Beranda / Romance / Party A Is In Love! / Kabanata 2 – Hindi inaasahang bisita

Share

Kabanata 2 – Hindi inaasahang bisita

Penulis: mooncake_o07
last update Terakhir Diperbarui: 2022-06-28 18:30:20

“I don’t hold a grudge against you… Oportunist at ambitious!? How dare he use such words to me?!” inis na pag-uulit ni Lalaine habang nagmamartsa palabas ng kumpanya. “Wala daw galit pero labas naman sa ilong mga pinagsasabi niya. Saka hindi man lang niya ako ininterview! Seriously?!! Dahil lang sa isang tanong, rejected ako! What kind of professionalism does he have?!” buryong reklamo ni Lalaine. Muli niyang nilingon ang building na kanyang nilabasan at tinitigan ito sa huling pagkakataon, “pinapangako kong kailanman ay hindi na ako tutuntong sa kumpanyang yan kahit pa lumuhod sa akin ang Juaquin Cristobal na yan!”

Tumalikod si Lalaine at sumakay ng dyip pauwi, hindi pa rin pinanghihinaan ng loob ang dalaga kahit pa pangtatlumpu’t-anim na siyang tinatanggihan ng mga kumpanyang kanyang inaapplyan dahilan sa pagiging huli, overqualified, o intimidated sa kanya ang ilang mga interviewer dahil sa dami ng mga achievements na nakamit niya.

“Oh, kumusta ang interview?” Bati ni Aika sa kanya pagkarating niya ng bahay.

Napabuntong-hininga ito habang hinuhubad ang mataas na suot nitong sapatos at iiling-iling sa kaibigan, “hindi ako natanggap,” masama ang loob niyang sagot.

“Huh?! E, paano na yan?” tanong ni Aika.

Hinarap ni Lalaine ang kaibigan saka ngumiti, “pero syempre hindi ako susuko para kay nanay, no!”

“Ano ng plano mo?” muling hirit ng kaibigan.

“Susubok pa rin ako pero habang wala pang opportunity, itutuloy ko muna ang pagiging beauty vlogger,” pursigido niyang tugon, “siya nga pala, kumusta si nanay?” dagdag niya.

“Natutulog siya. Kung yan ang desisyon mo, susuportahan kita. Basta tawagan mo lang ako kung kailangan mo uli ng magbabantay kay tita.”

“Oo, salamat. Ha?” masayang sabi ni Lalaine.

Gabi-gabing naka-live si Lalaine at pinapakita sa kanyang mga viewers ang iba’t-ibang beauty products at may libreng tutorial pa ng pagme-make-up sa huli ng kanyang video kung saan ginagaya niya ang mukha ng mga international artist kaya naman napakaraming mga na-eenganyong panuorin siya at mga nakasubscribe sa lahat ng kanyang videos mapalalaki man dahil na rin sa kanyang angking talent sa pagkokolorete at pagsusuhestiyon ng mga bagay na produkto para sa mga kababaihan.

Kinabukasan ay naalimpungatan si Lalaine dahil sa nabasag na baso, agad siyang tumayo at tinignan ang kanyang ina, “nay, nauuhaw po ba kayo?” tanong niya na tinanguan naman ng kanyang ina na si Mercy, “bakit hindi niyo po ako ginising agad?” kinuha niya ang pitsel at nagsalin ng tubig sa baso, “n-aawa kasi ako sa’yo, anak, hindi ko man lang magawang matulungan ka,” tugon nito.

“Nay, okay lang po yun. Ang mahalaga ay gumaling ka, okay?” tinulungan ng dalaga ang ina na makaupo at pinainom ng tubig. Agad niyang nilinis ang nagkalat na bubog sa sahig nila matapos makainom ng tubig ang ina, tumunog ang kanyang telepono bago pa man siya makapunta sa kusina para magluto.

“Sino naman kaya itong nagtext sakin?” tanong niya sa sarili habang binubuksan ang message na nareceive niya. Nagtatalon siya sa tuwa ng mabasa ang congratulations for passing the final interview at niyakap ang ina sa sobrang tuwa, “nay, may trabaho na po ako! Mapapagamot ko na kayo,” masaya niyang balita sa ina.

