Share

Chapter 6

Author: Hai
last update Last Updated: 2025-12-23 20:56:01

Tahimik ang buong office nang pumasok si Emma dala ang mga files at schedule ni Edward. Pagbukas niya ng pinto, naabutan niya itong nakaupo, nakatungo, at tila malalim ang iniisip.

Napatigil si Emma.

“Weird, hindi ganito si Edward.”

“Akala ko hindi ka tinatablan ng lungkot,” nakangisi niyang puna habang nilalapag ang mga documents sa mesa.

Hindi siya tinignan ng lalaki. “Don’t joke on me. Wala ako sa mood,” sagot ni Edward, may halong irita ang boses.

“Halata nga,” biro ni Emma habang pinipigilan ang tawa.

Sanay siya sa pilyo, mayabang, at palaging astig na Edward. Pero ngayon? Tahimik. Parang may mabigat na problema.

Umupo si Emma sa harap niya, seryoso ang tingin.

“Ano bang gumugulo sa isip mo? Baka naman may maitutulong ako sa’yo bilang secretary mo.”

Unti-unting nag-angat ng tingin si Edward. Diretso, parang may biglang nabuo sa utak niya. Hindi siya kumurap.

“Hey!” sabi ni Emma, bahagyang kumaway. “Titingnan mo nalang ba ako? Hindi ka magsasalita?”

Huminga ng malalim si Edward. “Well, I think I got the answer to my problem. At ikaw lang ang makakatulong sa akin.”

Nagkibit-balikat si Emma at ngumisi. “Glad to hear that, my dear boss. At least may pakinabang din pala ako sa’yo.”

Nanahimik ang lalaki saglit bago nagsalita.

“Pwede ka bang magpanggap na fiancée ko?”

Napakabilis ng tibok ng puso ni Emma.

“What??!” halos mapasigaw siya. Kung may kinakain siya siguro nabulunan na.

Diretso at seryoso ang mukha ni Edward.

“Magsabi ka lang kung magkano ang kailangan mo. Babayaran kita. House, car, property, name it. Anything. Basta pumayag ka.”

Hindi agad nakapagsalita si Emma.

“Level up na, kundi fake fiancée na!”

Hindi ito kasama sa original plan niya, pero mukhang malaking advantage ito. Mas lalo siyang mapapalapit. Mas lalo niyang malalaro ang emosyon ni Edward.

At iyon ang kailangan niya.

“Okay,” sagot ni Emma ng kalmado. “Pumapayag ako.”

Agad gumuhit ang ngiti sa labi ni Edward. “Great, babe. Thanks. Don’t worry, I’ll give everything you need. Basta sundin mo lang lahat ng sasabihin ko.”

“Wait,” tugon ni Emma, tutulunangan kita sa problema mo, hindi ko naman kailangan ng mga property na sinasabi mo. Libre na nga Ang pagtira ko sa unit mo at may sahod naman ako. Pero sagutin mo na lang ako, bakit mo kailangan ng fake fiancée? At bakit ako Ang napili mo, knowing na maraming babae ang nagkakandarapa sa’yo?”

Napatingin si Edward, bahagyang natawa. “Fine. I'll give you a nice answer.”

Tumayo siya, naglakad papalapit kay Emma, at humawak sa gilid ng mesa.

“Una, pinili kita dahil nakatira ka na sa unit ko. Hindi na ako mahihirapan magpaliwanag sa pamilya ko. Medyo Alam mo na ang routine ko.”

“Tama,” sagot ni Emma habang naka-cross arms.

“Pangalawa,” pagpapatuloy ni Edward, “kahapon, puro sermon si Mommy. Gusto niya magpakasal na ako at magkaanak. Kapag hindi ko ginawa iyon, mawawala sa akin ang company na matagal ko nang pinaghirapan. Ibibigay niya sa kapatid ko na wala namang naitulong. It's really unfair for me.” Makikipaglaban ako sa kahit sino pagdating sa pinaghirapan ko!”

Napakunot ang noo ni Emma. “Eh bakit hindi ka nalang mag-asawa? Nasa tamang edad ka naman.”

Umirap si Edward. “Alam mo na ‘yan, babe. I’m not into relationships or marriage. Ayaw ko ng sakit sa ulo. I’m happy with my current status.”

“Wala na akong masasabi,” mahina niyang sagot.

