LOGIN"Noong pumanaw ang ina nina Elara at Deo, may iniwan itong mga alaala na hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa rin.""Anong alaala?" interesadong tanong ni Danica."Mula noong ipanganak sina Elara at Deo, ang nanay nila ay palaging nagrerekord ng video kasama sila tuwing kaarawan nila nang walang patid. Ang mga video na 'yon ay nasa tabi ko ngayon, at sigurado akong gagawin ni Elara ang lahat makuha lang 'yon."Naintindihan agad ni Danica ang plano ng ina."Wala na ang nanay nila at hindi na nila ito makikita sa totoong buhay. Ang makita ang mukha at marinig ang boses ng nanay nila sa video ang tanging paraan para maalala ito. Siguradong magkakandarapa si Elara para makuha 'yan!"Mabilis na naghalungkat ng mga drawer at cabinet
Ang sandaling mabanggit ang dahilan ng pagkamatay ng ina nina Elara at Deo, ang buong sala ay biglang nabalot ng isang nakabibinging katahimikan.Ang paksang ito ay parang isang high-voltage wire, isang maling hawak lang ay siguradong sasabog ang lahat, kaya naman urong ang dila ng lahat. Si Olivia, na karaniwang napakatulis ng bibig, ay hindi nanganahas na magsalita ngayon. Maging si Danica ay maingat na nagmamasid sa reaksyon ni Herardo.Si Herardo na madalas magmataas at umasta na parang hari ay nanatiling tahimik at hindi makakibo, bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkakasala.Tiningnan sila ni Elara at isang malamig na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Para lang siyang nanonood ng mga payaso na nagkakandarapa sa pag-arte sa loob ng isang sirko.Isang katulo
"Papa, nagdudugo ang kamay mo!" sigaw ni Danica.Tinitigan niya si Elara nang may nanlilisik na mga mata. "Bakit wala ka man lang reaksyon?!""Hindi naman ako ang nasugatan, bakit ako magkakaroon ng reaksyon?" sagot ni Elara.Natigilan si Danica ng tatlong segundo, bago sumigaw nang mas malakas. "Galit na galit si Papa dahil sa'yo kaya niya nabasag ang tasa, at sa tingin mo pa rin wala kang kasalanan? Napakawalang utang na loob mo! Dapat kang mahiya sa mga ginagawa mo!"Malamig namang sumagot si Elara. "Bilisan mo na lang maghanap ng band-aid para sa papa mo. Kung magpapatumpik-tumpik ka pa ng isang segundo, baka maghilom na ang sugat sa bagal mo."Mabilis na tumalikod si Danica para maghanap ng band-aid. Ang sandaling hinila niya ang drawer at kinuha ang band-aid, bigla niyang napagtanto kung bakit sunod-sunod siya sa mga utos ni Elara.Ang kasalukuyang Elara ay napakaganda, at may napakalakas na awra. Ang bawat kilos nito ay nagpapakita ng isang marangal na antas ng pagkatao, na n
"Nakita ko lang sa fashion week ang Hermès na bistidang suot mo. Hindi pa 'yan inilalabas dito sa bansa natin, ah. Paano mo 'yan nakuha ngayon?" naiinggit na tanong ni Danica."Dahil mayroon akong mabuting asawa na lumipad pa papuntang Europa para lang bilhan ako ng mga damit. Huwag ka nang mainggit. Ang mga mararangyang haute couture na damit na nagkakahalaga ng daan-daang libo, mayroon akong sampung closet niyan sa bahay. Pang-araw-araw ko lang 'tong suot."Hindi man lang mapangarap ni Danica ang ganoong karangyaan kaya sumagot ito.. "Nagyayabang ka lang naman, eh.""Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa mga taong makitid ang utak. Nirerespeto ko ang bawat palaka na nakatira sa loob ng balon, pero tuwing nirerespeto ko sila, binubuhusan ko ng kumukulong tubig ang balon nila."Nanatiling kalmado si Elara habang naglalakad patungo sa hapag-kainan, bago direktang naupo sa pinaka-ulo ng lamesa, ang upuan para sa pinuno ng bahay. Sa kanyang pulang bistida at marangyang kilos, mukhan
