Share

Pag-Ibig na Napadaan
Pag-Ibig na Napadaan
Author: Wolf Cloud

Kabanata 1

Author: Wolf Cloud
“Sigurado ka na gusto mo palitan ang pangalan mo, Ms. Anderson? Kakailanganin mo palitan ang degree certificate mo, documentation, at passport,” sambit ng isang miyembro ng staff.

Tumango si Noelle Anderson. “Sigurado ako.”

Sinubukan siyang kumbinsihin ng empleyado. “Hassle para sa mga matatanda na palitan ang pangalan nila, at maganda naman ang kasalukuyan mo na pangalan. Sigurado ka ba na ayaw mo na itong pag-isipan ulit?”

“Sigurado ako.” Pinirmahan niya ang papeles. “Salamat, at pasensiya na sa abala.”

“Walang problema. Ang gusto mo na bagong pangalan ay… Aria Byrd, tama?”

“Oo.” Ang nirerepresenta dapat nito ay paglipad sa kalayaanm bagay na gusto niyang gawin para sa sarili niya. Gusto niyang lisanin ang lugar na ito ng hindi nag-iiwan ng bakas.

Nagtanong si Noelle, “Puwede ko na rin ba palitan ang passport ko ngayon?”

“Oo, puwede naman. Ito ay slip na ipinapakitang nagbago ang pangalan mo. Kailangan mo lang bumaba at papalitan ang passport mo.”

Pinabago agad ni Noelle ang passport niya sa lalong madaling panahon. Pero, wala na siyang ibang binago—ang degree certificate, identification at iba pa.

Aalis na siya sa loob ng isang linggo gamit ang bagong passport, kaya iiwan na niya ang dati niyang pagkakakilanlan. Hindi na niya ito kailangan.

Noong umalis siya ng gusali dala ang bago niyang passport, nakita niya ang landmark building ng Halston City. Isang malaking screen sa tuktok ng gusali ang nagpapalabas ng video ng exclusive interview kasama ang CEO ng Prestige Corporation, si Shawn Pitt.

Napansin ng interviewer ang mga kilos ni Shawn subconsciously. Ngumiti siya at sinabi, “Napansin ko na lagi mong hinahawakan ang singsing mo, Mr. Pitt. Mukhang… plain silver band ito. May espesyal ba na istorya sa likod nito?”

Ngumiti ng kaunti si Shawn at itinaas ang kamay niya, ipinakita ang kanyang singsing. “Wedding ring ko.”

“Sandali, talaga? Pasensiya na sa sasabihin ko, pero ang akala ko ang taong tulad mo na malaki ang net worth ay magsusuot ng diamond wedding band. Ang iniisip ko din ay malaki ang diamante.”

“Ako mismo ang gumawa ng singsing namin ng asawa ko,” sambit ni Shawn. “Minodelo ko ito at pinakinis, pati na din ang pag-ukit ng initials namin.”

“Wow, may mga letra nga talaga na nakaukit. Tignan natin. S.P. at…”

“N.A. Ang pangalan ng asawa ko ay Noelle Anderson.”

“Naiinggit na talaga ako ngayon. Iniligtas siguro ng asawa mo ang kalawakan noong nakaraan niyang buhay para magkaroon ng asawang tulad mo, Mr. Pitt.”

“Ako ang nagligtas sa kalawakan para maging asawa ko siya,” mahinhin na sinabi ni Shawn.

Ang mga taong dumadaan at pinapanood ang interview ay nagsimua itong pag-usapan, mukhang naiinggit sila. Ngunit, ang bida ng eksena—si Noelle—ay ngumiti lang ng mapanglait.

Once upon a time, nagmamahalang tunay sila ni Shawn. 15 taon silang magkasama, simula sa pagdadate hanggang kasalan. Para sa mga teacher at kaklase nila, perpektong magkasintahan sila.

Pero nagbago iyon dalawang buwan na ang nakararaan. Nakatanggap si Noelle ng litrato mula sa babaeng hindi niya kilala.

Ang babaeng ito ay mukhang nasa 20s ang edad, nakasuot ng revealing nightgown at pantyhose. Ang leeg niya ay puro chikinini—malinaw na senyales ng mainit na tagpuan kailan lang.

Sa litrato, naka peace sign siya sa litrato, mayroon siyang silver na singsing sa hintuturo niya. Masyado itong malaki at mukhang para sa lalake dapat. Nakaukit doon ang dalawang initials—S.P. at N.A.

Hindi nagtagal, nakita ni Noelle ang babae sa opisina ni Shawn. Ang pangalan niya ay Jessica Slater, at 21 gulang siya. Siya ang bagong personal assistant ni Shawn.

Aaminin ni Noelle, nagblangko sandali ang isip niya. Gusto niyang sugurin ang opisina ni Shawn para tanungin siya kung kasama ba sa trabaho ng personal assistant niya ang ikama siya.

