로그인Bakit pa niya hihintayin ang hatol ng lalaki?
Sa halip na harapin ang posibleng paghamak nito, nagpasya si Elara na dahan-dahang pulutin ang kanyang mga damit, talikuran ang init ng gabing iyon, at tuluyang lumisan.
Iniangat niya ang braso ng lalaki na nakapatong sa kanyang baywang at dahan-dahang inilipat ito sa tabi. Sa sandaling sumayad ang kanyang mga talampakan sa sahig, nanghina ang kanyang mga binti na parang noodles at muntik na siyang matumba.
Naupo muna si Elara sa gilid ng kama nang ilang sandali at hinintay na bumalik ang lakas ng kanyang mga binti.
Tiningnan niya ang magulong sahig at nakitang ang kagabi’y maganda niyang damit ay punit-punit na. Kahit ang kanyang underwear ay hindi nakaligtas, punit din ito sa gitna.
“ Anong susuotin ko?” litong tanong niya sa sarili hanggang sa…
Pinulot ni Elara ang puting polo ng lalaki at isinuot ito, pagkatapos ay isinuot din ang suit jacket at suit pants nito.
Tinangay niya ang lahat ng damit ng lalaki.
Pagdating sa pinto, lumingon muli si Elara sa lalaking nasa kama.
Nakatalikod ito sa kanya, at ang brasong yumakap sa kanya habang natutulog ay nasa labas ng kumot.
Lantad ang likod ng lalaki, ang malapad na balikat ay matatag at maskulado, ang mga linya ay pababa patungo sa maliit na baywang na natatakpan na ng kumot.
Dahil sa husay ng performance ng lalake kagabi, naisipan ni Elara na mag-iwan ng kahit magkano para rito.
Hinalughog niya ang kanyang bag.
“ Wala akong cash” bulong niya habanag patuloy na naghahanap ng pera. Hindi na kasi siya nagdadala ng pera at online payment siya lagi.
Ang tanging nahanap niya ay isang limang pisong barya. Nakuha niya ito noong naglaro siya sa claw machine.
Inilapag ni Elara ang barya sa mesa. Bilog ito at kulay pilak, agaw-eksena laban sa matingkad na pulang kulay ng lamesa.
Isang mabilis na sulya ang ginawa ni Elara bago binuksan ang pinto at lumabas.
Dahil suot niya ang malaking suit ng lalaki na hindi lapat sa kanya, pinili niyang dumaan sa hagdanan sa halip na mag-elevator. Habang bumababa, umalingawngaw ang tunog ng kanyang high heels sa sahig.
Ngunit bigla siya natigilan nang may marinig na pamilyar na boses ng babae.
"Ma, huwag kang mag-alala, hindi makakatakas ang 'Piggy Hero' na 'yan."
Naglalakad si Danica patungo sa elevator, nakadiit ang telepono sa tainga at kausap ang kanyang ina na si Olivia.
"Ma, eksaktong plano ang nangyari kagabi. Ako mismo ang nagtulak kay Elara sa loob ng kwarto ni President Jalon. Isipin mo, Ma, si President Jalon ay may timbang na 180 pounds, at si Elara ay ganoon din kabigat. Talagang itinadhana silang magtagpo, 'di ba? Isang perpektong pares ng mga baboy." sabay tawa nito.
"At alam mo naman si President Jalon, bukod sa nakakadiri na ang katabaan, panot pa, amoy imburnal ang hininga, at parang laging sasabog ang beer belly. Siguradong kapag nagmulat ng mata ang 'Piggy Hero' na iyon at nakitang ang dangal niya ay nilapastangan ng ganoong klaseng halimaw, madudurog ang mundo niya. Baka sa tindi ng pandidiri sa sarili, maisipan na lang niyang tumalon mula sa tuktok ng gusali para wakasan ang buhay niya."
Salungat sa inaasahan ni Danica, hindi naramdaman ni Elara na inabuso siya, sa halip, pakiramdam niya ay siya pa ang nakalamang.
Siya mismo ang nakaranas at alam niyang ang lalaking nakasama niya kagabi ay may pangangatawang mas maganda pa sa isang modelo. Mayroon itong eight-pack abs, nahawakan niya iyon. Ang dibdib nito ay napakatigas, nahawakan din niya iyon.
"Kapag nawala si Elara sa mundong ito, lahat ng ari-arian ng pamilya Castillo ay magiging atin na."
Ding—, bumukas ang pinto ng elevator at pumasok si Danica. Habang nakatingin sa kanyang repleksyon sa dingding ng elevator, puno ng kayabangan niyang sinabi..
