Se connecterJavier’s POV
“Ilang beses ko pa ba sasabihin sa inyo na wala akong pakialam sa mana at sa kumpanya n’yo? Bakit kailangan n’yo akong pilitin sa isang bagay na labag sa loob ko?”
“Ikaw lang ang nag-iisang anak at tagapagmana namin,” mariing sagot ni Daddy. “Ayaw naming mapunta kung kanino lang ang pinaghirapan namin ng Mommy mo. Hindi naman mahirap ang hinihiling namin kailangan mo lang magpakasal sa lalong madaling panahon para makuha mo ang mana at ang posisyon bilang CEO ng kumpanya natin. Ano ba ang hindi mo maintindihan doon?”
“Iyon na nga mismo ang hindi ko maintindihan,” sagot ko. “Bakit kailangang may kapalit bago n’yo ibigay ang mana? Pwede naman n’yo akong gawing CEO kung kailan n’yo gusto hindi naman ako nag mamadali na hawakan ang kumpanya. Bakit ba kayo nagmamadali? Hindi pa naman kayo mamamatay, ’di ba?”
“BASTOS KA TALAGA!” sigaw ni Daddy. “Ano, gusto mo bang hintayin mo muna kaming mamatay bago ka magpakasal?”
“Matanda na kami, Javier,” biglang sabat ni Mommy. “Gusto lang naming makasiguro na maayos ka bago kami tuluyang mawala sa mundong ito. Oo, hindi pa naman sa ngayon pero maaga kaming magreretiro. Kaya kailangan mong humanap ng babaeng papakasalan mo… at gusto na rin naming magkaroon ng apo.”
“Grabe naman kayo,” napailing ako. “Ayaw ko nga sa pagpapakasal, tapos ngayon gusto n’yo pa ng apo? Ano ba tingin n’yo sa’kin robot? Kung madali lang sana ang hinihiling n’yo, baka pumayag pa ako. Pero buhay ko ’to. Baka nakakalimutan n’yo bakit kailangan kayo ang magdesisyon para sa’kin?”
“Anak…” nanginginig ang boses ni Mommy. “Hindi naman sa gano’n. Iniisip lang namin ang kapakanan mo. Paano kung bigla kaming mawala? Sino ang mag-aalaga at mag-aasikaso sa’yo?” hindi na ko sumagot pa dahil hindi rin naman nila ko papakinggan.
Tahimik ang dining area. Ang tanging maririnig ko ay ang mahinang tikatik ng orasan sa dingding. Mariing kinuyom ko ang kamao, pilit pinapakalma ang sarili. Ramdam ko ang bigat ng bawat salita nila sa dibdib ko.
“Kung talagang ayaw mo,” malamig na sabi ni Daddy, “handa ka bang talikuran ang lahat? Ang apelyido mo, ang kumpanya, ang mana?”
Tumigil ako sandali. “Hindi ko kailangan ng mana para patunayan na anak n’yo ako,” sagot ko.
“Pero kailangan mo ang kumpanya,” putol niya. “At balang araw, ikaw lang ang maaasahan nito.”
Napalingon ako kay Mommy. “Javier,” sabi niya, mahina pero mabigat ang boses, “hindi na kami bumabata. Gusto lang naming mapanatag na may kasama ka sa buhay. Na may taong nandiyan para sa’yo kapag wala na kami.”
Napapikit ako. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib. Alam kong tama sila pero sa loob ko, ayaw ko. Ayoko ng desisyon na ’to.
“Ayaw ko ng kasal,” mariin kong sinabi. “Hindi ganon kadaling magdesisyon ng buong buhay ko.”
“Hindi namin sinasabing madali,wala namang madali sa mundong ito.” sagot ni Daddy. “Pero minsan, kailangan mong unahin ang responsibilidad kaysa sa gusto mo.”
“Hindi ka na rin naman bumabata pa, kailangan mo na magkaroon ng sarili mong pamilya.” dagdag ni Mommy.
Tumahimik na lang ako. Tumingin sa kanila sa mga taong nagpalaki sa akin, nagbigay ng lahat, at ngayon ay humihiling ng isang bagay na hindi ko alam kung paano ko ibibigay sa kanila.
“Kung papayag ako,” mahina kong sambit, “gagawin ko ’to hindi dahil gusto ko kundi dahil kayo ang humihingi.”
Nagkatinginan sina Mommy at Daddy.
“Iyon lang naman ang hinihiling namin,” sabi ni Daddy. “Bilang anak mo.”
