เข้าสู่ระบบ“ANONG IBIG MONG SABIHIN? Gagawin mo rin sa akin ang ginawa mo kay Anthony?” Tanong ni Hector sa kanya. Kita niya ang pag-iigting ng mga panga nito.
Hindi siya makasagot. Huminga siya ng malalim.
“Mahal na mahal kita, Aubrey, siguro naman ay matagal mo ng alam iyon. Wala akong ibang pinapangarap kundi ang makasama ka.”
“H-Hector, m-mula sa umpisa, naging honest ako saiyo. Sinabi ko naman saiyo na hindi ako ready na magpakasal, hindi ba? Ni hindi ko nga tinanggap ang proposal mo.”
Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita niya ang pagngangalit ng mga bagang nito at ang nakakatakot nitong anyo habang tila nagdidilim ang paningin. Napaatras siya.
“Sumama ka sa akin sa araw ng kasal mo dahil ako ang gusto mong makasama at hindi ang Anthony na iyon, hindi ba?” Mariing tanong nito sa kanya.
Napalunok siya.
“Ako ang mahal mo, hindi ba?” Nakatitig na nakatitig ito sa kanyang mga mata at ewan ba niya kung bakit bigla na lamang siyang napatango dito.
“Oo, ikaw ang mahal ko, Hector.” halos paanas lamang na sagot niya kahit pa may isang bahagi sa puso niya ang tumututol pero wala iyong lakas, mas nanaig ang pwersang idinidikta sa kanya ni Hector.
“Susunod ka sa lahat ng ipinag-uutos ko at kalilimutan mo si Anthony. Ako lang ang lalaking mamahalin mo, maliwanag ba?”
Tumango siya.
“Kakalimutan mo na ang lalaking iyon,” paulit-ulit na sabi sa kanya ni Hector hanggang unti-unti na siyang makaramdam ng pagkaliyo.
Ilang sandali pa ay pinanawan na siya ng ulirat.
Binuhat siya ni Hector at inihiga ng maayos sa kama saka kinumutan at tinitigan nito nang mabuti.
“Mahal na mahal kita, Aubrey at walang ibang lalaking pwedeng magmay-ari saiyo kundi ako lang!” Sabi pa ni Hector bago ito lumabas ng silid ng dalaga.
PAGKABABA NG HAGDAN, NAGTAMA ANG PANINGIN nina Hector at Anthony. Kitang-kita niya ang pinaghalong galit at panibugho sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Palihim siyang napangiti. Hindi na nito mababawi pa kailanman sa kanya si Aubrey.
Para ano pa at nagpakadalubhasa siya sa Germany para mag-aral ng hypnotism kung hindi rin lang niya iyon magagamit sa babaeng kanyang pinakamamahal.
Oo, magkakasabwat sila nina Devorah at Mirabella para mailayo si Aubrey kay Anthony.
Mahal niya si Aubrey. Unang kita pa lamang niya dito ay may lihim na siyang pagtingin ngunit hanggang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Samantala, ang pinsan naman niyang si Mirabella ay may lihim na pagtingin kay Anthony pero alam nitong si Aubrey ang gusto nito. Kaya nagsabwatan silang magpinsan para maging sa kanya si Aubrey at mapunta si Mirabella kay Anthony.
Sa araw ng kasal nina Aubrey at Anthony, kinidnap niya ang dalaga at pinaniwala nila si Anthony na nakipagtanan ito sa kanya patungong Amerika.
Hinoptismo niya si Aubrey upang makalimutan nito ang totoong nangyari kaya nagmukhang kusang loob itong sumama sa kanya patungo sa Amerika.
Sinong mag-aakala nagawa nila ang isang bagay na napaka-imposible?
“Ano bang nangyayari kay Aubrey?” Tanong ni Devorah nang salubungin siya sa huling palapag ng hagdan.
“Don’t worry Tita Devorah, napagod lang si Aubrey. At saka naninibago siya sa climate dito sa Pinas kaya nga itinodo ko ang aircon sa kwarto nya. Ayon, natutulog na sya. By the way, I’ll go ahead, napapagod na rin ako. Thanks for the dinner.” Humalik siya sa pisngi ng Tita Devorah niya at kay Mirabella saka tinapik ang balikat ni Anthony.
Hindi siya nito inimikan.
Gusto niyang tumawa ng malakas bagamat pinipigilan niya ang kanyang sarili. Kawawang bata, sa loob-loob niya habang sumisipol pa palabas ng mansion. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kanyang kotse ay kaagad niya iyong pinasibad.