“Mabuti naman, anak. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sinagot na rin niya ang ating mga dasal,” usal ng ina habang umuubo.

Dahil sa tuwa na nababalot sa kanyang puso ay hindi na niya nabasa kung anong kumpanya ang tumanggap sa kanya kaya naman bitbit ang selpon patungo sa kusina ay muli niyang pinasadahan ng basa ang text na kanyang natanggap.

“Cristobal Diamond Corporation! Sa pagkakatanda ko ay ni-reject niya ako personally, ah! Baka nagkamali lang ang HR nila,” agad niyang binura ang mensahe at hindi nareply sa text.

Makalipas ang tatlong-araw na pag-ignore niya sa mga texts offer ng Cristobal company, si Lalaine ay busy sa pagluluto ng tanghalian nang magtahulan ang mga aso sa buong paligid ng kanilang lugar at marinig ang malakas na pagkatok sa pinto ng kanilang maliit na tahanan.

Tumingin sa orasan si Lalaine, “ang aga naman yata ni Aika.” Sabi niya at mabilis na nagtungo upang pagbuksan ng pinto ang inaakalang kaibigan na dumating.

“Aika, bakit ang aga-aga mo namang dumating?” tanong niya habang ang kanyang mga mata ay nakatuon pa rin sa kanyang telepono.

“Ms. Madrigal, my staff has been trying to reach you but it seems like you aren’t interested in working in my company,” napataas siya ng paningin sa lalaking may-ari ng modular na malaking boses. Nandulat ang kanyang mga singkit na mata nang masilayan niya ang CEO na si Juaquin Cristobal sa labas ng tarangkahan ng kanyang tinitirahan. Si Juaquin ay isa sa mga kilalang businessman sa bansa dahil sa kanyang mga achievements, pagiging mahusay na businessman at kakisigang taglay ngunit sa kabila ng kanyang mga katangiang ito ay hindi maikakailang single ang binata dahil sa kagustuhan niyang makipagbalikan pa rin sa kanyang dating nobya na si AJ Monzon.

Napakunot ng noo ang dalaga nang rumehistro sa kanyang ala-ala kung paano siya nito tinaggihan, minaliit at hindi binigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanyang kakayahan, “Mr.Cristobal! As far as I remember, you rejected me directly! Kaya paanong I am selected to be your secretary?” mataas na tono niyang tanong, alam niyang mahirap lang sila pero hindi dahilan ang estado ng buhay na mayroon siya para maliitin ng mga taong makapangyarihan.

“I change my mind, Ms. Madrigal. I want to hire you now,” swabeng tugon nito.

“It’s not good for a CEO na magpaiba-iba ng desisyon, dapat once you decide, final na.” Sabi niya at saka humalukipkip.

“Well, that’s my personality and no one can change that. Maari bang papasukin mo man lang ako sa loob ng bahay niyo para makapag-usap tayo ng maayos?” hiling nito sa dalaga.

“No, wala na tayong dapat pang pag-usapan pa—”

“A-anak… H—hindi ako makahinga…” mabilis tumulo ang luha ni Lalaine nang marinig iyon, iniwang nakatayo ang binata sa bukana ng pinto at mabilis nanakbo sa kwarto ng ina.

“N-nay…” natagpuan niya itong hirap na halos huminga sa kwarto at tila nanghihina na, nag-iisip siya kung kanino makakahiram ng nebulizer para sa ina ngunit hindi gumagana ng matino ang kanyang isipan at hindi nya namalayang binuhat na ng driver ni Juaquin ang kanyang ina.

“Gusto mong mailigtas ang nanay mo, diba?” napatingin ang dalaga sa binatang nakatayo sa kanyang tabi, “ano pang tinutunganga mo riyan? Follow me and we’ll send your mother to the hospital.”

Walang nagawa si Lalaine kundi ang sumunod sa binata, sumakay siya sa loob ng sasakyan.

Nang makarating sila ng ospital ay agad inasikaso ng mga nars at doktor ang kanyang ina, dinala ito sa private room at roon binibigyan ng paunang lunas.