“That’s good to hear,” tugon ni Edward. “At masyado ka nang maraming tanong, babe. Remember, bawal magtanong ng personal matters.”

Nagtaas ng kilay si Emma. “Ikaw kaya ang unang nagsabi.”

Ngumisi si Edward. “Anyway, be ready tomorrow. Magsisimula na ang pagiging fake fiancée mo. Dapat mag-practice ka nang maging malambing sa akin.”

Napatawa si Emma. “Malambing naman ako ah,,,?ikaw lang ang hindi.”

“Anong malambing?” reklamo ni Edward. “Tinatanggihan mo nga ako palagi!”

Humagalpak ng tawa si Emma. “Wala kasi sa lugar ang kalokohan mo. Pero sige na. Sabihin mo lang ang gagawin ko, go ako. My dear boss.”

Lumapit si Edward, bahagya pang yumuko sa harap niya.

“Good. Simula bukas babe dapat convincing tayo.”

Ngumiti si Emma, pero may tinatagong apoy sa loob.

“Don’t worry,” sabi niya. “Magaling akong umarte.”

“Let’s see,” sagot ni Edward. “Bukas na ang laban, babe.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 21

    After Reception Pagkatapos ng engrandeng reception, tahimik na bumiyahe sina Edward at Emma patungo sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang honeymoon. Isang private luxury suite ang inihanda ng mommy ni Edward—kumpleto, elegante, at puno ng simbolo ng bagong simula para sa kanila bilang mag-asawa.Pagkapasok pa lamang nila sa loob ng suit, mahigpit na nakayakap si Emma sa asawa.“I love you, Edward,” bulong niya, bahagyang nanginginig ang boses sa labis na saya. “I’m so happy. Kung panaginip man ito, ayaw ko nang magising pa. Thank you, for your love, for everything.”Walang sinabi ang lalaki—tanging isang malalim na ngiti lamang ang isinagot niya. Dahan-dahan niyang binuhat si Emma, tila ba ayaw pang iparamdam ang bigat sa dibdib, at dinala ito papasok sa loob ng silid.Pagdating sa kama, marahan niya itong ibinaba.“Change your dress,” malamig ngunit maayos ang tono ni Edward. “I’ll just change in the other room.”Napakunot-noo si Emma.“Why?” tanong niya, may halong biro ngunit

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 20

    Biglang bumukas ang pinto, at pumasok si Dave na may dalang bulaklak at prutas sa kamay.“Dave! Ang tagal nating hindi nagkita. Paano mo nalaman na nasa ospital ako?” tanong ni Emma, sabay ngiti.Tanging ngiti na alanganin ang naging tugon ni Dave.Tumuloy siya sa loob at maingat na inilapag ang mga dala sa lamesa.“Salamat, ang ganda naman ng bulaklak,” sabi ni Emma habang pinagmamasdan ang kulay at bango nito.Tumango si Dave at nanatiling nakatayo sa harap niya, tila may gustong sabihin pa.“Siya ang nagsabi sa akin kung nasaan ka,” sabi ni Edward.“Ha?” gulat na tanong ni Emma. Hindi niya agad nakuha ang sinabi.“I’m sorry for everything , Emma,” hinging tawad ni Dave sa mababang tono. “Nandoon ako nung kinidnap ka ni Lara at dinala sa abandonadong lugar. Kasali rin ako sa plano niya, pero dahil may guilt ako, agad kong kinontak si Edward para humingi ng tulong sa kanya” paliwanag niya.“Teka, Anong koneksyon mo kay Lara?” tanong ni Emma na halatang naguguluhan.“Dati kaming magka

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 19

    Chapter 19Paghihiganti ni Emma“Sa—saan ako?” mahina at nanginginig ang boses ni Emma. Nahihilo siya at hindi niya maunawaan ang nangyayari sa paligid.“Finally, gising ka na,” demonyong ngisi ng babae.“Lara,,,?anong ginawa mo sa akin?” pilit na tanong ni Emma. Binalingan niya ang mga kamay at paa na mahigpit ang pagkakatali. “Pakawalan mo ako! Wala akong ginagawang masama sayo!” Pagwawala ni Emma habang pilit ginagalaw ang mga kamay at paa nito.“Oh, talaga?” sigaw ni Lara. “Sinungaling ka!”Napaatras ang mukha ni Emma sa lakas ng boses nito.“Ikaw ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagmamahalan namin ni Edward!” galit na galit na sigaw ni Lara. “ Pera na naging bato, Pa! “Ano?” gulat na sabi ni Emma. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Kung iniisip mong may relasyon kami, wala, Lara. Wala talaga. Pakawalan mo ako.”“Sinong niloloko mo?” halos manginig sa galit ang babae. “Hindi uubra sa akin ang palusot mo! Dahil sa’yo, nawala sa akin si Edward. Para kang ahas—inagaw mo siya