Kinuyom ko ang kamao ko nang mas mahigpit. Parang may isang parte ng sarili ko ang napasara, inilibing sa loob ng dibdib ko.
“…Sige,” mahina kong sinabi. “Papayag na ako.”
Napasinghap si Mommy, puno ng ginhawa. Si Daddy ay tumango, parang tapos na ang usapan.
Nanatili akong nakaupo, nakatingin sa mesa, sa pagitan ng sariling mga kamay alam kong sa sandaling iyon, may isang bahagi ng buhay ko ang tuluyan ng itinakda.
Dahan-dahan akong tumayo, kinuha ang susi sa mesa, at lumabas ng pinto ng mansyon. Ang gabi ay malamig, pero hindi iyon ang ramdam ko. Ang ramdam ko ay bigat ng desisyon isang desisyon na hindi ko gusto, pero kailangan kong gawin.
Ang malamig na hangin sa labas ay hindi nakatulong lalo lang niyang pinadama ang laman ng dibdib ko. Bawat hakbang papalayo sa pinto, ramdam ko ang pag-urong ng puso ko, parang may iniwan akong bahagi ng sarili ko sa loob ng bahay.
Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko pagod, galit, o takot. Siguro halo-halo lahat. Alam kong pumayag ako sa kasal, hindi dahil gusto ko, kundi dahil sila ang humihiling.
Naglakad ako papuntang bar sa BGC, isang lugar na matagal ko nang alam para lang makalayo, kahit sandali, para makapag isip kung tama ba ang naging desisyon ko. Pagpasok ko, ang liwanag at ingay ay parang ibang mundo. Ngunit hindi ako makapag saya ngayon nakaupo lang ako sa pinakadulong upuan, nakasandal sa counter, nakatingin sa baso sa harap ko.
“Himala hindi ka umiinom,” biglang sulpot ni Marco sa tabi ko.
“Wala akong gana,” sagot ko, hindi man lang siya tiningnan.
Umorder siya ng dalawang shot at itinulak ang isa palapit sa akin. “Ikaw ’yung tipo ng taong umiinom kapag galit.”
“Hindi ako galit,” sagot ko, sabay inom ng alak na inabot niya sa’kin. “Pagod lang.”
Mainit ang alak sa lalamunan, pero hindi nito napapawi ang bigat na dala ko mula sa mansyon.
“So?” tanong niya. “Kinausap ka na naman ng parents mo?”
“Oo, sinabihan nila ko na kailangan ko na daw mag pakasal para makuha ko ung mana ko at maging CEO na ng kumpanya.” muntik na niya mabuga yung alak na iniinom niya dahil sa sinabi ko.
“Eh ano sinabi mo? Pumayag ka ba?”
Tumango ako. “Pumayag na ’ko.”
Huminto siya sa pag-angat ng baso. “Wait what?”
“Magpapakasal ako,” sagot ko.
“Hindi ka seryoso,” napatawa siya hanggang makita niya ang mukha ko at nawala agad ang ngiti niya. “Shit… kailan? Bakit ka pumayag?”
“Hindi ko alam,” sagot ko. “Basta… soon.”
Umiling siya. “Ikaw pa talaga. Ikaw na ayaw sa commitment at ang pinaka matinik na babaerong kilala ko”
“Ayaw ko pa rin,” sagot ko, halos bulong. “Pero mas ayaw kong makita silang gano’n na parang ako ang dahilan kung bakit sila hindi mapalagay.”
Tahimik siya saglit. “So anong plano mo?”
Napatingin ako sa paligid sa mga taong masayang nag-uusap,“Plano?” napangiti ako ng mapait. “Wala.”
“Hindi puwedeng wala,” sagot niya. “Kasal ’yan, hindi weekend trip.”
“Alam ko,” buntong-hininga ko. “Kaya nga nandito ako.”
Umorder siya ulit ng isa pang round. “So dito mo hahanapin ’yung babae?”
Mabilis akong tumango. “Oo, para alam kong no strings attached talaga.”
“You have a point,” sabi niya. “At least malinaw.”
Hindi ako sumagot agad. Inubos ko ang laman ng baso ko.
“Maghanap ka nga,” sabi ko sa huli. “Kung may ganon.”
Ngumisi siya. “Kilala kita. Kapag sinabi mong ‘maghanap,’ ibig sabihin n’on handa ka na.”
