Ang ikinalulungkot ng sobra ni Catherine ay ang wala siyang lakas para hubarin ang kanyang pantalon. Sa huli, kailangan niya rin ang tulong ni Shaun.Sa oras na nakabalik siya sa kama, sobrang nahihiya siya na niyakap niya ang sarili niya sa ilalim ng kumot.Sa kaloob-looban, nakakatawa ito para kay Shaun. Mas lalo niya pinagtataka kung siya ay nagpapanggap maging walang hiya noong nilalandi siya nito dati.…Isang oras ang makalipas, nakahanap ng mag-aalaga para kay Catherine si Shaun.Subalit, nakatulog na si Catherine sa oras na iyon. Mayroon siyang kaso na paglalaban kinabukasan ng umaga at hindi niya pa naaayos ang mga dokumento. Sa gayon, nagbigay siya ng mga utos sa mag-aalaga at pagkatapos ay umalis na.Nang magising si Catherine sa gitna ng gabi, nakita niya malambing ang itsura na babae na parang nasa 40 years old na nasa dulo ng upuan.Sa pagpansin sa mga aktibidad, nagising ang babae at ipinaliwanag, “Ako ang tagapag-alaga na tinanggap ni Mr. Hill na mag-aalaga sa iy
Inangat niya ang phone para tignan ito. May nilalaman itong recording na nagrecord sa sinabi ni Henry ngayon lang.“Ikaw na bahala ang humawak sa recording na nasa phone na binigay ko sayo.” Tinignan siya ni Shaun. “Pigilan mo ang init ng ulo mo sa susunod. Natalo ka sa bidding dahil lang hindi mo mapangalagaan ang disenyo mo. Itrato mo ito bilang isang pag-aaral. Kailangan mo maging maingat sa lahat ng tao sa lugar ng trabaho.”Tinignan siya ni Catherine ng may tuliro ngunit kumplikadong ekspresyon.Inakala niya na nanalo si Rebecca dahil si Shaun at si President Sawyer ay kinokontrol ito ng palihim. Sa saglit na iyon, siya ay naguguluhan, hindi alam bakit siya tinutulungan nito. Si Rebecca ba ang gumawa ng mga maling pahayag at nagsinungaling sa kanya?“Bakit natulala ka ulit diyan?” Hindi nasisiyahan si Shaun. Sa saglit na iyon, dapat siya ay lubos na nagpapasalamat sa kanya.“Ako lang ay… Wala. Gayon pa man, maraming salamat,” sabi ni Catherine ng taos-puso.“Dapat mo talag
Si Catherine ay sobrang namangha. Nakaramdam siya na may kakaiba sa pagkakataon na iyon.“Karma,” masayang sabi ni Freya, “Kung makikita mo, maraming malalaking design company ang lumahok sa bidding kahapon, at umubos sila ng mahabang oras para makakuha ng magandang deal sa manpower at material resources para paghandaan ang event. Lahat ng effort nila ay nawalan ng saysay ngayon. Siguro ang center ay nakasakit ng damdamin ng isang tao.”Naniwala si Catherine pagkatapos pagisipan ‘to. Kahit papaano, lumabas ito bilang magandang balita sa kanya na ang effort ni Rebecca ay nawalan ng saysay. Buti nga sa kanya.…Summit Building Design Group.Sobrang galit si Jeffrey na binato niya ang ashtray agad-agad.Ito ang unang beses na nakita ni Rebecca na ganito kagalit si Jeffrey. Yumuko siya sa isang tabi at hindi na naglakas ng loob na gumalaw. Ang pinakamataas na management ng kumpanya ay pinagdiriwang kagabi sa feast ang tagumpay na nakuha at ngayon kampante siyang pumunta ng trabaho
Hospital.Si Catheerine ay pinauwi mula sa ospital matapos ang dalawang araw.Si Shaun ay personal na nagmaneho sa ospital para sunduin siya. Alam ang ekstra ordinaryong panggagamot na kanyang natanggap, si Catherine ay nakaramdam na siya ay pinupuri.Matapos na magmaneho ng malayo, hindi siya bumalik sa Jadeite Bay. Sa halip dumating siya sa car park ng isang malaking mall.Na may walang pakialam na ekspresyon, sabi ni Shaun, “Si Fudge ay mapili at may kaunti ang gana ng wala ka para magluto para sa kanya sa nakaraang ilang araw. Bumili ka ng maraming sangkap at gumawa ng masarap na bagay para sa kanya.”“...”Nakatitig sa kanyang eleganteng mukha, si Catherine ay seryosong nagtataka kung si Fudge o siya ang mapili sa pagkain.“Ano ang hinihintay mo? Dalian mo.”Sawa na siya sa hindi nakakatakam na pagkain na dinadala ni Hadley para sa kanya sa nakaraang dalawang araw.“Oh.” Tinanggal ni Catherine ang seatbelt at lumabas sa kotse. Tutal nakagawa siya ng pabor para sa kanya sa