"Milyong beses akong mas maganda kaysa sa matabang Elara na iyon."
"Ang mga matatabang babaeng tulad ni Elara ay nararapat lamang sa mga lalaking panot, mabaho, at may beer belly."
"Hinding-hindi malalaman ni Elara na kaya siya tumaba nang husto ay dahil pinalitan natin ng mga hormone ang mga vitamins na iniinom niya."
Sumara ang pinto ng elevator, kasabay ng paglamon sa malakas na tawa ni Danica.
Noong bata pa si Elara, taglay niya ang isang balingkinitang pangangatawan at timbang na malayo sa itsura niya ngayon. Ngunit simula nang pumasok si Olivia at ang anak nitong si Danica sa kanilang tahanan, unti-unti siyang binalot ng katabaan, isang pagbabagong tila walang paliwanag noon.
Ngunit ngayon, malinaw na ang lahat. Alam na ni Elara ang malupit na katotohanan.
Madaling pagsamantalahan ang isang taong tila malambot na prutas, ngunit walang sinuman ang may lakas ng loob na humawak sa isang matinik na cactus. Lahat tayo ay minsang dadaan sa buhay na ito, kaya bakit niya kailangang hayaang apihin ang sarili para lamang sa kaligayahan ng iba? Hindi na siya magpapaalipin sa kanilang mga laro.
Kung kakagatin siya ng isang aso, hindi lang siya gaganti ng kagat, sisiguraduhin niyang lulubog ang kanyang mga ngipin nang doble sa tindi.
Kasabay ng panunumpa ng paghihiganti, halos lumitaw ang mga ugat sa kanyang mga kamay sa sobrang higpit ng pagkakakuyon nito.
Ang galit na nag-aapoy sa kanyang dibdib ay sapat na upang sunugin ang lahat ng sakit na idinulot nila sa kanya.
Pagkauwi ni Elara sa kanyang tirahan, agad niyang itinapon ang bote ng pekeng bitamina sa basurahan.
Gusto niyang pumayat! Gusto niyang gumanda!
Isinumpa niya sa sarili, pagbabayarin niya ang mag-inang iyon ng sampung beses sa lahat ng pinsalang ginawa nila sa kanya.
Mabilis na umalis ang Rolls-Royce, nag-iiwan ng usok sa tapat ng mukha ng pamilya Castillo.Sa loob ng kotse, magkatabing nakaupo sina Elara at Aless sa likod na bahagi. Ang kanilang mga hita ay magkadikit dahil sa kipot ng espasyo. Kahit may dalawang patong ng tela ng kanilang kasuotan, ang init ng balat ng lalaki ay patuloy na gumagapang sa balat ni Elara.Lumingon si Elara sa lalaking nasa kanyang tabi."Bakit hindi mo tinatanong kung anong nangyari kanina?""Hindi na kailangang itanong," ang boses ni Aless ay malalim at buong-buo."Puwede kitang pangaralan kapag tayo lang dalawa sa loob ng kwarto, pero sa harap ng ibang tao, palagi kitang poprotektahan nang walang anumang kondisyon."
Agad na napawi ang kadilimang bumalot sa buong bakuran. Isang sinag ng liwanag mula sa labas ng bumukas na pinto ang direktang tumama sa pwesto ni Elara.Dahan-dahan siyang lumingon at nakita si Aless na nakatayo nang tuwid habang nasisinagan ng liwanag mula sa kanyang likuran.Ang matangkad, makisig, at makapangyarihang pangangatawan nito ay tila pinaliligiran ng gintong awra, na nagbibigay ng isang hindi matitinag na lakas at nagpapakita ng kanyang marangal na estado.Nanlaki ang mga mata ni Elara sa matinding gulat habang nakatitig sa lalaki."Aless..."Hindi ba't nasa Cebu siya ngayon para sa isang business trip?Sina Herardo, Danica, Olivia, kasama ang ma
"Noong pumanaw ang ina nina Elara at Deo, may iniwan itong mga alaala na hanggang ngayon ay nasa kamay ko pa rin.""Anong alaala?" interesadong tanong ni Danica."Mula noong ipanganak sina Elara at Deo, ang nanay nila ay palaging nagrerekord ng video kasama sila tuwing kaarawan nila nang walang patid. Ang mga video na 'yon ay nasa tabi ko ngayon, at sigurado akong gagawin ni Elara ang lahat makuha lang 'yon."Naintindihan agad ni Danica ang plano ng ina."Wala na ang nanay nila at hindi na nila ito makikita sa totoong buhay. Ang makita ang mukha at marinig ang boses ng nanay nila sa video ang tanging paraan para maalala ito. Siguradong magkakandarapa si Elara para makuha 'yan!"Mabilis na naghalungkat ng mga drawer at cabinet
