hindi na yata matatapos kahit biente-kuwatro oras pa itong gising. "Kagigising ko lang. Ikaw itong hindi natulog. Look at your eyes, so tired and haggard. Baka magkasakit ka niyan. Umidlip ka muna. Dito ka." Naupo siya sa couch at isenenyas dito ang kani

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 180 - hitman

    Hatinggabi na pero wala pa ring balik na balita sa kaniya mula kay Rigo. Piniga ni Ymir ang bitbit na cellphone at nilagok ang natitirang alak sa baso. If he can neutralize the forces of the Laurels from the black market, madali na lang ikasa ang negotiations. Sa ngayon kailangan muna niyang ma-establish na rito up-ground, he rules. Hindi siya papayag na makatawid hanggang dito sa itaas ang kapangyarihan ng Laurels. "Doc, nagising po si Madam," abiso ni Lui sa kaniya. Tumayo siya at tinunton ang connecting door. Nadatnan niyang umiinom ng tubig si Psalm."It's midnight, bakit gising ka pa?" tanong ng asawa.Lumapit siya rito at hinagkan ito sa noo. Hinaplos niya ang bilog nitong tiyan na scheduled na for caesarean section. Buti na lang at stable naman ang kalusugan nito. Two more doctors are looking after her pregnancy and ensuring her safety. "I'm waiting for Rigo's update." Naupo siya sa tabi ni Psalm at hinawakan ang kamay nito. Banayad niyang minasahe ang palad ng asawa patungo

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 179 - hangover

    Idinilat ni Lexy ang mga mata at napakislot dahil sa liwanag ng ilaw sa ceiling. Para siyang robot na takot igalaw ang ulo at baka bigla siyang mag-shutdown dahil sa sakit. Hindi naman marami ang nainom niya kagabi. Pero dahil sa naghalo-halo na'y nalasing siya at ngayon ay binubugbog ng hang-over ang utak niya. Kumukuryente pa ang kirot pababa ng katawan niya. Tapos ang asim ng kaniyang sikmura. Para siyang masusuka. Sumabay sa sumpong ang kaniyang hyper. "So, the drunkard princess is awake," boses ni Darvis mula sa may pintuan. "I'm not a drunkard," napangiwi siya at halos mandilim sa sakit nang maigalaw niya ang ulo para tingnan ang lalaki. "Do you need a doctor?" tanong nitong napabilis ang paglapit sa kaniya. May nilapag itong bowl sa sidetable. "Are you planning to poison yourself with those wine? Consuming more than of what you can handle is one thing tapos pinaghalo-halo mo pa? Nurse ka, you should know the risk.""Gusto ko lang namang malaman kung ano ang lasa no'ng iba,"

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 178 - drunk

    "Fred, what's going on over there?" tanong ni Darvis sa secretary na pinaakyat niya ng penthouse para i-check sina Lexy at Angelu. Dinig niya sa background ang maingay na boses ni Lexy. Kumakanta, tumatawa. "Chairman, nalasing po si Ma'am Lexy. Tinikman niya yata lahat ng wine na niregalo sa inyo noong inaugural assumption n'yo.""That silly girl. Okay lang ba siya?" "Kumakanta po siya. Pinapatulog daw niya si Angelu.""Gising ang anak ko?""Kagigising lang po, tulog ito nang umakyat ako rito.""Okay, I'll be here in a minute. Wrap up ko lang muna 'tong meeting ko sa kliyente. Parating si Ymir para sunduin si Angelu. Kung dederetso diyan, sabihin mong hintayin ako saglit," bilin ni Darvis kay Fred."Copy that, Chairman." Ibinaba niya ang cellphone at binalikan ang tatlong investors na ka-meeting niya. Sakto lang din tapos na ang mga itong pag-aralan kung ano ang pwedeng i-offer ng Samaniego Global para sa mga bagong business partner."We will go with this." A smile of victory land

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 177 - blind item

    Nakompleto nina Psalm at Mellow ang susunod na volume na ila-launch ng Amarra's fashion para sa summer runway. Matapos ang zoom meeting niya sa dalawa pang designers na tutulong kay Mellow, lumabas siya ng study room at hinanap si Ymir. Pupunta sila ngayong ng private clinic ng asawa niya. Natagpuan niya itong nakikipaglaro kina Angelu at Amella sa toy room. Naroon din si Lexy. Pumasok siya at kaagad sinalubong ni Ymir. "Done with your homework?" biro nito pumuslit ng halik sa kaniyang labi. "We're still waiting for the feedback from Amarra. By the way, di pa ba tayo aalis? Baka gagabihin na naman tayo ng uwi mamaya kung late na tayong pupunta ng clinic mo, " remind niya sa asawa. Tumango ito natatawang nilingon ang mga bata na naghahabulan kahit ang paghakbang ay parang wrong spelling na hindi mabasa. "Mas mabilis pa yatang tumakbo si Ame kaysa kay Angelu," angal niya. "Ma...mma! Pa...ppa!" tili ng batang lalaki. "Ate, pwede ba kaming sumabay ni Angelu sa inyo? Pupu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status