LOGINNasa second interview na siya kasama ang department manager na si Kyle De Leon.
“Ms. Castillo, napakahusay ng skills mo. May tanong lang ako, given na uso na ngayon ang online classes where teachers are required to appear on camera, bakit zero ang recorded experience mo in this area?”
Hindi nagpaligoy-ligoy si Elara at tapat na sumagot..
Gayunpaman, dahil sa iba’t ibang dahilan, hindi pa rin sila nagkakaroon ng pagkakataong gawin iyun. Kaya baka iniisip ni Elara na puro salita lang siya pero walang gawa.O baka naman...?Tumingin si Aless sa mga mata ni Elara, ang mga matang tila may taglay na pang-aakit. Sa paningin ni Aless, ang titig na iyon ay tila... panunukso. O baka gusto na rin ng dalaga pero hindi niya ito mapagbigyan, kaya iniisip nitong mahina siya?Sa totoo lang, lumihis na ang iniisip ni Aless. Ipinanganak si Elara na may mapungay na mga mata, kahit sino ang tingnan niya, mukha siyang nanunukso, kahit pa aso o pusa ang tingnan niya nang matagal, mukhang puno pa rin ito ng pagmamahal.Sa isip ni Aless, dahil mukhang "gusto" na rin naman ni Elara, bilang asawa ay natural lang na pagbibig
Pinagmasdan ni Olivia ang matangkad at eleganteng pigura sa tabi ni Aless, habang nakakunot-noo na nag-iisip."Parang kilalang-kilala ko ang babaeng ito, parang nakita ko na siya dati." Ganoon din ang nararamdaman ni Danica.Sa unahan, lumabas na ng mall sina Elara at Aless. Nakita ni Olivia ang profile ni Elara at napasigaw…"Iyan ang babaeng kasama ni Deo noong araw na iyon!""Siya nga!" gulat na sigaw ni Danica.Agad na nakaramdam ng kaba ang mag-ina. Ang babaeng nakita nila ay sadyang napakaganda at nakakaakit ang ningning. Sa pagkakaroon ng ganitong klaseng ganda sa tabi ni Aless, hindi kaya makuha nito ang kanyang puso?Kung mangyayari iyon, mawawala
Dinala ni Aless si Elara sa Dior boutique sa SKP. Sa sandaling makita ng mga shop assistant si Aless, kuminang ang kanilang mga mata na tila nakakita ng isang "god of wealth".Ang mga saleswoman na karaniwang suplada ay biglang naging palangiti at sipsip."Mr. Valderama, dumating na po kayo. Tuloy po kayo," bati nila.Katabi ni Aless, nakaramdam din si Elara ng labis na atensyon at maingat na serbisyo. Inilabas ng shop assistant ang isang hanay ng mga damit. Napansin ni Elara na lahat ng ito ay ang pinakabagong disenyo ng Dior ngayong taon, na nakita na niya sa telebisyon noong spring release event.Ang bawat piraso ay sobrang mahal na katumbas na ng kanyang sahod sa loob ng isang taon."Sige, isukat mo ang mga 'y
Magkasunod na umakyat ang mag-asawa sa second floor. Tinanggal ni Deo ang napkin sa bibig, kumuha ng malaking subo ng beef salad, at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga."Haaaay, ang lungkot talaga. Hindi na ako makakain nang maayos." Sabay subo ulit.………Pagpasok ni Aless sa kwarto sa itaas, saktong tinatanggal ni Elara ang kanyang nightgown. Dahil dito, lumaylay ang manipis na mga strap nito mula sa kanyang balikat hanggang siko, kaya nalantad ang kanyang maputi at malambot na balat nito.Hindi naiwasang mapatitig ni Aless sa hubog ng dibdib ni Elara. Pareho silang napako sa kinatatayuan at tila may kuryenteng dumaan sa pagitan nilang dalawa.Dahil hindi pa sila ganoon kapalagay sa isa&rsquo
Alas-singko ng hapon, tumayo si Aless mula sa kanyang swivel chair, isinalansan ang itim na suit sa kanyang braso, at lumabas. Pagbukas niya ng pinto ng opisina, laking gulat niya nang bumungad sa kanya ang kanyang lola."Lola, anong ginagawa niyo rito?" tanong niya."Nabalitaan kong aalis ka na naman para sa isang business trip ngayon?" sagot ng lola ni Aless."Sino pong nagsabi sa inyo niyan?"Yumuko lang ang assistant sa tabi, hindi makaimik sa takot. Hindi naman binenta ni Lola ang kanyang source.."Huwag mo nang alamin. Narito ako para sa isang bagay. Gusto kong makilala ang asawa mo, ang apo ko na hindi ko pa nakikita."
“ Miss Locson, pwede na po kayong pumasok” sabi ni James.Pumasok si Ivory sa opisina na may mahinhin na ngiti at malambing na boses."President Valderama, narito po ako para mag-report tungkol sa academic performance ng kapatid ninyo.""May iba akong gustong malaman ngayon." Malamig ang ekspresyon sabi ni Aless.Nagtaka si Ivory sa turan nito. Dati, ang kapatid niya lagi ang unang tinatanong nito. Anong nagbago?"Ano po iyon, President?""Lumabas na ba ang recruitment results kahapon?""Opo, President. Nakapag-send na rin kami ng offers sa mga nakapasa." confident na sagot nito.







