Home / Romance / Paid To Become The Billionaire's Wife / CHAPTER 4: FABRICATING A PERSONA

Share

CHAPTER 4: FABRICATING A PERSONA

Author: JEREMEYA
last update Last Updated: 2024-10-10 14:49:07

“Isa ka sa mga estudyante na binigyan ko ng sponsor at pagkatapos no’n in-add kita sa WeChat dahil sa project discussion. Tapos doon kita inumpisahang ligawan. Noong una tinanggihan mo ako dahil magkaiba tayo ng edad pero pagkatapos no'n napag-alaman mong okay naman ako, kaya niligawan kita sa loob ng tatlong buwan at naging magkarelasyon tayo ng kalahating taon. Pero dahil hindi ka pa nakakapagtapos hindi ko ito isinapubliko.” 

Nang gabing iyon ay nag-dinner sila ni Elisia at ibinigay niya dito ang script na ginawa niya sa isip niya.

Inilarawan ni Nathan kung paano silang dalawa nagkakilala at maging ang gawa-gawa nitong detalye sa kung paano sila nagkasundo. Kasama na doon ang paggawa ni Nathan ng flowers para kay Elisia noong Valentine's Day. Napunta siya sa tabi ni Elisia noong nawawala ang cellphone niya. Sinabi ni Elisia na gusto niyang mag-star gazing, kaya sinamahan niya ito. Pagkatapos ay ang matagal na nilang pag-uusap sa chat. 

“Pinagsama-sama ko na ang lahat ng detalye base sa mga nobela at TV dramas. Pwede mong gamitin ang nababagay at itapon ang hindi,” saad ni Nathan.

“Dahil mahalaga ang nilalaman ng detalye. Pwede mo din isama ang mga kulay na gusto mo, ayaw mo, at mga pagkain na allergic ka at iniiwasan mo. Makakatulong ito para mas makilala pa natin ang isa't isa ng mabilis at hindi nabubuking.”

Agad binasa ni Elisia ang detalye ng ‘fabricated’ by Nathan Lucero na gawa nito. Matapos basahin ay namangha siya sa galing nito pagdating sa pagpapahayag.

“Mr. Lucero, sayang at hindi ka nagsusulat ng nobela gamit ang imahinasyon at pagsusulat.” 

Natigilan si Nathan sa sinabi ni Elisia. Sa pag-iisip na baka pinupuri siya nito ay nagpasalamat siya sa seryosong paraan. 

Kaninang umaga ay lumipat na si Elisia sa bagong apartment na binanggit ni Nathan. At no’ng gabing iyon ay natanggap niya rin ang paalala para sa ‘square table meeting’ kasama si Nathan Lucero.

“Sinabi mo sa Lola mo ang tungkol sa atin ngayon?” Iniisip ni Elisia kung paano sinabi iyon ni Nathan. “Paniniwalaan niya kaya iyon?” 

“Kaya kailangan natin i-improve pa at siguraduhin na tugma ang bawat detalye natin para masigurong walang pagkakamali,” saad nito. “Kung sa tingin mo ay hindi katanggap-tanggap ang nilalaman nito pwede mo itong palitan. I-send mo lang sa akin sa text, I'll take note of that.” 

Hindi na kailangan, okay na, kaya niyang makatanda ng maraming bagay. 

“Okay, sige titignan ko. Bukas ng umaga, pwede kang magtanong ng kahit anong tanong at dapat na masagot ko ito ng maayos.” Ang lahat naman ng detalyeng isinulat ni Nathan ay romantic kaya hindi ito mahirap tandaan.

“Okay.” Tumango si Nathan, “may tanong pa ako, saan ka nagtatrabho ngayon?” 

“Nakatanggap ako ng offer, sa ngayon ay isa akong director sa isang TV station.” 

“Okay,” wika ni Nathan, “kung may tanong ka pa huwag kang mahiyang tumawag.”

Tumayo si Nathan at inabot ang kamay dito. “Happy cooperation.”

Inabot naman ito ni Elisia. “Happy cooperation,” saad niya.

Kahit nakahiga na sa higaan pakiramdam pa rin ni Elisia ay nananaginip pa rin siya. Nang mapatingin sa pulang libro na hawak, pagkatapos ay lilipat ang tingin sa isang A4 na puno ng mga salita, maging ang pag-iisip na nasa tabi niya si Nathan ay ramdam pa rin niya na tila panaginip lang ang lahat.

