Share

Chapter 2:

Mamang, Papang, Kuyang! Mapatawad sana ninyo ako. Hindi ko na matutupad ang pangako kong maikasal muna bago isuko ang bataan. Kasi naman napakagwapo ng lalaking palapit ngayon sa akin. Once in a lifetime lang po ito kaya sana maunawaan ninyo ako. Maganda at gwapo naman po ang magiging apo at pamangkin ninyo.

Sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko pati utak ko naapektuhan na. Kung anu-ano nalang na i-isip ko. Sana lang may mindlink ako para marinig iyon ng pamilya ko. Para kung makabuo agad kami ni Rex,hindi na ako mahihirapang mag-explain sa kanila. Lalo na kay Kuya, masiyado pa namang matigas ang bungo nun kaya mahirap maka-absorb ng impormasyon ang utak niya. Hindi ko naman sinasabing boplaks iyong Kuya ko. Sadyang matibay lang talaga bungo niya kaya medyo slow siya.

" B-boss," sambit ko sa nanginginig na boses ng isang hakbang na lang ang layo niya sa akin.

Umurong naman ako patalikod. Ayoko naman kasing ipahalata na sabik ako sa kanya. Kailangan ko ring magkunwaring kinakabahan tulad sa mga babae sa palabas kapag first time nila. Kahit pa ang totoo gusto ko nang lumambitin sa kanya na parang tuko at sunggaban ang mamasa-masa at mapula niyang labi.

Mukhang may itinatago ring pagnanasa sa akin itong si Rex.

Lumapit pa ito sa akin at hindi na ito nag iwan ng puwang sa pagitan namin. Napalunok ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga nito sa mukha ko. Sa lapit namin sa isat-isa natitigan ko ang gwapo at makinis nitong mukha. Hindi uso sa akin ang mga salitang 'it's rude to stare'.

Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para imemorize ang bawat parte ng mukha niya kaya mariin ko itong tinitigan. Nagdulot rin ng init sa katawan ko ang mainit na hanging tumatama sa mukha ko galing sa paghinga niya. Kasabay pa nito ang pakiramdam na parang may nagrarambulang kabayo sa loob ng puso ko.

Ang mga mata niya'ng kulay kayumanggi na malamig kung tumitig. Labi niya'ng korteng oval na kay tagal ko nang inaasam-asam na matikman. Matangos na ilong na gusto kong manahin ng magiging mga anak namin.

Natapos ang pagtitig ko sa mukha nito nang ilapit nito ang mukha niya sa leeg ko. Dumaloy ang bulta-boltaheng kuryente sa buong katawan ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga.

Ano pang hinihintay niya? Bakit hindi pa niya sunggaban ang leeg ko?

Nakatayo lang ako pero para akong nakikipag-marathon sa bilis ng tibok ng sa puso. Sana lang hindi pa siya naglilinis ng tenga niya para hindi niya marinig kung gaano nagwawala ang puso ko ngayon.

"You wanna build a baby, humm," sabi niya, pagkaraan ng ilang minuto niyang pananahimik.

Lahat yata ng kuryente sa meralco dumaloy sa buong katawan ko. Partidang wala pa siyang ginagawa sa lagay na iyan. Gusto kung sumagot ng OO pero pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko namang maging pakipot kahit sandali lang. 

"But before that.." Lumayo ito sa akin at umayos ito ng tayo sa harapan ko. "Clean my room, change all the bedsheets and curtains."

Para naman akong ini-lublob sa drum na mayroong nagyeyelong tubig. Pagkatapos niyang mag-salita tinalikuran na niya ako at naglakad na ito palabas ng kwarto niya.

Pangalawang beses na niyang mag-walk-out niyan. Nakakainis! Hindi naman niya kailangang magtimpi. Nasa legal age na rin naman ako para makipag bakbakan ng n*******d sa kanya.

Nasaan na iyong build a baby niya?!

Ilang minuto pa akong tumunganga doon bago simulan ang ipinagagawa nito.

Alam ko namang niloloko niya lang ako at ako naman itong si tanga nag assume agad. Pero hindi ko naman mapigil ang sarili kong 'di umasa. Minsan lang sapian ng kamanyakan si Rex, syempre iga-grab ko na iyong opportunity. Kung natuloy iyon edi, naka-jackpot ako. Pero doon na lang din tayo sa reyalidad na suntok sa pader na maging type niya ako. Like hello! I'm just a maid and nobody would like a maid, lalo na't mayaman pa ito. Hindi naman kasi totoo ang nasa pelikula at pocket books. Ang mayaman ay para sa kapwa niya mayaman lang. Peryod!

Nilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa paglilinis ng kwarto. Lahat ng sulok winalis at inayos ko. 

