แชร์

CHAPTER 4

ผู้เขียน: Michelle Vito
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2026-01-06 12:58:31

PUMASOK SA LOOB NG LIBRARY SI AUBREY.  Matagal-tagal na rin niyang hindi pinapasok ang paboritong parte ng bahay ng kanyang Papa.  Parang nanlamig ang kanyang mga talampakan nang manumbalik ang mga masasayang alaala sa loob ng kuwartong iyon.  

“Papa, Mama. . .” waring daing na tumakas sa kanyang lalamunan.  Naupo siya sa rocking chair na tambayan ng Papa niya habang nagbabasa ito ng diyaryo.  Nagsisikip ang dibdib niya at parang nahihirapan siyang huminga.

Ang dami nga pala nilang pictures sa mga albums na nasa drawer.  Hopefully ay hindi iyon itinapon ni Devorah nang mamatay ang Papa niya.  Tumayo siya at isa-isang binuksan ang mga drawers.  Hindi na niya makita ang mga albums.

Ngunit nakita niya ang isang maliit na libro, binuklat niya iyon.  Nakita niya ang nakakipit na larawan nilang mag-aama.  Ang tagal niyang nakatitig duon.  Maya-maya ay napakunot ang nuo niya nang mapansin ang balat ng Ate Lindsay niya sa kaliwa nitong binti.  Napakurap-kurap siya.  Bakit parang hindi na niya nakikita pa ang balat nito sa kaliwang binti?

“Hey, nandito ka lang pala!”

Nagulat siya, paglingon niya ay nakita niya ang Ate Lindsay niya, nakatayo sa may pinto. Pasimple niyang itinago sa bulsa ng suot niyang bestida ang larawang hawak niya habang nakatitig sa kanyang nakatatandang kapatid.

“What’s wrong?” Kunot nuong tanong nito nang lumapit sa kanya.

Napalunok siya, kaagad siyang napatingin sa kaliwang binti nito.  Wala na ang pulang birth mark nito duon.

“N-ngayon ko lang naalala, may birth mark ka nga pala sa kaliwang binti. . .parang hindi na siya visible ngayon?”  Tanong niya.  Hindi niya alam kung bakit parang may mali ngunit hindi niya matukoy kung ano.

Tila nag-apuhap ito ng isasagot, “Ah iyong birthmark ko? Ipinatanggal ko na iyon, matagal na.”

“Kailan?”

“Hindi ko na maalala,” kibit balikat na sagot nito, “Basta ipinatanggal ko kasi masakit sa mata.”

“Ang natatandaan ko, sabi saiyo ni Papa, lucky charm mo yan kasi di ba palagi kang nanalo sa mga contest sa school. . .”

“Lucky Charm? Nakalimutan mo na bang matagal akong hindi nakalakad dahil sa aksidente nang iligtas ko ang buhay mo? So paano naging lucky charm ang birth mark na iyon?”

Natahimik si Aubrey.

“Halika na sa labas. May binili kaming cake ni Anthony, mag-coffee tayo.” sabi nitong hinawakan siya sa isang braso.

Ewan kung bakit para siyang napaso sa pagdampi ng kamay nito, kaagad niyang hinila ang braso niyang hawak nito.  Ang weird ng nararamdaman niyang ito.  Na para bang may isang mataas na pader na nakapagitan ngayon sa kanilang dalawa.  Hindi iyon nakaligtas kay Lindsay.

“Aubrey, hindi mo pa rin ba ako mapatawad na kami ni Anthony ang nagkatuluyan?” Naghihinanakit na tanong ng Ate Lindsay niya sa kanya.

Hindi siya makasalita.  Bakit kailangan niyang magalit sa kapatid niya, hindi ba siya naman itong may kasalanan sa nangyari sa kanila ni Anthony.  Siya ang lumayo, so anong aasahan niya sa kanyang pagbabalik? Na kagaya pa rin ng dati ang lahat?

“I’m sorry.  S-siguro hindi na lang ako sanay, five years rin akong nawala. . .at hanggang ngayon, marami pa rin akong question mark sa sarili ko.” paliwanag niya dito.

Kumunot ang nuo nito, “Gaya ng ano?  Kapag may mga gumugulo sa utak mo, please let me know. Mas priority ko pa rin ang kapakanan mo.  At huwag mo ring kalilimutang doktor ang fiance mo, Aubrey. Kaya dapat lahat ng mga gumugulo sa utak mo, sinasabi mo sa kanya para matulungan ka nya.”

“Ate Lindsay. . .” Huminto siya sa pagsasalita. Naghesitate siyang ituloy ang sasabihin.

“What?”

