Share

Chapter 17

Isang simple at romantikong candle light dinner ang bumungad sa kanilang dalawa matapos nilang magtungo sa balcony ng kwarto ni Kaizer. Napa-iling at napa-ngiti na lamang si Lauren habang pinagmamasdan ang mga dekorasyon sa balcony.

“Hindi ba’t parang napaka-competitive mo naman?” pang-aasar na puna ni Lauren dahil sa ayos ng mesa.

Habang tinatahak kasi nila kanina ang daan patungo sa cabin suite ay doon niya naalala ang usapan nilang dalawa na sabay magha-hapunan ngayong araw. Hindi na siya gaanong nag-ayos dahil ang buong akala niya ay sa dining hall o kaya naman ay sa isang restaurant sa loob ng cruise ship lang ang pupuntahan nila.

Kaya naman hindi niya inaasahan ang ganoong set-up. Kailan man ay hindi niya pa naranasan ang bagay na ‘yon. Sino ba naman kasi ang gustong magtangka… hindi ba? At isa pa, wala naman siyang panahon para sa ganoong bagay. Masyado siyang abala para maka-survive sa naging buhay niya.

Subalit, katulad din naman siya ng ibang babae na gustong maranasan a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status