Hinayaan ni Finn at Victoria na mag-sama ng sila lang, pinili niya munang makasama si Daphne na ngayon ay brokenhearted ulit. Malinaw na hindi pa nga ito naka-move on kay Matteo. Kapag kasi masama ang loob ng kapatid niya, wala itong ganang kumain kaya siya ang naglalagay ng pagkain sa plano nito. "Kain na, babagsak ang katawan mo kapag lagi kang ganiyan," mahinang wika niya. Tamad nitong kinuha ang kutsara at walang ganang tinusok ang karne. "Why is Matteo like that?" mahinang tanong nito. Umakto siyang walang pakialam sa tanong ngunit hindi niya maiwasang tumugon kaya naging tamad ang pakikipag-usap niya rito. "Just forget him, he's with someone else now.""I understand kung si Victoria ang pinalit niya sa akin," anito. "But there's nothing between him and Victoria. Kasi kung meron, hindi sila close ni Mahalia," paglinaw niya. Nagpatunog ito ng dila at nakabusangot na bumuntong hininga. Binaba lang nito ang tinidor at sarkastikong tumitig sa kaniya. "And even you, malapit ka sa
"Are you ready?" Kasalukuyang nakaharap sa salamin si Mahalia habang nag-aayos ng sarili. Sexy na damit na ngayon ang suot niya at si Matteo ang nagtanong kung ready na ba siya. Nagpatunog siya ng dila at ngumiti sa salamin. "Tapos na ako. San ba kasi tayo pupunta?" "Just bonding with friends, random. Check ko lang si Finn, tanong ko kung makakapunta siya," anito sabay labas ng kwarto habang ang kamay ay nagdudukot ng phone sa bulsa. Siya naman kinuha ang bag sa ibabaw ng kama, kinuha na rin niya pati ng susi ng sasakyan na nasa tabi nito. Napangiti siya sa isiping hinahanda niya ang mga bagay na kailangan ni Matteo bilang asawa at hindi babae lang. Hinayaan niya itong makipag-usap sa kanilang linya, at siya naman ay sinasara ang kwarto. Maya-maya binaba nito ang phone at lumapit sa kaniya. "Sasama daw siya?" "Oo daw, mukhang basag ang boses niya, nagkaproblema yata. Pero susunod siya, dun na lang natin siya kikitain," anito habang nilalagay naman niya sa bulsa nito ang susi ng
Napansin ni Mahalia na sinamaan ng tingin ni Finn si Matteo. Maya-maya umalis itong si Finn at siya naman binigyan ni Matteo ng pahintulot na kumuha pa ng pagkain. Magkasama naman sila ni Bree na namili ng kakanin nila. "Ano steak ka ulit?" tanong ni Bree sa kanya ng pabulong. "Ang sarap kasi eh," aniya at tinuro niya ang lasagna. "Tsaka may lasagna sila.""Don't tell me kakain ka pa ng lasagna?" animo'y gulat na tanong nito. Sinisilip pa nito ang mukha niyang tila ba'y may kinakatakahan sa kaniya. "Eh kasi...." Nagpatunog siya ng dila at napangiwi. "Alam mo ba, parang ang sarap kumain ngayon, tapos puro lahat paborito ni Matteo yung gusto kong kainin." Napansin niya ang pagbuka ng bibig nito na animo'y nagulat. Kumunot naman ang noo niya at napatanong ng, "Bakit?" Nagtikom ito ng bibig at nagpanggap na parang wala lang, sa pamamagitan ng pag-iling at sinabing, "Wala." Nagtataka man, pinili na lang niyang baliwalain ito. Nag-order na lang siya ng pagkain na gusto niya, at habang
"H-Huh...?" Tanging boses lamang na lumabas sa bibig ni Mahalia. Nanlamig ang buong katawan niya sa sinabi ni Finn. Nandoon ang tuwa na nararamdaman niya, alam niya na tuwa talaga iyon, pero naiiyak siya, kinakabahan. At sa pag-awang ng kaniyang mga labi tumulo ang luha niyang nakatitig kay Finn. Malalaking butil din ng mga luha ang pumatak mula sa mga mata ni Finn habang nakatitig sa kaniya. Hindi na niya namamalayan na nagulat din ang tatlo pa nilang kasama. Pax, Gavyn, and Bree. "W-Wait what? Sibling?" tanong ni Bree na sinisilip pa pareho ang mukha nila ni Finn. Umiling si Finn. "Hindi ko alam, pero yung DNA kasi ang nagsasabi ng totoo. Mahalia we're 99.9% siblings, kuya mo ako."Pumutok ang pag-iyak niya. Halos hindi na siya makapagsalita, hindi niya alam ang sasabihin at tanging pag-iyak lang ang nagagawa niya. Mula sa mahina, hanggang sa lumakas, at kalaunan nakapagtanong siya, "Paano, paano ako nawala sa inyo? Paano ako napunta kay Nanay?" Tila hindi na kinaya ni Finn ang
