Share

Kabanata 177

Author: Docky
last update Last Updated: 2026-01-26 13:47:23

Lucy's POV

“Papa!" malakas na sigaw ni Feron nang barilin ni Mr. Venile si Andrew sa kaliwang balikat nito. Dali-dali niya itong dinaluhan habang ako ay nanatiling tulala dahil sa labis na pagkabigla.

Nakaupo ako sa sahig habang tutop ko ang aking bibig. Tama si Andrew. Hindi nga pala talaga mangingimi si Mr. Venile na tapusin kaming dalawa. Mabuti na lamang at hindi gaanong malala ang tama niya, hindi vital organs ang pinuntirya ng papa ni Feron.

Gano’n pa man, sumisirit pa rin ang dugo mula
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Sue Emblawa
nauunawaan ka po namin ms author. magpagaling ka muna...️
goodnovel comment avatar
Docky
PASENSYA NA PO WALA PO AKONG UPDATE KAHAPON AT NGAYON TINATRANGKASO LANG PO. SALAMAT PO SA PAG-UNAWA.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 214

    Lucy’s POVI couldn’t.Isang linggo na ang lumipas pero nandito pa rin ang mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Hindi ko pa rin magawang tanungin si Feron kung ano ba talaga ang pinagkakaabalahan niya masyado. Kung talaga bang business pa iyon o collaboration lang ang pinag-uusapan nila ng Faye na ‘yon.Ilang beses niya akong sinubukang tanungin kung ayos lang ba talaga ako. Inalok na rin niya akong magpacheck up o magpaadvise para sa unstable emotion ko sa pagkapanganak pero alam kong hindi ko naman kailangan ‘yon. Ang kailangan ko lang ay masagot ang mga tanong sa isip ko. Ang problema ay hindi ko siya kayang komprontahin nang diretso tulad ng dati.“Ma’am, tumawag po si Sir Feron. Ang sabi po niya ay hindi siya makakauwi ng maaga ngayon. Huwag n’yo na raw po siyang hintayin. Hindi ka raw niya kasi ma-contact kaya sa akin na siya tumawag,” sabi ng baby sitter nang magkasalubong kami sa hallway, naghahanda na siyang umuwi.Napatingin ako sa orasan, alas siete pa lang naman. Anong g

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 213

    Lucy’s POVMaaga akong natulog nang gabing ‘yon at nagtulog-tulugan din ako noong umaga hanggang sa makaalis na ulit si Feron papuntang trabaho. Alam kong maling hindi ko siya kausapin sa bagay na gumugulo sa isip ko pero natatakot ako. Paano kung totoo ang mga hinala ko?Nang marinig ko ang tuluyang pag alis ng kotse ni Feron ay saka lang ako tumayo at nag ayos ng sarili. Sinimulan ko ring kumuha ng gatas sa akin para kina Lys.Habang gamit ang machine ay hindi ko maiwasang titigan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Kitang-kita ko ang mga pagbabago sa akin. Medyo nagkaroon ako nang mas maraming laman sa katawan at kahit sa pisngi. Hindi na rin gano’n ka firm ang dibdib ko.May ilan na rin akong stretchmarks at kaunting bilbil. Medyo nag dark din ang leeg ko pero mawawala rin naman daw ‘yon sabi ni Lhea. Habang tinitingnan ko ang sarili ko ngayon, hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkawala ng confidence ko bilang isang babae. Having these thoughts made me feel sick to the core.

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 212

    Lucy’s POV“So, what is the project? She seems different from your other business partner,” tanong ko habang inaayos ang meryendang hinanda ko para sa kaniya sa lamesa.Mas pinili ni Race na sa canteen muna tumambay dahil may gustong-gusto raw siyang tikman doon at ngayon daw ay kasama ‘yon sa menu, pero alam kong umiiwas lang siya sa maaaring maging usapan namin ni Feron.Napatigil naman si Feron sa paglalaro kina Fel at Lys at tumingin sa akin pero mabilis din niyang ibinalik ang atensyon niya sa mga baby.“Pinag-uusapan pa lang. Hindi pa tapos ang negosasyon. Bukas baka maayos na ang lahat. Titingnan ko pa kasi ang lugar at kung maganda,” sagot niya. Wala naman akong narinig na kakaiba sa tono niya pero kilala ko si Feron.Ayaw kong gamitin ang pagtatago niya ng totoo niyang pagkatao noon, pero dahil kilala ko siya ay alam kong kayang-kaya niyang magtago ng isang bagay na hindi ko man lang mapapansin.“Hmm,” bulong ko at tumango. Hindi ko alam kung ano pa ang p’wede kong sabihin sa

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 211

    Lucy’s POVTahimik lang ako buong byahe. Pinanood ko ang bawat kilos ni Race kung hahawakan niya ang cellphone niya pero wala rin naman siyang pagkakataong gawin ‘yon. Hindi ko alam kung talagang wala siyang balak o ayaw lang niyang mahalata ko siya, na mas lalo nakakadagdag sa isipin ko.“Sa tingin mo, hindi busy si Feron?” Pagbagsag ko sa katahimikan. Masyado nang awkward ang pagitan naming dalawa na parang nagpapakiramdaman kami sa bawat galaw na gagawin ng bawat isa.“Gusto mo bang tawagan ko siya? Pero hindi ko naman sasabihing pupunta tayo roon,” mabilis niyang alok na animo’y kanina pa siya naghahanap ng dahilan para hawakan ang cellphone niya.“Hindi na. Nag-aalala lang ako kasi baka busy siya tapos bigla kaming pupunta roon.” Pigil ko sa kaniya at kinagat ang ibabang labi.“Kahit naman busy ‘yon ay uunahin kayo ni Feron once na makita niya kayong nagpunta ro’n,” aniya para pagaanin ang loob ko. Tumingin pa siya sa salamin para tingnan ako sa back seat.“Iyon nga ang pinag-aal

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 210

    Lucy’s POV“Sorry,” puno ng guilt na sabi ni Feron habang inaayos ang necktie na suot sa harapan ng full length body mirror sa loob ng k’warto namin. “Sobrang daming kailangang gawin sa office. Ayaw sana ni Daniel na humingi ng tulong pero nagsabay-sabay ang mga loads eh.”Lumakad siya pagkatapos niyang ayusin ang suot niya at naupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang pisngi ko at inayos ang gulo-gulo kong buhok dahil kababangon ko lang pero siya ay malinis, mabango, at nakabihis na at handa nang pumasok sa trabaho.“Kumain ka na sa labas. Nakaluto na ako roon. Sina Fel at Lys ay nasa garden kasama si Race, nagpapaaraw sila.” Pinatakan niya ako ng halik sa tungki ng ilong ko at tumayo na. “Babalik ako agad kapag natapos agad ako, okay?”“Sige, mag iingat ka. Miss ka na agad namin nina baby.” ‘Yon lang ang nasabi ko at kumaway sa kaniya. Lumabas na siya ng k’warto at ilang minuto lang ay narinig ko na ang kotse niyang umalis.Totoo naman ang sinabi ko, miss ko na agad siya. Pagkatapos

  • Pampered Wife of the Secret CEO   Kabanata 209

    Lucy’s POV“Where here!” Sigaw ni Lhea na agad napatikom ng bibig ng makita ang mga nurse na tinuturuan pa lang kami na kung paano ang tamang paghawak sa mga baby. “Oops, sorry!” Paghingi niya agad ng tawad ay nahihiyang pumasok at tumayo sa gilid.“Tsk, napaka ingay kasi. Ang tinis na nga ng boses, sigaw pa ng sigaw.” Bulong na reklamo ni Daniel na may bitbit na mga pagkain, si Geff naman na nakatulala sa mga baby bitbit naman ang machine na pinabili ni Feron at gatas at bottle kung sakaling walang gatas na lumabas sa akin.“Okay na po, tawagin n’yo lang po kami pag may kailangan kayo.” Magalang na sabi ng isa sa mga nurse at isa-isa na siyang nagpaalam para lumabas ng k’warto.Malaki naman ang private room na kinuha ni Feron, pero dahil may mga nurse at dumating na rin sila Geff ay nagmukhang maliit ‘yon sa dami namin sa loob kaya rin napagpasyahan na siguro ng mga nurse na lumabas na muna.“Congratulations, Lucy!” Bati ni Lhea pagkalabas na pagkalabas pa lang ng mga nurse, mas pina

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status