Matapos niyang masaksihan ang pag-aasikaso ng mga manggagamot sa kanyang ina ay doon na pumasok sa kanyang isipan ang pagtanggap sa alok na trabaho sa kanya ni Juaquin.

Hinarap niya ang binata na noon ay kalapit lamang niya, “s-sir. I want to apologize for being rude just now and… payag na akong maging sekretarya mo.”

“No. You’re not working as my secretary anymore,” seryosong sambit ng binata. Napatanga si Lalaine sa narinig, “because you will be working with me as my pretend fiancee.” Anunsyo ni Juaquin na mas lalong nagpalaglag ng panga ni Lalaine.

---

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Party A Is In Love!   Kabanata 99

    Nahuli ng magkaibigang Juaquin at Sandro ang mga nagnanakaw sa kanilang kumpanya at agad nilang ginawan ng aksyon para mapakulong ang mga ito. Nabawi naman nila ang mga ninakaw ng dalawang visor nila maging ang mga perang patago nitong pinuslit.“Ngayong wala na tayong problema sa ating business, pwede na ba kaming magpakasal ni Lalaine ng tahimik?” pabiro niyang saad kay Sandro.“Dude, baka pwedeng wag muna. Tulungan niyo muna ako ng nobya mong mapasagot si Aika,” pakiusap niya sa kaibigan.“Hindi mo pa rin siya napapasagot hanggang ngayon? Ang hina mo naman,” pabirong komento ni Juaquin, “if I were you gumawa ka na ng paraan bago pa tuluyang mawala sa iyo si Aika, I heard from my fiancee na may umaaligid sa kanyang lalaki,” dagdag pa niya.Lalo nang hindi mataranta si Sandro sa balitang nalaman niya, buo na ang loob niyang ligawan si Aika kahit gaano pa ito katagal.“Tutulungan niyo ba ako ng nobya mo kapag hindi… hindi talaga ako dadalo sa kasal niyo,” pananakot nito sa kaibigan.“

  • Party A Is In Love!   Kabanata 98

    Napalapit nang tuluyan ang loob ni AJ kay Franco dahil sa pagtatanggop nito sa dalaga sa tuwing malalagay siya sa gulo sa mga kasamahan niya sa bilangguan.“Pwede ko bang malaman kung totoo ang paratang nila sayo?” tanong ni Franco sa dalaga habang kumakain.“Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong hindi?” napahinto sa pagkain si Franco at tumingin sa kanya, hinihintay ang sasabihin ng dalaga, “syempre hindi, diba? Pero ang totoo niyan… wala naman talaga akong kasalanan, totoong nagpunta ako sa ospital na ‘yun pero para lang tingnan ang kondisyon ng ina ni Lalaine. I don’t know what happened next, natakot lamang ako nung nalaman kong namatay siya the day I visited her,” malungkot niyang kwento.“Bakit hindi mo sinabi sa korte iyan?” tanong ni Franco sa kanya, nagdadalawang isip ang binata kung katotohanan ang sinasabi sa kanya ng dalaga.“Dahil gusto ko lang inisin si Lalaine at maramdaman niya ang galit na nararamdaman ko para sa kanya,” nakangiti niyang saad sa tanong ng binata.

  • Party A Is In Love!   Kabanata 97

    “Iyang Cassie na iyan ay hindi mo kadugo dahil anak iyan ng asawa ng kapatid mo sa pagkadalaga kaya wag mong pinapatungtong iyan sa pamamahay mo at may masamang balak iyan sa iyo kaya nga niya ginaya ang mukha ng anak mo para siya ang mapagkamalan mong anak mo,” inis na paliwanag ni Soledad.Hindi makatugon si Jose sa sinabi ng kanyang asawa, hindi niya alam ang sasabihin dahil mas naunahan pa siya nitong malaman ang totoo kaysa sa kanya.Biglang lumabas ng silid si Cassie at bumaba ng hagdan dahil sa ingay na naririnig niya kanina pa, “anong nangyayari dito, tito? Bakit maingay dito?” bungad niyang tanong.Nagtinginan ang lahat ng nasa baba sa kanya, “b-bakit kayo nakatingin sa akin?” dali-dali siyang bumaba ng hagdan at hinarap sila.Galit na itinuro ni Soledad si Cassie, “oy, ikaw. Lumayas ka sa pamamahay ng asawa ko at tigilan mo na iyang pagpapanggap na pamangkin ka ni Jose.”Hindi maintindihan ni Cassie ang mga paratang ni Soledad sa kanya, “anong pinagsasasabi mo? Sino ka ba?”