Ipinagtaka naman ni Mahalia na tatlong lalaki lamang ang bumalik. Palipat-lipat ang tingin nila ni Bree sa mga ito, Hunter, Pax and Gavyn. Kasalukuyan silang nasa lamesa at kumakain ng prutas pero dahil nakatingin sa kaniya si Hunter naging alanganin ang kaniyang pagsubo. Lumapit ito sa kaniya habang napapatanong naman si Bree ng, "So where's the two?"Hinila ni Hunter ang upuan at umupo sa tabi niya habang sumasagot si Pax ng, "Nasa baba pa, may pinag-uusapan lang.""Hmm. About Mahalia? Yeah, I get it, dapat nga silang mag-usap," ani naman ni Bree habang binubuhusan ng gatas ang strawberry ni pinaghihiwa nito sa bowl at mayroon pang mga ice. "Sasama ka ba kay Finn kung aayain ka niyang tumuloy sa unit niya?" tanong naman ni Hunter sa kaniya. Sumagot naman siya, "Shempre naman, bakit naman hindi. Diba nga kuya ko siya?" "Kahit sabihin niyang doon ka na titira?" Natigilan siya sa sinabi nito. Napatingin siya rito na bahagyang nakaawang sa mga labi at ang tanging naiboses lamang ni
May mga bagay na hindi maintindihan si Mahalia sa mga kaibigan ni Matteo. Tila ba'y naging dismayado ang mga ito nang malamang mag-asawa sila nito. Halos hindi maalis ang pangungunot habang sinusulyapan ang mga kasama niya. Nasa lamesa kasi ang mga ito nag-iinom habang siya ay minabuti na munang manatili sa kama. Hindi nagtagal bumukas ang pinto. Umangat ang mukha niyang nakatutok sa phone na ginagamit niya. Kasalukuyan din kasi siyang nagsusumbong kila Sezy tungkol sa nangyayari sa kanila sa lugar na iyon. Sa pintuan naman na bumukas pumasok si Finn. Pinatay niya ang phone at bumangon mula sa pagkadapa ngunit ng pumasok si Matteo at may pasa ang gilid ng labi nito na tila dumugo pa ang ilong nito na tinatakpan lang ng panyo, bumuka ang bibig niya sa pag-alala. "M-Matteo...?" usal niya dahilan at mapatingin sa kaniya si Finn. "What happened?" tanong naman ni Pax at tila natigilan din ang kaibigan ng mga ito. Siya naman bumaba sa kama at deretso lumapit kay Matteo. "Kunting alitan
Sa sobrang gulo ng sitwasyon, dahil mukhang maglalaban na si Hunter and Matteo, nawalan ng choice si Mahalia kundi hilain si Matteo at sinabing uuwi na lang sila. Napatingin sa kaniya si Finn na nagsusumamo, nagtataka bakit si Matteo pa ang kinakampihan niya. "Sorry Finn, usap na lang tayo sa ibang araw, promise. Ilayo ko muna si Matteo, baka madagdagan ang pasa niya eh," naiiyak niyang sabi sa kapatid. "What?" bulalas naman ni Hunter at napahawak sa noo sabay sabing na naudlot din, "P-Pero—"Hinila na niya kasi si Matteo, at nagpatianod naman ang lalaki sa kaniya. Hilang-hila lang niya ito hanggang sa makababa sila at deretso agad sa sasakyan. Pagpasok nila, napahilamos na lang ng mukha ang lalaki at napabulong, "Sorry...hindi mo dapat nasaksihan iyon.""Ako dapat mag-sorry, sinaktan ka ni Finn dahil sa akin," mahinang sabi niya pero ang luha niya, panay lang ang daloy sa kaniyang mga mata. "Kasalanan ko rin naman eh," anito at suminghot sabay suksok ng susi sa Car ignition. "Mali
"Tita, paano kung malaki pala ang ano ng makakuha sa akin?" tanong ni Mahal sa tiyahin habang inaayos nito ang suot niyang palda na hanggang kalahating hita lang ang haba. Kasalukuyan namang nilalagyan ng makeup ng bakla ang mukha niya na natatatawa pang sinabing, "Edi swerte mo, malaki eh. At bukod doon may pera ka pa." "Very true..." gatong naman ng kasama nitong bakla din na inaayos ang buhok niya.Terry and Marry ang pangalan ng mga ito. Ang nag-lalagay ng make-up sa kaniya ay si Terry, si Marry naman ang nagkukulot ng buhok niya. Ang rason kasi kung bakit nasa ganoon siyang sitwasyon dahil isasalang siya sa Auction. "Ang isipin mo na lang kasi, ang nanay mo. Kung hindi mo ito gagawin màmàmàtay siya. Dito nakasalalay ang pambayad natin sa hospital, Mahal," muling paalala ng tiyahin niya. Naalala naman niya ang nanay niya kaya malungkot siyang tumango at determinadong gawin ang bagay na ito. Mawala lang ang lahat, huwag lang ang nanay niya. Kailangan kasi nito ng puso para ma