Share

Kabanata 7

Author: Hammer Titan
Hindi ko magawang tingnan nang matagal ang mga mata ni Sebastian. Ang kaniyang mga mata ay puno ng pagmamahal, at labis itong umiyak noong namatay ako sa nakaraan kong buhay.

Naalala ko pa, nabangga siya sa isang aksidente sa kotse pauwi mula sa libing ko, muntik na siyang mamatay. At siya pa mismo ang nagpagamot sa sarili niya.

Habang nakatingin sa kanya, kumirot ang puso ko. Mahina akong sumagot, "Okay."

Dire-diretso pa rin ang pag-rant ni Sebastian, aniya’y hindi niya ako gustong samantalahin at walang hihingin kapalit. Bigla siyang tumigil nang marinig niya ang simpleng "okay" ko.

Nakakatawa siyang pagmasdan na tila naguluhan at medyo cute ang itsura. Pakiramdam ko, bumuti nang kaunti ang masama kong mood. Sabi ko, "Hindi ko naman balak manatili sa tabi ni Hansel. Pa-delay lang talaga ‘yun. Ayaw ko kasing maunahan ng galit ‘yung taong ‘yon—baka kung ano pang gawin."

"Hinding-hindi ko siya haharapin nang direkta. Kailangan ko lang maghintay ng tamang tiyempo."

Kita ko kung gaano kal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 10

    Huminga nang malalim si Sebastian, saka niya isinambit ang isang lihim na hindi ko kailanman nalaman noon. "Kasi naramdaman kong may kasalanan ako sa pagkamatay mo."Kung noon pa lang ay mas naging matapang ako at sinabi sayo na si Hansel ang nagbayad sa roommate mo para siraan ka tungkol sa plagiarism… At kung sinabi ko rin na ako ‘yung nagpuyat nang ilang araw para makahanap ng ebidensyang papawalang-sala ka…"Siguro baka nakita mo ‘yung tunay niyang mukha. Baka iba ang naging takbo ng buhay mo. Pero sinabi ni Hansel sa akin na gusto mo raw siya, at tinanong niya kung kakayanin ko bang saktan ‘yung puso mo."Hindi ko kaya. Natakot din akong baka hindi mo ako paniwalaan, kaya…"Dito na nabasag ang boses niya sa paghikbi. Blanko rin ang isip ko, at nagsimulang lumuha ang mga mata ko. Hindi ko inakala na ‘yung mga dahilan kung bakit ko tinanggap si Hansel ay mga dahilan palang kinuha niya kay Sebastian.Habang umiiyak nang todo si Sebastian, hindi ko napigilan na suntukin siya. Para siy

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 9

    Tumalikod ako at tumuloy sa itaas. Sinubukan ni Hansel na sundan ako, pero pinigilan siya ni Nara, nakahawak sa braso niya.Napalingon si Hansel kay Nara—mukhang inosente, pero halata ang masasamang intensyon. Pumasok sa isip niya ‘yung mga sinabi ni Nara at lalo siyang nagalit.Sa inis, sinampal niya si Nara nang malakas, sabay sabi sa tonong puno ng pagkadismaya, "Pinagbigyan kita nang paulit-ulit dahil nirerespeto ko ang mga magulang mo. Bakit ayaw mo pa ring tigilan si Amber?"Hindi pa kailanman nasampal ni Hansel si Nara, kaya bigla itong napaiyak at sumigaw, "Hansel Lennox, bastos ka! Asawa mo ako ngayon, at si Amber ay isang kahihiyang kabit! Buti nga at hindi ko pa siya ipinapapatay!"Nananatiling malamig ang ekspresyon ni Hansel. "Tama na! Dahil buntis ka, hahayaan na lang kitang mabuhay nang tahimik. Umalis ka ngayon din!"Magkukwento pa sana si Nara, pero inunahan na naman siya ni Hansel, "Ngayon na! Umalis ka!"Namuo ang luha sa mata ni Nara dahil sa galit, pero napipilitan

