Share

Kabanata 3

Penulis: Hammer Titan
Habang tulala pa ako, dumating ang ina ni Nara na si Mrs. Sullivan, nagngingitngit sa galit. "Amber, ‘yang pamangkin mo binuhusan ng juice si Nara! Kung hindi lang siya pinigilan ni Hansel, talagang makakatikim sa akin ang pamilya Sullivan dito!"

Agad na nagsalita si Hansel, "Amber, inawat ko lang si Ezra para hindi lumaki ang gulo sa pagitan ng pamilya niyo at ng Sullivan. Huwag kang mag-alala, pinigilan ko naman ang sarili ko—hindi ko naman talaga siya sasaktan."

Tinitigan ko siya nang seryoso habang kagat-labi. Halata sa mukha ni Ezra ang pamamaga at may dugo pa sa labi. Sobrang kapal naman ng mukha ni Hansel na sabihing "nagpigil" siya.

Sa ilalim ng matalim kong tingin, bahagya siyang yumuko, tila alam niyang mali ang ginawa niya. Tapos hinarap ko si Mrs. Sullivan at sarkastikong sinabi, "Mrs. Sullivan, half an hour ago lang, nasa rooftop ‘yung anak mo at gustong magpakamatay. At ako ang nagsabi kay Hansel na tulungan siya.

"So, technically, ako ang lifesaver niya. Si Ezra naman, dumating dito galing school para sa kasal ko. Pagdating niya, nalaman niyang may nagpalit ng bride. Inisip niya na inaapi ako, kaya hindi niya napigilan ang sarili at ibinuhos ‘yung inumin niya sa bagong bride—para maipagtanggol ako."

Matalim ko siyang tinitigan at itinuloy, "Kung tutuusin, dahil ako ‘tong lifesaver ni Nara, puwede na siguro nating sabihing quits na lang tayo, ‘di ba?"

Nakakunot ang noo ni Mrs. Sullivan, halatang gusto niyang makipagtalo pa, pero hindi niya kayang suwayin ang mga mata ng mga tao. Nagpasya na lang siyang tumalikod at tabihan si Nara.

Inalalayan ako ni Ezra para tumayo. Napansin ni Hansel ang mukha kong namumutla, kaya nagtanong siya nang may pag-aalala, "Amber, bakit parang ang putla mo?"

Hindi ko na lang siya pinansin at bumulong kay Ezra, "Tawag ka ng ambulansya…"

Kaagad na sinunod ni Ezra ang sinabi ko at kinuha ang phone.

Nagulat si Hansel. "Ano? Bakit kailangan ng ambulance? Sobrang lakas ba nang pagkatulak ko sayo? Hindi naman siguro ganun katindi, ‘di ba?"

"Paandar mo lang ‘yan, Amber, para mag-alala siya," singit ni Nara nang sarkastiko.

Sumimangot si Hansel. "Ganoon ba, Amber? Hindi ko gusto ‘yung ganiyang manipulative na style."

Nag-init si Ezra, gusto nang gumanti, pero pinigilan ko siya. "Ezra, tulungan mo lang akong makalabas." Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang dahan-dahan kaming naglakad papunta sa entrance ng hotel, labis ang sakit na naramdaman ko.

Susubukan sana kaming pigilan ni Hansel, nang bigla naming marinig, "Nawalan ng malay si Ms. Sullivan!" Kaagad siyang napalingon, binuhat si Nara, at sumigaw, "Dalhin sa ospital!"

Lumingon ako para tingnan sila habang binabaybay niya ang crowd, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha niya. Sumikip ang dibdib ko nang maalala kong kahit noong mga panahong pinakamahal niya ako, si Nara pa rin ang pipiliin niyang unahin. Kung sana noon ko pa nalaman ‘to sa dati kong buhay, baka hindi ganoon kapait ang naging katapusan ko.

"Amber, nandito naman ako," biglang sabi ni Ezra habang tinutulungan niya akong maglakad. "Huwag kang malungkot. Hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit."

Nakangiti akong sumagot, "Hindi ako malungkot, huwag kang mag-alala."

Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Ezra. "Hindi bale, pagtanda ko, hindi ko na hahayaang may manakit sa ‘yo kailanman!"

Sa wakas, nakarating kami sa labas ng hotel. Dahil malapit lang ang ospital, mabilis dumating ang ambulansya.

Bago pa man ako makapagsalita, biglang dumating si Mrs. Sullivan na hysterical, "Doktor, tulungan niyo ‘yung anak kong nawalan ng malay!"

May biglang tumulak sa akin nang malakas. Kung hindi lang ako inaalalayan ni Ezra, malamang bumagsak ako nang masama.