Napalunok siya.  Humanap siya ng lakas para ituloy ang gusto niyang malaman mula dito, “Nuong kami pa ba ni Anthony, ni minsan ba h-hindi ka nainlab sa kanya?”

Ang lakas ng tawa nito. Na para bang isang malaking kalokohan ang naisip niyang itanong.

“Aubrey, bakit naman iyon papasok sa utak ko? Kahit kelan, hindi ko pinangarap na traydurin ang kaisa-isa kong kapatid,” pagbibigay nito ng assurance sa kanya, “Pero alam mo, nang malaman ko ang tungkol sa inyo ni Doctor Bonifacio, hindi na ako nagtaka. Ramdam ko naman kahit nuon pa na may secret feelings ka sa kanya at napipilitan ka lang pakitunguhan si Anthony para sa operasyon ko.”

Gusto sana niyang sabihin na hindi totoo iyon ngunit sinarili na lamang niya ang ang nararamdaman. Pagtingin niya sa may dakong bahagi ng pinto ay nakita niya si Anthony.  At kitang-kita niya ang pagdidilim ng mukha nito habang nakatingin sa kanya.  Hindi na niya kailangan pang maging isang magaling na manghuhula upang malamang narinig nito ang huling sinabi ng Ate Lindsay niya. Gusto sana niyang ituwid ang mga narinig nito ngunit para ano pa? It’s no use, pagbalibaliktarin man niya ang mundo, asawa na ngayon ng kanyang kapatid si Anthony.  Kailangan na niyang tanggapin ang katotohanang iyon lalo pa at nakikita naman niyang nagmamahalan ang mga ito.  Hindi ba nga at magkakaanak na ang mga ito?

“Oh, Anthony, kanina ka pa ba dyan?” Tanong ng ate niya dito, lumapit ito kay Anthony at iniangkla ang isang braso sa braso ng lalaki. “I’m sorry, niyayaya ko lang itong si Aubrey na saluhan tayong mag-coffee. Come on Aubrey. Masarap ang cake na. . .”

“Susunod na lang ako,” sabi niyang umiwas ng tingin kay Anthony dahil pakiramdam niya ay nakakahiwa sa sobrang talas ng tinging pinupukol nito sa kanya.

“TITA DEVORAH, kung okay lang sana sa inyo, pagkatapos ng kasal namin ni Aubrey ay babalik kami sa Amerika para duon na manirahan.”

Napahinto sa pagsubo ng pagkain si Aubrey  nang marinig ang sinabing iyon ni Hector, hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon.  

Ngumiti si Devorah at tumingin kay Hector saka sa kanya.“Kahit masakit na mapapalayo na naman sa akin si Aubrey, wala akong magagawa, syempre ay gusto nyo rin namang bumuo ng sarili ninyong buhay at hindi ko naman kayo mapipigilan. . .”

“Hindi pa natin napag-uusapan ang tungkol dyan,” sabi ni Aubrey kay Hector. Pag-angat ng mukha niya ay nagtama ang mga paningin nila ni Anthony at kitang-kita niyang bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Bahagya siyang nadistract kaya umayos siya ng upo at muling ipinagpatuloy ang sasabihin, “Besides, marami pa akong mga bagay na gusto ko sanang maisaayos.”

Kumunot ang nuo ng Ate Lindsay niya, “Gaya ng ano?”

“Gusto kong bumalik sa pagtratrabaho.  Gusto kong lumipat sa isang maliit na apartment. . .gusto ko munang mapag-isa,” mapaikling paliwanag niya sa mga ito.

“Love, wala kang nababanggit sa akin tungkol dyan,” halata ang pagtutol sa boses ni Hector, “Ang laki-laki nitong bahay nyo, bakit kailangan mo pang tumira sa apartment? Kung gusto mo, duon ka na lang sa. . .”

“Nakapagdesisyon na ako,” matigas ang tonong sabi niya rito.

“Pero love, what’s the point? Magpapakasal na tayo at saka hindi mo naman kailangang magtrabaho. . .”

“Oo nga naman iha.  Kaya ka namang buhayin ni Hector, bakit gusto mo pang magtrabaho? Saka ano bang experience mo sa pagiging empleyado eh ni hindi ka nga nakapag-start duon sa pinag-aplayan mo dati, bigla ka na lamang tumanan kasama ni Hector,” sabi ni Devorah sa kanya.

Narinig niyang malakas ang pagkakalapag ni Anthony ng hawak nitong kutsara at tinidor sa mesa.  Sapat para maramdaman niya ang galit nito.  Marahil ay nakapag-paalala na naman iyon sa ginawa niyang pag-iwan dito sa araw ng kanilang kasal. Sabay-sabay silang napalingon dito.

