“Sinasabi ko sa’yong bata ka, hindi mo man lang sinabi sa’kin ang ganito kalaking bagay. Spy mo ako araw-araw tapos itatrato mo ako ng ganito.”
Nang dumating si Duke, nagbabasa si Nathan ng kontrata. Tinignan niya ito ng walang magawa bago ibinaba ang hawak na pen. “Pwede mo bang hinaan ang boses mo? Nasakit ang ulo ko.”
“Ikaw, palagi na lang pag nagagalit ako, palagi mo na lang binabanggit na masakit ang ulo mo.” Mukhang hindi ito naniniwala pero alam niyang sinasabi lamang nito iyon dahil galit ito.
Isang taon na din siyang may insomnia. Nakapagpatingin na siya sa maraming doctor hanggang sa huli napag-alaman na ang rason ay ang kakulangan sa tulog.
“Sabihin mo nga sa’kin, anong nangyayari?” Napabuntong hininga ito at maging ang tono ng boses ay bumalik na sa normal. “Sabi mo sa tawag kasal ka na? Anong meron? Pineke mo ba ang kasal?”
“Kasal na talaga ako.” Alam niyang hindi titigil si Duke hangga't hindi nalalaman ang lahat. Kaya inilabas niya ang cellphone at ipinakita dito ang mga wedding pictures.
Ang nakita lang ni Duke ay si Nathan ang lalaki sa larawan dahil bago pa niya makilala kung sino ang babae ay binawi na nito ang cellphone.
“Ang tahimik mo e ‘no? Saan mo siya nakilala? Anong pangalan niya? Ilang taon na siya? At anong ginagawa mo?” Umupo ito sa tabi ng lamesa ni Nathan. “Hindi ka naman siguro naghanap ng kung sino-sinong babae lang para inisin si Kassandra, ‘diba?” umaasang tanong nito.
Isinarado ni Nathan ang kontrata na hawak at tinignan si Duke. “Kamusta naman ang ‘Tomorrow Again’ project?” pag-iiba niya sa pinag-uusapan.
Ang Tomorrow Again project ay ang proyektong pinaglaanan ng pera ng Lucero's group no’ng nakaraang taon na may 300 milyon na target. Hindi si Nathan ang responsable sa pag-aasikaso no’n ngunit dahil ang artistang bida sa palabas na iyon ay may kinahaharap na isyu nitong mga nakaraan, napagdesisyunan ng Lucero's group na palitan ito.
“Hinarang ng matandang iyon ang lahat ng paraan na pwedeng gamitin.” Bilang si Duke ang film director nito ay hindi mukhang maganda ang lagay nito, ngunit dahil nanalo na ito ng iba't ibang international awards isa iyon sa naging dahilan kung bakit nag-invest ng oras si Nathan para dito, dahil nakita niya kung ano ang abilidad ni Duke.
“Ang bida ay nakikipaglandian sa isang matanda sa loob ng Lucero's group mo, at ang matanda na iyon ang tumutulong sa kaniya.” Ipinalakpak ni Duke ang mga kamay. “Maliit na director lamang ako, hindi ako pwedeng magdesisyon sa mga relasyon ng investors mo.”
Alam ni Nathan na nagpapakumbaba lang si Duke pero inilalagay nito sa isip ang bawat nalalaman.
“Ilang taon na siya?” patungkol nito sa asawa niya.
Obviously, hindi niya nabago ang pinag-uusapan nila. Habang iniisip ang araw na nakalagay sa marriage certificate ay sinagot niya ito. “21,” saad niya.
“21!” gulat na saad ni Duke. “Isa ka talagang matandang baka na kumakain ng mga malambot damo.”
“HIndi mo pwedeng iluwa ang garing mula sa bibig ng aso,” makahulugang saad niya.
“Kailan mo sasabihin sa Lola mo?” Lumapit si Duke, “Ang Lola mo ay gusto kayong pag-ayusin ni Kassandra.”
Ang sinabi ni Duke ang nakapagpaalala sa kaniya na dapat niyang sabihin ang tungkol sa bagay na ito sa Lola niya ng personal. Nang gabi ding iyon ay bumalik si Nathan sa lumang bahay ng mga Lucero.
May dalang pakiramdam ang lumang bahay na iyon kung saan ay may mainit na dilaw na ilaw ang tumatanglaw at nagsisiksikang mga halaman, may tulay at umaagos na tubig ay nagdadala kakomportablehan sa pakiramdam.