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 18

    May hindi inaasahang bisita si Emma noong araw na iyon.“So ikaw pala si Emma? Ikaw ang laging kasama ni Edward,” bati ng babae.Si Lara ang pumasok sa opisina ni Emma. Nakangiti siya, pero hindi matukoy ni Emma kung ano ang tunay na ibig sabihin ng ngiting iyon. Napakaganda ng babae— ramdam ni Emma na walang-wala siya sa ganda ni Lara.“Yes, Miss Lara. Ano po ang kailangan ninyo?” maayos na tanong ni Emma. Itinigil niya ang ginagawa at binaling ang buong atensyon sa babae, hindi niya alam kung bakit narito si Lara sa kanyang opisina.“Wala naman. Gusto ko lang makipagkaibigan sa’yo,” sagot ni Lara, nakangiti.Napakunot noo si Emma. “Kaibigan?” tanong niya, halatang nagtataka.Tumawa ng malakas si Lara.“Relax ka lang, Emma. Nagulat ka siguro sa bigla kong pagsulpot, pero huwag kang mag-alala. Hindi ako pumunta rito para makipag-away sa’yo. Kaibigan lang talaga. Nakuwento ka na rin ni Edward sa akin, kaya ayos lang kung maging magkaibigan tayo,” paliwanag ni Lara, habang nakangiti.Na

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 17

    “Anong pabango mo?” tanong ni Emma habang bahagyang lumalayo kay Edward na mahigpit na nakayakap sa kanya.“Ganito pa rin, gaya ng dati. Bakit?” sagot ni Edward.“Hindi ko gusto ang amoy. Nakakasuka,” diretsong sabi ni Emma.“Ha?” gulat na sabi ni Edward. Inamoy niya ang sarili. “Wala naman akong naamoy na mabaho ah. Mabango pa rin naman.”“Basta, lumayo ka muna sa akin. Palitan mo ’yan kung lalapit ka sa’kin,” iritableng saad ni Emma.“Okay ka lang ba?” nagtatakang tanong ni Edward habang tinititigan siya. “Kailan pa naging big deal sa’yo ang pabango? Noon naman, wala kang reklamo.”“Hindi ba pwedeng nagbago lang ang pang-amoy ko?” sagot ni Emma, bahagyang umiwas ng tingin.Saglit na napaisip si Edward, hindi pa rin maunawaan ang biglang pag-iwas ni Emma. Sa mga mata niya, may kung anong hindi sinasabi ang babae—isang lihim na pilit nitong itinatago.“Siya nga pala, aalis na ako mamaya. May trabaho pa ako sa shop,” sabi ni Emma.“Ihahatid na lang kita,” alok ni Edward.“Huwag na. Bak

  • Paghihiganti ni Emma   Chapter 16

    Pagka-drop ni Edward kay Emma sa shop, nagpaalam siya at ngumiti pa bago umalis. Pero makalipas lang ang ilang minuto, bigla rin siyang bumalik sa sasakyan nito at diretsong nagmaneho papuntang ospital para magpacheck-up. Hindi rin kalayuan Ang hospital sa kanyang shop, nasa sampung minuto lang kung walang traffic.Kanina pa siya kinakabahan, kahit pilit niya itong ini-ignore. Ayaw niya sanang isipin, pero baka may malala na pala siyang sakit. Kahit na hindi na masakit ang ulo niya ngayon, pero mas mabuti nang magpatingin siya sa doktor para sigurado.Pagdating niya ng hospital Agad siyang nilapitan ng nurse at tinanong kung ano ang nararamdaman niya. Medyo kinakabahan siya kaya napabuntong-hininga muna bago sumagot.“Masakit po ang ulo ko recently lang, tsaka parang nahihilo ako,” mahina niyang sabi.“Ma’am dito po tayo. Hintayin lang natin sandali si Doctor,” magiliw na tugon ng nurse habang inaakay siya sa isang upuang kulay puti.Habang naghihintay, ramdam ni Emma ang malamig na h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status