Ito pala si Knox na sikat sa mga maling paraan.
Marami na akong narinig na kuwento. Inihahalintulad siya ni Finn na wolf na biglaan na lang nagpapakita sa campfire, nagnanakaw ng pagkain, at maglalaho ulit sa kagubatan. Wild. Unpredictable. Medyo baliw.
Ngayon at tinitignan ko siya, mukhang kamukha niya si Finn—matalas ang bone structure, nakakainis ang bibig. Pero kung si Finn ay parang sikat ng araw at makarisma, si Knox naman parang galing sa lifestyle magazine ng mga sopistikadang mga gangster.
“Paano ko malalamang hindi ka kidnapper?” sagot ko, taas noo ako. “Kailangan mo magpakita ng patunay na totoo ang pakilala mo sa akin.”
“Tulad ng ID o kaya card?”
“Okay na iyon.”
“Wala akong dala.”
“Kita mo? Kidnapper vibes,” sagot ko.
“Bakit hindi mo tawagan si Finn para kumpirmahin?”
Nagkrus ang mga braso ko. “Hindi siya sumasagot. Bakit sa tingin mo nakatayo ako dito ng mahigit sa isang oras na parang inabandonang aso?” Tinignan ko ang sasakyan. “At nagpakita ka bigla gamit ang agresibong sasakyan na sumisigaw ng “mafia boss”, hindi ito nakakatulong sa imahe mo.”
“Sasakay ka ba o hindi? May mga kailangan pa akong puntahan, iha.”
“Iha? Minamaliit mo ba ako?”
Bumuntong hininga si Knox, mahabang buntong hininga na sinasabing maikli lang ang pasensiya niya. “Sumakay ka na, Sloane.”
Tinitigan ko siya. Pagkatapos, bumuntong hininga ako dahil wala akong self-preservation instincts. Sumangayon na ako kay Finn na guluhin ang kasal ng ex niya. Ang sumakay sa sasakyan ng kapatid niyang puwede na pumatay sa akin ay hindi ang pinakamalala kong desisyon ngayong buwan.
“Buksan mo ang trunk mo,” sambit ko.
Binuksan ni Knox ang trunk, at inilagay ko ang bag ko, bumubulong ako sa kung paanong ganito nauuwi ang mga babae sa mga true crime podcasts.
Noong sumakay ako sa passenger seat, hindi kumilos si Knox.
“Bakit hindi ka nagmamaneho?” tanong ko, tinignan ko siya mula sa gilid ng mata ko.
“Seatbelt mo.”
Ay.
Safety conscious na potential kidnapper. Hindi ko ito… inaasahan.
Isinuot ko ang seatbelt at sinindihan niya ang makina ng sasakyan, mabilis siyang nagmaneho paalis ng airport pickup zone at dumiretso sa highway, sapat ang bilis na mapaatras ako sa upuan ko.
Sa oras na nasa kalsada na kami, binilisan niya ang maneho, umugong ng malakas ang makina ng Shelby Mustang na parang halimaw.
“Whoa, bagalan mo!” napakapit ako ng mahigpit sa upuan ko.
“Gusto mo bumaba?” tanong niya.
“Hindi. Pero masyadong mabilis. Hindi ko man lang makita ang paligid.”
“Asheville? Walang magandang makikita dito.”
“Madali lang para sa iyo sabihin. Buong buhay mo siguro dito ka na nakatira at nagtravel na sa mundo. Bihira ako umalis ng New York. Kapag umaalis ako, sinusulit ko… ang mga tanawin.
Mukhang poetic ang dating kapag sinabi ng malakas, nakakahiya pa nga. Pero totoo. Nangongolekta ako ng mga imahe, ng mga alaala. Itinatago ko sila para sa mga gabing mag-isa ako sa apartment at masyado akong nag-iisip ng mga kung ano-ano.
“Sa tingin mo nakatira ako sa Asheville?” tanong niya.
Humarap ako sa kanya. “Hindi ba?”
“Hindi. Sa New York ako.”
Sandali lang.
“Sa New York ka nakatira all this time,” sinabi ko.
“Mukhang gulat ka.”
“Ano lang… hindi ka nababanggit ni Finn kahit kailan. Paanong nakatira kayo sa iisang lungsod at hindi nagkakasalubong?”
“Ang relasyon namin ni Finn ay… kumplikado.”
Tinigilan ko na lang ang pagtatanong sa paraan ng sagot niya.
Tahimik at tense ang biyahe, hanggang sa mag swerve si Knox mula sa main road ng walang sabi-sabi, lumiko siya bigla at napahawak ako sa pinto ng sasakyan.
Puamrada siya sa harap ng gusaling dim ang ilaw at may nakasulat na:
SENSUAL DELIGHTS
“Ummm… Ito ba ang bahay ng mga magulang mo?” tanong ko, alam ko naman na hindi.
Ngumisi si Knox. “Sensual Delights? Talaga ba? Mukha ba itong bahay para sa iyo?”
Ito ang eksaktong aasahan mo na itsura ng adult store. Madilim na mga salamin. Kahina-hinalang mga eskinita.
“Sex shop?” tanong ko.
“Tumpak.”
Nagshort-circuit ang utak ko. “Bakit tayo nasa sex shop?”
“Kailangan ko kumuha ng wedding gift.”
“Para kanino?”
“Sa kaibigan ko at asawa niya.”
Nag-alinlangan ako at napalunok habang pinagtatagpi-tagpi ko ang lahat. “Sandali… kaibigan mo si Hunter? Ang groom?”
“Oo.”
“Fiance ni Delilah?”
Ngumisi ng masama si Knox. “Oo.”
Diyos ko po.
Kaibigan ng kapatid ni Finn ang fiance ni Delilah?
Bakit hindi ito nabanggit ni Finn? Parang wala akong alam tungkol sa sarili kong bestfriend.
Para itong timebomb na naghihintay sumabog.
“Gusto mo ba maghintay dito o sumama sa loob?” tanong ni Knox.
Tinignan ko ang gusali, pagkatapos sa mukha niya.
Bahala na.
Tinanggal ko ang seatbelt at bumaba mula sa sasakyan, naiilang na inayos ang salamin ko at gusot sa damit ko.
“Bumili tayo ng mga torture devices sa ngalan ni Delilah,” sinabi ko, hindi ako nagbibiro.
Natawa si Knox. “Sige po, ma’am. Pero kailangan kitang balaan, may mga babaeng nag-eenjoy sa torture.”
Makikita natin. May kukunin akong may sapat na boltahe para kuryentihin ang peke at lalakerong si Delilah mula sa mundong ito para hindi na niya magawang sirain si Finn.