Share

Kabanata 158

Author: Docky
last update Last Updated: 2026-01-04 23:50:22

LUCY’S POV

As I heard the sound of the door closing behind Feron, my heart started rumbling inside my chest--- crazily.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko sa kaniya. Hindi ganito ang plano kong paraan para i anunsyo sa kaniya ang tungkol sa baby namin.

Mas humakbang palapit sa akin si Feron at naupo sa p’westo kung nasaan si Dra. Castro kanina. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinaplos ‘yon. “Kumusta ang pakiramdam mo? Totoo ba ang sabi ng doctor na ayos ka lang?” Puno ng pag-aalala ang tono ng boses niya at maging ang mga mata niyang nakatingin ng diretso sa akin.

Tumango ako bilang sagot at pinilit na salubungin ang tingin niya. “A-Ayos lang ako. Simpleng pagdurugo lang ang nangyari at nabigla lang ang tiyan ko kaya sobrang sakit…”

Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa akin na parang inaaral niya kung may tinatago ako. Nang mapagtanto niyang nagsasabi ako ng totoo ay saka lang siya bumuntong-hininga. Ang stiff niyang balikat ay u
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 161

    “Si Roco muna ang kasama mo rito. Kailangan namin ni Daniel na pumunta ulit at mag appeal tungkol sa kaso.” Ang saya na nakapaskil sa mukha ni Feron kani-kanina lang ay nawala pagkatapos naming kumain ng tanghalian. “Susunduin din namin si Race sa airport.”“Malapit naman na yata si Roco. P’wede ka nang maunang umalis,” pagtataboy ko sa kaniya. Kanina pa siya nakalingkis sa akin at halos ayaw akong pakawalan. Nakayakap lang siya nang nakayakap sa tiyan ko. Kinakausap niya ang anak namin kahit ilang beses ko nang sinabi na halos fetus pa ang nasa tiyan ko. “Hindi p’wede. Kailangang may kasama ka rito bago ako umalis. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yong hindi ka p’wedeng mag-isa? Mas matatahimik ako kung may kasama ka,” pilit niya at mas ibinaon pa ang mukha sa aking batok at ilang beses niyang pinatakan ng halik ang anumang maabot ng labi niya. Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang doorbell. “Baka si Roco na ‘yon. Bitiwan mo na ako para mapagbuksan ko siya.” Tinanggal ko ang mga

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 160

    LUCY’S POV “I-Is it really okay for us to do ‘that’, doctora?” may paniniguradong tanong ni Feron kay Dra. Castro nang maipaliwanag nito ang lahat sa amin. Hindi nawawala ang matamis na ngiti sa labi ni Feron at halatang natutuwa sa nalaman. Halos hindi nga niya mabitiwan ang tiyan ko kahit nakaupo na kami sa harapan ni Dra. Castro at pinapakinggan ang sinasabi nito. “Yes, like I said… p’wede kayong mag make love basta mag-iingat kayo. Dapat ay hindi maiistress ang baby o maiipit. Mag s-second month pa lang naman at tingan mo, hindi pa rin kumukupas ang curves ng asawa mo,” puri sa akin ni Dra. Castro na ikinatango naman ni Feron. Pero hindi ko magawang maging masaya sa papuri ni doctora. Medyo nakaramdam kasi ako ng guilt. Siguro nga ay maliit pa rin ang tiyan ko dahil desperada akong itago muna ang lahat. Hindi ko magawang ipagmalaking may buhay sa tiyan ko. Ngayong nahimasmasan na ako ay wala ng dahilan para ipanalangin kong huwag munang lumaki ang tiyan ko at saka ko napagtanto