Muling nagtangis ang kanyang mga bagang nang maalala ang mga sinabi ni Aubrey kanina. Hindi. Hindi siya makakapayag na mabalewala lang lahat ang mga plano niya. Marami na siyang naisakripisyo at nagastos, mapasakanya lang si Aubrey. Nagmessage kaagad siya sa kanyang Tita Devorah.
“We need to talk tomorrow, Tita. Pakisabi sa anak mo, wag niyang bitbitin ang magaling niyang asawa para makapag-usap tayo ng maayos.”
KAAGAD NABASA NI DEVORAH ang message na ipinadala sa kanya ni Hector kung kaya’t nang masolo si Mirabella ay kaagad niya itong kinausap ng palihim.
“Mukhang may problema. Mag-uusap tayo bukas kaya mag-isa kang bumalik dito, Mirabella.” bulong niya rito.
Pinandilatan siya ng mga mata ng anak, “Stop calling me Mirabella, Ma,” saway nito sa kanya, “Ilang beses ko bang sasabihin sainyong masanay na kayong tawagin akong Lindsay. It’s been fifteen years simula nang nakawin ko ang pagkatao ng totoong Lindsay, and yet hindi pa rin kayo nasasanay na tawagin ako sa pangalang iyon?”
Huminga ng malalim si Devorah. “I’m sorry. Mahal na mahal ko lang ang totoo mong pangalan dahil ang Lola mo ang nagbigay saiyo ng pangalang iyon.”
“Then kalimutan mo na iyon. Masasayang lang ang lahat ng mga pinaghirapan natin kapag nabisto tayo.” Sita nito sa kanya.
Napasimangot siya. “Oo na. Basta bukas, bumalik ka dito. Ipaghahanda kita ng masarap na dinner. Saka kahit wala tayong mahalagang pag-uusapan, dalas-dalasan mo naman ang pagkikita natin. Simula nang mapangasawa mo si Anthony, pakonti na ng pakonti ang oras mo sa akin. . .para tuloy gusto kong pagsisihang. . .” Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay nakita niya si Anthony, napangiti siya, “Ay Anthony, hihiramin ko bukas ang anak ko ha. Alam mo namang miss na miss ko itong babaeng ito. Hindi na kasi iba ang turing ni Lindsay sa akin. Hindi gaya ni Aubrey na ang hirap pa ring pakitunguhan. Sala sa init, sala sa lamig. Haay, kawawa naman si Hector sa kanya.”
“’Ma, kaya lumalayo ang loob sa inyo ni Aubrey eh, palagi nyo kaming ipinagkukumpara. Syempre, magkaiba naman po kami ng personality.” Sabi ng anak niya sa kanya. “At saka malaki po ang utang na loob naming magkapatid sa inyo. Simula nang mamatay si Papa, kayo na ang nagtaguyod sa aming magkapatid. I can’t imagine our lives without you.”
“Ako rin naman iha,” sabi niya dito. Ang kanilang mga mata ay palihim na nagpapalitan ng mga mensahe.
Gusto niyang mapahagikhik sa galing nilang umakting na mag-ina. Papasa sila bilang isang magaling na artista sa galing nilang magpaikot ng mga tao.
PAGKARATING SA KANYANG CONDOMINIUM ay dumiretso kaagad si Hector sa pantry upang kuhanin ang bote ng alak na nakatago duon.
Pagkabukas sa bote ay mabilis siyang tumungga habang maraming tumatakbo sa utak niya. Hindi maaring mabago ang kanilang mga plano.
Kailangang manatili si Mirabella bilang ang ate ni Aubrey na si Lindsay.
At si Aubrey, kailangang maalagaan at mabantayan niyang mabuti.
Muli ay naalala niya ang araw na plinano nilang tatlo ang lahat. Sa araw mismo ng kasal nina Anthony at Aubrey, pinainom ito ni Tita Devorah nang pampatulog. Sinamantala niya iyon para maitago ito sa isang bodega. Isang Linggo niyang kinosdisyon si Aubrey. Bukod sa mga itinuturok niyang mga gamot dito, nahipnotismo rin niya ito upang sumama sa kanya sa Amerika. Iningatan niya ito at kahit na minsan, hindi niya ginamitan ng dahas para makuha ang pagkababae nito. Umaasa siyang matutuhan rin siya nitong mahalin. Nangako siyang pakakasalan muna niya ito bago galawin. Ganuon niya kamahal si Aubrey. Kahit ilang beses siyang natutukso ay kahit na kailan, hindi niya ito pinagtangkaang galawin. Minamahal niya ito ng may paggalang.
Samantala, habang nasa Amerika sila ni Aubrey, si Mirabella naman ay gumagawa ng mga hakbang upang mahulog ang loob dito ni Anthony.