Pero, hindi niya ito ginawa. Nasa litratong ipinadala ni Jessica ang lahat ng kailangan niyang malaman.

Umalis si Noelle habang naririnig ang inggit ng mga tao sa paligid at tumungo sa jewelry store. Sumakit ang puso niya at hinubad niya ang kanyang singsing.

“May alahas ka ba na gustong baguhin, miss?” magalang na tanong ng staff member.

“Pakitunaw ang singsing na ito para sa akin, pakiusap.”

“May mga initials na nakaukit dito—marahil mahalaga ang ibig sabihin nito, tama ba? Sigurado ka ba na gusto mo itong tunawin?”

“Oo, sigurado ako. Puwede ba ninyo ito gawin ngayon, pakiusap?”

Makalipas ang kalahating oras, umuwi si Noelle dala ang mamahaling jewelry box.

Pasado 10:00 pm na ng umuwi si Shawn, may dalang bouquet ng sariwang mga bulaklak. “Pasensiya na, Elle. Hectic ang trabaho lately, at wala akong masyadong oras sa iyo. Dinalan kita ng paborito mong freesias. Nagustuhan mo ba?”

Noong papalapit siya, naamoy ni Noelle ang halimuyak ng pabango ng babae sa kanya. Lumingon siya ng kaunti sa kanya at napansin ang maliit na bakas ng kagat sa kanyang Adam’s Apple. Nalipat ang mga mata niya sa kanyang kuwelyo, kung saan mayroong mapulang mantsa ng lipstick na kapansinpansin sa tela.

Ngumisi si Noelle. Abala ba sila sa ginagawa nila ni Jessica?

“Bakit wala kang sinasabi?” tanong ni Shawn.

Itinulak siya palayo ni Noelle. “Pagod ako.”

“Dadalhin kita sa kuwarto para makapagpahinga ka kung ganoon.” Lumapit si Shawn para buhatin sa kanyang mga bisig si Noelle.

Itinulak siya ulit ni Noelle palayo. “Pagod ka na din siguro. Maligo ka na at magpahinga.”

Inabot ni Shawn ang kamay niya. Doon siya may napansin. “Nasaan ang wedding ring mo, Elle?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 21

    Sinabi na nakakaantig ng husto ang performance ni Shawn sa video. Sobrang nakakakumbinsi ito na kahit ang mga ibang tao na hindi naiintindihan ang lenguwahe ay batid kung gaano siya kadesperado base sa ekspresyon niya at subtitles.“Hindi iyon mangyayari,” sambit ni Noelle, hawak ang pusa sa mga bisig niya at yumuko siya. “Kasi, kanya-kanya tayaong mga tao na hindi required na umasa sa iba para mabuhay.“Kung pinili niya na sukuan ang sarili niya dahil dito, problema na niya iyon. Ang ibig ko sabihin, walang dapat na magsakripisyo ng kaligayahan nila para sa kanya.”Final na ang desisyon niya. Kahit na magpakita si Shawn sa harap niya, umiiyak at nagmamakaawa, hinding-hindi siya babalik sa kanya.Ngumiti ng kaunti si Cameron at mahinang sinabi, “Mabuting bagay iyon kung ganoon. Puwede ka manatili dito ng payapa. May mabigat na snowstorm kailan lang, at naharangan ang mga daan papunta sa lungsod.“Kung may tao man na mapagkamalan ka na ikaw ang nasa missing person notice, hindi sil

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 20

    Matagal ng kinain ng kalungkutan ang pag-iisip ng tama ni Shawn. Noong nagbigay lang ng hindi malinaw na domestic address ang caller at nagawa niyang ngumiti at ibinaba ang tawag.Hindi naman nakakagulat na nagsinungaling ang caller. Pero, hindi niya sinisi ang tumawag dahil masyado na siyang pagod para magkaroon ng pakielam.Simula sa araw na iyon, walang tigil ang mga natatanggap na tawag ni Shawn.Paulit-ulit siyang nilalapitan ng mga tao na sinasabing nakita nila si Noelle, ang bawat isa ay humihingi ng pabuya. At kahit na alam niyang ang karamiha nsa kanila ay nagsisinungaling, patuloy si Shawn sa pagbabayad sa kanila, kumakapit sa maliit na pag-asa. Sa huli, naglaho ang mga pabuya kasama ng mga tumatawag, walang balita o impormasyon na iniwan.Pero walang pakielam si Shawn. Kaunting pag-asa ang dahilan para magpatuloy siya, at kahit na may tao na gustong makipagkita mismo, pupunta siya ng walang alinlangan.Dagdag pa dito, may mga babae na gusto siyang puntahan kahit ganito