Hindi ako sumagot. Pero sa unang pagkakataon mula nang pumayag ako sa kasal, may gumalaw sa loob ko. Hindi pag-asa. Hindi takot. Isang responsibilidad.
At alam kong kapag pumasok na iyon sa buhay ko, wala na akong atrasan. Tumayo si Marco dahil mag iikot daw siya sa Bar para makahanap ng babaeng pwedeng pakasalan. Naisipan ko rin mag hanap.
Lumakad ako papalapit sa isang corner ng bar, malapit sa VIP rooms, nang marinig ko ang mahinang hikbi. Tumigil ako sandali babae iyon, nakayuko, nanginginig, hawak ang mukha sa palad. Hindi ko alam kung bakit, pero dinala ako ng mga paa ko sa tabi niya.
“Hey… okay ka lang ba?” tanong ko, mahina, halos bulong.
Tumigil ang pag-iyak niya, dahan-dahang itinuwid ang ulo. Ang mga mata niya ay pula at namumugto na.
“Pasensya na… hindi ko sinasadya na makita mo ako ng ganito,” bulong niya, nanginginig pa rin ang boses.
“Anong nangyari?” tanong ko, mas mahinahon ngayon, pero may pagka-prangka.
Huminga siya ng malalim, at sa wakas ay tumitig sa sahig. “Nasa VIP room ako… kasi pumasok ako bilang escort,” bulong niya, halos hindi mawari ang boses. “Wag mo ko husgahan dahil hindi ko ginusto na pasukin to. Kailangan ko lang ng pera para sa nanay ko kailangan siyang maoperahan… at ito lang ang paraan na kaya ko at alam kong mas mabilis akong makakapag ipon ng pera. Pero isa sa mga client ko… tinangka niyang halikan ako. Hindi ko kinaya…hindi ko pala kaya. Mabilis ko siyang tinulak at tumakbo palabas.”
Nakita ko sa mukha niya ang hiya, galit, takot, at kawalan ng lakas.
Huminga ako nang malalim, tumitig sa kanya. “Hindi mo deserve ’yan,” sabi ko, mababa ang boses.
Tumango siya, bahagyang huminga, halos hindi makapaniwala. Ramdam ko ang pasaning dala niya hindi lang pera, kundi ang pangangailangan niyang protektahan ang sarili at ang pamilya.
Biglang sumagi sa isip ko ang isang ideya isang paraan para matulungan siya at maiwasan ang mga ganitong sitwasyon. “Paano kung tulungan kita?” tanong ko, mahinahon. Napatingin siya sa akin, naghahanap ng paliwanag.
“Tutulungan kita… pero may kapalit,” dagdag ko. Napatingin siya sa akin, halatang naguguluhan. “It may sounds that I’m taking advantage of your situation but may naisip akong paraan na makakatulong sayo at makakatulong din sa problema ko.”
Tumigil siya, huminga ng malalim, at halatang naguguluhan. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumingin sa akin.
“A-anong tulong ba?” nagtatakang tanong niya.
“Madali lang naman mag panggap ka bilang mapapangasawa ko kapalit noon ay ako na bahala gumastos sa operasyon ng nanay mo and sa iba pang pwedeng gastusin niyo sa ospital” natigilan siya sa narinig niya at napatingin sa’kin ng puno ng pag tataka.
“B-baka… pwede ko muna itong pag-isipan? Hindi ko… hindi ko alam kung kaya ko agad pumayag,” bulong niya.
Ngumiti ako, bahagyang magaan ang dibdib ko sa kahit konting tugon. “Sige… walang problema. Pag-isipan mo muna. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo,” sagot ko, mahinahon.
Hiningi ko ang cellphone niya at ini-type ang number ko. “Ilalagay ko rito ang number ko… para kahit anong oras, kung kailangan mo ng tulong o may tanong ka lang, matatawagan mo ako,” sabi ko, at inabot sa kanya ang telepono.
Tinanggap niya ito, halatang nagulat at bahagyang nahihiya. Ngunit sa loob-loob ko… ramdam ko na may kakaibang paghanga sa kanya. Tumigil siya sa pag-iyak, at para sa unang pagkakataon mula nang makita ko siya sa sulok, ramdam ko ang konting ginhawa sa kanya kahit hindi pa siya pumayag, alam kong may kaunting pag-asa para sa pareho naming sitwasyon.