Hindi magdududa si Anthony lalo pa at ang paniniwala ng lahat, ang pinsan niyang si Mirabella ay ang pilantod na kapatid ni Aubrey na si Lindsay. Matalino talaga ang Tita Devorah niya. Nagawa nitong palitan ang katauhan ng pinsan niyang si Mirabella. Sa loob ng maraming taon, nagpanggap na pilantod si Mirabella.
Nang kinailangang makuha ang mga medical records, ang mga documents ng totoong Lindsay ang ipinakita ni Devorah. Ang xray, ang resulta ng operasyon at ang lahat-lahat ng mga kinakailangang documents para lang hindi magduda si Anthony sa halos ilang buwang pamamalagi ni Mirabella sa Amerika para sa kunwaring operasyon.
Ang totoo, ang tunay na Lindsay ang sumailalim sa operasyon. Matalino talaga sila at napakalinis ng kanilang plano. Umayon sa pagkakataon ang lahat.
Masaya si Mirabella dahil nakuha nito si Anthony.
Masaya siya dahil sa kanya na ngayon si Aubrey.
Sino bang mag-aakalang gawa-gawa lamang nila ang lahat ng ito sa tulong ng kanyang ama na gaya niya ay isa ring magaling na Pyschiatrist?
Tumunog ang kanyang cellphone, ang ina niyang si Divina ang nasa kabilang linya. Napasimangot siya. Si Divina ay panganay na kapatid ng Tita Devorah niya ngunit mas close pa siya sa kanyang Tita Devorah kaysa sa kanyang ina. Siguro ay dahil ang ina ang kanyang sinisisi kung bakit nakipaghiwalay dito ang kanyang ama. Lulong kasi ito sa sugal at nawalan ng panahon sa kanilang mag-ama simula nang maadik sa casino kaya humanap ng ibang babae ang Daddy niya.
“Ano na namang kailangan nyo? Pera?” May sarcasm sa tonong sabi nito sa kanya.
“Alam ko ang kalokohang ginagawa ninyong mag-ama kaya wag na wag mo akong pagtataasan ng boses kung ayaw nyong mabunyag ang mga katarantaduhan ninyo!”
GINISING ng isang masamang panaginip si Aubrey kung kaya't hindi na siya muling dalawin pa ng antok. Bakit ba palagi na lamang niyang napapanaginipan ang Ate Lindsay niya na humihingi ng tulong sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nanaginip ng ganon samantalang safe naman ang 'Ate Lindsay' niya sa piling ni Anthony. Swerte ring hindi naman naapektuhan ang ipinagbubuntis nito sa nangyari. Kung nagkataon ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.Ipinagtanggol siya ng kapatid niya kay Hector ngunit ito pa ang napahamak. Hindi niya masisisi si Anthony kung mapag-isipan man siya nito na napaka-selfish niya. Bumangon siya at uminom ng tubig. Miss na miss na niya si Anthony.Hindi niya alam kung anong nangyari, kung bakit nauulit na naman ang mga pangyayari. Damn. Bakit ba hindi siya nakahalata sa mga ginagawang ito ni Hector? Hindi na lamang pagdududa ito, alam niyang may ginagawang masama ang lalaking iyon sa kanya kung kaya't bigla na lamang siyang nawawala sa k
NAKAHINGA nang maluwag si Lindsay nang maya-maya ay lumabas na rin ang doktor sa kwarto niya. Kailangang matiyak muna niya na wala na ito sa hallway bago siya lumabas. Pero paano ba niya iyon gagawin? Tumatakbo ang oras.11:40May ilang minuto pa siya para makalabas dito sa loob ng ospital. Saktong 11:50 muli niyang kinuha ang susi ng kwarto at ipinasok iyon sa lock. Natataranta siya at nagpapanic kaya makailang beses siyang huminga nang malalim bago tuluyang buksan ang lock niyon. Pinakalma niya ang sarili at pasimpleng naglakad sa hallway patungo sa likuran.Ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya habang naglalakad. Kung pwede nga lang ay tumakbo na siya. Bahagya pa siyang tumutungo kapag may nasasalubong siya. Hindi siya pwedeng mamukhaan ng kahit na sino.Nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang makalabas sa likuran ng ospital. Mula sa may pinto ay natanawan na niya si Mia, kumakaway sa kanya. Tumakbo na siya sa kinaroroonan nito. Naiiyak na niyakap siya ni Mia."God,