“By the way, bakit nga pala hindi ninyo ginagalaw itong lechon na in-order ko?” Sabi ni Devorah para basagin ang nararamdamang tensyon, “Anthony, hindi ba paborito mo ito? Lindsay, request mo ito, hindi ba? Sabi mo ay pinaglilihian mo?”

Parang sasabog na ang dibdib niya sa paninikip kung kaya’t tumayo na siya, “Excuse me,” aniyang nagmamadali nang pumasok sa kanyang kuwarto.  Isinasara pa lamang niya ang pinto ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Nagbabalik lahat sa kanyang mga alaala ang masaya nilang nakaraan ni Anthony.  Hindi siya dapat nakakaramdam ng selos para sa Ate Lindsay niya pero bakit ganito?  Bakit ang sakit-sakit sa dibdib na makita niya itong kapiling ni Anthony?

Siya ang tumalikod sa pangako kaya wala siyang karapatang magalit.

Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang mahinang pagtawag ni Hector sa labas ng kanyang kuwarto, “Love, hindi mo na ba tatapusin ang pagkain mo? Ni hindi mo iyon ginalaw. May problema ba?” Ramdam niya ang pag-aalala sa tinig nito.

Nagi-guilty naman siyang bigla na lamang mag-walk out nang walang paliwanag lalo pa at naging napakabait ni Hector sa kanya kung kaya’t napilitan siyang pagbuksan ito ng pinto.

“I’m sorry,” umiiyak na sabi niya.  

“It’s okay, I understand,” halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, kinabig siya nito at isinandal nito ang ulo niya sa dibdib nito, “Go ahead, umiyak ka lang ng umiyak.  Nandito lang ako para saiyo. Makikinig ako kahit ano pang sabihin mo.” Sabi nito habang malumanay siyang iginigiya paupo sa gilid ng kama.

Kumalas siya sa mga bisig nito, tiningnan niya ito ng tuwid, “Hector, I’m sorry pero h-hindi pa ako handang magpakasal saiyo. . .”

CHAPTER 5

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 48

    GINISING ng isang masamang panaginip si Aubrey kung kaya't hindi na siya muling dalawin pa ng antok. Bakit ba palagi na lamang niyang napapanaginipan ang Ate Lindsay niya na humihingi ng tulong sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nanaginip ng ganon samantalang safe naman ang 'Ate Lindsay' niya sa piling ni Anthony. Swerte ring hindi naman naapektuhan ang ipinagbubuntis nito sa nangyari. Kung nagkataon ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.Ipinagtanggol siya ng kapatid niya kay Hector ngunit ito pa ang napahamak. Hindi niya masisisi si Anthony kung mapag-isipan man siya nito na napaka-selfish niya. Bumangon siya at uminom ng tubig. Miss na miss na niya si Anthony.Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit nauulit na naman ang mga pangyayari. Damn. Bakit ba hindi siya nakahalata sa mga ginagawang ito ni Hector? Hindi na lamang pagdududa ito, alam niyang may ginagawang masama ang lalaking iyon sa kanya kung kaya't bigla na lamang siyang nawawala sa k

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 47

    NAKAHINGA nang maluwag si Lindsay nang maya-maya ay lumabas na rin ang doktor sa kwarto niya. Kailangang matiyak muna niya na wala na ito sa hallway bago siya lumabas. Pero paano ba niya iyon gagawin? Tumatakbo ang oras.11:40May ilang minuto pa siya para makalabas dito sa loob ng ospital. Saktong 11:50 muli niyang kinuha ang susi ng kwarto at ipinasok iyon sa lock. Natataranta siya at nagpapanic kaya makailang beses siyang huminga nang malalim bago tuluyang buksan ang lock niyon. Pinakalma niya ang sarili at pasimpleng naglakad sa hallway patungo sa likuran.Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya habang naglalakad. Kung pwede nga lang ay tumakbo na siya. Bahagya pa siyang tumutungo kapag may nasasalubong siya. Hindi siya pwedeng mamukhaan ng kahit na sino.Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang makalabas sa likuran ng ospital. Mula sa may pinto ay natanawan na niya si Mia, kumakaway sa kanya. Tumakbo na siya sa kinaroroonan nito. Naiiyak na niyakap siya ni Mia."God,