Ngayon ay inumpisahan na niyang i-add ang mga kaibigan ni Nathan. Ang avatar na gamit ni nito ay blue sky at white clouds at ang pangalan na gamit nito ay NLS. Maging ang background ng mga kaibigan nito ay pare-pareho.

Kung ikukumpara ang mga kaibigan nila ay mas marami ang kaibigan ni Elisia.

Lumalabas siya para uminom at kumain sa labas kasama ang mga kaibigan, nagbibigayan ng mga gustong panooring movies at TV shows. Maging ang mga drawing na naiguhit niya dati.

Matapos maisip iyon ay binuksan niya ang chat nila ni Jace. 

Eli: Tulog ka na?

Jace: Hindi pa, Ate~

Eli: Jace, may sasabihin ako sa’yo.

Eli: I'm in love.

Sa unang araw ng trabaho, maagang gumising si Elisia, isinuot niya ang isang trousers at shirt pagkatapos ay itinali niya pataas ang kaniyang buhok. Kaunting make up lang ang inilagay niya sa mukha pagkatapos ay paulit-ulit na tinignan ang sarili sa salamin para masigurong maayos na ang lahat bago umalis ng bahay.

Ang kaso, pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan ay nakita niya si Nathan na nakaupo sa dining table.

Nakasuot ito ng gray na suit at black na trousers na pinagmukhang mahaba ang mga hita nito. Nasa 1.8 meters ang tangkad nito at mukhang metikuloso. Hindi katulad ng casual na suot nito noong unang pagkikita nila, ang ayos nito ngayon ay pinagmumukha itong dominanteng presidente. 

At ang dominanteng presidente na ito ay may hawak na plato at inaaya si Elisia na mag-umagahan.

“Hindi ka naman siguro mahuhuli kung kakain ka muna ng umagahan diba?” 

“Hindi, hindi.” Nakonsensya naman si Elisia. Nang tignan niya ang oras ay nakita niyang maaga pa pala. Simple lang ang inihanda ni Nathan at mukhang sobrang maayos. Para sa isang katulad niya na matagal ng hindi kumakain ng agahan hindi naman ganoon ito kahirap lunukin.

“May maganda akong koneksyon na taga TV station. Sa unang araw mo gusto mo kausapin ko siya?” 

“Ah, hindi na kailangan.” Iwinagayway ni Elisia ang mga kamay. “Maliit na empleyado lang ako, walang dapat na ipaliwanag. Kaya hindi na kailangan. Salamat Mr. Lucero.” 

“Call me Nathan.”

“Ah?” Hindi nakapag-react si Elisia.

“Magsanay ka na, kung hindi mas madali tayong mahuhuli.” Kalmado lang ang ekspresyon ni Nathan kaya tumango na lang siya dito. 

Pagkatapos nilang kumain ay sabay silang lumabas. Ang kotse ni Nathan ay naghihintay na sa kanila sa labas. Habang si Simon ay nakatayo sa tabi ng kotse at naghihintay sa kanilang dalawa.

Hindi ito binanggit ni Nathan at hindi din naman binanggit ni Elisia. Ngunit sa tingin niya ay balak ni Nathan na ihatid si Elisia sa trabaho nito. Kabadong sumakay sa likuran ng sasakyan si Elisia. Ang tanging hiling niya ay may isa pang tao ang maupo sa pagitan nila ni Nathan. Nang makasakay sa sasakyan ay agad inabala ni Nathan ang sarili sa tablet niya habang si Elisia naman ay abala sa pagtingin sa mapa.

Napatingin si Simon sa boss niya at sa bagong asawa nito sa rearview mirror. Bakit pakiramdam niya ay hindi gaanong pamilyar ang dalawa sa isa't isa?

Nang makitang papalapit na ang mamahaling sasakyan ni Nathan ay walang nagawa si Elisia kung hindi ang humingi ng pabor dito.

“Nathan, pwede bang sa unahan ka na lang mag-park? Huwag mo na akong ihatid.” 

“May problema ba?” 

May problema ba? Isa lamang siya maliit na empleyado, ang sumakay sa mamahalin nitong million-dollar na kotse ay hindi niya matiis.

“Maliit na empleyado lang ako, just keep a low profile. Ngayon ang unang araw ko, salamat sa paghatid sa akin sa trabaho. Pwede naman akong mag-bus sa susunod.” Yumuko siya kay Nathan at tumango kay Simon. Matapos magpasalamat at mamaalam ng ilang beses ay bumaba na siya ng kotse. 

Habang nakatingin sa likuran ni Elisia ay hindi maiwasang maguluhan ni Nathan.