Napatingin ako nang masama—si Hansel ang bumaba kasama si Nara. Pagkakita niya sa akin, ni hindi man lang siya nagpakita ng pagsisisi, bagkus tuwirang sinabi, "Amber, maliit na tulak lang naman ‘yon, samantalang si Nara nangangailangan ng immediate medical attention dahil nawalan siya ng malay.

"Kailangan niya ‘yung ambulansya. Magpahatid ka na lang sa bahay at magpahinga, ha?"

Lalong tumindi ang kirot sa tiyan ko, kaya umiling ako. "Hindi puwede. Kailangan kong pumunta ng ospital!"

Alam kong nagkukunwari lang si Nara, at hindi ko kayang isugal ang buhay ko nang dahil sa theatrics niya.

Sumugod si Mrs. Sullivan at bigla akong sinampal. "Walang hiya ka! Sino ka para makipagkompitensya sa anak ko?"

Sumaklolo si Ezra, pero agad siyang inawat ng mga security guard. Napaluhod ako sa sobrang sakit, nanginginig ang katawan ko, at tinitingnan ko si Hansel—baka sakaling tulungan niya ako.

Iwas ang tingin ni Hansel, at sinabi niya, "Nag-aalala lang si Mrs. Sullivan para kay Nara. At saka, Amber, buhay ang pinag-uusapan dito. Hindi ka dapat nagseselos sa ganitong oras."

Inakusahan pa ako ng ibang tao na nagdadrama lang ako para magmukha akong mabuti kanina. Dahil do’n, tuluyan niyang binuhat si Nara at pumasok sa ambulansya.

Bago sila umalis, hinarap pa ako ni Hansel, "Amber, mabait ka. Alam kong maiintindihan mo ‘yung choice ko, ‘di ba?"

Ni hindi na hinintay ‘yung sagot ko, at sumakay na siya.

Habang unti-unting nawawala ‘yung ambulansya, napasigaw ako nang galit, "Hansel, walanghiya ka!"

May biglang napatingin sa binti ko at sumigaw, "Diyos ko, dinudugo siya! Ang daming dugo!"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 10

    Huminga nang malalim si Sebastian, saka niya isinambit ang isang lihim na hindi ko kailanman nalaman noon. "Kasi naramdaman kong may kasalanan ako sa pagkamatay mo."Kung noon pa lang ay mas naging matapang ako at sinabi sayo na si Hansel ang nagbayad sa roommate mo para siraan ka tungkol sa plagiarism… At kung sinabi ko rin na ako ‘yung nagpuyat nang ilang araw para makahanap ng ebidensyang papawalang-sala ka…"Siguro baka nakita mo ‘yung tunay niyang mukha. Baka iba ang naging takbo ng buhay mo. Pero sinabi ni Hansel sa akin na gusto mo raw siya, at tinanong niya kung kakayanin ko bang saktan ‘yung puso mo."Hindi ko kaya. Natakot din akong baka hindi mo ako paniwalaan, kaya…"Dito na nabasag ang boses niya sa paghikbi. Blanko rin ang isip ko, at nagsimulang lumuha ang mga mata ko. Hindi ko inakala na ‘yung mga dahilan kung bakit ko tinanggap si Hansel ay mga dahilan palang kinuha niya kay Sebastian.Habang umiiyak nang todo si Sebastian, hindi ko napigilan na suntukin siya. Para siy

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 9

    Tumalikod ako at tumuloy sa itaas. Sinubukan ni Hansel na sundan ako, pero pinigilan siya ni Nara, nakahawak sa braso niya.Napalingon si Hansel kay Nara—mukhang inosente, pero halata ang masasamang intensyon. Pumasok sa isip niya ‘yung mga sinabi ni Nara at lalo siyang nagalit.Sa inis, sinampal niya si Nara nang malakas, sabay sabi sa tonong puno ng pagkadismaya, "Pinagbigyan kita nang paulit-ulit dahil nirerespeto ko ang mga magulang mo. Bakit ayaw mo pa ring tigilan si Amber?"Hindi pa kailanman nasampal ni Hansel si Nara, kaya bigla itong napaiyak at sumigaw, "Hansel Lennox, bastos ka! Asawa mo ako ngayon, at si Amber ay isang kahihiyang kabit! Buti nga at hindi ko pa siya ipinapapatay!"Nananatiling malamig ang ekspresyon ni Hansel. "Tama na! Dahil buntis ka, hahayaan na lang kitang mabuhay nang tahimik. Umalis ka ngayon din!"Magkukwento pa sana si Nara, pero inunahan na naman siya ni Hansel, "Ngayon na! Umalis ka!"Namuo ang luha sa mata ni Nara dahil sa galit, pero napipilitan