Nang makabalik si Nathan, ang matandang babae ay naglalaro ng chess sa likod bahay.
“Lola,” pagtawag niya dito.
“Hey, nakabalik na ang Apo ko?” Nang marinig ang boses niya, ang mukha ng matandang babae ay napuno ng kasiyahan. Lumapit ito at niyakap si Nathan. Nasa isang business trip si Nathan sa United States nitong mga nakaraan kaya't hindi niya nakita ang Lola niya ng ilang araw.
“Oh, mukhang namayat ka at gutom matapos mong umalis ng ilang araw,” tinawag ng Lola niya ang Tita niya na nasa tabi nito. “Trina, magdagdag ka pa ng ginisang usbong ng kawayan, ligpitin na natin ito at maghanda ng makakain.” Muli itong bumaling sa kaniya. “Oh, nahulaan mo ba na hindi pa ako kumakain kaya ka umuwi para sabay tayong maghapunan?”
Ang Lola ni Nathan ay mukha pa ring masigla. Puti na ang buhok nito at nakasuot ng salamin. Mukha pa rin itong elegante sa estilo nito ng pag-aayos.
Magalang na binati siya ni Assistant Simon ng makita nito ang pagdating niya. Hindi na ito pinakawalan ng Lola niya at inayang kumain. Dahil hindi makatanggi, silang tatlo ang naupo sa hapagkainan at sabay-sabay na nag hapunan.
Ang lumang bahay ng mga Lucero ay sobrang laki. Si Simon ay nagtatrabho sa kaniya, nang nagpunta siya sa States noong nakaraang linggo ay iniwan niya ito sa bansa para samahan ang Lola niya.
Hindi gaanong nagsasalita si Simon pero alam niyang maaasahan ito. Matapos ang pinagsamahan nila ng maraming taon itinuring na din itong sariling kadugo ng Lola niya.
“May sasabihin ako sayo, naaalala mo pa ba si Lola Fe mo? Ang Lola na binuhat ka noong bata ka pa lang? Ang apo nilang babae, kaka-graduate lang with doctorate ngayong taon. Lumaking napakagandang dalaga. Sabi niya ilang taon siyang hindi nakapunta kaya bumisita siya. Diba, ang ganda niya?”
Sa totoo lang simpleng hapunan lang talaga iyon hanggang sa banggitin ng Lola niya ang tungkol sa kwento nitong may pagpaparinig patungkol sa pagpapakasal.
“Lola, may babae akong gusto.”
Nang banggitin niya ang tungkol doon ay natigilan ang Lola niya na parang gusto na siyang ibenta sa mga kababaihan. At sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
“Totoo ba iyan? Taga saan ang babae? Ilang taon na ito? Ilang taon na kayong nagsasama?”
Si Simon na nakaupo sa tapat niya ay pinagmamasdan ang kaganapan sa harapan niya. Mayroon pa rin siyang nararamdamang pagdududa sa salita ng amo niya. Kasama siya palagi ng boss niya kaya paanong hindi niya ito nakitang in love o ano pa man?”
“Naka-graduate siya sa Ateneo, isa siya sa mga binigyan ko ng scholarship dati. Mas bata siya sa akin at kaka-graduate niya lang ngayong taon sa kursong journalism.”
Sinabi niya iyon sa simpleng paraan at sapat na iyon para sa kaniyang Lola. “Okay, maganda ang journalism. At mukhang responsable, isa ang Ateneo sa magandang school dito sa Pilipinas. Mukhang masipag na bata. At kaka-graduate lang ikaw mo, at higit sa lahat mas matanda ka sa kaniya, kaya dapat na mas intindihin mo siya.”
“Kayo na ba ngayon?” dagdag na tanong nito.
“Kami na, kakakuha lang namin ng marriage certificate.”
“Ano?!”
Kung ang Lola niya ay masaya na ng malaman na inlove siya, nang mga oras na iyon ay mas nasurpresa ito ng malaman na nakakuha na siya ng marriage certificate! Matapos ang paulit-ulit na paninigurado na hindi nagbibiro ang apo ay napalagay na din sa wakas ang puso ng matanda.
Sa totoo lang, ang apo niya ay may karelasyon noong bata pa ito, pero hindi na niya ito naringgan mula noon. Nang makitang puro lalaki ang kasama nito ay hindi niya naiwasang pagdudahan ang kasarian nito.
