Mamayang gabi po ang isa pang chapter. 39k views na po tayo! Maraming salamat at hindi kayo bumitiw!
Scroll and click, scroll and click. Thirty minutes nang ginagawa iyon ni Darvis sa desktop computer. He can't put his mind into the job without Psalm's face get in the way. Dumagdag pa ang bagong release ng Ford Magazine women's edition. Para siyang bumalik noong una niyang nakilala ang asawa. Her timid eyes yet artsy. Kung tumitig para bang may nakikitang kamangha-mangha. Laging maningning ang mga mata, larawan ng magandang bagay sa mundo na nanaisin mong hindi kumupas tulad ng bituin at buwan, mga bulaklak at valleys. "Ang ganda ni Madam sa headshot photo niya, Sir," komento ni Frederick na sinilip ang magazine."Um, she is always beautiful, nothing's change.""Siya ba ang kauna-unahang Pinay na nafi-feature sa Ford, Sir?"Tumango siya. "She deserved to be noticed. Magiging inspiration siya ng mga modelong kasama niya noon, pati ng ng young model aspirants ngayon.""Tama po kayo. Nag-notify nga pala ang staff ni Don Romano, Sir. Parating daw siya at kakausapin ka." Natigil si Dar
"Doc, ito na po ang latest issue ng Ford Magazine para sa women's category." Pumasok ng opisina ni Ymir si Lui, bitbit ang naka-wrap na magazine.Nag-angat ng mga mata ang doctor. A hint of cruelty and success streams in his light foggy eyes. Kinuha niya ang magazine na nilapag ni Lui at tinanggal ang glossy wraps. Si Psalm ang nasa cover. Head shot photo while she is looking up at the space above, holding her mechanical charcoal pencil. Makikita sa abuhing mga mata ng babae ang sining na nilalapat nito sa mga design. Hindi lang ang tungkol sa world class talent nito sa designing ang highlights ng magazine, naroon din ang appointment nito bilang COO ng Florencio Group at Green Tech International. Sa gitna ng struggle nito bilang single mother at asawa na annulled kay Darvis Florencio, her achievements are enumerated without exaggeration and prejudice. "Psalm Hermosa a.ka. Chantal El Camino, a woman who built herself back after the fall and follow her dream through from the ashes. Sh
Mabilis na binawi ni Psalm ang kamay. Si Darvis naman ay tumikhim at itinuon ang tingin sa daan na binabagtas nila. Matagal niyang tinitigan ang lalaki, inarok kung sinadya nito ang paghawak sa kamay niya. "Should I drop you off to the hospital?" tanong nito na may ligalig sa tono. Takot ba itong magalit siya?"No, itabi mo na lang. I can take it from here." Nagtanggal na ng seatbelt si Psalm at nilikom ang mga gamit. Ang bag at ang tablet."I'm sorry, Psalm. Hindi ko sinasadyang hawakan ka. My hand-""Naninibago ako sa iyo, Darvis. Takot ka bang magalit ako?" Napailing siya."What's new with that? Dati ba hindi ako takot na magalit ka? Baka hindi mo lang napansin. I am always on my toes everytime you're upset. Siguro lang, mas takot ako ngayon. I am trying to rebuild your trust in me, and I don't want-""Alam ko, but it's not like that. Ang OA ko naman kung magagalit ako dahil lang nahawakan mo ang kamay ko. Hindi na tayo teenager, Darvis. Isa pa, I was once your wife. You've been h
Sumandal muna sa gilid ng pintuan si Darvis, kuyom ang mga kamao. Mula sa glazing ng pinto ay nakikita niya sina Ymir at Psalm sa loob ng opisina. Nasaksihan niya ang lambingan ng dalawa at muli niyang nasilayan ang ngiti at saya sa mga mata ng asawa na hindi niya nakita sa mahabang panahon lalo noong mga yugtong magkasama sila at nililihim niya ang kataksilan.Akala niya, kapag nabigyan siya ng second chance, siya ang magbabalik sa ngiting iyon. Hindi na nga siya ang tamang lalaki para kay Psalm. Pero ano'ng gagawin niya kung mas mahirap pasunurin ang puso niya kaysa sa kaniyang utak?Huminga siya ng malalim, pinalaya ang sikip sa dibdib at nagpasyang umalis na roon. Parang may sugat ang puso niya na tumitindi ang kirot sa bawat pintig. "Sir, nasa conference na ang department heads," nahabol siya ni Fred sa corridor binigay sa kaniya ang tablet. Naka-display sa screen ang agenda sa meeting."Notify the COO to proceed to the meeting venue immediately, we will start the meeting at 9 o
Nagpanting ang tainga ni Darvis nang marinig ang sinabi ng ina. Kailan ba ito titigil sa pangbubwesit sa kaniya tungkol kay Felizz Samaniego? "Sinabi ko na sa inyong hindi ako magpapakasal sa babaeng iyon, Mom. Magbabagsak ako ng capital bilang collateral sa merging ng Samaniego Global at Florencio Group, but there's no way I'm marrying that woman!" matigas niyang pahayag. "At sino ang gusto mo? 'Yong asawa mong traydor na sumama sa ibang lalaki? May gusto pala akong gawin, ipapa-DNA natin ang bata, malay mo anak din iyon ng ibang lalaki tapos nagpapakalunod ka na naman sa ideya na ikaw ang ama.""Mommy!" Hinambalos ni Darvis sa desk ang binded na mga dokumento. "Ayaw ko nang marinig ulit na hinahamak n'yo si Psalm sa harap ko! Mahal ko pa rin ang asawa ko, kung kailan ko gustong mag-move on sa kaniya, wala na kayong pakialam. Stop making decisions for me, stop controling my life, Mom. I am breaking free from your clutches.""Nakita mo na kung ano'ng kagaguhan ang ginawa ng babaeng
Damang-dama ni Pearl ang unti-unting pagkabuwal ng mga plano niya. Inch by inch. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Hindi matigil ang paghagupit ng nerbiyos at pangamba sa puso niya. Oras na ba para isuko niya ang hangaring maagaw si Ymir Venatici? Dapat ba ay mag-focus na lamang siya kay Darvis? Mas magaan manipulahin ang lalaki, bukod sa pabor naman sa kaniya si Senyora Matilda. Hindi na siya mahihirapan. Sa ngayon iisipin na muna niya kung paano ma-establish ang sarili sa dalawang kompanya at mapalabas ang mga magulang sa kulungan. Ngumuso ang dalaga. Iyon lang, kapag nailabas niya sa priso sina Perlita at Rolando kailangan niyang ipadala ang dalawa sa malayong lugar at baka ang mga ito pa magboboking sa tunay niyang identity. Bibigyan na lamang niya ng allowance ang dalawa. "Lolo, pwede n'yo bang apurahin na si Darvis para sa political marriage namin?" pakiusap niya kay Don Romano na nakaupo sa kabisera ng 24-sitter dining table. Kasalukuyan silang naghahapunan. Hindi ma