Tiffany’s POVHindi ako lumingon.Ayokong marinig pa ang kahit anong lalabas sa bibig niya.Ayokong makita pa ang mukha ng taong buong buhay ko hindi naman pala talaga naging parte ng buhay ko.Isang hakbang. Dalawa.Malapit na ako sa pinto.“Hindi mo ba siya sasabihan?”Boses ni Isabella.Huminto ang paa ko.Hindi dahil gusto kong makinig kundi dahil may kakaiba sa tono niya.Hindi galit. Hindi malamig.Kundi parang… nagmamadali.Dahan-dahan akong lumingon.“Nga ano?” tanong ko.Tahimik siya sandali.Nakatingin lang sa’kin mula sa hagdan.Pero bago pa siya makasagotBiglang may kumalabog sa labas.Isang malakas na yabag.Sunod pa.At sa isang iglapBumukas ang pintuan.Hindi isa. Hindi dalawa.Kundi sunod-sunod.Mga lalaking naka-itim.Armadong lahat.Mabilis ang galaw.Diretso sa loob.Napaatras ako nang kusa.Reflex.Pero hindi ako natakot.Kasi sa paraan pa lang ng pagkilos nila alam ko na agad kung kanino sila.Kay Isabella.Tahimik ang buong bahay.Walang sumigaw.Walang gumal
Tiffany’s POVHindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta.Hindi ko na kailangan.Ramdam ko na.Sa bigat ng hangin.Sa tahimik ni Javier.Sa paraan ng paghawak niya sa manibela—mahigpit, kontrolado, pero halatang may iniisip.Huminto ang sasakyan.Isang lumang bahay.Hindi engrande.Pero hindi rin basta-basta.Tahimik.Parang matagal nang walang nakatira pero may nagbabantay.“Dito,” sabi ni Javier.Hindi tanong.Hindi suggestion.Desisyon.Bumaba ako.Hindi ako nag-atubili.Kung ito na ‘yon tatapusin ko na.Pagpasok namin, sumalubong ang amoy ng lumang kahoy at alikabok.Pero may isa pang amoy.Pamilyar.Hindi ko maipaliwanag.Parang nakilala ko na dati.“Stay behind me,” bulong ni Javier.Hindi ako sumunod.Lumampas ako sa kanya.“Hindi na,” sagot ko.“Hindi na ako magtatago.”Hindi na siya kumontra.Hinayaan niya ako.At ilang hakbang pa may bumungad.Isang lalaki.Nakatayo sa gitna ng sala.Parang kanina pa naghihintay.Hindi na siya bata.Pero hindi rin mahina.Maayos ang postu
Tiffany’s POV Hindi dahil hindi ko maintindihan.Kundi dahil… masyado kong naiintindihan.Matagal ko nang alam na iba ang ama ko.Hindi siya yung pangalan na ginamit ko buong buhay ko.Alam ko na ‘yon.Matagal na.Pero—“Anak… ng iisang lalaki.”Doon ako tinamaan.Doon ako napahinto.Hindi sa katotohanang may iba akong ama.Kundi sa katotohanang hindi lang pala ako.“Magkapatid kayo.”Parang may biglang bumigat sa dibdib ko.Hindi hangin.Hindi takot.Kundi isang bagay na ayaw kong pangalanan.Napatingin ako kay Javier.Hindi ako humihingi ng sagot.Kasi alam ko narinig niya rin.At pareho kami ng iniisip.Dahan-dahan akong lumingon.Sa lalaking nasa sahig.“Ulitin mo,” sabi ko.Mahina.Pero buo.Ngumiti siya.Parang hinihintay niya ‘to.“Pareho kayong anak,” sabi niya ulit.Mas malinaw.Mas madiin.“Ng iisang lalaki.”Napahigpit ang kamay ko sa gilid ng damit ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako sisigaw.Pero may kumakalmot sa loob ko.“Si Isabella…” bulong ko.Hindi ko na kailangan tap
Javier’s POVHindi ako agad nakapagsalita.Yung sinabi niya hindi pumasok agad.Parang tumama… pero hindi pa nagsi-sink in.“Anak ka ng taong sumira sa buhay niya.”Nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong binalik ang tingin sa lalaking hawak ko.Mas humigpit ang kapit ko sa collar niya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” mababa kong tanong.Malamig.Kontrolado.Pero sa loob ko gumagalaw na ang lahat.Ngumiti siya.Parang natutuwa pa.Parang hinihintay lang na itanong ko.“Hindi mo pa alam?” sagot niya.Hindi ko na napigilan.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya.Napaatras siya, napaluhod.Pero hindi siya tumahimik.Hindi pa rin.“Sumagot ka,” madiin kong sabi.Lumapit ako ulit.Hinila siya pataas.“Anong koneksyon nila Isabella kay Cyanne?”Dumura siya ng dugo sa gilid.Tapos tumingin sa’kin diretso.“Pareho silang anak,” sabi niya.Isang segundo.Dalawa.Hindi ako gumalaw.“Anak… ng iisang lalaki.”Parang may sumabog sa ulo ko.Napaatras ako ng kalahating hakbang.Hind