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 159

    “Buntis ako… Magkakaanak na tayo,” ulit ko. Sa pagkakataong ‘yon ay may confidence na sa tono ko lalo na ngayong nakikita ko ang nakakatawa niyang reaksyon. “May baby sa loob ng tiyan ko, Feron at anak mo siya.”“P-Pero… kagabi lang natin ginawa.” Para siyang batang naliligaw, nagloloading sa nalaman. “P-P’wede bang mabuo ang baby agad?”Hindi ko mapigilang mapangiti hanggang sa naging hagikgik na ‘yon. Alam kong matalino si Feron pagdating sa business pero parang ang lutang niya ngayon.“Feron, kumalma ka muna.” Pinisil ko ang kamay niya at umayos ng pagkakaupo at agad naman niya akong tinulungan. “I’m sorry kung nilihim ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. I’m sorry dahil sinubukan kong itago sa’yo ang anak mo.”Naging malikot ang mga mata niya na parang hindi pa rin naiintindihan ang mga sinabi ko. “A-Anong ibig mong sabihin? Y-You’re already pregnant when you left?”Tumango ako at sinapo ang dalawa niyang pisngi para hindi niya magawang itago ang emosyon sa mukha at mga mata niya. “Y

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 158

    LUCY’S POVAs I heard the sound of the door closing behind Feron, my heart started rumbling inside my chest--- crazily.Hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ko sa kaniya. Hindi ganito ang plano kong paraan para i anunsyo sa kaniya ang tungkol sa baby namin.Mas humakbang palapit sa akin si Feron at naupo sa p’westo kung nasaan si Dra. Castro kanina. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinaplos ‘yon. “Kumusta ang pakiramdam mo? Totoo ba ang sabi ng doctor na ayos ka lang?” Puno ng pag-aalala ang tono ng boses niya at maging ang mga mata niyang nakatingin ng diretso sa akin.Tumango ako bilang sagot at pinilit na salubungin ang tingin niya. “A-Ayos lang ako. Simpleng pagdurugo lang ang nangyari at nabigla lang ang tiyan ko kaya sobrang sakit…”Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa akin na parang inaaral niya kung may tinatago ako. Nang mapagtanto niyang nagsasabi ako ng totoo ay saka lang siya bumuntong-hininga. Ang stiff niyang balikat ay u

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 157

    LUCY’S POV“S-She’s bleeding, please help!” Nagmamadali si Feron na lumapit sa front desk habang buhat-buhat niya ako.Agad kaming nilapitan ng nurse na nasa gilid. “Ano pong nangyari kay ma’am?” Walang panic sa mukha ng nurse pero halatang nag-aalala na rin ito dahil sa reaksyon ni Feron.“Nagising siya sa sakit ng tiyan, tapos may dugo na,” sagot niya at tiningnan ako. “Ano pa ang nararamdaman mo?”Umiling ako, hindi ko magawang magsalita sa kirot ng tiyan ko. Kahit gusto kong ako na mismo ang magpaliwanag sa nurse ay hindi ko magawa. Mas madali sana kung masabi ko ang sitwasyon ko.Nagtinginan ang dalawang nurse na nasa front desk. “Sir, iupo mo po siya sa wheelchair at pumasok kayo sa room number four.”Pareho kaming napatingin ni Feron sa itinuro nilang room. Examination room iyon. Napakagat ako ng ibabang labi.“O-Okay, thank you,” alangang sagot ni Feron at agad akong inupo sa wheelchair.“P’wede po kayong maiwan saglit dito sir? Paki-fill out po muna ang form tungkol kay ma’am

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 156

    LUCY’S POVNangingislap ang mga mata ni Feron habang tinitingnan ako. “C-Can you please repeat what you said, Lucy?” tanong niya ng may nanginginig na boses. “I don’t want to repeat myself, Feron. I already said it and I won’t say it again.” Napasinghap ako nang hapitin niya ang bewang ko palapit sa kaniya at binaon ang mukha sa gilid ng aking leeg. “Damn, nanginginig ang katawan ko.” Kahit ang boses niya ay nanginginig din pero hindi ko masabi. Ayaw ko namang asarin siya sa sitwasyon. “Goddàmn, I wanna cry.” Mas siniksik pa niya ang mukha sa akin at may pailan-ilang singhot akong naririnig mula sa kaniya. “F-Feron ano ba… umayos ka nga.” Nagsisimula na ring manginig ang boses ko. Baka ito na rin ang pagkakataong hinihintay ko para sabihin ang totoo sa kaniya. Ngayong alam ko nang gusto niyang bumuo ng pamilya kasama ako. Hindi niya magagawang tanggihan ang bata. Magiging masaya kaming pamilya. “Maayos ako, pero pagdating sa’yo para akong nawawala. No matter how much I compose my

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status