"Sa Tahanan natin."Dahan-dahang inulit ni Elara ang mga salitang ito sa kanyang sarili, habang ang walang laman at malamig na bahagi ng kanyang puso ay tila biglang napuno ng init.Ang salitang "Tahanan" para sa kanya noon ay parang isang malayong pangarap, napakaganda, napakahamog, ngunit hinding-hindi maabot.Ngunit ngayon... sa tahanan natin.Ang tahanan niya at ni Aless.Sa hinaharap, magkakaroon sila ng sariling anak. Kasama ang asawa at ang bubuuing pamilya, unti-unting lalaki ang kanilang maliit na mundo. Isang ama, isang ina, isang anak, at isang mapayapang tahanan.Sa pag-iisip pa lang sa eksenang ito, pakiramdam ni Elara ay biglang nasikatan ng araw ang kanyang puso, napakamaginhawa at napakainit.Nakatayo siya sa may pinto ng sala, pinapanood ang papaalis na kotse ng asawa hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin, ngunit matagal pa bago siya nakalingon pabalik.Humampas ang malakas na ihip ng hangin sa mukha ni Elara, dahilan para sumayaw ang kanyang mahaba
"Sa Tahanan natin."Dahan-dahang inulit ni Elara ang mga salitang ito sa kanyang sarili, habang ang walang laman at malamig na bahagi ng kanyang puso ay tila biglang napuno ng init.Ang salitang "Tahanan" para sa kanya noon ay parang isang malayong pangarap, napakaganda, napakahamog, ngunit hinding-hindi maabot.Ngunit ngayon... sa tahanan natin.Ang tahanan niya at ni Aless.Sa hinaharap, magkakaroon sila ng sariling anak. Kasama ang asawa at ang bubuuing pamilya, unti-unting lalaki ang kanilang maliit na mundo. Isang ama, isang ina, isang anak, at isang mapayapang tahanan.Sa pag-iisip pa lang sa eksenang ito, pakiramdam ni Elara ay biglang nasikatan ng araw ang kanyang puso, napakamaginhawa at napakainit.Nakatayo siya sa may pinto ng sala, pinapanood ang papaalis na kotse ng asawa hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin, ngunit matagal pa bago siya nakalingon pabalik.Humampas ang malakas na ihip ng hangin sa mukha ni Elara, dahilan para sumayaw ang kanyang mahaba
Upang basagin ang tensyon, nagtanong siya.. "Ano po ang mga libangan ninyo Mr. Valderama?""Making money." direktang sagot nito."?" natitigilan si Elara sandali bago ngumiti at sinabing.."Me too, Gusto ko rin pong kumita ng pera."""I love the hustle. Nakaka-satisfy 'yung feeling na ang dami mon
Sa unang gabi ng kanyang kasal, dinalaw si Elara ng isang mapusok na panaginip.Muli niyang binalikan ang gabing iyon isang taon na ang nakalipas, isang gabing puno ng pagkasabik at kawalan ng malay. Sa kanyang panaginip, ramdam niya ang bigat ng mga kamay ng lalaki na nakatukod sa magkabilang gili
Parang masyadong malamig ang sagot na iyon, kaya dinagdagan niya… "Hihintayin ko ang pagbabalik mo."Pagkatapos niyang sabihin iyon, namula ang kanyang mukha, para siyang isang batang asawa na sabik na naghihintay sa pag-uwi ng kanyang minamahal. Kasabay nito, umalingawngaw sa isip niya ang "ideal
Naging mabilis at swabe ang kanilang civil wedding. Hindi akalain ni Elara na kayang ayusin ni Aless ang lahat ng legal na papeles sa loob lamang ng ilang oras, patunay ng impluwensya at kapangyarihan ng lalaki.“Congratulations, Mr. Valderama, and to your beautiful wife!” masiglang bati ng judge n