Tahimik ang kwarto pero hindi kalmado.Ramdam ko sa hangin pa lang.May nagmamadali.May paparating.Hindi na ito yung katahimikan ng pahinga.Kundi yung katahimikan bago may mangyari.Nakabihis na ako.Simpleng damit lang, pero bawat galaw ko may kirot. Hindi pa rin okay ang katawan ko pero wala na akong pakialam.Mas masakit yung nawala.At hindi na ako papayag na may sumunod pa.Sa gilid ng kama, maingat kong inilalagay ang ilang gamit sa bag.Kaunti lang.Yung kailangan lang.Wala nang luho.Wala nang arte.Survival na lang.Narinig ko ang pag-click ng pinto.Pumasok si Javier.Diretso ang lakad.Walang salita.Pero kita ko agad handa na siya.“Malapit na,” sabi niya, mababa ang boses.Tumango lang ako.Hindi na kailangan ng mahabang usapan.Pareho na naming alam.Lumapit siya sa’kin at kinuha ang bag.“Ako na,” sabi niya.Hinayaan ko.Pero hindi ako tumigil.Tiningnan ko ang paligid ng kwarto parang sinisigurado ko kung may naiwan ba akong mahalaga.Pero ang totoo wala naman na.
Javier’s POVHindi pa rin ako kumakalma.Kahit ilang minuto na akong nakatayo sa hallway, nakatitig lang sa kawalan hindi pa rin bumababa yung galit.Mas lalo pa nga.Parang mas lumalala habang tumatagal.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Isang mensahe.Unknown number.Nanikip agad ang dibdib ko.Hindi na ako nag-atubili.Binuksan ko.“Masakit mawalan, ‘no?”Nanlaki ang mga mata ko.Sumunod agad ang isa pang mensahe.“Ngayon alam mo na pakiramdam.”Napahigpit ang hawak ko sa phone.Isabella.Wala nang ibang gagawa nito.“Pero huwag kang mag-alala…” “Simula pa lang ‘yan.”“Damn it…” madiin kong bulong.Tumawag ako agad.Hindi na nag-ring.Sinagot agad.“Hello, My husband.”Malamig.Kalma.Parang wala lang.Parang hindi siya ang dahilan kung bakit may nawalan ng buhay.“Nasaan ka?” diretso kong tanong.Walang emosyon.Pero sa loob ko gusto ko siyang durugin.Mahina siyang natawa.“Miss mo na ako agad?”“Stop the game,” putol ko.“Hindi na ito laro.”Tahimik siya sandali.“Para sa’yo si
Javier’s POVHindi ko alam kung anong klaseng kaba ang nararamdaman ko ngayon.Kanina pa ako balisa. Kaninang umaga, tumawag na ako kay Veronica. Sinabi ko sa kanya na nawawala si Cyanne.Pero sa sobrang gulo ng isip ko, saka ko lang na-realize hindi man lang siya nag-panic.Hindi man lang siya nag
Javier’s POVHindi ko na alam kung ilang tawag na ang ginawa ko.Security.Reception.Driver.Kahit ang secretary ko.Walang nakakita kay Cyanne na lumabas ng may kasama.Walang nakakaalam kung saan siya pumunta.Parang naglaho siya.Isang araw na lang bago ang kasal.Isang araw.Hindi ako mapakali
Scarlett’s POVHindi ako sanay mag hintay.Kapag may plano ako, ginagawa ko agad.Nasa harap ko ang final layout ng engagement party. Venue secured, media invited, strategic partners confirmed. Lahat carefully curated.At syempre… personal kong siniguradong nakatanggap ng invitation si Veronica.Hi
Javier’s POVDumating ang araw na ito nang mas mabilis kaysa inaasahan ko.Nakatayo ako sa harap ng salamin ng hotel suite na inihanda para sa amin. Maayos ang suit. Perfect ang fit. Flawless ang itsura.Para sa iba, isa itong selebrasyon.Para sa akin… isa itong battlefield.Mula sa bintana, tanaw