“Simon? Nakakatakot ba ‘ko?” 

“Hindi, boss.” 

Isa sa mga code conduct ni Simon bilang empleyado ay ang sagutin ang tanong ng boss niya at huwag itong tanungin pabalik. 

Kahit na gusto niyang malaman ang relasyon nito at ng bago nitong asawa. Ang magagandang katangian niya ang nakapagpapatahimik sa kanya.

Sa kabilang banda, nakatanggap naman ng mensahe si Nathan sa cellphone niya. Mula iyon sa director ng TV station.

‘Mr. Lucero, sisiguraduhin po namin na aalagaan po namin si Mrs. Lucero. Makakaasa po kayo.’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 102: IMBESTIGASYON

    “Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” Nang sandaling lumapit si Jake ay mabilis ring lumapit si Nathan sa tabi niya. Walang salitang namutawi sa bibig ni Nathan, tinignan lang siya nito nang may pag-aalala sa mga mata. “Mas mabuti na.” Palaging naiisip ni Elisia na hindi naman ito malaking bagay. Kumpara sa mga sugat niya, mas nag-aalala siya sa mga gamit nila. “Kamusta naman? Maayos ba’ng nakuhanan ang materials natin?” tinanong ni Elisia si Jake. “Hindi na masama.” Ngumiti si Jake at sinabi, “Na-edit ko na ang paunang version ng report video. Pwede mong tignan pagkatapos ay ayusin na lang ulit natin.” “Buti naman, hayaan mo akong makita agad.” Gusto lang ni Elisia na makita ang resulta ng pinaghirapan niya, kaya nang sandaling iyon ay panandalian niyang nakalimutan ang presensya ni Nathan sa tabi niya. Hindi galit si Nathan, ngunit nanatili lang siyang tahimik sa gilid. Nang dalhin ni Jake ang laptop nito, naupo siya sa tabi ni Elisia at pinanood iyon kasabay nito. Hal

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 101: TENSYON

    Matagal nang nagsisilbi si Simon kay Nathan, pero ito ang unang beses na nakita niya itong wala sa sarili.Ang amo niya na napaka-elegante tuwing weekdays, ngayon ay nakasuot ng marumi at magulong damit sa unang pagkakataon. Ang damit nito ay nabahiran ng pulang mantsa ng dugo. Labis na ikinagulat iyon ni Simon. Ang tauhan sa ambulansya na nasa tabi niya ay agad na umabante at kinuha si Elisia at Nathan mula sa sasakyan patungo sa ambulansya. May propesyunal na doctor rin sa loob no'n.Hindi katagalan simula ng makapasok sa ambulansya at makaalis sina Nathan at Elisia, si Mike kasama ang mga tauhan ng manager ng tindahan na nakaitim ay nagmaneho sa bahaging iyon, ngunit bago pa man sila makababa sa sasakyan para harapin ang isa’t isa, biglang dumating ang mga pulis at pinaligiran sila. Sa kabilang banda, natatakot si Elisia sa reaksyon ni Nathan. Ang sugat na nasa braso niya ay mukhang nakakatakot, ngunit nararamdaman niya na wala namang natamaan sa buto niya. Dahil kapag nasugata

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 100: OKAY LANG AKO

    Natural na naagaw ng kilos ni Elisia ang atensyon ni Nathan. Ikinagulat niya ang ginawa nitong pakikipagharap sa dalawang lalaking nasa harapan nito.Sa kabilang banda, ang bagay na iyon ay normal na para kay Elisia. Matapos ang lahat, noong bata pa siya, madalas siyang makipag-away kasama si Danica laban sa mga lalaking nang-aapi sa kanila. Ayos lang iyon noong bata pa siya, pero nang tumanda na siya, ang pisikal na kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae ay nakikita na. Nang oras na iyon, alam ni Elisia na hindi siya mananalo kung aasa lang siya sa pisikal na lakas. Kaya naman sa tuwing nagkakaproblema siya, naghahanda siya ng maliliit na kagamitan. Bago bumaba, hindi kinalimutan ni Elisia na ibaba muna ang bag niya. Upang masiguro na ang mga gamit niya ay hindi mawawala. Sa bahaging iyon, hindi na sumagot pa si Elisia sa mensahe ni Jake. Dahilan para maisip ni Jake na may masama ng nangyari. Kaya naman agad niyang pinagana ang kotse at plano niyang sunduin si Elisia at Nathan. M

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 99: NAHULI

    “Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 98: SALAMAT MR. LUCERO

    Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 97: HANDA AKONG MAGBIGAY

    Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status