LOGINWalang shortcut sa pagbabawas ng timbang. Dalawang bagay lang ang kailangan. Disiplina sa pagkain at ehersisyo. Marami ang nakakaalam nito, pero kakaunti lang ang nakakagawa.
Ngunit nagawa ito ni Elara.
Kahit gustong-gusto niyang kumain ng fried chicken, barbecue, at potato chips, pero sa loob ng isang buong taon 365 na araw, hindi niya ito tinikman kahit minsan.
Kapag nagugutom siya, umiinom lang siya ng tubig, kapag natatakam, tinitiis niya.
Palagi siyang nagugutom, bawat oras, bawat araw. Nagigising siya sa gitna ng gabi dahil sa gutom, niyayakap ang kumot at umiiyak, ngunit matigas ang loob na tumatangging kumain kahit isang kagat.
Bukod dito, araw-araw siyang nag-aerobic exercise, strength training, at body shaping. Takbo sa umaga, pag-akyat sa burol nang walang laman ang tiyan, swimming, cycling, squats, rowing, push-ups, planks, at Pilates extensions.
Pagkalipas ng isang buwan, bumaba ang timbang ni Elara sa 155 pounds. Pagkalipas ng dalawang buwan, 143 pounds. Pagkalipas ng tatlong buwan, 133 pounds at pagkalipas ng apat na buwan naging 125 pounds na lamang siya.
Habang tumatagal, lalong nagiging mahirap ang pagbabawas ng timbang. Ayos lang, ituloy lang! Gagamitin niya ang sukdulang pagsisikap para makuha ang isang napakalaking tagumpay!
Gusto niyang lahat ng tingin ng paghanga at mga salita ng papuri ay maituon sa kanya! Gusto niyang sabihin sa buong mundo na kaya niyang manalo!
Pagkalipas ng anim na buwan umabot siya ng 114 pounds at pagkalipas lamang ng siyam na buwan umabot siya ng 105 pounds.
Pagkalipas ng Disyembre, tumuntong si Elara sa timbangan at tumimbang na lamang ng 100 pounds!
Sinasabing ang bawat taong mataba ay isang "potential star," at ang pahayag na ito ay saktong-sakto para kay Elara.
Matapos pumayat, lalong lumaki ang kanyang mga mata, tumangos ang ilong, nawala ang double chin, at naging matalas ang kanyang jawline. Kaygaan ng kanyang pakiramdam habang naglalakad, at kaya na niyang isuot ang anumang damit na magustuhan niya.
Sinasabing ang pagbabawas ng timbang ang pinakamahusay na makeover.
Paborito ni Elara ang kulay pula at para sa kanya, ang kulay pula ay simbolo ng apoy at sigla, ngunit dati ay itinatago niya lang ito sa loob ng kanyang aparador. Takot siyang mahusgahan ng mapanghusgang lipunan.
Ngayon, hindi na. Ang kalsada ay nagmistulang runway habang suot niya ang isang stunning na pulang damit.
Taglay ang hubog na katawan, maputing kutis, at mukhang hinalintulad sa isang diyosa, bawat galaw niya ay puno ng confidence.
Wala nang nangungutya, sa halip, lahat ay napapalingon at napatitig sa taglay niyang ganda."
Sa loob ng isang taon na pagpapayat, hindi nagpakita si Elara kina Olivia at Danica. Ngunit nang araw na iyon, nakatanggap siya ng tawag mula kay Olivia, na ang boses ay tila napakalambing at napakabait.
"Lara, ang Mama mo ito. Mayroon akong business partner na sa tingin ko ay mabuting tao. Limampung taon gulang na siya, dalawampu't limang taon lang ang tanda sa iyo. Hiwalay sa asawa na may dalawang anak at kailangan ng madrasta. Bakit hindi ka makipag-blind date sa kanya? Kung magustuhan ka niya, makakapag-asawa ka sa mayamang pamilya at magiging donya."
"Lara, hindi ka na bata. Itigil mo na ang pangangarap na mapapansin ka ng mga mayayaman at guwapong lalaki. Oras na para harapin ang realidad. Sa timbang mong 180 pounds, baywang na parang bariles, at mga binting parang sa elepante, para kang isang 'landmine.' Isang malaking biyaya na mula sa nakaraan mong buhay na mapansin ka pa ng isang matandang hiwalay sa asawa."
"Lara, napakahalaga ng business partner na iyon kay Mama. Kung mapapakasalan mo siya, makakapagbigay siya ng maraming negosyo kay Mama. Tandaan mong pagbutihin ang pagpapasaya sa kanya sa blind date ninyo. OK?"
"Ang blind date ay gaganapin sa sa isang Coffee shop sa isang five star hotel sa Makati. Ang sabi nito table 9 raw"
Alam ni Elara ang plano nila.
Hindi ito blind date, isa itong pagtatangkang ibenta siya sa isang business partner para maging madrasta. Dahil napakahalaga ng taong ito para kay Olivia at sa kanyang anak, sisiguraduhin ni Elara na sisirain niya ang kanilang negosyo.