  • Party A Is In Love!   Kabanata 96

    “Ano bang sinabing sakit ng papa mo?” tanong ni Soledad sa kanyang anak. Nag-aalala rin siya para sa kalagayan ng asawa dahil alam niyang malakas at malusog ang pangangatawan ni Jose noon pa man.“Paano siya nagkasakit? Alam kong noon pa man ay malakas talaga ang pangangatawan niya, e. Anong nararamdaman ba niya?” puno ng pag-alala ang dibdib ni Soledad sa kanyang nalaman na balita mula sa anak.“H—hindi ko rin alam, nay. Napansin ko na lamang na mukhang matamlay siya at inuubo,” kwento ni Aika… Matagal natahimik ang mag-ina, hindi kumikibo ang dalawa habang nag-iisip kung paano ito nagkasakit hanggang sa sumagi sa isip ni Aika ang pinsan niyang si Cassie.“Hindi kaya si Cassie ang may kagagawan ng nangyayari kay tatay?” bulalas ni Aika sa ina.“Sinong Cassie?” takang tanong ni Soledad sa anak niya.“Si Cassie, nay. Iyong gumaya sa mukha ko, pinsan ko daw siya sa kapatid ni papa,” pahayag niya sa ina niyang gulong-gulo rin ang isipan.“Si Cassie, anak ni Lucio?? Imposible!” Hindi mani

  • Party A Is In Love!   Kabanata 95

    Busy si Aika sa pag-edit ng balitang kaniyang ia-upload sa page ng kumpanya nila nang biglang sumupot si Sandro sa harapan niya.“Pweda ba tayong mag-usap?” tanong ng binata, minasdang mabuti ni Aika ang itsura ng binata at nang masigurong hindi ito amoy alak o lasing ay pumayag naman siya.“Sige, maupo ka,” utos niya sa binata. Naupo naman si Sandro sa tapat ng inuupuan ni Aika.“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya, nakatutok pa rin ang kaniyang mga mata sa kaniyang laptop at patuloy pag-eedit.“I want to know kung anong relasyon mo dun sa matandang palagi mong kasama sa mga restaurant?” diretsahang tanong nito sa kaniya.Nagtaas ng tingin si Aika sa binata at minasda ang maasim nitong mukha, “bakit? Are you jealous?” tanong niya.“Bakit ako magseselos sa matandang iyon?! Sabihin mo sakin kung anong relasyon mo nga sa kanya?” naiinip na si Sandro na malaman mula kay Aika ang relasyon nito sa kanya, nais na niyang bumitaw kung talagang nobyo na ba nito ang matanda.“Bakit

  • Party A Is In Love!   Kabanata 94

    Muling hinatid ng patago ni Jose ang kanyang anak na si Aika sa kanilang subdivision, natigilan si Soledad nang makita ang paghinto ng sasakyan sa labas ng subdivision at pinanuod ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nakita niyang iniluwa ng kotse ang anak niyang si Aika kasama nito si Gio na sakay rin sa loo bang kanyang asawang nang-iwan sa kanya ng mahabang panahon.Hindi niya matanggap na nagawang ilihim ito sa kanya ng kanyang mga anak, sobrang sakit para sa kanya bilang ina ng mga ito ang malaman na tumatakas ang kaniyang anak sa kanya para lamang makita ang ama nila.Nagsawalang kibong pumasok sa loob ng bahay si Soledad at nagpanggap na nanunuod ng telebisyon habang hinihintay ang pagdating ng dalawa niyang anak.Nakatuon ang kanyang paningin sa bumukas na pinto, “hi, ma! May dala kaming pagkain sa inyo ni bunso,” masayang saad ni Aika sa ina.Pumasok si Gio at humalik sa pisngi ng ina matapos maitabi ang sapatos, “kain na kayo, ma,” paglalambing ni Gio sa ina.“Kayo? Hindi niyo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status