เข้าสู่ระบบLUCY'S POV
Pagkatapos ko siyang i-message ay agad kong inihagis ang cell phone ko sa kama at nahiga. Nanatili akong nakatihayang pinapanuod ang kisame habang paulit-ulit na inaalala ang mga nangyari buong araw. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko. Ramdam ko na rin ang pagkirot ng ulo ko sa sobrang stress. Hindi ko hinarap si papa kahit anong pilit niyang lumabas ako ng kuwarto para kausapin. Hanggang sa pag-uwi nila ay hindi ako lumabas para magpaalam. Alam ko naman kung ano ang gusto niyang pag-usapan at kahit hindi niya sabihin, aayusin ko kung anong mayro’n sa amin ni Andrew. “Ms. Russ, nakaalis na ang papa mo.” Si Feron na muling pumasok sa kuwarto ko, seryoso ang mukha na hinanap kung nasaan ako. “I know,” walang gana kong sagot at pinikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin bago ko narinig ang tunog ng kaniyang sapatos palapit sa akin. “Tumayo ka na riyan. Hindi ka pa nagtatanghalian Ms. Russ. May gusto ka bang kainin?” Malumanay ang tono ng boses niya sa gilid ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at sumulyap sa gawi niya. “Hindi naman ako gutom, isa pa ay magkikita kami mamaya ni Andrew,” pagpapa-alala ko sa kaniya. “Mamaya pang gabi ‘yon. Lunch ang pinag-uusapan natin. Tumayo ka na o bubuhatin kita papuntang kusina, Ms. Russ,” banta niya. “Hindi pa nga ako gutom—” Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang tumunog ng malakas ang tiyan ko. Agad akong napahawak doon na para bang mapipigilan ko ang pagtunog. “Yeah?” Sarkastiko akong tinaasan ng kilay ni Feron. “Hindi naman pala gutom.” Pasimple kong kinagat ang ibaba kong labi at unti-unti kong ibinaba ang mga palad kong nakahawak sa aking tiyan. “H-Hindi naman talaga ako gutom. Masakit lang talaga ang tiyan ko,” pagpapalusot ko at saka mabilis na nag-iwas ng tingin. “Sige, sabi mo e. Sayang naman. Pinapakuluan ko na ang karne para sana sa sinigang…” “Sinigang?” nanlalaki ang mata kong tanong. Just hearing it made me salivating. Tumango siya. “Sinigang na karne ng baboy, maraming gabi at sampalok. Malapot ang sabaw na may tamang asim—” “Fine! Kakain na ako.” Nagmamadali akong bumaba sa kama at kinunutan siya ng noo, “What?” “Akala ko ba hindi ka nagugutom?” ngisi niyang tanong. Hindi ko alam kung saan niya nalaman na paborito ko ang sinigang na karneng baboy, pero hindi na mahalaga iyon. Ramdam na ramdam ko na ang hilab ng tiyan ko. Gusto ko nang kumain at humigop ng sabaw ng sinigang. “Sayang pag hindi kinain,” pagtataray ko. “Lumabas ka na nga at magbibihis na ako…unless gusto mo manood?” inis kong tanong. Kita ko ang gulat sa mukha niya dahilan para mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko. “P’wede ba?” mabilis niyang tugon. Mas nanlaki pa ang mga mata ko nang tiningnan ko siya. “Of course not!” Agad ko siyang itinulak papuntang pinto. “Pervért!” “What? Ikaw itong nagbigay ng idea sa akin, saka kasal naman tayo—” “Shut up, Feron! Get out!” sigaw ko hanggang tuluyan na siyang makalabas ng kuwarto ko. Halos padabog kong naisarado ang pinto. Ramdam ko ang sobrang pamumula ng aking pisngi. Is he really the Feron I knew?! Napa-iling ako. Agad kong hinubad ang wedding dress at hinayaan itong mahulog sa sahig. Agad akong dumiretso sa banyo. Sinindihan ko ang tubig sa bathtub at hinayaan ang maligamgam na tubig na yakapin ang buo kong katawan. Somehow, it gave me some comfort. Ang amoy ng strawberry body wash ay agad ding kumalat sa apat na sulok ng banyo nang buhusan ko ang katawan ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapapikit. Kung p'wede lang na manatili na lang ako rito sa banyo ay gagawin ko…tahimik at nakakawala ng stress. Ilang minuto pa akong nanatili sa banyo hanggang muling tumunog ang tiyan ko. Kahit ayaw ko pa tuloy sanang tapusin ang pagligo ay ginawa ko na. Pagkatapos kong tuyuin ang buhok ko ay agad akong lumabas ng kuwarto. Nasa hagdan pa lang ay amoy na amoy ko na ang sinigang na niluluto ni Feron sa kusina. “Maupo ka na. Luto na ‘to.” Binaba niya ang sandok na hawak niya at saka siya lumapit sa lamesa