Sa maraming taong nagdaan, maliban kay Kassandra, hindi na niya naringgan si Nathan na magbanggit ng sino mang babae. Bilang Lola nito, hindi niya maiwasang mabahala. Dagdag pa dito ang karamdaman niya. Kaya pinipilit na niya ito nitong mga nakaraan.
Ngunit kahit gaano man niya ito pilitin, hindi pa rin ito magpapakasal ng walang sinasabi.
“Hindi ka nagsisinungaling sa’kin, diba?” Hindi pa rin makapaniwala ang Lola niya sa paulit-ulit na pag kumpirma.
“Hindi po, maayos ang relasyon namin at mahal namin ang isa't isa.” seryosong saad ni Nathan.
“Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” Nang sandaling lumapit si Jake ay mabilis ring lumapit si Nathan sa tabi niya. Walang salitang namutawi sa bibig ni Nathan, tinignan lang siya nito nang may pag-aalala sa mga mata. “Mas mabuti na.” Palaging naiisip ni Elisia na hindi naman ito malaking bagay. Kumpara sa mga sugat niya, mas nag-aalala siya sa mga gamit nila. “Kamusta naman? Maayos ba’ng nakuhanan ang materials natin?” tinanong ni Elisia si Jake. “Hindi na masama.” Ngumiti si Jake at sinabi, “Na-edit ko na ang paunang version ng report video. Pwede mong tignan pagkatapos ay ayusin na lang ulit natin.” “Buti naman, hayaan mo akong makita agad.” Gusto lang ni Elisia na makita ang resulta ng pinaghirapan niya, kaya nang sandaling iyon ay panandalian niyang nakalimutan ang presensya ni Nathan sa tabi niya. Hindi galit si Nathan, ngunit nanatili lang siyang tahimik sa gilid. Nang dalhin ni Jake ang laptop nito, naupo siya sa tabi ni Elisia at pinanood iyon kasabay nito. Hal
Matagal nang nagsisilbi si Simon kay Nathan, pero ito ang unang beses na nakita niya itong wala sa sarili.Ang amo niya na napaka-elegante tuwing weekdays, ngayon ay nakasuot ng marumi at magulong damit sa unang pagkakataon. Ang damit nito ay nabahiran ng pulang mantsa ng dugo. Labis na ikinagulat iyon ni Simon. Ang tauhan sa ambulansya na nasa tabi niya ay agad na umabante at kinuha si Elisia at Nathan mula sa sasakyan patungo sa ambulansya. May propesyunal na doctor rin sa loob no'n.Hindi katagalan simula ng makapasok sa ambulansya at makaalis sina Nathan at Elisia, si Mike kasama ang mga tauhan ng manager ng tindahan na nakaitim ay nagmaneho sa bahaging iyon, ngunit bago pa man sila makababa sa sasakyan para harapin ang isa’t isa, biglang dumating ang mga pulis at pinaligiran sila. Sa kabilang banda, natatakot si Elisia sa reaksyon ni Nathan. Ang sugat na nasa braso niya ay mukhang nakakatakot, ngunit nararamdaman niya na wala namang natamaan sa buto niya. Dahil kapag nasugata
Natural na naagaw ng kilos ni Elisia ang atensyon ni Nathan. Ikinagulat niya ang ginawa nitong pakikipagharap sa dalawang lalaking nasa harapan nito.Sa kabilang banda, ang bagay na iyon ay normal na para kay Elisia. Matapos ang lahat, noong bata pa siya, madalas siyang makipag-away kasama si Danica laban sa mga lalaking nang-aapi sa kanila. Ayos lang iyon noong bata pa siya, pero nang tumanda na siya, ang pisikal na kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae ay nakikita na. Nang oras na iyon, alam ni Elisia na hindi siya mananalo kung aasa lang siya sa pisikal na lakas. Kaya naman sa tuwing nagkakaproblema siya, naghahanda siya ng maliliit na kagamitan. Bago bumaba, hindi kinalimutan ni Elisia na ibaba muna ang bag niya. Upang masiguro na ang mga gamit niya ay hindi mawawala. Sa bahaging iyon, hindi na sumagot pa si Elisia sa mensahe ni Jake. Dahilan para maisip ni Jake na may masama ng nangyari. Kaya naman agad niyang pinagana ang kotse at plano niyang sunduin si Elisia at Nathan. M
“Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw
Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E
Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu