Short
Lihim sa Dilim

Lihim sa Dilim

By:  Bitter BambooCompleted
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
9Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hindi man lang ako hinawakan ng aking asawa sa aming honeymoon. Sabi niya, masyado siyang pagod at nakiusap na maghintay ako. Pero tuwing madaling-araw, palihim siyang bumababa sa basement. Kapag bumabalik siya, agad siyang naliligo para mawala ang hindi maipaliwanag na amoy. Tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya roon, at ang sagot niya, nag-eehersisyo siya. Pero sino namang mag-eehersisyo sa kalagitnaan ng gabi? Hindi ko na kaya. Isang gabi, nagdesisyon akong sumilip sa basement para alamin ang totoo. Hinabol niya ako at hinawakan ang pajama ko, saka pasigaw na sinabi, "Bumalik ka rito! Hihiwalayan kita kapag bumaba ka dyan!"

View More

Chapter 1

Kabanata 1

Hawak-hawak ko ang railings ng hagdan at nagsimula akong manginig sa galit. Inubos ng mga magulang ko ang malaking bahagi ng ipon nila para bilhin ang maliit na villa na ito para sa akin bilang bahay naming mag-asawa.

Bahay ko 'to, kaya bakit hindi ako pwedeng pumasok sa basement?

Hindi lang iyon, pero bilang asawa ko, paano niya nagawang sabihan ako nang sobrang masasakit sa salita?

Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang galit ko. "Zane, paano mo nagawang kausapin ako nang ganito?"

Mahigpit na hinawakan ni Zane Kors ang pajama ko. "Honey, umakyat muna tayo. Ipapaliwanag ko ang lahat pagbalik natin sa kwarto."

"Hindi mo ba kayang ipaliwanag ngayon?" Itinuro ko ang napakadilim na basement. "Bakit hindi ako pwedeng bumaba doon? Wala ba akong karapatang gawin yon?"

"Nag-eehersisyo ako nitong mga nakaraang araw, at nasa ibaba ang mahahalagang equipment ko. Pero hindi mo pa sila pwedeng makita." Lumapit si Zane sa paanan ng hagdan, hinarangan ako.

"Bakit hindi?"

"Dahil hindi pa ito ang tamang oras. Kapag dumating na ang tamang panahon, ipapakita ko sa iyo!"

Lumubog ang pakiramdam ko. Huminga ako ulit nang malalim para kumalma.

"Kung ganoon, bakit mo kailangang sabihin ang mga masasakit na salitang iyon nang habulin mo ako kanina?"

"Na... nadala lang ako ng emosyon. At saka, alam mo naman kung anong klaseng tao ako — matalim ang dila, pero malambot ang puso."

Mapait akong tumawa, saka tumalikod para umakyat. As if namang pwedeng magkaroon ng lalaking matalim ang dila, pero malambot ang puso!

Sige. Maghihintay ako hanggang magtrabaho siya bukas para makababa ako at malaman kung ano ang nangyayari.

...

Pagbalik ko sa kama, hindi ako mapakali at hindi makatulog.

May kahina-hinalang nangyayari sa basement, at siguradong malaki ito.

Nagtatago kaya si Zane ng isang lihim na ikinahihiya niya?

Bumaling ako sa kanya. Mukhang hindi rin siya makatulog. Nakatitig siya sa kisame nang nakadilat ang mga mata, waring may malalim na iniisip.

Pinailawan ng sinag ng buwan ang makinis na gilid ng mukha niya, dahilan para magmukhang sobrang gwapo niya. Ang matipuno niyang katawan ay dumagdag pa sa karisma niya.

Nang balikan ko ang panahon na nililigawan niya ako, halos hindi ako makapaniwala sa tuwa. Napakaguwapo niya, samantalang simple lang ako. Ano nga ba ang nagustuhan niya sa akin?

Sinabi niya noon na gusto niya ang pagiging mahinahon at tahimik ko, pati na rin ang kakaiba kong presensya.

Pinaniwalaan ko iyon.

Pero kung totoo iyon, bakit hindi niya ako kailanman hinawakan sa gabi?

Kung tutuusin, ako naman ang sweet niyang asawa at hindi pa nga tapos ang aming honeymoon, normal ba ito?

Sa wakas, hindi ko na napigilan. Inabot ko ang kanyang mukha at hinaplos iyon.

"Anong ginagawa mo?" Para siyang nakuryente, agad na umatras sa kabilang side, nakatingin sa akin na parang nandidiri. Parang tingin niya sa akin ay pulubi o maruming asong ligaw.

Natauhan ako, at pagalit akong tumalikod.

Gayunpaman, hindi ko kayang lunukin ang galit ko. Kung wala siyang nararamdaman para sa akin, bakit niya ako niligawan? Bakit pa kami nagkaroon ng relasyon?

Sa mga kaisipang ito, bigla akong bumaling muli. Tinitigan ko siya nang masama at sinabi, "Sinabi mong hindi pa natin pwedeng gawin iyon dahil sa health reasons mo, at naiintindihan ko naman. Pero hinawakan lang naman kita ng kamay ko. Bakit naman ganon katindi ang reaksyon mo?"

"Paulit-ulit ko nang sinabi sa iyo na may problema ako sa pag-iisip. Naghahanap ako ngayon ng psychologist, kaya kailangan mong magtiyaga at hintayin ako." Dinampot ni Zane ang phone niya at marahang tinapik ang balikat ko gamit iyon. "Honey, pakihintay pa nang kalahating taon. Pagkalipas ng anim na buwan, ipinapangako kong mamahalin kita nang tama."

Hindi man lang niya ako magawang hawakan gamit ang mga kamay, phone pa ang ginamit. Ganito ba ako kadumi? Paano ko paniniwalaan ang mga sinasabi niya?

Pero wala akong ibang magawa kundi maghintay na lang muna. Napabuntong-hininga ako at muling tumalikod.

Kung tutuusin, naibigay ko na ang lahat sa asawa ko. Mula nang nagsimula kaming mag-date, tinupad ko lahat ng gusto niya.

Sinabi niyang gusto niya ng relos, kaya bumili ako ng mamahaling relos na anim na digit ang presyo.

Sinabi niyang gusto niyang mag-travel, kaya nilibot ko ang mundo kasama siya.

Sinabi niyang gusto niyang kumita sa pamamagitan ng investments, kaya pinautang ko siya para matuto siyang mamuhunan.

Sa madaling sabi, hangga't kaya kong ibigay ang gusto niya, hindi ako nag-atubiling ibigay ito.

Pero nang maging bagong kasal na kami, ito ang isinukli niya sa akin.

Lahat ng ito ay dahil sa basement na iyon!

Galit na galit ako sa basement na yan! Kahit balik-baliktarin ko pa iyon, kailangan kong malaman ang totoo!

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
9 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status