para ipaghila ako ng upuan. Inayos na rin niya ang plato at utensils sa harap ko. Tahimik ko lang siyang pinanuod sa bawat kilos niya. Ang makita siyang gawin ang mga ganitong bagay ay bago sa akin. Siguro dahil nasanay ako na si Aling Beng ang gumagawa ng mga iyon… Speaking of Aling Beng.. “Nasaan si Aling Beng at ikaw ang nag-aasikaso niyan?” pagbasag ko sa katahimikan. Nilapag niya sa gilid ng plato ko ang isang mangkok na may lamang sinigang. Hitsura pa lang noon ay halatang masarap na ang pagkakaluto. “Maraming pinaluto na kung ano-anong pagkain si Mrs. Russ—” Natigilan siya ng magtama ang tingin namin. “I mean, si Ms. Minerva kaya pinagpahinga ko muna si Aling Beng sa kuwarto n'ya.” Tumango na lang ako at sinimulan nang kumain. Una kong tinikman ang malapot na sabaw ng sinigang. Pigil na pigil ko ang sarili ko na mapasinghap at sabihin kung gaano ko nagustuhan iyon. Bakit ang sarap niya magluto? “Masarap?” Naupo na rin siya sa kabilang upuan at nagsandok ng sarili niyang pagkain. “Tama lang,” kibit-balikat kong sagot tsaka ko tinuloy ang pagkain. Sunod-sunod ang pagsubo ko lalo na ng sinigang. “I see,” maikling sagot ni Feron ngunit may maliit na ngiti sa labi niya habang pinapanuod ako sa pagkain. Hanggang makainom ako ng tubig ay hindi mawala ang ngiting pilit kong pinipigilan. Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng problema ko dahil lang sa sinigang. “It's good to see you looking like that, Ms. Russ,” bulong ni Feron nang dumukwang siya palapit sa akin. Sa sobrang tangkad niya ay walang-wala ang lamesa sa pagitan namin. Muli kong naramdaman ang daliri niya nang dumampi iyon sa gilid ng labi ko. Marahil ay may tinanggal siyang dumi roon. “Sana lagi kang nakangiti kaysa seryoso…” Tumigil siya saglit at hinanap ang mga mata ko para salubungin ang tingin ko. “Since smiling suits you better, Ms. Russ,” seryoso niyang dagdag at saka muling bumalik sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung dahil lang ba busog ako o ano, pero ramdam ko ang tiyan ko na parang kinikiliti sa hindi malamang dahilan…LUCY'S POV Saktong alas-otso ng gabi nang makarating kami sa harap ng Crystal Hotel & Restaurant kung saan gustong makipagkita ni Andrew. Ilang beses na kaming nagpunta rito kaya pamilyar na rin sa akin ang lugar.“Bakit bababa ka rin ng sasakyan?” tanong ko nang mapansin kong tinatanggal din ni Feron ang seatbelt niya at handa ng lumabas.Tiningnan niya ako na para bang tinatanong kung seryoso ba ako sa tanong ko o nagbibiro lamang.“Sasama ako sa loob para masigurado kong ligtas ka, Ms. Russ dahil iyon ang trabaho ko… Isa pa, parte ako sa problema na aayusin n'yo,” pagpapaalala niya sa bagay na gusto ko munang kalimutan dahil sa padalos-dalos kong desisyon.Nauna na siyang lumabas ng kotse at agad na umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya ang kaliwang kamay niya para alalayan ako sa paglabas na tinanggap ko naman kaagad.Pagkasarado palang ng pinto, pagkababa ko ay nakaabang na ang lalaking staff at magalang na lumapit sa amin. Inabot naman ni Feron ang susi ng kotse at
LUCY'S POV Pagkatapos ko siyang i-message ay agad kong inihagis ang cell phone ko sa kama at nahiga. Nanatili akong nakatihayang pinapanuod ang kisame habang paulit-ulit na inaalala ang mga nangyari buong araw. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang katawan ko. Ramdam ko na rin ang pagkirot ng ulo ko sa sobrang stress.Hindi ko hinarap si papa kahit anong pilit niyang lumabas ako ng kuwarto para kausapin. Hanggang sa pag-uwi nila ay hindi ako lumabas para magpaalam. Alam ko naman kung ano ang gusto niyang pag-usapan at kahit hindi niya sabihin, aayusin ko kung anong mayro’n sa amin ni Andrew.“Ms. Russ, nakaalis na ang papa mo.” Si Feron na muling pumasok sa kuwarto ko, seryoso ang mukha na hinanap kung nasaan ako.“I know,” walang gana kong sagot at pinikit ang mga mata ko.Ramdam ko ang paninitig niya sa akin bago ko narinig ang tunog ng kaniyang sapatos palapit sa akin.“Tumayo ka na riyan. Hindi ka pa nagtatanghalian Ms. Russ. May gusto ka bang kainin?” Malumanay ang tono ng boses n