Abala ako sa pag pupunas ng lampshade niya ng mapansin ko ang librong may bahagyang nakaangat na pahina. Bilang natural na sa ating mga pilipino ang pagiging mausisa, kinuha ko ang libro at binuklat ito. May litrato'ng naka-ipit sa nakaangat na pahina. Litrato ni Rex kasama ang napakagandang girlfriend niyang si Ma'am Camille. Napakatamis ng ngiti nito sa litrato habang nakahawak pa ito sa bewang ni Ma'am Camille. Makikita ang saya sa mukha niya. Pero sa halos tatlong buwan kong pamamalagi rito, hindi ko man lang nasilayan ang ngiti niyang katulad sa litrato.

"What are you doing?" nabitawan ko ang litrato at librong hawak ko dahil sa gulat. "Who gave you permission to touch my things!" galit na lumapit si Rex sa akin.

" P-pasensya na po b-boss," nangangatal ang boses kong sabi.

" Get Out!" singhal nito habang nakaturo sa pinto ang kamay nito.

Mabilis naman akong lumabas ng kwarto niya. Halos takbuhin ko ang pag-baba ng hagdanan. Dumiretso agad ako sa silid na nakaalan para sa aming mga katulong. Pagbukas ko palang ng pinto tumulo na ang luha ko. Pinipiga ang puso ko nang sandaling iyon na kung hindi ako iiyak baka tumigil na lang sa pagtibok ang puso ko.

"Ming, Ming!" Umungol ako nang maramdaman ang pag-yugyug sa balikat ko. "Maria Ingrid Natasha Garcia! Gumising ka. Abah! oras ng trabaho natutulog ka," boses ni Aling loleng. Agad naman akong nagmulat ng mata saka ako bumangon.

Nakatulog pala ako?

"Pasensya na Aling loleng, napagod ako sa paglilinis ng kwarto ni Boss," sabi ko rito saka tumayo at inayos ang damit ko. 

"Oh siya, sumunod kana at maghahanda na tayo ng hapunan," sabi niya saka humakbang pero tumigil rin ng magawi ang tingin niya sa mga mata ko.

"Umiyak kaba?" tanong niya na nakakunot ang noo. Hindi rin nito inaalis ang tingin sa mga mata ko.

"Hindi po. Napuwing po ako kanina sa alikabok sa kwarto ni Boss," pagsisinungaling ko.

Hindi ko pwedeng sabihin na umiyak ako. Matalik na kaibigan ni Mamang si Aling Loleng, baka mamaya natuyuan ng tubig ang utak niya at bigla niyang sugurin si Boss kapag umamin ako. 

Hindi na ito umimik pa at tumuloy na sa paglabas ng kwarto. 

Si Aling loleng ang pinakamatagal ng katulong rito at siya rin ang nagpasok sa akin dito. Pinalitan ko ang pamangkin nito na ngayon ay nasa ibang bansa na. 

Nang magbakasyon si Aling Loleng sa amin at sinabi nitong naghahanap ng katulong ang amo niya hindi na ako nagdalawang isip na sabihing ako ang ipasok niya. Tumigil kasi ako sa pag-aaral dahil nakikita ko kung paano ang hirap ng magulang ko para makapagtapos lang ako ng highschool. Hindi naman aalis iyong paaralan ng kolehiyo sa amin kaya mag-iipon muna ako.

"Hoy!" 

Napalingon ako kay Linda isa sa mga kasamahan ko dito nang sikuhin niya ako. Nasa kusina kami at abala sa paghahanda ng hapunan.

"Bakit?" kunot noo'ng tanong ko saka hiniwa ang gulay na isasahog sa niluluto ni Aling loleng.

"Nakatulala ka kasi anong meron?"tanong niya saka nagpatuloy na rin sa ginagawa niya.

"Wala iniisip ko lang na--" Hindi ko tinapos ang sasabihin ko.

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihing iniisip ko si Boss saka iyong nangyari kanina.

"Iniisip mo ang alin?" nasa akin na ang buong atensyon ni Linda. Kilala ko ito, hindi siya titigil hanggat wala itong nakukuhang sagot.

"Iniisip kong mag resign na,"sagot ko para may masabi lang. Pero hindi ko alam na seseryosohin pala iyon ni Aling loleng dahil tumigil ito sa ginagawa niya at lumingon sa amin.

"Anong sinasabi mong magreresign ka hah, Ming!" Tinuro pa nito ang sandok na hawak niya sa akin. Ginagamit niya iyon sa paghahalo ng niluluto niya.

Magsasalita sana ako para sabihing hindi totoo iyon nang maunang magsalita si Linda.

"Sir Rex, nandyan pala kayo."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status