Naniningkit ang matang nakatayo si Elara sa harap ng coffee shop, huminga ng malalim bago pumasok sa loob
………
Sa loob ng isang itim na Rolls-Royce na nakaparada sa tapat ng Coffee Shop, ang driver at ang assistant sa harap ay napalingon sa likuran.
Doon, nahihimbing ang isang lalaking may taglay na kakaibang kagwapuhan.
Ang kanyang buhok ay kasing-itim ng hatinggabi, na bumabagay sa kanyang makapal na kilay at maputla ngunit tila malamig na kutis.
Ang kanyang matangos na ilong ay tila taluktok ng bundok na nababalot ng niyebe, matayog at perpekto, habang ang kanyang mga labi ay likas na mapula, manipis, at mapanukso.
Siya ay nagtataglay ng kaguwapuhang hindi mapapantayan, isang kagandahang nakakabighani na tila iginuhit ng isang dalubhasa.
Ngunit sa likod ng kanyang tahimik na anyo, muling napanaginipan ni Alessandro “Aless” Valderama ang mapusok at mahalumigmig na gabing iyon.
Malinaw sa kanyang balintataw ang bawat detalye.
Ang mapuputing hita na nakapulupot, ang mapanuksong ungol na humahaplos sa kanyang pandama, ang mabilis na paghinga, at ang mga hikbi mula sa mapupulang labi na humihingi ng higit pa.
Sa gabing iyon, silang dalawa ay sabay na nalunod sa agos ng sukdulang sarap. Paulit-ulit. Walang humpay.
Ang gabing iyon ay isang aksidente, isang pagkakamaling hindi inaasahan, ngunit nag-iwan ito kay Aless ng isang karanasang kailanman ay hindi pa niya nadarama.
Dahil sa kabila ng kanyang kapangyarihan at katayuan, iyon ang kanyang unang beses, isang unang beses na habambuhay nang uukit sa kanyang sistema.
Pagdating sa usaping sekswal, si Aless ay isang konserbatibong tao. Kapag nagkaroon siya ng ugnayan sa isang babae, pananagutan niya ito. Noong gabing iyon, sumasabay ang babae sa bawat galaw niya.
Magdamag silang magkasama, mapusok at perpektong nagkakaintindihan ang mga katawan.
Plano sana niyang kausapin ito nang maayos tungkol sa kasal kinabukasan, ngunit paggising niya, natuklasan niyang tumakas na ito. Sa ibabaw ng pulang mesa, nakita niya ang limang pisong iniwan nito na nilimbag sa taong 2000.
Limang piso? Limang piso!
Mabilis na umalis ang Rolls-Royce, nag-iiwan ng usok sa tapat ng mukha ng pamilya Castillo.Sa loob ng kotse, magkatabing nakaupo sina Elara at Aless sa likod na bahagi. Ang kanilang mga hita ay magkadikit dahil sa kipot ng espasyo. Kahit may dalawang patong ng tela ng kanilang kasuotan, ang init ng balat ng lalaki ay patuloy na gumagapang sa balat ni Elara.Lumingon si Elara sa lalaking nasa kanyang tabi."Bakit hindi mo tinatanong kung anong nangyari kanina?""Hindi na kailangang itanong," ang boses ni Aless ay malalim at buong-buo."Puwede kitang pangaralan kapag tayo lang dalawa sa loob ng kwarto, pero sa harap ng ibang tao, palagi kitang poprotektahan nang walang anumang kondisyon."