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 46

    PASIMPLENG iniabot ni Mia kay Lindsay ang susi na ninakaw niya mula kay Dr. Bonifacio. Kinausap na niya ang kaibigan niyang si Gerald para tulungan siya nitong maitakas nila si Lindsay. Nakapagplano na rin sila ni Lindsay kung saan niya ito aabangan at kung anong oras.Mula sa likuran, bandang alas-dose ng hatinggabi, halos tahimik na ang ospital at kakaunti na ang mga tao, duon dadaan si Lindsay. Palihim na rin niya itong binigyan ng damit na pampalit, pati make up at nang walang makahalata na isa ito sa mga pasyente duon.Kinakabahan siya ngunit hindi siya matatahimik kung alam niyang may isang taong nagdurusa at may kakayahan naman siyang tumulong. Hindi siya mananatiling bulag sa katotohanan lalo pa at alam niyang illegal detention ang ginagawa ni Dr. Bonifacio kay Lindsay.Bahala na.Alam niyang papatnubayan sila ng Diyos lalo pa at hindi naman mali ang ginagawa niya. Nangako rin siya kay Lindsay na tutulungan niya itong makamit ang hustisya.Samantala ay hindi na makapaghin

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 45

    HABANG NAKAHIGA ay paulit-ulit na inaanalisa ni Aubrey ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Bakit gustong sirain ni Hector ang buhay niya? Nang araw ng kanyang kasal, may ipinainom ba ito sa kanya kung kaya't naisama siya nito sa kung saan at wala siyang kahit na anong maalala? Kinilabutan siya sa mga naiisip.Hindi siya dalawin ng antok. Maraming gumugulo sa utak niya. Doctor si Hector kaya hindi imposible ang hinala niya tungkol dito. Bumangon siya at kinuha ang kanyang cellphone para magresearch tungkol sa lalaki. At si Jenny? Kailangang mahanap niya ang kaibigan dahil baka may alam ito sa totoong nangyari sa kanya ng araw na iyon. Natatandaan niyang ito ang kasama niya ng araw na iyon. Ngunit saan ba niya hahanapin ang kanyang kaibigan?Saan siya mag-uumpisa? Kumuha siya ng tubig sa fridge. Nasa malayong lugar na siya at hindi na siya masusundan pa dito ni Hector. Not unless palihim siya nitong minamatyagan. Kinilabutan siya. Muli niyang tsinek ang mga binta

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 44

    NAG-USAP NA SINA MIRABELLA at Hector kung kaya't alam na nitong nandito siya ngayon sa condo unit ng kapatid. Pasimple niya itong hinudyatan thru text na umakyat na rin habang naririto siya para maisagawa ang susunod na hakbang nila nang sa gayon ay tuluyan nang magalit si Anthony kay Aubrey at hindi na ito mapatawad pa kahit na kailan.Ilang sandali pa ay narinig na niyang kumakatok sa pinto si Hector. Nilingon niya si Aubrey, "May ini-expect ka bang bisita? Or baka si Anthony yan at. . ." di na niya tinapos ang sasabihin, pinagbuksan niya ang kumakatok. Kunway nagulat pa siya nang makita duon si Hector, "Anong ginagawa mo dito, Hector?" Tanong niya saka nilingon si Aubrey, "Totoo nga palang hindi mo pa rin hinihiwalayan si Hector!" Sumbat niya sa dalaga."Hindi totoo yan!" Mariing tanggi ni Aubrey saka galit na hinarap si Hector, "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko tigilan mo na ako?"Kunwa'y galit rin siya kay Hector nang harapin ito, "Bakit ba ginugulo mo ang buhay ni Aub

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 43

    DINATNAN SIYA ng 'Ate Lindsay' niya na nag-iimpake na ng kanyang mga gamit. Namumugto ang kanyang mga mata at ang laki na rin ng inihulog ng katawan niya dahil halos hindi na siya kumakain sa labis na depression na nararamdaman. Buong akala niya ay magiging masaya na siya sa piling ni Anthony ngunit muli ay nasira iyon dahil kay Hector."Kung hindi ako mapapatawad ni Anthony, mabuti pang magpakalayo-layo na lang ako, ate." aniya dito. "K-kumusta na nga pala siya?"Nagkibit ito ng balikat, "Ayun, galit na galit pa rin saiyo.""Ate, maniwala ka sana sa akin. May ginagawa sa akin si Hector kaya parang napapasunod ako sa kanya," sabi niya sa 'kapatid.'"Aubrey, pwede ba, huwag mo akong pagmukhaing tanga. Alam naman natin ang totoo," sagot nito sa kanya, "Sayang. Handa na akong magparaya para sa kaligayahan mo. Sa kaligayahan ni Anthony. Iyon naman pala, sasaktan mo lang siya.""Ate, pati ba naman ikaw, naniniwala kang niloloko ko si Anthony?" Tanong niya sa kapatid."Anong gusto mon

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status