Ang sandaling mabanggit ang dahilan ng pagkamatay ng ina nina Elara at Deo, ang buong sala ay biglang nabalot ng isang nakabibinging katahimikan.Ang paksang ito ay parang isang high-voltage wire, isang maling hawak lang ay siguradong sasabog ang lahat, kaya naman urong ang dila ng lahat. Si Olivia, na karaniwang napakatulis ng bibig, ay hindi nanganahas na magsalita ngayon. Maging si Danica ay maingat na nagmamasid sa reaksyon ni Herardo.Si Herardo na madalas magmataas at umasta na parang hari ay nanatiling tahimik at hindi makakibo, bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkakasala.Tiningnan sila ni Elara at isang malamig na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Para lang siyang nanonood ng mga payaso na nagkakandarapa sa pag-arte sa loob ng isang sirko.Isang katulo
"Papa, nagdudugo ang kamay mo!" sigaw ni Danica.Tinitigan niya si Elara nang may nanlilisik na mga mata. "Bakit wala ka man lang reaksyon?!""Hindi naman ako ang nasugatan, bakit ako magkakaroon ng reaksyon?" sagot ni Elara.Natigilan si Danica ng tatlong segundo, bago sumigaw nang mas malakas. "Galit na galit si Papa dahil sa'yo kaya niya nabasag ang tasa, at sa tingin mo pa rin wala kang kasalanan? Napakawalang utang na loob mo! Dapat kang mahiya sa mga ginagawa mo!"Malamig namang sumagot si Elara. "Bilisan mo na lang maghanap ng band-aid para sa papa mo. Kung magpapatumpik-tumpik ka pa ng isang segundo, baka maghilom na ang sugat sa bagal mo."Mabilis na tumalikod si Danica para maghanap ng band-aid. Ang sandaling hinila niya ang drawer at kinuha ang band-aid, bigla niyang napagtanto kung bakit sunod-sunod siya sa mga utos ni Elara.Ang kasalukuyang Elara ay napakaganda, at may napakalakas na awra. Ang bawat kilos nito ay nagpapakita ng isang marangal na antas ng pagkatao, na n
"Nakita ko lang sa fashion week ang Hermès na bistidang suot mo. Hindi pa 'yan inilalabas dito sa bansa natin, ah. Paano mo 'yan nakuha ngayon?" naiinggit na tanong ni Danica."Dahil mayroon akong mabuting asawa na lumipad pa papuntang Europa para lang bilhan ako ng mga damit. Huwag ka nang mainggit. Ang mga mararangyang haute couture na damit na nagkakahalaga ng daan-daang libo, mayroon akong sampung closet niyan sa bahay. Pang-araw-araw ko lang 'tong suot."Hindi man lang mapangarap ni Danica ang ganoong karangyaan kaya sumagot ito.. "Nagyayabang ka lang naman, eh.""Wala akong obligasyon na magpaliwanag sa mga taong makitid ang utak. Nirerespeto ko ang bawat palaka na nakatira sa loob ng balon, pero tuwing nirerespeto ko sila, binubuhusan ko ng kumukulong tubig ang balon nila."Nanatiling kalmado si Elara habang naglalakad patungo sa hapag-kainan, bago direktang naupo sa pinaka-ulo ng lamesa, ang upuan para sa pinuno ng bahay. Sa kanyang pulang bistida at marangyang kilos, mukhan
Nabigla ang lahat. Napako naman sa kinatatayuan niya si Ivory."Pumasa si Elara! Nagawa niya ang bagay na walang sinuman sa atin ang nakagawa! Ang galing! Para siyang baka na lumilipad sa eroplano, sobrang astig!" Bulal
Ngunit kalmadong tiningnan ni Elara ang walong ahas sa kahon, saka inilabas ang kanyang telepono."Kukuhanan ko muna sila ng litrato para mai-post sa story ko."Natula
Sa tuwing naaalala niya kung paano siya binu-bully ni Yana, nakaramdam siya ng matinding takot at kahihiyan na tila gusto niyang maiyak."Paano ka niya binu-bully? Binugbog ka ba niya?" tanong uli ni Elara.
Nang mapagtanto ni Elara na wala rin siyang suot na anuman, agad siyang naupo at bumangon mula sa kama. Habang naliligo si Aless sa banyo, pinulot ni Elara ang kanyang nightgown