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 19

    Ang lahat ng mga papel na nakakalat sa sahig ay parehong mga papel na ginamit ni Noelle sa sulat niyang ibinigay kay Shawn. Ginamit niya ang lahat ng mga hindi nagamit na notebook ni Noelle sa kuwarto at matinding nagsusulat—ng walang pahinga—ng ilang araw na.Mukhang hindi na mahalaga ang oras sa mga sandaling ito.Hindi mapigilan ni Lydia na umiyak at sabihin, “Malinaw na araw kang makita ni Noelle. Ano pa ang silbi ng pagpuno sa kuwartong ito ng mga sulat ng paghingi ng tawad? Dapat sinabi mo sa kanya ang mga salitang iyan mismo.”Noong marinig ito ni Shawn, natigilan sandali si Shawn at nag-isip ng mapansin na may punto si Lydia. Pero, masyado na siyang malalim sa ginawa niya para umatras.Tinignan niya si Lydia habang namumula ang mga mata niya at sinabi, “Alam ko na patatawarin niya ako. Kapag natapos ako magsulat, siguradong patatawarin niya ako! Kailangan ko ipakita sa kanya kung gaano ako kasinsero—”Paos ang boses niya, pero ramdam ang gana niya, at kakaiba ang tindi ng

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 18

    Nagmamadali si Shawn, pero ang pagsecure ng visa at flight ticket ay hindi bagay na magagawa agad.Makalipas ang tatlong araw, matapos dumating sa Neloria, doong lang nasimulan ni Shawn na kontakin ang embassy para hanapin si Noelle.Kumatok si Shawn sa pinto ng apartment, isinigaw ang pangalan ni Noelle at nagmadaling pumasok sa loob. Pero, pinigilan siya ng landlord, na si Cameron Abner, na nasa gitna ng paglilinis.“Sino ka?” maingat niyang tanong.“Hinahanap ko si Noelle,” sagot ni Shawn. Agad niyang idinagdag, “Asawa ko siya, at nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kailan lang. Gusto ko lang siyang makausap para linawin ang mga bagay-bagay.”Noong marinig ito, sumenyas lang si Cameron at sinabi, “Walang tao na ganyan ang pangalan dito.”“Ang buong pangalan niya ay Noelle Anderson.”Ipinilit ni Cameron, sinabi niya, “Sinisiguro ko sa iyo, walang Noelle Anderson na nakatira dito. Isa lang ang tenant ko na ang pangalan ay Aria Byrd.”Noong marinig ang pangalan, naguluhan

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 17

    Si Karen Green, isang middle-aged na babaeng kakahiwalay kailan lang dahil sa asawa niyang nangaliwa, ay galit na galit. Humakbang siya palapit at humarang sa daan ni Jessica para sabihin, “Paano nagawa ng babaeng katulad mo na piliin maging homewrecker at sirain ang pagsasama ng iba? Isa ka lang walanghiyang homewrecker!”Matapos makita na ipinapahiya siya ng isang estranghero, galit na sumagot si Jessica, “Ikaw, kumpara sa lahat ng tao dito, ay tinatawag akong homewrecker? Baka hindi mo kaya maging homewrecker sa pagmumukha mong yan. Baka tinatawag mo ako ng ganyan dahil hindi mo kaya panatilihing iyo lang ang lalake mo at ipinagpalit ka, tama?”“Hmph! Mas mabuti pa din ito kaysa itapon ka lang sa kalsada ng halos walang saplot!” galit na sagot ni Karen, sinunggaban niya si Jessica. Agad na nagkagulo.Dahil malapit lang ang tahanan ni Karen, agad niyang natipon ang mga kaibigan niya para ipahiya si Jessica bilang walang hiyang homewrecker. Matapos makita ang lumalalang sitwasyon,

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 16

    “Wala ka sa posisyon para husgahan si Noelle!” galit na sinabi ni Shawn. “Bukod pa doon, ang kumalat ang mga litratong iyon ang habol mo mismo, hindi ba?”“Malinaw ang mga kuha mong litrato sa akin pero sinasadya mo na hindi ka makunan ng litrato. Alam ko ang sinusubukan mo gawin, Jessica. Balak mo akong iblackmail!”Kahit na nalaman na niya sawakas ang mga nangyayari, alam ni Shawn na huli na ang lahat.Gusto pa din depensahan ni Jessica ang sarili niya. Pero, nandidiri ng husto si Shawn sa kanya. Ayaw niyang bigyan siya kahit kaunting pagkakataon.Agad na kinuha ni Shawn ang phone niya, tinawagan ang security ng villa at sinabi, “Kailangan ko magpadala kayo ng tao dito para alisin ang isang tao na hindi nababagay dito ngayon din.”Dahil ang security personnel ng villa ay nakaduty lagi, agad silang dumating matapos matanggap ang tawag.Ayaw umalis ni Jessica at nagpupumiglas. “Ikaw ang nagpapunta sa akin dito, Shawn! Aalis ako kung gusto mo na umalis ako, pero huwag mo akong tra

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status