Agad na napawi ang kadilimang bumalot sa buong bakuran. Isang sinag ng liwanag mula sa labas ng bumukas na pinto ang direktang tumama sa pwesto ni Elara.Dahan-dahan siyang lumingon at nakita si Aless na nakatayo nang tuwid habang nasisinagan ng liwanag mula sa kanyang likuran.Ang matangkad, makisig, at makapangyarihang pangangatawan nito ay tila pinaliligiran ng gintong awra, na nagbibigay ng isang hindi matitinag na lakas at nagpapakita ng kanyang marangal na estado.Nanlaki ang mga mata ni Elara sa matinding gulat habang nakatitig sa lalaki."Aless..."Hindi ba't nasa Cebu siya ngayon para sa isang business trip?Sina Herardo, Danica, Olivia, kasama ang ma
"Noong pumanaw ang ina nina Elara at Deo, may iniwan itong mga alaala na hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa rin.""Anong alaala?" interesadong tanong ni Danica."Mula noong ipanganak sina Elara at Deo, ang nanay nila ay palaging nagrerekord ng video kasama sila tuwing kaarawan nila nang walang patid. Ang mga video na 'yon ay nasa tabi ko ngayon, at sigurado akong gagawin ni Elara ang lahat makuha lang 'yon."Naintindihan agad ni Danica ang plano ng ina."Wala na ang nanay nila at hindi na nila ito makikita sa totoong buhay. Ang makita ang mukha at marinig ang boses ng nanay nila sa video ang tanging paraan para maalala ito. Siguradong magkakandarapa si Elara para makuha 'yan!"Mabilis na naghalungkat ng mga drawer at cabinet
Ang sandaling mabanggit ang dahilan ng pagkamatay ng ina nina Elara at Deo, ang buong sala ay biglang nabalot ng isang nakabibinging katahimikan.Ang paksang ito ay parang isang high-voltage wire, isang maling hawak lang ay siguradong sasabog ang lahat, kaya naman urong ang dila ng lahat. Si Olivia, na karaniwang napakatulis ng bibig, ay hindi nanganahas na magsalita ngayon. Maging si Danica ay maingat na nagmamasid sa reaksyon ni Herardo.Si Herardo na madalas magmataas at umasta na parang hari ay nanatiling tahimik at hindi makakibo, bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkakasala.Tiningnan sila ni Elara at isang malamig na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Para lang siyang nanonood ng mga payaso na nagkakandarapa sa pag-arte sa loob ng isang sirko.Isang katulo
"Papa, nagdudugo ang kamay mo!" sigaw ni Danica.Tinitigan niya si Elara nang may nanlilisik na mga mata. "Bakit wala ka man lang reaksyon?!""Hindi naman ako ang nasugatan, bakit ako magkakaroon ng reaksyon?" sagot ni Elara.Natigilan si Danica ng tatlong segundo, bago sumigaw nang mas malakas. "Galit na galit si Papa dahil sa'yo kaya niya nabasag ang tasa, at sa tingin mo pa rin wala kang kasalanan? Napakawalang utang na loob mo! Dapat kang mahiya sa mga ginagawa mo!"Malamig namang sumagot si Elara. "Bilisan mo na lang maghanap ng band-aid para sa papa mo. Kung magpapatumpik-tumpik ka pa ng isang segundo, baka maghilom na ang sugat sa bagal mo."Mabilis na tumalikod si Danica para maghanap ng band-aid. Ang sandaling hinila niya ang drawer at kinuha ang band-aid, bigla niyang napagtanto kung bakit sunod-sunod siya sa mga utos ni Elara.Ang kasalukuyang Elara ay napakaganda, at may napakalakas na awra. Ang bawat kilos nito ay nagpapakita ng isang marangal na antas ng pagkatao, na n
"Nakita ko lang sa fashion week ang Hermès na bistidang suot mo. Hindi pa 'yan inilalabas dito sa bansa natin, ah. Paano mo 'yan nakuha ngayon?" naiinggit na tanong ni Danica."Dahil mayroon akong mabuting asawa na lumipad pa papuntang Europa para lang bilhan ako ng mga damit. Huwag ka nang mainggit. Ang mga mararangyang haute couture na damit na nagkakahalaga ng daan-daang libo, mayroon akong sampung closet niyan sa bahay. Pang-araw-araw ko lang 'tong suot."Hindi man lang mapangarap ni Danica ang ganoong karangyaan kaya sumagot ito.. "Nagyayabang ka lang naman, eh.""Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa mga taong makitid ang utak. Nirerespeto ko ang bawat palaka na nakatira sa loob ng balon, pero tuwing nirerespeto ko sila, binubuhusan ko ng kumukulong tubig ang balon nila."Nanatiling kalmado si Elara habang naglalakad patungo sa hapag-kainan, bago direktang naupo sa pinaka-ulo ng lamesa, ang upuan para sa pinuno ng bahay. Sa kanyang pulang bistida at marangyang kilos, mukhan
Parang masyadong malamig ang sagot na iyon, kaya dinagdagan niya… "Hihintayin ko ang pagbabalik mo."Pagkatapos niyang sabihin iyon, namula ang kanyang mukha, para siyang isang batang asawa na sabik na naghihintay sa pag-uwi ng kanyang minamahal. Kasabay nito, umalingawngaw sa isip niya ang "ideal
Naging mabilis at swabe ang kanilang civil wedding. Hindi akalain ni Elara na kayang ayusin ni Aless ang lahat ng legal na papeles sa loob lamang ng ilang oras, patunay ng impluwensya at kapangyarihan ng lalaki.“Congratulations, Mr. Valderama, and to your beautiful wife!” masiglang bati ng judge n
Upang basagin ang tensyon, nagtanong siya.. "Ano po ang mga libangan ninyo Mr. Valderama?""Making money." direktang sagot nito."?" natitigilan si Elara sandali bago ngumiti at sinabing.."Me too, Gusto ko rin pong kumita ng pera."""I love the hustle. Nakaka-satisfy 'yung feeling na ang dami mon
Ngumiti si Elara nang matamis habang naglalakad patungo sa kanya. Ang kanyang mapupulang labi ay nagpakita ng alindog na sadyang nakakabighani, habang ang kanyang itim at kulot na buhok ay dahan-dahang sumasabay sa bawat hakbang niya. Hapit ang pulang damit sa kanyang balingkinitang baywang, at an