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 8

    Pagkatapos nito ay sumama ako kay Hansel papunta sa villa na inihanda niya para sa akin. Mula nang araw na iyon, naging masunurin akong "asawa"—walang pagtatalo, walang kahit na anong problema.Parang naging isang ibong hinahayaan na lang ang sarili na mahalin siya nang sobra hanggang nakalimutan ko na ang sarili.Noong una, madalas siyang bumisita, pero kinalaunan naging isang beses na lang sa isang linggo. Tuwing dumadalaw siya, nakikita kong lalong lumalalim ‘yung "guilt" sa mga mata niya—alam kasi niyang may kalokohang ginagawa si Nara sa likod niya, at pinipili niyang magbulag-bulagan. Dahil na rin sa mahigpit na pagkatali ng Lennox at Sullivan families, hindi niya kayang kalabanin ang heiress na iyon.Kapalit nito, binibigyan niya ako ng mga mamahaling alahas at handbags—na dati ay tatanggihan ko, pero ngayon ay tinatanggap ko na lang. Sa isip-isip ko, parte na rin ito ng paghihiganti ko—kunwari lang akong nakikisakay, pero kabayaran na rin sa lahat ng sakit na dinanas ko.Minsan

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 7

    Hindi ko magawang tingnan nang matagal ang mga mata ni Sebastian. Ang kaniyang mga mata ay puno ng pagmamahal, at labis itong umiyak noong namatay ako sa nakaraan kong buhay.Naalala ko pa, nabangga siya sa isang aksidente sa kotse pauwi mula sa libing ko, muntik na siyang mamatay. At siya pa mismo ang nagpagamot sa sarili niya.Habang nakatingin sa kanya, kumirot ang puso ko. Mahina akong sumagot, "Okay."Dire-diretso pa rin ang pag-rant ni Sebastian, aniya’y hindi niya ako gustong samantalahin at walang hihingin kapalit. Bigla siyang tumigil nang marinig niya ang simpleng "okay" ko.Nakakatawa siyang pagmasdan na tila naguluhan at medyo cute ang itsura. Pakiramdam ko, bumuti nang kaunti ang masama kong mood. Sabi ko, "Hindi ko naman balak manatili sa tabi ni Hansel. Pa-delay lang talaga ‘yun. Ayaw ko kasing maunahan ng galit ‘yung taong ‘yon—baka kung ano pang gawin.""Hinding-hindi ko siya haharapin nang direkta. Kailangan ko lang maghintay ng tamang tiyempo."Kita ko kung gaano kal

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 6

    Biglang ngumiti si Hansel, akala mo ay nagtagumpay siya. Kinuha niya ang isang malaking pink diamond ring at isinuot sa daliri ko, sabay pangakong, "Amber, iingatan kita habambuhay."Eksaktong tumunog ang phone niya. Napatingin siya sa screen at nag-iba ang ekspresyon niya. Alam ko si Nara ‘yon, kaya sinabi ko, "Sige, sagutin mo."Saka lang pinindot ni Hansel ang "Answer". Agad kong narinig ang malambing na boses ni Nara, "Hansel, bilisan mo rito! Kakausap ko lang sa doktor—buntis daw ako! Ang saya-saya! Magkakaanak na tayo!"Biglang nanginig ang mukha ni Hansel, at napatingin siya sa akin na puno ng kaba. Tinitigan ko rin siya, pareho kaming gulat. Pakiramdam ko, nabiyak ang puso ko sa sobrang sakit.Ang akala ko talaga ay minahal lang talaga ni Hansel si Nara nang hindi niya namamalayan. Hindi ko inasahang may nangyari na pala sa kanila. Sa mismong araw na nawalan ako ng anak, nagkaroon naman siya ng bago—at anak pa ‘to ng pinakamamahal niyang babae.Napakatindi ng irony.Namumula an

  • Palitan ang Tadhana, Bagong Simula   Kabanata 5

    Biglang lumiwanag ang mukha ni Hansel, waring may nabuong pag-asa. Pakunwaring seryoso niyang sinabi, "Napag-isipan ko na ‘to papunta rito. Naglabas na ng official statement ang pamilya namin at ang pamilya Sullivan tungkol sa kasal namin."Kung bigla kong ide-declare na drama lang lahat ‘to, sisirain ko ang interes ng parehong pamilya—lalo na ‘yung akin. Kaya hindi ko pwedeng iwan si Nara nang hindi bababa sa isang taon. Pero magpapagawa ako ng private na bahay na may pinakamahigpit na security. Doon ka titira, at dadalawin 'pag may pagkakataon."Pag hawak ko na nang buo ang kumpanya at humupa na ang iskandalo, i-aanunsyo ko sa publiko na makikipagdiborsyo ako kay Nara. Pagkatapos, pakakasalan kita."Bago pa ako makasagot, sumiklab na ang galit ni Sebastian. Hinawakan niya nang madiin si Hansel sa kuwelyo, saka isinigaw, "Walanghiya ka! Gusto mo pa yatang gawing kabit si Amber? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo para agawin siya sa akin noon, ganito mo siya babalewalain?"Noon kasi, par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status