Dagdag pa ni Catherine, “Kailangan ko ang mga pampalasang ito sa aking pagluluto. At saka, bumili ako ng ilang noodles para makapagluto ako para sa’yo kapag gabi ka nang uuwi galing sa trabaho. Nauubusan na rin tayo ng toilet paper at mga basahan.”Sa sandaling iyon, si Shaun ay sumailalim sa delusyon na ang babaeng ito ay kanyang asawa, dahil ito ang nag-aabala ng lahat para sa bahay.“Oo nga pala…” Nakaturo sa tissue paper box, pagpapatuloy ni Catherine, “...ilalagay ‘to sa sasakyan mo. Nang sa ganon, hindi mo kailangan gamitin ang tissue paper sa gas station. Ang klase ng soft tissue paper na ito ay medyo matipid.”“Kailan pa ko gumamit ng tissue paper na bigay ng gas station?”“Nasa sasakyan mo. Nandun pa.” Takot na nababahala ang lalaki sa pagsalba ng dignidad nito, nagdahilan si Catherine ng paghanga. “Hindi na mahalaga ‘yun. Gusto ko lang ang personalidad mong may kakayahan pero matipid. Ito ang unang beses na nakakilala ako ng lalaki nabubuhay sa kanyang pinakamaayos na buh
Matapos papalitan ni Catherine ang kanyang SIM card noong hapong iyon, lumabas sa kanyang telepono na mayroon siyang sampung tawag na hindi nasagot.Ang mga tawag na ito ay mula kina Freya, Jeffrey, Sally, at marami pang ibang mga tao.Marahil ay nag-aalala ang mga ito matapos malaman ang nangyari noong isang araw?Sa loob-loob niya’y hindi niya mapigilang makaramdam ng pag-asam. Anuman ang dahilan, tinawagan pa rin nito si Sally pabalik.“Mom…”“Tinawagan mo na rin ako pabalik.” Galit ang tono ng boses ni Sally. “Gaanong katagal mo pa gusto riyan sa labas? Umuwi ka na, ngayon na!”Pumait ang kalooban ni Catherine nang marinig niya ang mga katagang ‘umuwi na’. “Tahanan ko pa rin ba ‘yan?”“Catherine, kung hindi ka uuwi ngayon, huwag ka na lang umuwi. Hindi mo na rin naman kailangan kaming kilalanin ng ama mo.”Ibinaba ni Sally ang tawag matapos niya itong sabihin.Pagkatapos nitong panandaliang mag-alinlangan, napagdesisyunan ni Catherine na umuwi. Kung sa bagay, sina Jeffre
“Ay dapat lang sa’yo, ano,” Sabi ni Sally sa isang nakasasakit na paraan, “Kaya ka pala hiniwalayan ni Ethan.”Tuluyang hindi makapagsalita si Catherine. Kahit ang pinakamaliit niyang bakas ng pag-asa ay naglaho.Ano ba iniisip niya. Sana’y hindi na lamang siya bumalik.Wala namang pakialam ang mag-asawang Jones sa katotohanan. Mas mahalaga pa rito, hindi mapapalitan si Rebecca.Nalulumbay na iniunat ni Catherine ang kanyang kamay. “Akin na ang aking telepono. Aalis na lang ako. Hindi na dapat bumabalik pa ang mga kahihiyang tulad ko. Hindi ako karapat-dapat na maiugnay sa inyong lahat.“Plano mo bang bibigyan ng kahihiyan ang pamilyang ito o sadyang manggugulo ka na lang sa labas?” Kutya ni Jeffrey. “Dito ka lang sa bahay ay pag-isipan mo ang mga ginawa mo. Kapag napagdesisyunan mo nang maging lantad, baka doon lang kita palayain.”Nang matapos magsalita si Jeffrey, ipinalakpak nito ang kanyang kamay. May mga gwardyang lumabas mula sa pintuan at agad na dinampot si Catherine.“
Matapos makaalis ni Shaun mula sa trabaho, pumunta siya sa isang pagpupulong patungkol sa isang international financial case noong kinagabihan.Sa sandaling binuksan niya ang ilaw pagkauwi niya ng bagay, tumakbo papunta sa kanya si Fudge. Patuloy itong nagme-meow habang niyayakap ang kanyang binti.“Na-miss mo ako masyado, huh?”Marahang kinusot ni Shaun ang kanyang ulo. Matapos ang ilang sandali, napansin niyang may hindi tama kay Fudge ngunit hindi niya ito masabi hanggang sa ikinuskos nito ang kanyang ulo sa tasang walang laman.Marahil ay nagugutom si Fudge.Hindi ba siya pinakain ni Catherine?Agad-agaran siyang nagbuhos ng pagkain sa lalagyan ni Fudge na mukhang gutom na gutom na.Pumasok si Shaun sa kwarto upang hanapin sa Catherine upang makita lamang na hindi pa ito nakakabalik. Nandilim ang kanyang itsura.Ang dami nang gulong kinasasangkutan nitong babaeng ito. Kalalabas niya lamang ng ospital at ngayong nakauwi na ito’y iniwan niyang gutom si Fudge.Hindi pa rin it