LUCY'S POV Ilang minuto ko pang tinitigan ang cell phone ko bago ito muling tumunog. I didn't reply to any of his messages kaya heto, tumatawag na si Andrew. Agad kong sinagot ang tawag at hinihintay kong magsalita siya sa kabilang linya. Naiinis pa rin ako sa kaniya dahil sa nangyari.“Lucy, can you hear me? C’mon, let's talk it out.” Malambing na ang boses niya ngayon. Napakagat ako sa ibaba kong labi para lang pigilan ang sarili kong patawarin siya agad.“May dapat ba tayong pag-usapan, Andrew?”“Yes, baby. I'm sorry sa nangyari kanina. Hindi ko naman akalaing wala ka sa mood. I should have known better. Don't worry, may nakausap na akong attorney na makakatulong para mapawalang bisa ang nangyaring pirmahan kanina,” mahaba niyang lintanya sa kabilang linya. “So let's meet tonight, okay?”Tonight?Napatingin muli ako sa repleksyon ko sa salamin. Medyo nagkakaroon na ng pasa ang pisngi ko at halata na rin ang medyo pamamaga nito.“I don't think I can—”“Baby, please? Ilang linggo na
LUCY'S POV “Minerva told me you did something shameful, have you lost your mind?!” bungad ni papa sa akin. “ Ano nalang ang sasabihin ng pamilyang Hidalgo sa atin?! Ano ang pumasok sa kokote mo at nagpakasal ka sa bodyguard mo, Lucy?!”Hinanap ng mata ko ang babae sa likuran ni papa na nanatiling nakaupo sa loob ng kotse, nakangisi siyang pinapanuod ako. Ano na naman ang pinagsasabi nito at ganito ang reaksyon ni papa? Hindi niya talaga kayang patahimikin ang buhay ko kahit umalis na ako kung nasaan sila! Sinamaan ko siya ng tingin, kung p’wede lang pumatay gamit ang mga mata ay kanina pa siyang naghihingalo!“I'm talking to you, Lucy!” Umangat muli ang kamay ni papa. Hindi na ako nag abalang iwasan ‘yon.“Honey!” Nagmamadaling bumaba sa kotse si Minerva at hinawakan ang braso ni papa. “Huwag mo namang masyadong saktan si Lucy. Gan'yan din naman ako sa’yo noon, hindi ba? Hindi ako makapaghintay na makasal sa'yo,” malambing niyang sabi.Gusto ko nang masuka sa mga salitang narinig ko
LUCY'S POV “Let's talk,” wika ko pagkahinto pa lang ng kotse sa harap ng mansion. Kailangan kong makausap si Feron tungkol sa nangyari.“Magpahinga ka muna Ms. Russ. Mukhang pagod na pagod ang mukha mo. Mamaya ay darating na ang ama mo kasama ang asawa n'ya para kumustahin ka. Alam nating dalawa ang mangyayari kung makikita niya ang hitsura mo ngayon,” seryosong turan ni Feron.Alam kong pababalikin ako ni papa sa main house kung saan siya nakatira kasama ang bago niyang asawa at ang half-sister ko at hindi ko gugustuhing sundin iyon. Kahit siguro nanghihina ako o may sakit ay mas pipiliin ko pang mag-isa kaysa makasama ang mga taong naging dahilan ng pagkasira ng ulo ni mama at…Mabilis akong umiwas ng tingin. “Pero ang tungkol sa kasal…kailangan nating pag-usapan ‘yon.”Bumuntong-hininga siya. “Sisiguraduhin kong hindi kakalat ang nangyari—”“Hindi iyon ang problema ko! Andrew was there. He knew about it! Paano ko i-e-explain sa pamilya namin ang ginawa mo? Hindi mo dapat pinirmaha
LUCY’S POV Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang nakatayo ako sa harap ng full length body mirror. Suot ko ang fitted wedding gown na hapit na hapit sa katawan ko dahilan para mas makita ang kurba nito. Isang buwan na lang at gaganapin na ang kasunduang kasal sa pagitan ng pamilya Hidalgo at ng pamilya namin. Business marriage kung tawagin ngunit hindi para sa akin— dahil ako ang namilit para matupad lang ito, ang makasal sa lalaking gustong-gusto ko. “Feron, nakahanda na ba ang kotse na gagamitin natin?” Tiningnan ko sa salamin ang lalaking diretso ang tindig sa likuran ko, ang pinakamalapit na tauhan ni lolo mula noon. Ang kulay coffee brown niyang mata ay agad na tumitig sa akin nang diretso na agarang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa buo kong sistema. Agad akong napaiwas ng tingin at tinuon ang atensyon ko sa pagsuklay sa aking wavy na buhok. Ilang taon na simula ng maging bodyguard ko siya, ngunit ang seryoso at misteryoso niyang aura ay hindi pa rin nagbabago hanggang







