Share

Chapter 10:

Kababa lang namin sa Rollercoaster ni Patrick. Gusto ko pang sumakay sa ibang rides pero sa itsura nito ngayon, hindi na kakayanin ng konsensya kung pasakayin pa siya ulit sa iba pang rides.

Nakayuko ito habang nakaupo kami sa isang bench dito sa amusement park. Ilang minuto na siyang nasa ganoo'g ayos kaya nakaramdam na ako ng pag-aalala.

"Pasensya ka na. Sinabi ko naman kasing ako nalang ang sa-sakay," sabi ko, saka marahang tinapik-tapik ang likod nito.

Umayos naman ito sa pag kakaupo. Sumadal ito saka i-niling-iling ang ulo bago binaling ang tingin niya sakin.

"Ako ang nag-aya sayo kaya hindi pwedeng iwanan kita," nakangiting sabi niya.

"Pero kahit na. Alam kung pinilit mo lang ang sarili mong samahan ako," sabi ko.

"Ayos lang ako kaya huwag ka ng mag-alala. Isa pa, masaya akong kasama ka."

Umiwas ako nang tingin sa kanya.

"Uwi na tayo," aya ko.

Tumayo na ako. Sumunod naman ito.

Masayang kasama si Patrick at nasisiguro kong hindi ito mahirap mahalin. Nasa kanya rin ang katangian
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status