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 8

    Pagkatapos nito ay sumama ako kay Hansel papunta sa villa na inihanda niya para sa akin. Mula nang araw na iyon, naging masunurin akong "asawa"—walang pagtatalo, walang kahit na anong problema.Parang naging isang ibong hinahayaan na lang ang sarili na mahalin siya nang sobra hanggang nakalimutan ko na ang sarili.Noong una, madalas siyang bumisita, pero kinalaunan naging isang beses na lang sa isang linggo. Tuwing dumadalaw siya, nakikita kong lalong lumalalim ‘yung "guilt" sa mga mata niya—alam kasi niyang may kalokohang ginagawa si Nara sa likod niya, at pinipili niyang magbulag-bulagan. Dahil na rin sa mahigpit na pagkatali ng Lennox at Sullivan families, hindi niya kayang kalabanin ang heiress na iyon.Kapalit nito, binibigyan niya ako ng mga mamahaling alahas at handbags—na dati ay tatanggihan ko, pero ngayon ay tinatanggap ko na lang. Sa isip-isip ko, parte na rin ito ng paghihiganti ko—kunwari lang akong nakikisakay, pero kabayaran na rin sa lahat ng sakit na dinanas ko.Minsan

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 7

    Hindi ko magawang tingnan nang matagal ang mga mata ni Sebastian. Ang kaniyang mga mata ay puno ng pagmamahal, at labis itong umiyak noong namatay ako sa nakaraan kong buhay.Naalala ko pa, nabangga siya sa isang aksidente sa kotse pauwi mula sa libing ko, muntik na siyang mamatay. At siya pa mismo ang nagpagamot sa sarili niya.Habang nakatingin sa kanya, kumirot ang puso ko. Mahina akong sumagot, "Okay."Dire-diretso pa rin ang pag-rant ni Sebastian, aniya’y hindi niya ako gustong samantalahin at walang hihingin kapalit. Bigla siyang tumigil nang marinig niya ang simpleng "okay" ko.Nakakatawa siyang pagmasdan na tila naguluhan at medyo cute ang itsura. Pakiramdam ko, bumuti nang kaunti ang masama kong mood. Sabi ko, "Hindi ko naman balak manatili sa tabi ni Hansel. Pa-delay lang talaga ‘yun. Ayaw ko kasing maunahan ng galit ‘yung taong ‘yon—baka kung ano pang gawin.""Hinding-hindi ko siya haharapin nang direkta. Kailangan ko lang maghintay ng tamang tiyempo."Kita ko kung gaano kal

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 6

    Biglang ngumiti si Hansel, akala mo ay nagtagumpay siya. Kinuha niya ang isang malaking pink diamond ring at isinuot sa daliri ko, sabay pangakong, "Amber, iingatan kita habambuhay."Eksaktong tumunog ang phone niya. Napatingin siya sa screen at nag-iba ang ekspresyon niya. Alam ko si Nara ‘yon, kaya sinabi ko, "Sige, sagutin mo."Saka lang pinindot ni Hansel ang "Answer". Agad kong narinig ang malambing na boses ni Nara, "Hansel, bilisan mo rito! Kakausap ko lang sa doktor—buntis daw ako! Ang saya-saya! Magkakaanak na tayo!"Biglang nanginig ang mukha ni Hansel, at napatingin siya sa akin na puno ng kaba. Tinitigan ko rin siya, pareho kaming gulat. Pakiramdam ko, nabiyak ang puso ko sa sobrang sakit.Ang akala ko talaga ay minahal lang talaga ni Hansel si Nara nang hindi niya namamalayan. Hindi ko inasahang may nangyari na pala sa kanila. Sa mismong araw na nawalan ako ng anak, nagkaroon naman siya ng bago—at anak pa ‘to ng pinakamamahal niyang babae.Napakatindi ng irony.Namumula an

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 5

    Biglang lumiwanag ang mukha ni Hansel, waring may nabuong pag-asa. Pakunwaring seryoso niyang sinabi, "Napag-isipan ko na ‘to papunta rito. Naglabas na ng official statement ang pamilya namin at ang pamilya Sullivan tungkol sa kasal namin."Kung bigla kong ide-declare na drama lang lahat ‘to, sisirain ko ang interes ng parehong pamilya—lalo na ‘yung akin. Kaya hindi ko pwedeng iwan si Nara nang hindi bababa sa isang taon. Pero magpapagawa ako ng private na bahay na may pinakamahigpit na security. Doon ka titira, at dadalawin 'pag may pagkakataon."Pag hawak ko na nang buo ang kumpanya at humupa na ang iskandalo, i-aanunsyo ko sa publiko na makikipagdiborsyo ako kay Nara. Pagkatapos, pakakasalan kita."Bago pa ako makasagot, sumiklab na ang galit ni Sebastian. Hinawakan niya nang madiin si Hansel sa kuwelyo, saka isinigaw, "Walanghiya ka! Gusto mo pa yatang gawing kabit si Amber? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo para agawin siya sa akin noon, ganito mo siya babalewalain?"Noon kasi, par

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status