PASIMPLENG iniabot ni Mia kay Lindsay ang susi na ninakaw niya mula kay Dr. Bonifacio. Kinausap na niya ang kaibigan niyang si Gerald para tulungan siya nitong maitakas nila si Lindsay. Nakapagplano na rin sila ni Lindsay kung saan niya ito aabangan at kung anong oras.Mula sa likuran, bandang alas-dose ng hatinggabi, halos tahimik na ang ospital at kakaunti na ang mga tao, duon dadaan si Lindsay. Palihim na rin niya itong binigyan ng damit na pampalit, pati make up at nang walang makahalata na isa ito sa mga pasyente duon.Kinakabahan siya ngunit hindi siya matatahimik kung alam niyang may isang taong nagdurusa at may kakayahan naman siyang tumulong. Hindi siya mananatiling bulag sa katotohanan lalo pa at alam niyang illegal detention ang ginagawa ni Dr. Bonifacio kay Lindsay.Bahala na.Alam niyang papatnubayan sila ng Diyos lalo pa at hindi naman mali ang ginagawa niya. Nangako rin siya kay Lindsay na tutulungan niya itong makamit ang hustisya.Samantala ay hindi na makapaghin
HABANG NAKAHIGA ay paulit-ulit na inaanalisa ni Aubrey ang lahat ng mga nangyayari sa kanyang buhay. Bakit gustong sirain ni Hector ang buhay niya? Nang araw ng kanyang kasal, may ipinainom ba ito sa kanya kung kaya't naisama siya nito sa kung saan at wala siyang kahit na anong maalala? Kinilabutan siya sa mga naiisip.Hindi siya dalawin ng antok. Maraming gumugulo sa utak niya. Doctor si Hector kaya hindi imposible ang hinala niya tungkol dito. Bumangon siya at kinuha ang kanyang cellphone para magresearch tungkol sa lalaki. At si Jenny? Kailangang mahanap niya ang kaibigan dahil baka may alam ito sa totoong nangyari sa kanya ng araw na iyon. Natatandaan niyang ito ang kasama niya ng araw na iyon. Ngunit saan ba niya hahanapin ang kanyang kaibigan?Saan siya mag-uumpisa? Kumuha siya ng tubig sa fridge. Nasa malayong lugar na siya at hindi na siya masusundan pa dito ni Hector. Not unless palihim siya nitong minamatyagan. Kinilabutan siya. Muli niyang tsinek ang mga binta
NAG-USAP NA SINA MIRABELLA at Hector kung kaya't alam na nitong nandito siya ngayon sa condo unit ng kapatid. Pasimple niya itong hinudyatan thru text na umakyat na rin habang naririto siya para maisagawa ang susunod na hakbang nila nang sa gayon ay tuluyan nang magalit si Anthony kay Aubrey at hindi na ito mapatawad pa kahit na kailan.Ilang sandali pa ay narinig na niyang kumakatok sa pinto si Hector. Nilingon niya si Aubrey, "May ini-expect ka bang bisita? Or baka si Anthony yan at. . ." di na niya tinapos ang sasabihin, pinagbuksan niya ang kumakatok. Kunway nagulat pa siya nang makita duon si Hector, "Anong ginagawa mo dito, Hector?" Tanong niya saka nilingon si Aubrey, "Totoo nga palang hindi mo pa rin hinihiwalayan si Hector!" Sumbat niya sa dalaga."Hindi totoo yan!" Mariing tanggi ni Aubrey saka galit na hinarap si Hector, "Anong ginagawa mo dito? Hindi ba sabi ko tigilan mo na ako?"Kunwa'y galit rin siya kay Hector nang harapin ito, "Bakit ba ginugulo mo ang buhay ni Aub
DINATNAN SIYA ng 'Ate Lindsay' niya na nag-iimpake na ng kanyang mga gamit. Namumugto ang kanyang mga mata at ang laki na rin ng inihulog ng katawan niya dahil halos hindi na siya kumakain sa labis na depression na nararamdaman. Buong akala niya ay magiging masaya na siya sa piling ni Anthony ngunit muli ay nasira iyon dahil kay Hector."Kung hindi ako mapapatawad ni Anthony, mabuti pang magpakalayo-layo na lang ako, ate." aniya dito. "K-kumusta na nga pala siya?"Nagkibit ito ng balikat, "Ayun, galit na galit pa rin saiyo.""Ate, maniwala ka sana sa akin. May ginagawa sa akin si Hector kaya parang napapasunod ako sa kanya," sabi niya sa 'kapatid.'"Aubrey, pwede ba, huwag mo akong pagmukhaing tanga. Alam naman natin ang totoo," sagot nito sa kanya, "Sayang. Handa na akong magparaya para sa kaligayahan mo. Sa kaligayahan ni Anthony. Iyon naman pala, sasaktan mo lang siya.""Ate, pati ba naman ikaw, naniniwala kang niloloko ko si Anthony?" Tanong niya sa kapatid."Anong gusto mon







